See You At Forget-Me-Not Street

All Rights Reserved ©

Summary

Freesia Myre "Esia" Natalysse is a 19 years old girl working as a waitress in a popular inn. One night, on her way home after a long day at work, Esia encounters a man crying in the corner of the inn. Esia tries to comfort him, only to find out he was crying for a man he knew for only two weeks... Pathetic, isn't it? --- Dual Point-Of-View Taglish Bisexual x Bisexual Started: OCT 26 25

Status
Ongoing
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
16+

Chapter 1

Freesia

"Freesia, can you serve this at table 17? Thanks." Agad ko namang linapitan si Ate Sasha. I nodded my head and took the plate from her hands.

The inn is quite busy tonight. Mukhang gabing gabi pa ako makakauwi. Pero it's fine naman, since malapit lang ang bahay ko.

I'm starting to miss my bed though!

I looked around the inn for the label 'Table 17'. Nung mahanap naman iyon ng mga mata ko ay mabilis akong nagtungo doon para ihatid yung order nila.

With a smile on my face, I greeted them politely. They looked like a couple.

The first one to look up at me was the man seated at the table. Ngumisi siya bago niya hawakan yung kamay ko.

Yes, hindi yung pagkain, kundi yung kamay ko yung unang hinawakan niya!

Napakurap naman ang isang kong mata habang nakangiti. Sumulyap ako sa kamay niyang hawak hawak parin ang kamay ko, and then glanced at the woman he was with.

Ang ganda ganda ni ate ko, paano kaya siya nakuha nitong kuya na manok pangsabong ang dating ng buhok?

Eww! Ang lagkit sa pakiramdam!

Habang nakangisi ay dahan dahan kong inalis ang mga kamay kong hinahaplos ng mga kamay niya at inilapag ang pagkain nila sa lamesa.

"Enjoy your food." Sabi ko, the smile still plastered on my face.

"Thanks." Sabi naman ni kuya manok. Kadiri naman. Sumulyap ako muli kay ate ganda, na ngayo'y hindi na umiimik.

Ditch mo na yan ate!

Ang gusto ko sanang sabihin—kaso bawal. Baka mamaya mapatalsik ako dito. Mukha din namang hindi sila mag la-last.

Desurv.

8 o'clock na nung matapos yung shift ko. Madilim na rin sa labas at wala nang gaano makita maliban sa buwan at mga ulap.

Ang natitira nalang sa baba ng inn ay yung mga umiinom at kumakain pa. The others probably went to sleep in their own rooms. Naisip ko tuloy si ate ganda.

Dinitch niya na ba? She deserves someone better!

Pansin na pansin kong kung sino-sinong babae ang tinitignan ni kuya manok habang nagsasalita siya! Ansarap nga batukan eh.

I have always been, and will always be a girl's girl!

Napabuntong hininga na lamang ako at lumabas na ng inn. While simply admiring the moon, I could hear someone sniffle quietly.

Quietly nga pero rinig na rinig siya.

Sa una akala ko daga yung umiiyak, yun pala tao yun nung napalingon ako sa gilid ko.

The person crying at the corner of the inn was a guy. At first I hesitated to approach him, but I still did anyways.

"Sir, okay ka lang po ba?" Tanong ko sakanya. Makalaan ng ilang minuto ay tumingala siya sa direksyon ko...

Napakaganda—or gwapo niya! Akala ko tuloy babae siya at first glance... Pero lalaki talaga siya.

Kulay dilaw mga mata niya, at kulay dilaw din ang maiksi niyang buhok... Kahit pulang pula na ang mga mata niya kakaiyak, ay hindi pa rin siya nagmumukhang adik!

Maputi din siya, mukha siyang manika...

Nakatulala lang akong nakatayo sa puwesto ko. Tinaasan naman niya ako ng kilay at may binulong sa sarili niya bago niya ako iwasan ng tingin.

Nakasuot siya ng puting blouse na may mahabang sleeves. Naka loose black pants din siya. Himala at hindi pa siya nadudumihan.

"Uhm... Okay ka lang po ba?"

"Mukha bang okay ako?" Matulis na sagot niya. Ang sungit!

I could only frown so slightly and sigh. When I looked around, wala nang gaanong tao. Mukhang pumasok na rin sa kanikanilang kwarto yung mga customers sa loob ng inn.

"May reservation ka po ba dito?" Tanong ko sakanya.

"Wala." Mabilis din naman niyang sagot.

Edi anong ginagawa niya dito?!

Umupo naman ako sa tabi niya. Halatang nagulat siya noong ginawa ko iyon kasi nanlaki mga mata niya.

For some reason, I couldn't leave this woman looking guy alone. Hindi naman delikado sa lugar namin, but I still wanted to stay with him for a while. Ilang minutong lakad lang naman bago makarating sa bahay ko.

"What are you doing?"

"Sitting." I answered quickly.

"Of all places, why there?"

Iritang sabi niya saakin. Pake niya ba? Wala namang label ng pangalan niya yung upuan eh.

Nagsimula akong tumingin tingin sa gilid ko. Lalong kumunot ang noo niya.

"Anong ginagawa mo?" He asked, his voice filled with confusion.

"Naghahanap ng label ng pangalan mo sa upuan." Nginitian ko na lang siya. Tinarayan naman niya ako. He rolled his eyes and looked away.

Lalaki ba talaga ito?

"It's only been a day since my boyfriend left me, yet he's already seeing somebody."

Nagulat naman ako nung sinabi niya yun. I almost spat out the invisible water I was drinking!

Boyfriend?!

"I'm bisexual." Kaagad niya namang sinabi. Pinunasan ko ang labi ko using my sleeves... How did he know what I was thinking...?—But never mind that!

"Anong... ginagawa mo dito then?" Tanong ko noong lumingon ako sakanya.

"My ex is the guy that held your hands weirdly while you were serving earlier. If you still remember, that is."

Lalong nanlaki yung mga mata ko.

"Si kuya manok?!"

Agad naman akong napatayo. Tinaasan niya naman ako ng kilay... Na offend ata siya sa part na tinawag ko yung ex niya na manok.

But still! How did he pull ate ganda and this girly guy here?! Apaka unfair naman ng world!

"Ah... My bad." I smiled awkwardly, scratching the back of my neck before sitting beside him once more.

Napatitig tuloy ulit ako sa mukha niya. Pulang pula talaga mga mata niya. He looked like he cried a river! Na c-curious tuloy ako kung gaano katagal noon sila ni kuya manok.

"How... long were you two together? If you don't mind me asking..."

"Two weeks."

Tangina???

Napatikom na lang ako ng bibig. Ayoko na magsalita. Two weeks pa lang pala sila, tapos ganyan na siya makaiyak?! Akala ko at least two years silang magkasama!

Ang rupok naman.

He rolled his eyes as if he read my mind. Nagsimula ulit siyang magsalita about sakanila nung ex niya.

To be fair, hindi ko natiis na hindi makinig... Ang interesting kase for some reason. Hindi ko tuloy napansin yung oras kakawentuhan namin.

Sobrang rupok niya! Mapapa O.M.G. ka nalang talaga!

It was already past 9 o'clock when we finished talking. He looked more relieved now. Proud na proud naman ako, knowing that I probably made someone's day better.

"Asan bahay mo?"

"Sorry?" Tulala kong tanong sakanya.

"Where do you live?" Mataray niyang sagot. Ah...

"Why?" Nakangisi ko namang sabi.

"Ihahatid na kita. Gabi na."

"No need, malapit lang bahay ko dito. A few minutes lakad lang."

Umiling iling pa akong sumagot. Nakita ko naman siyang tumayo. Ang tangkad niya, at ang payat at maputi rin. Is he a model or something?

"I insist." Nakatulala pa rin akong nakatitig sakanya. Tinatasan niya pa ako ng kilay habang naghihintay.

"My ride isn't with me. Mind if I walk you home?"

"H...Hindi naman." Pabulong kong sabi as I stood up. Mukhang narinig niya naman.

"Saan ka ba nakatira?"

"Diyan lang sa may Forget-Me-Not street." Sagot ko naman sa tanong niya.

Habang naglalakad kami ay kinakalkal ko yung loob ng bag ko. Handa na yung spray ko at payong, just in case may mangdudukot or something.

Nakalimutan kong kasama ko pala si kuya ganda. Tumingala naman ako sakanya at nakitang nakatingin pala siya sa akin. Agad akong umiwas ng tingin.

"Wala naman akong gagawin sayo." He let out a small scoff. Hindi naman para sakanya ito eh! Matapos niyang umiyak nang ganon kanina, nawala na lahat ng worry ko para sa kanya.

Tinitigan ko siya nang masama at nagpatuloy sa paglalakad. Gabing gabi na rin pala talaga... The moon looks brighter than usual.

"Dito na ako." Tumigil ako sa paglalakad at tinuro ang hagdan pababa ng kalsada. Tumango tango naman siya.

Forget-Me-Not Street is a unique kind of street. Sa roadside niya ay may hagdan na pababa papunta sa riverside. Long story short, I live underneath Forget-Me-Not street.

Kinawayan ko siya for one last time before going down the staircase. Miss ko na kama ko! Laking tuwa ko nung makababa nako.

Pero bago pumasok sa loob ng bahay, ay I took my time admiring the river and the forget-me-not flowers planted nearby.