Chapter 1
CHAPTER 1
“Ouch.” ngiwi ko sabay hawak sa likuran kong tumama sa malamig na semento. Napakagat labi naman akong nakangiwi habang minamasahe ang likurang tumama sa matigas na sahig. Sa dinami-rami nang pambungad sa umaga ko, ang mahulog pa talaga sa higaan.
Umagang kaymalas nga naman.
Tatlong katok ang nagmula sa pinto ng aking silid habang dahan-dahan akong bumabangon mula sa pagkakahulog. “Cath apo, ano iyong kumalabog?” tanong ni lola sa kabilang pinto. Marahil narinig nito ang lagabog ng mahulog ako kanina mula sa pagkakatulog. Malikot din kasi ako matulog, kaya madalas ay nahuhulog ako sa higaan.
“Ah, wala lang po la nahulog lang po ako sa higaan habang natutulog.” sagot ko habang, napapakamot sa sariling ulo. I stretched my back ang massage it using my hand. Ala sais na pala tingin ko sa orasan sa loob ng kwarto ko.
Dumako naman ang atensyon ko sa pintuan ng binuksan ni lola ang pinto ng kwarto ko saka nag tanong. “Okay kalang ba?” Puno ng pag-aalalang tanong ni Lola habang nakataas pa ang dalawang kilay.
“Opo, hindi naman po masakit.” I respond and laugh a bit kahit masakit naman talaga ang pagkakahulog ko mula sa higaan. Para lang hindi gaano mag-alala si lola sa’kin. Ayos lang naman talaga ako, medyo masakit lang dahil semento ang pinagbagsakan ko pero mawawala rin naman ito maya-maya.
“Ah, sige mauna na ako at ako’y may trabaho pa. Ikaw na muna ang bahala rito sa bahay. May pagkain sa kusina kumain kana, may mainit na tubig na rin doon magtimpla kanalang ng kape.” ani lola na tinanguhan ko.
“Opo la, mag-ingat po kayo. Huwag gaano magpakapagod ng sobra.” paalala ko kay lola bago ito tuluyang umalis. I really admired my lola determination and hardwork. Kahit na may-edad na ito’y nagsusumikap paring magtrabaho para sa’ming dalawa. Kaya, pangako ko balang araw, aalisin ko si lola kung nasaan man kami ngayon.
May trabaho naman ako, pero patuloy parin si lola sa paghahanap-buhay dahil sa rami ng gastusin, isa pa’y malapit na ang pasukan kaya todo-todo nalang ang kayod naming dalawa ni Lola para sa’king pag-aaral.
Si lola ang nag papaaral sa akin at bumubuhay kahit may edad na ito. May lakas parin ito sa pagtatrabaho para may makain kami at para may pang tustus ako sa pag-aaral, sa lahat naman ng gastusin ay naghahati kaming dalawa ni Lola para gumaan ang aming mga bayarin.
My mom and dad died when I was five years old. My mom died because of Car accident kasama si Dad. Kaya si lola nalamang ang natitira kong pamilya wala naman kasi akong kapatid. Gustong kong makapagtapos ng pag aaral para masukliaan ko lahat ng pag hihirap ni lola para sa akin.
Lumabas na ako ng kwarto saka nagtungo sa kusina para mag almusal. Nag timpla muna ako ng kape bago kumain. After I ate, nag simula na rin akong mag linis ng bahay. Isa kasi sa mga nakagawian ko’y linisan ang buong bahay bago umalis at pumasok sa trabaho. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay namin ni Lola, talagang saktong-sakto lang sa’ming dalawa.
Isang linggo nalang pala at pasukan na kaya nag tatrabaho ako sa isang restaurant bilang waitress para makaipon man lang ng pera para sa mga gamit ko na kailangan kong bilihin hindi naman pedeng umasa ng umasa nalang ako kay lola.
I’m was in the middle of cleaning when my phone rang. Mabilis kong dinampot ito saka sinagot ang tawag.
“May gagawin ka mamaya Cath?” Shiela asked me as I answered the phone call. Shiela is one of my best friend.
“May trabaho pa ako mamaya. Bakit ba?”
“Ano bayan sayang, gala sana tayo later, may bagong bukas na pasyalan malapit sa palengke kasi puntahan sana natin.”
“Ahh, hindi kasi ako pwede kailangan ko pang pumasok mamaya.”
“No bayan.” even I didn’t see Shiela’s face I know she’s pouting right now.
“Sorry na, bawi ako sayo next time. Promise.”
“Okay.” Shiela said. Alam kong nag tatampo ang kaibigan dahil hindi niya ito masasamahan sa pupuntahan nito. Gusto ko mang sumama ngunit wala akong oras para sa mga ganiyan. Mas importante sa ngayon ang trabaho.
“Sige na ba-bye na, naglilinis pa ako ng bahay.” I said to Shiela and ended the call. I continue cleaning the house before I go to my work.
“Ang aga mo ah.” bulalas ns bungad ni kuya Ray ang may ari ng restaurant na pinag tatrabahuhan ko. Ang Raytaurant.
I smiled at him. “Good morning po.” bati ko pabalik kay kuya Ray. Kaya parehas nalang kaming nagtanguan sa isa’t-isa.
I entered the restaurant. Bumungad naman sa akin ang maraming customer. Talagang malakas ang benta ng restaurant ni kuya Ray dahil dinarayo ito ng dinarayo ng mga tao. At isa pa masarap at unique rin kasi ang mga pagkain na inihahanda namin para sa mga customer namin.
“Tamang-tama ang dating mo Cath halika at tulungan mo akong ipamigay itong mga order. Ito’y para sa table 5 at ito naman ay sa table 8.” saad ni ate Feit ka trabaho ko rito sa Restaurant. Ngumiti ako bago kay Ate Feit saka agad kong kinuha ang bitbit nito at dinala sa mga umorder.
Bumalik ako sa counter pagtapos kong madala ang mga order. Ibinaba ko ang bag ko saka naghatid muli ng mga order sa customer.
“Ang bobo mo naman, hindi naman ito yung order namin ah!” bulyaw sa akin ng isang customer dahil maling order ang naibigay ko sa kanila, isang hakbang naman akong napa-atras dahil sa takot, while my gaze was pointing at the floor.
Hindi ko kasi magawang tumingin ng tuwid sa lalaking ’to. Isa pa, maraming tao na ang nakatingin sa’min na mas lalong nagpadagdag ng kahihiyan ko ngayong araw.
“Sorry po, akala ko po kasi sa inyo yung order.” paghingi ko ng tawad habang naka yuko, wala akong ibang masabi kundi ang humingi ng paumanhin.
“Bilisin mo ang tanga-tanga mo kasi. Kung ako ang may ari ng restaurant na to tanggal kanang tanga ka.” gusto ko nang maiyak dahil sa masasakit na sinasabi sa akin ngunit pinipigilan kolang itong tumulo. Gusto kong magalit dahil sa kapal ng mukha ng lalaking ’to matapos akong mura-murahin, hindi ko lang magawang patulan dahil baka mawalan pa ako ng trabaho.
Kaya para matapos na ang kaguluhan, kinuha ko na ang maling order na naibigay ko sa customer. Pagtalikod ko roon na tumulo ang luha ko. Bumalik ako sa counter saka kinuha ang tamang order nila. I dried my tears before returning back to them.
“Ito na po yung order niyo.” magalang kong saad saka inilapag ang mga order nila. Showing I am not affected on what they said earlier. Na para bang walang nangyari kanina.
“Ayan! tatanga-tanga kasi.” I didn’t say anything but i smiled at them saka bumalik sa counter. Nagpakawala ako ng buntong hininga saka nilakasan ang loob.
“Okay kalang?” tanong ni ate fait saka tinapik- tapik ang likod ko. “Hayaan mo nalang yun. Wag mo ng intindihin ang mga taong iyon.” I just smiled at her dahil sa sinabi ni Ate Fait, yet it is a simple word but I really do appreciate it.
“Sige na balik na po ako sa trabaho.” paalam ko saka naglinis ng mga table na katatapos lang gamitin. Napaka-kalat nito at bagla-bagla ang mga gamit. Tapon-tapon din ang mga tirang pagkain. Hindi man lang nila iniisip na maraming tao ang hindi nakakakain at nag hihirap sa buhay tas sasayangin lang nila ang pagkain.
“Tama na ’yan, mag pahinga ka na muna roon Cath kanina kapa nag tatrabaho hindi kaba napapagod?” Tanong ni ate Fait habang tinutulungan akong linisin ang isang table na kakatapos lang kainan. “Kanina mo pa breaktime pero hanggang ngayon nagta-trabaho kapa rin.”
“Hindi naman po ako pagod Ate Fait, saka wala namang nakakapagod sa ginagawa ko. Wala naman po akong gagawin sa oras ng breaktime ko, kaya sasayangin ko nalang ito sa pagtatrabraho.” tanging tugon ko.
“Ikaw bahala, huwag pakapago ha.” ngumiti ako kay ate Fait saka nag pasalamat.
Agarang napatuon ang atensyon ko ng biglang umalingawngaw ang matinis na boses ng isang babae sa loob ng restaurant. “Cath!” Sigaw ni Shiela pag pasok sa Restaurant.
Anong? Anong ginagawa ng babaknitang ’to rito?
“Teka anong ginagawa mo dito?” bungad na tanong ko nang salubungin siya. Isang mahigpit na yakap naman ang natanggap ko mula rito ng magkalapit kaming dalawa sa isa’t-isa. Parang isang buong taon kaming hindi nagkita dahil sa pagiging oa naming dalawa.
“Wala lang, hindi kita mapapayag na samahan ako eh kaya ikaw nalang pinuntahan ko, tutulungan nalang kita rito sa restaurant.” sambit ni Sheila kaya napatanga nalang ako. Babaeng ’to talaga, wala ng magawa sa kaniyang buhay.
“Hindi mo naman kailangan gawin yan. Maupo kanalang dyan.” Pag hindi ko pagsang-ayon sa gusto ni Sheila.
“Gusto kong tumulong, ano kaba.” ani nito sabay tapik sa braso ko’t hila para tulungan ako.
Bumalik na ako sa pag tatrabaho ng unti-unti ng dumarami ang mga customer. Katulong ko naman sa pag hatid ng mga order si Shiela. Dahil wala na akong nagawa ng magpa-alam na ito kay Kuya Ray na tutulong siya. Buti at pinayagan ni kuya Ray na tumulong si Shiela sa Restaurant ngunit wala siyang sahod na matatanggap.
“By the way, kilala mo ba yung kambal na Suitarez?” kumunot ang noo ko sa tinanong niya. Sino naman ang mga iyon and beside kamalayan ko kong sino yun.
“Don’t tell me hindi mo kilala ’yon?!” gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Sheila, habang nakatingin sa’kin na parang mula ako sa sinaunang panahon dahil wala akong kaalam-alam.
“Hindi nga.” kwentuhan namin ni Shiela habang nag dadala ng mga order. Ngunit halos, halos magbulungan lang naman kami at sa tuwing magkakasabay kami sa paglalakad o tuwing walang gaanong customer na nagkwe-kwentuhan.
“Hala ka teh, yung billionaryong kambal ’Yon. Sikat na sikat kaya ’yang mga iyan dahil sa kagwapohang taglay nila talagang mag lalaway ka teh.” sikat? Bakit hindi ko kilala?
“Wala naman akong oras para sa mga ganiyan.”
“Lagi kanalang walang oras, teh give your self some time naman. Enjoyin mo naman ang buhay kahit minsan. Wala naman masama kong lumandi, maggala, mag-inom o mag walwal ka kahit minsan ’wag mo lang araw-arawin. Kahit maranasan mo man lang mabuhay ng ma experience mo man lang ang mga bagay na iyan.”
“Tama ang kaibigan mo Cath, enjoyin mo rin ang buhay paminsan-minasan. Wag mong masyadong itutok ang atensyon mo sa trabaho.” sabat ni Ate Fait sa likuran namin. Naglilinis din ito ng table.
“H8ndi ko naman kasi kailangan ma-experience pa ’yang mga iyan.” depensa ko sa sarili ko laban sa kanilang dalawa, isa pa wala rin naman akong interest sa mga ganoong bagay.
“Okay ikaw bahala.” ani ni Sheila. Napabuntong hininga nalang si Ate fait saka umalis matapos niyang linisan ang lamesa. “By the way, nakabili kana ba ng mga gamit mo para sa pasukan?“ biglang tanong ni Sheila para baguhin ang aming topic.
”Hindi pa, bakit?“ tugon ko, bago binalik sa kaniya ang kaniyang tanong.
”Tara sabay nalang tayo na mamili sa sabado, hindi parin ako nakakabili eh.“ I just nodded at her. Ipinag patuloy lang namin ang pag tatrabaho habang nag k-kwentuhan.
Bandang ala singko ng hapon umuwi si Sheila dahil hinahanap na raw siya sa bahay nila. Mamaya pang ala sais ang out ko kaya mamaya pa ako makakauwi. Tiyak nakauwi na si lola at nakahanda na ang hapagkainan, palagi naman kasing ganoon si Lola kaya talagang-alam na alam ko na.
Mag tatakip silim na ng makalabas kami sa trabaho. ”Bye, mauna na ako.“ paalam ni Ate fait saka winagayway ang kamay at sumakay ng jeep. Nag paalam muna ako kay Kuya Ray bago ako umuwi.
Naisipan kong maglakad nalang pauwi sa bahay dahil para ma relax-relax man lang ang aking utak at makapag exercise man lang ako kahit papaano sa paglalakad. Isa pa, makakatipid ako sa pamasahe, malapit lang din naman ang bahay namin kaya ilang minutong lakaran lang ang aabutin ko.
Sa gitna naman ng aking paglalakad. Isang bar ang aking nadaanan. Lalagpasan ko na sana ito ngunit na-curios ako sa kung anong itsura ng loob ng isang bar. Never pa kasi akong makapsok sa loob ng bar. Hindi pa nga ako nakakatikim man lang ng alak at the age of 20.
I decided na sumilip sa loob ng Bar to feed my curiosity. Wala pa ngang balak papasukin ako ng guard dahil akala nito”y minor pa ako. Pero kala-unan ay pinapasok na rin alo nito sa loob.
Pagpasok ko sa loob sumalubong sa akin ang maingay at mga babaeng nagsasayaw sa harapan. Mga lalaking nakikipaghalikan kung kani-kanino. Mga babaeng ang mga damit ay kita na ang kaluluwa. May mga gumagawa pa nga ng kababalaghan sa tabi. Hindi ko inaasahan na ganito pala ang itsura ng loob ng bar. Ang akala ko dati’y puro tugtog at mga nag iinuman lang ang mayroon sa bar. Hindi ko inaasahan na may mga ganito pala sa loob nito. Malayong-malayo sa imahinasyon ko.
Hindi ko kinaya ang atmosphere sa loob kaya lumabas na kaagad ako. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad pauwi, habang nagmumuni-muni, at hindi pa rin makapaniwala sa nakita sa loob ng bar.
I felt my phone on my pocket vibrating. Kaya dali-dali ko itong Kinuha at tiningnan kung ano ito. It’s Shiela, She’s Calling.
Bakit nanaman kaya?
”Oh, bakit napatawag ka?“ tanong ko mula sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag nito
”Wala lang, itatanong ko lang kong nakauwi kana.“ Tugon ni Sheila sa kabilang linya. Mukhang tumawag lang talaga ng babaeng ’to para tanungin kong naka-uwi na’ko.
”Ah, hindi pa pero pauwi na ako nag lalakad kasi ako pauwi para ma relax-relax man lang kahit papaano.“ Sagot ko.
”Okay, yun lang tinanong lang kita. Babye.“ ani ni Shiela saka binaba ang tawag. Napairap nalang tuloy ako sa hangin. Ibinalik kong muli sa bulsa ko ang cellphone. Sheila is my longest best friend. Magkaibigan na kami ni Sheila since grade 2 and still now.
I can say that Sheila is like my sister. We treat each other like we’re siblings. Si Sheila rin ang kasama ko sa lahat ng bagay. And one thing I can only say about her is I’m so lucky that I have a friend like her.
Hindi ko namalayan na nasa bahay na pala ako kakaisip ko. Iba talaga ang pakiramdam pag nag lalakad ka.
”La, andito na ako!“ sigaw ko bago pumasok sa loob para ianunsiyong naka-uwi na’ko. Banayad akong naglakad, sa loob ng bahay at nagtungo sa kusina. Nakita ko naman si Lolang naghahanda ng hapagkainan.
”Andiyan kana pala, halikana’t kumain na tayo.“ salubong ni lola sa akin. Inilapag ko ang mga gamit ko sa upuan. ”Kumusta ang araw mo?“ tanong ni lola. Lagi akong tinatanong ni lola pag kauwi ko kung ayos lang ba ang araw ko para alamin kung ano ang nangyari sa aming mga araw.
”Medyo po, may customer po kasi kami kanina na nagalit sa akin kasi mali yung order na naibigay ko sa kanila. Kaya ayun kung ano-anong sinabi sa akin.“ Paglalahad ko kay Lola ng mga pangyayari kanina habang nagsasandok ng kanin sa ricecooker.
”Anong ginawa mo?“ tanong ni lola saka naupo sa upuan na nasa harapan ng lamesa.
”Wala po, hinayaan ko nalang kasalanan ko rin naman po, mali kasi yung order na naibigay ko.“ tanging naitugon ko.
”Ayos lang iyan apo, pag pasensyahan mo na ang mga ganyang tao.” habang kumakain patulot kami sa pagkwe-kwentuhan kami ni lola tungkol sa mga nangyari sa araw namin.
”Kayo naman po lola, kumusta naman po ang araw niyo?“ tanong ko naman kay Lola.
”ayos lang malaki-laki ang kinita ko. May nagbigay din sa akin ng pera kanina. Para sa tip.“
”Buti naman po kung ganon. Sino naman po ang nagbigay sa inyo niyon?“tanong ko saka uminom ng tubig.
”ewan ko, isa sa mga laging nabili roon.“ sagot ni lola saka nag patuloy sa pagkain.
”Ako na po ang mag huhugas ng pinggan mamaya.“pagpe-presinta ko, dahil alam kong pagod si Lola, at baka mapasma pa ang kaniyang kamay.
Pagtapos naming kumain ni lola ako na ang nag presintang mag huhugas ng pinagkainan namin. After washing the dishes pumasok na ako sa kwarto ko saka nahilata sa higaan ko. Nakakapagod ang araw na ito. Unti-unti kong naramdaman ang antok at pag bagsak ng aking pilik mata. Hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog dahil sa pagod.
Panibagong araw nanaman bukas.