Halimuyak ng mga Bulaklak

All Rights Reserved ©

Summary

A collection of flower poetry 🌻

Genre
Poetry
Author
MayumiYumi
Status
Complete
Chapters
4
Rating
n/a
Age Rating
13+

Dilaw

Pagmasdan mo sa kalangitan ang mga tanglaw.

Hindi ba't ang kadakilaan nila'y nakakapukaw?

At pagmasdan mo naman ang mga dilaw.

Namumukadkad sila sa ilalim ng bughaw,

Hinahabol ang sikat ng araw.

Ngunit para saan nga ba nilikha ang mga dilaw?

Marami ang gumagamit sa kanila sa panliligaw,

Umaasang ang puso ng iniirog ay mananakaw.

Kailanman ay hindi ko nakitang inialay ang dilaw para sa isang pumanaw,

Ngunit iniaalay sila upang ang pag-asa ay mangibabaw.

Pagmasdan mo ang hardin ng mga dilaw.

Hindi ba't sa gitna ng bagyo sila'y sumasayaw?

Matangkad na tumitindig ang mga dilaw,

Sapagkat alam nilang ang mundo'y hindi magugunaw.

Sa panahong madilim na ulap ang lumilitaw,

Pagmasdan mo ang mga dilaw,

At sa ulan, ikaw ay magtampisaw.

Ang buhay ay sadyang napakababaw,

Kung pagmamasdan mo lamang ang mga dilaw.