Prologo
Prologo
Magkapatid sina Hector at Victor. Mga barakong apatnapung taon na, tadtad ng karanasan at pananabik na hindi maipaliwanag. Lumaki silang magkatabi, pero may lihim silang pinagsaluhan noon na hindi maaring ikwento sa iba. Ang kanilang iisang pag-ibig, si Glenn. Isang lalaking naging kapareha nilang dalawa noon.
Ngunit, matagal na ring nilamon ng lupa si Glenn. Ang alaala niya’y nananatiling sugat at init na hindi naglalaho sa mga gabi ng kanilang pananabik.
Hanggang isang dapithapon, sa harap mismo ng kanilang bahay, may lumapit sa magkapatid na Hector at Victor na binatang bagong-sibol pa lamang ang katawan. Napakaamo at kahawig ni Glenn nang siya’y nabubuhay pa. Parang aparisyon na muling nagpakita si Glenn sa kanila.
Si Dexter ang nagpakita sa kanila, labing-walong taong gulang, pamangkin ni Glenn. Tahimik itong nakatayo, ngunit matalim ang titig na ipinako sa kanila.
“Hector... Victor...” basag niya, may kakaibang lakas ang boses. “Ako si Dexter… pero hindi lang ako si Dexter. Ako ’to... si Glenn. Bumalik ako sa inyo. Nag-reincarnate sa katawang ito si Glenn. Ako si Glenn!”
Saglit na napatigil sina Hector at Victor. Ang dugo sa kanilang mga ugat ay biglang kumulo. Hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa matinding pagbabalik ng isang apoy na matagal nang patay. Sa bawat salita ng binata, naramdaman nilang bumabalik ang parehong init, parehong pagnanasa, at parehong kasunduang minsan nang nag-ugnay sa kanila.
At sa muling pagkakataon, iisa na naman ang titig ng dalawang magkapatid. Isang titig na hindi na inosente, kundi puno ng pahiwatig at tahimik na kasunduan.
Muling bubuksan ang kwento ng tatlo. Ng dalawang barako at ng isang binatang muling nagdala ng apoy ng nakaraan.