Across The Warmest Hours

All Rights Reserved ©

Summary

Aeliana Rodriguez never expected that the boy she met under the golden sun would change her life forever. Hired as a tutor for Cyrus Gonzales’ younger sister, she found herself falling for him—slowly, deeply...dangerously.

Status
Ongoing
Chapters
2
Rating
n/a
Age Rating
18+

Chapter 1: Unexpected Encounter

[Aeliana's Pov]

---

"Sumama kana kasi!"

Patuloy ang aking pagnguya ng popcorn habang nanonood ng pelikula sa TV.

"Tse! Ano namang mapapala ko doon?" tanong ko sa kanya.

"G*ga, hiking 'yun, gusto kitang isama, di'ba sabi mo, tabing dagat ang kubo niyo sa probinsya kaya hindi ka pa nakakaakyat sa isang burol?"

"Tapos?"

Huminga siya ng malalim at kaagad na hinawakan ang kamay ko, dahilan upang malingat ako sa kanyang mukha.

"Ayoko namang iwanan ka dito, ano namang magagawa mo dito bukod sa panonood ng anime at pag-nguya ng popcorn."

Nakita ko ang nakakaawa niyang ekspresyon. Ugh, that face! Kinukuha niya na naman ako sa kanyang karisma!

"Fine!"

Parang nanalo siya ng lotto ng marinig niya 'yun galing saakin. "Sasama ka?!"

"Paulit-ulit?"

"Hindi," pinatayo niya ako, "sige na at mag-empake kana!"

Pagkatapos kong mag-empake ay agaran kaming sumakay sa pinakamalapit na terminal ng bus. Konting damit lang naman ang dala ko. Isang araw lang naman kami doon, at tsaka next week, matatapos rin naman itong sembreak.

Mahaba-habang byahe ang ginugol namin bago marating ang lugar kong saan kami magha-hiking.

Pagkababang-pagkababa sa cab ay binasa ko na kaagad kong anong bundok ang aakyatin ko.

"Mt. Apo?!" abot-tanaw yata ang ngiti ko ng makita ang karatula. The highest mountain in the Philippines!

"Oo, di'ba nakaka-excite!" tili ni Rina.

Tiningnan ko siya na nakapamewang at nakataas ang kilay. Mas oa pa ang reaksyon niya kaysa saakin.

Huminto naman siya at nagkamot ng batok. Napahiya yata?

"By the way, nasaan yung mga classmates mo?" biglaan kong tanong.

"Nasa cottage malapit dito, naghahanda sila." simpleng sagot niya. "Tara na!"

Malapad na ngiti ang huli kong ginawa bago kami magtungo sa cottage kong saan ang mga kaibigan niya.

"Nice to meet you, Aeliana.Im Iris!" nag-abot ng kamay ang isang babae, isa sa mga kaibigan ni Rina.

"Liana nalang." pekeng ngiti sabay tanggap sa pawisan niyang kamay. Ang oa ko naman kong hindi ko tatanggapin.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na yung magga-guide sa amin. Ilang instructions lang naman ang binigay niya at tsaka sinamahan niya na kami paakyat.

Mga nasa pitong tao yata kaming sabay umakyat ng bundok. Masukal ang iilang parte. May mga kasabayan rin naman kami, sa pakiwari ko'y kaedad lang 'rin namin.

"Guys, di paba kayo napapagod?" hingal na wika noong Antonio-classmate ni Rina.

"I think we should rest muna." suhestiyon naman ng isa pa niyang kaibigan na ang hilig maglagay ng pulbura sa mukha, parang si Sadako tuloy.

"Ok guys, magpahinga muna tayo."

Walang nagawa si kuyang guide kundi pakisamahan kami.

Umupo muna kami sa nakatumbang puno, masukal parin ang paligid. Nakakatakot naman kong may mapadaang ahas.

Biglang kumiling ang gitnang parte ng aking katawan. Senyales iyon na.... naiihi ako!

Hayup! Kung saan pa naman nasa liblib ako, dito pa talaga tutunog ang huni ng kweba!

"Uhmm, Rina?" kinalabit ko si Rina na busy sa pakikipagusap sa isa sa mga classmate niya. Di ko siya masisisi kong ang dal-dal niya ngayon. Magtagal tagal narin sila ng nagkita simula noong sembreak.

"Hmmm?"

"Saan ba pwedeng mag-wiwi dito?" nakakahiya kong tanong.

"Patay tayo d'yan." nagkamot siya ng batok at nag-isip.

Maya-maya pa'y bigla niyang itinuro ang malaking puno ng bundok, kung saan masisilayan lang galing dito.

"Doon ka nalang kaya, di naman gaanong masukal doon, swerte nalang kong may ahas na kakagat yan sa p*ke mo!"

Napanganga ako at naramdaman ang pang-iinit ng aking pisngi.

"Bibig mo." pinisil ko ang balikat niya.

Iginiya ko ang tingin sa may puno. Tama nga siya, di gaanong masukal doon, pero nakakatakot parin.

No choice ako kong di ako doon iihi, baka maka-ihi pa ako sa climb kapag patuloy kong titiisin to!

Walang pag-aatubili akong pumunta sa likuran ng puno. Good thing dahil may nakaharang na bato. Ibinaba ko na ang suot kong jeans at umupo na.

Sana lang talaga ay walang ahas ang aaligid dito, dahil baka hindi bahay ang uuwian ko, sementeryo!

Nawala ang payapa kong pag-ihi ng biglang maramdaman kong may gripong umaagos sa aking likuran, nababasa nito ang suot kong kamesita.

May gripo?

Nilingon ko ang aking likuran, napasigaw ako sa gulat ng makitang may ahas na nagbubuga ng tubig!

Ibang ahas yata!

T*ng-ina 'di ba niya nakikitang umiihi rin ako dito.

Kaagad kong itinaas ang suot kong jeans, nagpumiglas pa ang manipis-nipis kong panty! Kasabay noon ay ang pagkagulat rin ng lalaki.

Napasandal siya sa puno habang patuloy paring nakabukas ang kanyang ahas.

Infairness, may ipagmamalaki!

Tinampal ko ang sarili ko. Apaka manyak mo, Liana!

"Wala kabang balak takluban yan?!" Iniharang ko ang aking palad sa aking mukha, upang hindi makita ang natatanaw ko view-este-kalaswaan.

Napansin niyang nakabukas parin zipper ng kanyang jeans kaya agad niya itong isinara.

"G*go kaba, nakikita mo namang umiihi ako d'yan diba?!" pangmamaktol ko.

"Kasalanan ko ba kong maliit ka, and besides na enjoy mo naman ang ahas!" proud and loud na saad pa niya.

Ano raw? Nagustuhan ko?

"G-g*go, hindi!"

"Ba't ka utal-utal?" panunukso pa niya habang nakangisi.

Kainis! Sino ba 'tong hinayupak na'to!

Pinulot ko ang bato sa lupa at dali-daling binato ang lalaki, at tsaka tumakbo palayo na parang tanga.

"I'm Cyrus, what's your name Miss?" pahabol na sigaw niya.

"'What your name' mo yung mukha mo!"

"Look at the blazing sun."

Ako namang si g*ga ay tiningnan talaga ang araw na para bang 'di pinapaso ang mga mata sa sinag ng araw.

"Kasing ganda mo!" habol niyang sabi habang patuloy lang ako sa paglalakad palayo.

"Tumahimik ka ahas!"