Kabanata Uno: Panibagong – pagsubok
Tahimik na pinapakiramdaman ni Ren ang bawat yabag sa kanilang kwarto. Lingid sa alam ng kanyang ama ay saksi siya sa bawat nangyari sa baba ng mansion na iyon. Hindi nito maaring malaman ang kanyang ginawang pagsalungat sa pangako sa kanyang ama.
Malakas ang pagkakabukas ng pinto kasunod ng mabibigat ding hakbang ng kanyang ama. Nagmamadali nitong tinahak ang banyo sa loob ng kanilang silid. Dinig na dinig niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso marahil ay dahil sa kaba at hingal sa patakbo niyang pagtatago sa silid na iyon. Ilang sandali pa ay naririnig na niya ang lagaslas ng tubig mula roon. Malamang ay naliligo ang kanyang ama upang maalis ang mga laway na nakadikit sa katawan nito. Pinilit niyang pantayin ang kanyang paghinga upang isipin ng kanyang ama na mahimbing parin ang kanyang pagtulog.
Ilang minuto ang lumipas ng matapos makaligo ang kanyang ama. Hindi pamilyar ang mga kaluskos na ginagawa nito kaya’t nagkunwari siya ng nagising sa ingay na dulot nito.
Gary: Ren, gumising ka na. Uuwi na tayo.
Doon lamang niya napansin na nakabihis na ang kanyang ama ng puti nitong tshirt at kupas na maong. Napansin din niyang naibalik na ang bag nitong itinago ni mamang. Nakakpanibagong makita ang kanyang amang may saplot. Sana’y siyang kung hindi maliliit na salawal ay hubo’t hubad itong naglalakad sa kanilang silid.
Agad siyang tumayo upang sundin ang kanyang ama. Tila wala itong sasayangin minuto sa bahay na iyon at aalis sila kahit dis oras ng gabi. Ayos naman ang kanyang kasuotan kaya’t tanging ang mga gamit lamang niya sa aparador ang kailangan niyang kunin na noon ay nakaayos na rin.
Mabilis pa sa alas kwatrong nakaayos na silang mag-ama at handa ng umalis. Pabukas na sana sila ng kwarto ng bigla buumulaga sa kanilang harapan ang tusong matanda. Hawak nito ang ilang pirasong papel.
Mamang: mukhang sabik na sabik na kayong umuwi ah. Impunto alas dose. Tapos na ang kontrata mo sa akin Gary.
Lintanya ng matanda habang binibigay ang mga papel na iyon.
Mamang: Eto, patunay na bayad na kayo sa atraso niyo sa kin.
Gary: PUTANG INA KANG MATANDA KA!
Puno ng galit ang mura ng kanyang ama habang kinukuha ang dokumentong iyon.
Gary: SOBRA SOBRA PA ANG BAYAD KO SAYONG PUTANG INA KA.
Damang dama ni Ren ang galit sa kanyang ama, naglalabasan ang mga ugat nito sa braso at sa leeg, tanda ng paggigigil nito sa kausap.
Hindi inaasan ni Ren ang sumunod na nangyari. Mabilis at malakas na sinakal ng kanyang ama si mamang na napadikit sa pader. Sa lakas ng kanyang ama at dinig ang paghampas ng ulo nito sa kongkretong pader. Hindi makahinga ang matanda, sa higpit ng magkakasakal ng kanyang ama ay madali itong nawalan ng hangin. Nagiba na rin ang kulay ng mukha nito.
Gary: PUTA KA, TANDAAN MO, HUWAG NA HUWAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN –KUNG HINDI MAPAPATAY KITANG HAYOP KA. SIGURADUHIN MONG ITO NA ANG HULING ARAW NA MAKIKITA KO YANG PUTANG INANG MUKHA MO KUNDI BABASAGIN KO YAN.
Hindi pa rin makasagot si mamang dahil sa higpit ng pagkakasakal ng kanyang ama rito.
Gary: HUWAG NA HUWAG KO RIN MALAMANG LUMALAPIT KA SA ANAK KO DAHIL MAPAPATAY KITANG HAYOP KA!
Nawawalan na ng malay si mamang na nagpakaba sa kanya. Paano pag napatay ng kanyang ama ang matanda? Mababalewala ang mga sakripisyo nito para sa kanya sa kanilang pamilya.
Ren: Papa..
May pag-aalala sa boses niya, hinawakan niya ito sa braso upang itigil na nito iyon. Hindi naman siya nabigo at lumambot din ang pagkakahawak nito sa leeg ng matanda. Patapon na nito iyong binitiwan sa sahig ng kwartong iyon. Napalingon siya sa matandang naghahabol ng hiningang nakahandusay sa sahig. Para itong kagagaling lang sa matagal na pagkalunod. Iyon ang huling pagkakataon na makita niya ang mukha ng matanda bago pa man siay hilahin ng ama palabas ng bahay na iyon.
***********
PASAY diyan! PASAY!
Sigaw ng konduktor, malakas at tuluy-tuloy habang binabaybay ng bus ang madilim na lansangan.
Napabalikwas sa iniisip si Ren. Saglit niyang ibinaling ang tingin sa labas. Ilang segundo na pala siyang tulalang nakatanaw sa mga poste ng Meralco. Isa-isa iyong dumaraan sa bintana, mabilis, paulit-ulit, parang kumpirmasyon na gumagalaw na talaga ang lahat—na tapos na ang lahat.
Ala-una na ng madaling araw. Dapat ay antok na antok na siya. Pero sa halip ay gising ang diwa niya mula sa bigat ng mga nakalipas na linggo. Katabi niya ang kanyang ama, parehong nakaupo sa iisang hilera ng bus, pauwi ng Maynila.
Hindi pa rin siya makapaniwala. Tapos na. Wala na sila kay Mamang. Wala na ang matandang tuso, ang mga gabi ng panggigipit at pananahimik. Wala na ang tahimik na pagtitiis ng kanyang ama. Hindi na muling mangyayari iyon—at ngayon, para bang unti-unti na siyang nakakahinga.
Tumagilid siya ng bahagya para mas mapagmasdan ang ama. Tahimik lang ito, nakapikit, pero hindi tulog. Kita pa rin sa mukha nito ang pagod—hindi lang dahil sa biyahe, kundi dahil sa lahat ng pinagdaanan nito. Guwapo pa rin ang anyo, gaya ng dati. Pero ngayon, may dagdag: may lamat. May bigat sa ilalim ng mga mata na hindi lang puyat, kundi sugat.
Doon muling kumirot ang dibdib ni Ren. Sa kabila ng lahat ng sakit, nariyan pa rin ang ama niya. Maamo, tahimik at mabait pa rin. Marahil iyon ang pinakamasakit—na kahit sinaktan siya ng mundo, hindi ito bumigay. At siya, si Ren, naging bahagi ng pananahimik nito ngayon at malaking dahilan ng naging paghihirap nito.
Alam niyang hindi na mabubura ang mga nangyari. Hindi niya mababawi ang mga gabing nagbulag-bulagan siya. Pero kung may puwede pa siyang gawin ngayon, iyon ay ang manatili sa tabi ng kanyang ama at bumawi.
Gary: Hmm… Anak, pagod ka ba?
Mahinang tanong ng ama.
Nagulat siya. Pansin pala ng ama ang mga titig niya.
Ren: Hindi po, ako nga po sana ang magtatanong kung gusto n’yong matulog. Nakatulog na rin naman ako kanina.
Tumango lang ito, marahang ngumiti, at muling ipinikit ang mga mata. Walang sinabi, pero sapat na ang katahimikan para sabihing nauunawaan siya.
Dahan-dahang sumiksik si Ren sa tagiliran nito, parang bata, dahan-dahang isinandal ang ulo sa balikat ng ama. At gaya ng dati—gaya ng laging inaasam ng kanyang alaala—iniakbay ng ama ang braso nito sa kanya.
Sa init ng braso nitong nakaakbay at sa banayad na ugong ng makina ng bus, doon lang niya lubos na naramdaman na totoo na ang lahat. Tapos na ang bangungot. Tapos na ang pagpapahirap.
Bukas, babalik na sa dati ang lahat—hindi perpekto, hindi agad-agad, pero sapat. Sapat na para sabihing may uumpisahan silang muli.
____________________________________
Madaling-araw na nang marating nila ang bahay. Tahimik ang buong paligid—walang katao-tao sa labasan, tanging ang mahinang pagaspas ng hangin sa mga puno ang maririnig. Kahit mag-aalas-singko na ng umaga, nanatiling madilim ang kalangitan. Parang pati ang araw ay hindi sigurado kung dapat na ba itong sumikat.
Tahimik lang si Ren habang nilalakad ang makitid na daan papasok sa tarangkahan. Ramdam pa niya sa katawan ang antok, pero mas malakas ang kaba at pagod. Ayaw na nilang istorbohin ang ina—malamang ay tulog pa ito. Mabuti at may sarili silang susi.
Pinanood niyang pinihit ng kanyang ama ang seradura bago marahang binuksan ang pinto. Bumungad sa kanila ang kadiliman ng loob ng bahay. Walang kahit isang ilaw ang nakabukas. Napakunot ang noo ni Ren. Sanay siyang may ilaw sa kusina, kahit dis-oras ng gabi—palaging iniwang nakabukas ng kanyang ina.
Sumunod siya sa kanyang ama papasok. Isinara nito ang pinto, saka binuksan ang ilaw sa sala. Napapikit si Ren sa biglang liwanag, pero agad din siyang muling dumilat—at doon siya natigilan.
Magulo ang kabahayan.
May mga damit na nakasabog sa sofa. Mga papel at dokumento ang kalat sa lamesa, pati bag ng kanyang ina ay nakaawang. Hindi ito mukhang bahay na mahimbing ang tulog ng mga nakatira—mukhang may nagmadaling umalis.
Napatingin siya sa kanyang ama, na nakatayo rin sa gitna ng sala. Halatang nagtataka ito, pero hindi na nagsalita. Tapos ay nagsimulang tumawag, may halong kaba ang boses:
Gary: Mahal? Mahal?
Medyo malakas ang sigaw. Hindi iyon normal na tono—may pag-aalala, may pwersa, may takot.
Agad itong nagtungo sa silid kung saan karaniwang natutulog ang kanyang ina at bunsong kapatid. Naiwan si Ren, nakatayo pa rin, hindi maigalaw ang katawan. Parang may malamig na hangin na gumapang sa batok niya habang pinagmamasdan ang paligid.
Maya-maya’y bumalik ang kanyang ama. Wala ito sa sarili, halatang kabado. At kahit walang sabihin, alam na ni Ren ang ibig sabihin ng itsura nito.
Wala ang mag-ina.
Parang piniga ang loob niya. Napakapit siya sa kanyang dibdib. Sunod-sunod ang mga tanong na pumasok sa isipan.
“Bakit magulo ang bahay? Nasaan si Mama at si Yenyen? May nangyari ba? Si Mamang—hindi kaya...”
Nanginig ang kamay niya habang nilalapitan ang bag ng kanyang ama. Mabilis niyang hinanap ang cellphone. Pagbukas niya nito—
Low batt.
Inis siyang napasinghap. Agad niyang ikinabit sa saksakan. Tumabi ang kanyang ama. Wala silang imikan habang pinanonood ang mabagal na pagbukas ng screen.
Ilang segundo lang, lumitaw ang mga mensahe. May ilang hindi nasagot na tawag at sunod-sunod na mensahe—lahat mula sa kanyang ina.
Binasa ito ng kanyang ama. Mababa ang boses nito nang magsalita:
Gary: Sinugod daw sa ospital si Yenyen kagabi.
Ren: Po?
Gary: Pupuntahan ko ang Mama mo’t kapatid mo. Dito ka muna, anak.
Ren: Pero gusto ko pong sumama.
Umiling si Gary. Marahan, pero may bigat. Tinapik niya ang balikat ni Ren.
Gary: Magpahinga ka muna. Maigi na may naiwan dito, kung sakaling may kailangang dalhin sa ospital.
Hindi na nakapagsalita si Ren. Tumango na lang siya. Mabigat man sa dibdib, alam niyang tama ang ama.
Gary: Ikaw na muna ang bahala rito. I-check mo palagi ang telepono mo. Kapag tumawag ako o ang Mama mo, sagutin mo agad.
Ren: Opo.
At iyon na ang huling sinabi ni Gary bago mabilis na lumabas ng bahay. Naiwan si Ren sa sala, tinatanaw ang papalayong anino nito mula sa nakabukas na pintuan.
Isinara niya ang pinto. Tahimik ang buong bahay, pero mas maingay sa loob ng dibdib niya ang kaba. Humakbang siya pabalik sa sala, umupo sa tabi ng kalat na sofa. Hindi niya ininda ang gulo. Hindi na mahalaga.
Tumitig siya sa kisame, saka ipinikit ang mga mata.
“Sana okay si Yenyen.”
_______________________________
Bitbit ang isang bag ng damit at isang supot ng pagkaing siya mismo ang nagluto para sa kanyang mga magulang, dali-daling sumakay si Ren sa elevator paakyat sa palapag kung saan naroon ang kwarto ng kanyang kapatid na si Yenyen. Unang araw nito sa ospital matapos itong isugod kagabi, at kahit halos walang tulog, sinikap pa rin ni Ren na makapagluto ng agahan at makapaghanda ng kaunting gamit para sa kapatid at sa kanilang mga magulang.
Makalipas lang ang ilang saglit, bumukas ang pinto ng elevator sa tamang palapag. Paglabas niya, agad niyang natanaw ang kanyang ina—nakaupo sa isa sa mga upuang nakahilera sa labas ng intensive care unit. Halatang puyat ito at pagod, at ang pamumugto ng mga mata ay nagsasabing matagal itong umiyak. Saglit na natigilan si Ren sa tanawin, lalong bumigat ang dibdib niya. Alam niyang may oras ang dalaw at may limitasyon sa mga puwedeng pumasok sa loob, pero wala na siyang ibang inisip kundi ang makalapit at malaman kung kumusta na ang kalagayan ng kanyang kapatid.
Ren: Mama.
Lena: Anak, Ren. Buti at dumating ka na. Kamusta ka nak?
Ren: Ma, ayos lang ako. Kayo po ang kamusta? Si Yenyen po – anong sabi ng doktor?
Usisa niya habang pilit niyang sinisilip ang kapatid mula sa maliit na salamin ng pinto ng kwartong iyon.
Lena: Ayun, patuloy pa rin ang mga test sa kapatid mo, wala pang sinasabi ang doktor. Naghihintay pa rin ako ng balita.
Ren: Ano po ba nangyari?
Lena: Nakita ko nalang yung kapatid mo na walang malay sa kwarto kagabi. Sinamsam ko kasi yung mga sinampay. Nagulat na lang ako na wala na siyang malay at nangingitim na yung mga labi. Kaya ayun, sinugod ko na dito sa ospital.
Maluha-luhang kwento ng kanyang ina.
Ren: Gagaling po si Yen, magtiwala lang po tayo sa Diyos.
Napayakap siya sa kanyang inang nanlalambot na.
Ren: Nga pala Ma, nagluto ako. Kumain muna kayo at nang malamanan po yung sikmura ninyo kahit papaano.
Lena: Sige anak, salamat at nagdala ka ng makakain. Ayos lang ba sa’yo maiwan dito? Baka kasi may hingin yung nars sa loob.
Ren: Okay lang po ako dito ma. Si papa nga po pala, asan?
Lena: May pinuntahan saglit, pinatawag kasi siya dun sa nurse station.
Ren: Ahh. Sige po. Kain na po kayo. Pag dating ni papa, sasabihin ko puntahan ka sa canteen.
Lena: Sige, ikaw muna magbantay diyan.
Hinatid pa ng kanyang tingin ang kanyang ina habang palayo ito upang kumain. Awa ang kanyang nararamdaman ngayon na alam niyang panibagong problema na naman ang kanilang haharaping mag-anak. Alam niya na kahit papaano’y napaghandaan na ng kaniyang mga magulang ang bagay na ito subalit kung gaano kalala ang sitwasyon ay hindi niya alam kung kakayanin ba ng kanyang mga magulang.
Naisipan na lamang niyang mag-ubos ng oras sa kanyang telepono, isang linggo na rin siyang lumiban sa klase at nagpasa lamang siya ng liham sa kanyang pagliban, siguro ay bukas makalawa ay papasok na rin naman siya. Binukasan niya agad ang kanyang messenger hinanap ang pangalang ng kanyang kaibigang si Ayah. Gerimiah ang totoong pangalan nito subalit Ayah ang pinili nitong palayaw upang mag tunog babae.
Ren: Sis!
Ayah: Sis! Kamusta ka na? tagal mo di nagparamdam ah. Saan ka ba galing?
Ren: Nako sis, sa malayo at wag mo na itanong.
Ayah: Asan ka ngayon? Tara, pasyal tayo.
Ren: Nako, di pwede sis. Na-ospital ang kapatid ko, kaya andito ako nag babantay.
Ayah: Sayang naman.
Ren: Sa Lunes na tayo mag-chikahan sis.
Nurse: Kayo po ba ang bantay ni Patient Cruz?
Naputol ang kanyang pakikipag usap sa kaibigan ng biglang lumabas ang nars.
Ren: Ako po, kapatid po po ang pasyente.
Nurse: Nagising po kasi ang pasyente at hinahanap ang mama niya. Andiyan po ba?
Ren: Kumain po saglit. Tatawagin ko p .
Nurse: Sige po sir. Salamat.
Iyon lang at pumasok na ulit ang nars sa kwarto at siya naman madaling nilakad ang daan upang hanapin ang canteen kung na saan ang kanyan ina.
Isang palapag ang layo ng canteen sa palapag ng ICU, papasok na sana siya sa loob ng canteen ng mahagip ng kanyang mga mata ang kanyang mga magulang na naguusap sa isang palikong pasilyo. Sunundan niya ito, marahan siyang lumapit at pinakinggan ang pag-uusap ng kanyang mga magulang.
Lena: Paanong gagawin natin kay Yenyen, Gary?
Gary: Mahal, mahahanapan natin ng paraan lahat. Hindi tayo susuko.
Parang binuhusan siya ng malamig na tubig sa narinig. Ano kaya ang kalagayan ng kapatid niya?
Lena: Ano ba sabi ng doktor? Wala na bang ibang paraan? Baka hindi natin kayanin?
Gary: Sabi nga ni Doctor Flores, ang tanging magagawa dito sa ospital ay ang maiwasan ang susunod na atake niya sa puso. Mababantayan lamang siya dito at mabibigyan ng paunang lunas. Pero, hindi iyon sapat. Tanging operasyon lang ang makakligtas kay Yen. Maari siyang bigyan ng gamot, pero dapat dumito siya sa ospital at kung aatakihin siya ulit, hindi na kakayanin ng puso niya.
Labis ang pag-aalala sa boses ng kanyang ama sa mga katagang iyon. Pilit nitong pinalalakas ang sarili habang inaalo ang kanyang inang tuluyan ng umiyak.
Gary: Malaking halaga ang kailangan sa operasyon at tanging sa Amerika lang pwede maisagawa iyon. Kaya naman nilang asikasuhin ang mga papeles para sa operasyon doon, pero ang problema ay ang malaking halaga na kakailanganin.
Lena: Kailan naman natin dapat iyon bayaran? At magkano aabutin?
Gary: Sa tantya niya ay kulang kulang isang milyon ang magagastos. Maari nilang isagawa ang mga operasyon ngunit kailangan natin mabuo ang pera sa loob ng isang buwan. Isang bagay pa ay paano ang pagpunta sa Amerika?
Lena: Si papa, tutulong iyon sa’tin. May hati naman ako sa lupain namin sa Ilocos. Baka pwede natin ibenta.
Turan ng kanyang ina habang tuloy –tuloy parin ang pag-iyak nito.
Gary: shhhh… tahan na mahal. May awa ang Diyos, makakaraos din tayo.
Bagsak ang balikat ni Ren sa kanyang mga narinig, awang awa siya sa kapatid at sa mga magulang. Kung may magagawa lamang siya para sa mga ito. Hindi niya napansin ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi habang patalikod na lumayo mula sa kinaroroonan ng kanyang mga magulang.