Alter Ego

All Rights Reserved ©

Summary

I may look fragile and innocent. I may have a pair of eyes that reflects a pure soul. I may act like an angel fallen from the heaven. But deep inside me lies a monster. A devil. An evil. Evil that has secrets. Deep. Dirty. Dark. This is my story. Story of my... ALTER EGO

Status
Ongoing
Chapters
36
Rating
n/a
Age Rating
18+

Book 1

Sinful Start

---

"Secrets are meant to be kept forever, because they might ruin someone else's life."

At least, that's what people say. And honestly, I think they're right. Everything that's going on with me right now pretty much proves it.

I'm Micolo Jaden Santicruz. My family and my friends call me Mico. I'm 17 years old and a senior high school student.

I count myself lucky, having been born to a family blessed with wealth and opportunity. I have the privilege of studying at one of the most prestigious and well-known schools in the country. I live in a luxurious home, and I pretty much have everything I need— new clothes, shoes, gadgets, you name it. I also get to travel to different places I've always wanted to see whenever I have the chance. My parents make sure to give me the things I need and the things that will make me happy. Though my family is not perfect, I can say that I'm still the luckiest because I have a loving parents and caring siblings.

My Dad, Alexander Santicruz, is the President and CEO of our company—ang Santicruz Malls and Charities Incorporated. Nahahati ito sa dalawang sangay: ang SC Malls at SC Charities. Ang SC Malls ay isang chain ng maliliit na malls dito sa buong Pilipinas. It has six branches all over the country at ang pinaka-main nito ay matatagpuan dito sa Metro Manila. Samantala, ang SC Charities naman ay ang foundation na tinayo para makatulong sa mga batang mahihirap na gustong mag-aral.

Pang-apat si Dad sa limang magkakapatid. Galing sa isang simple at payak na pamilya na nagmula sa Batangas ang parents nito. Dahil sa pagsusumikap ng mga magulang nina Dad ay unti-unting nakilala at nagtagumpay ang mga ito sa larangan ng pagnenegosyo hanggang sa isang araw ay nakamit ng mga ito ang multi-millionaire status. At dahil hindi naman lumaking mayaman sina Dad at mga kapatid nito ay natutunan nilang maging masipag at madiskarte na siyang naging malaking tulong sa kanila noong nagsisimula na sila sa kani-kanilang negosyo. And with the help of his late father, and with his intelligence and creativity, my Dad was able to create his own name and empire and eventually became one of the most sought after businessmen in the country.

Madalas mang wala sa bahay dahil na rin sa kaliwa't kanang business trips nito ay hindi naman nagkukulang si Dad sa pagpaparamdam ng pagmamahal para sa amin. Whenever his schedule allows, he sees to it na kami ang top priorities nito.

My Mom, Cristina Laurel Santicruz, was a renowned model during her prime years. Galing ito sa isang mayamang pamilya na nagmula naman sa Isabela. Si Mom ay bunso at solong babae sa apat na magkakapatid. Malawak ang lupain ng pamilya nito sa probinsiya, iba't ibang uri ng prutas at gulay ang nakatanim dito at malawak din ang pastulan ng baka at kabayo—kaya naman number one supplier ang kanilang hacienda at rancho ng gulay at prutas pati narin ng gatas sa buong northern part ng bansa.

Hindi sweet ang simula ng love story ng parents ko. Bunga sila ng isang arranged marriage. Dahil magkakilala at magbusiness partners ang mga magulang nila ay napagkasunduan ng mga ito na ipakasal sila sa isa't isa at the young age of 22. They were strangers to each other, ang unang beses na nagkita sila ay sa isang dinner party na ginanap sa bahay ng parents ni Dad at dito na rin ipinaalam sa kanila ang kanilang arranged wedding. Labag man sa loob nila ay pumayag din ang mga ito sa huli. Eventually, they fell in love with each other. And of course, the rest is history.

Meron akong dalawang nakatatandang kapatid. Again, I'm lucky because damang dama ko na mahal na mahal ako ng mga Kuya ko.

My eldest brother, Andrew Louise or Kuya Drew, is already 27 years old. He's currently managing our canning business in Singapore.

Medyo happy-go-lucky si Kuya Drew ng nag-aaral pa ito kaya laging napapagalitan nina Mom at Dad. Madalas din itong mapabarkada at mapasama sa gulo kaya laging nagiging sakit sa ulo ng parents ko. Nagtino na lang ito ng maaksidente ito when he was in 3rd year college dahil sumali ito sa isang underground car race. 3 weeks din itong nasa hospital at buti na lang ay walang malalang pinsalang nangyari dito—puro mga gasgas at galos lamang ang natamo nito. Nag-lie low man si Kuya Drew sa mga kalokohan nito pero hindi parin maalis dito ang pagiging sutil minsan. Lagi parin ako nitong pinagtitripan. Titigil na lang ito pag nakita na ako nitong nakasimangot.

Sinundan ko naman si Kuya Troy, o Trevor Royce Santicruz, though malayo ang agwat ng age namin kasi ay 22 na ito ngayon.

Sa kanilang dalawa ni Kuya Drew, si Kuya Troy ang mas seryoso. May mga barkada naman ito pero unlike Kuya Drew, hindi ito masyadong lumalabas ng bahay para gumimik or magparty. Graduating student na ito sa kursong Business Management, same sa tinapos na kurso ni Kuya Drew. Mahilig sa sports si Kuya Troy kaya hindi na nakapagtataka pang kabilang ito sa basketball varsity team ng school nila. Siya din minsan 'yong napagsasabihan ko ng problema kasi mas may sense siya kausap minsan kaysa kay Kuya Drew.

Ako naman, tahimik lang akong tao. Ewan ko, natural na lang sa akin ang magmukmok sa isang tabi o magbasa ng libro. Hindi naman ako 'yong snob type na tao kasi feeling ko ay "friendly" naman ako sa iba. Nakakasakay din naman ako sa trip ng mga classmates ko at marunong din naman akong makisama. Hindi man ako 'yong active na active sa social media but I can say na hindi naman ako nahuhuli sa pagiging isang Gen Z.

Focus din ako sa pag-aaral ko kaya wala akong masyadong barkada. Hindi naman ako 'yong nerd na nerd na umiikot lang ang buhay sa pag-aaral. Hindi ko lang talaga nakakalimutan ang mga bagay na dapat ko munang iprioritize sa buhay. Sabi nga ni Dad, no pressure lang dapat. As long as I can maintain the grades they are expecting me to meet, okay na daw 'yon.

Meron din naman akong mga friends sa school pero hindi naman yong sobrang close na close. Sumasama lang ako sa kanila kapag may kinalaman sa grades 'yong mga labas nila. Paminsan-minsan ay sumasama naman ako sa mga pinupuntahan nila pero hindi ko talaga trip ang gumala kaya madalas akong humindi kapag nagyayaya sila.

Physically, katamtaman lang ang built ng katawan ko. Lean type, hindi mataba, hindi rin payat, pero hindi din ma-muscle. Hindi man ako sporty type na tao pero hindi naman ako lampa. Medyo matangkad din ako sa height kong 5'10, pero nagmumukha akong maliit pag nadikit na ako kina Kuya Drew na 6'3 at Kuya Troy na 6'2 at lalo na kay Dad na 6'4.

As for my gender preference, I'm not straight. Bata pa lang ako, I know I'm different compared to the other boys my age. Hindi ako nahilig sa mga laruang panlalaki ng lumalaki ako. Unlike sa ibang mga bata na tuwang tuwa kapag nakakatanggap ng laruang sasakyan, robot, or bola, pagbabasa ng libro ang naging libangan ko.

I can't remember my exact age when I realized that I'm gay. Namalayan ko na lang na mas attracted ako sa mga classmates kong lalaki kaysa sa mga babae. At dahil lumalaki akong nakakarinig ng mga kwento ng mga Kuya ko about their crushes and girlfriends, akala ko mali ang magkagusto sa same sex that's why I kept it as a secret hanggang high school kasi feeling ko noon magagalit ang family ko kapag sinabi ko sa kanila ang gender preference ko.

When I decided to come out when I was in 2nd year high school, tinanggap ako ng family ko without hesitations. Nahahalata na daw pala nila ito habang lumalaki ako at hinihintay lang nilang mag-open up ako sa kanila. Feeling ko noon ako ang pinakamaswerteng anak at kapatid kasi unlike others, may supportive akong pamilya. Hindi ko rin naramdaman na nagbago ang treatment nila sa akin. Mas naging mahigpit nga lang sila which I totally understand kasi it's for my safety and protection. Ang tanging pakiusap lang sa akin ni Dad ay huwag akong magsu-suot ng pambabae which is okay with me because I'm not into cross dressing.

Like other teenagers, naexperience ko na ring magkacrush pero never pa akong nainlove. May mga nagpaparamdam sa akin, pero di ko pa talaga priority ang pumasok sa isang relasyon. Isa pa ay hindi ko naman nararamdaman ang sincerity nila. Well, hindi rin naman ako naghahanap in the first place. Naniniwala kasi ako na hindi dapat nagmamadali sa pag-ibig. Sabi nga, 'Wait for the person who pursues you. The one who will make an ordinary moment seem magical.'

Lagi akong sinasabihan na ako daw ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Nakukuha ko lahat ng gusto ko. Tanggap ng family ko ang pagkatao ko at higit sa lahat kompleto at masaya kami.

They said, everything seems perfect. Well, I thought so, too.

Pero akala ko lang pala.

2 years ago, naghiwalay si Mom and Dad. At hanggang ngayon hindi parin malinaw sa akin ang rason kung bakit. Ang dating masayang pamilyang meron ako, all of a sudden changed. It caused me so much trouble, pain, and sadness.

Then, worse came to worst. Akala ko ang paghihiwalay ng parents ko ang pinakamalalang puwedeng mangyari sa akin.

Pero meron pa pala.

Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa isang mahirap at complicated na sitwasyon ngayon. Hindi ko alam kung bakit sa akin nangyayari ang lahat ng mga ito. Never in my wildest dream na naisip kong pwede akong maging biktima ng sitwasyon na kinasasadlakan ko ngayon.

Hindi ko alam kung paano ko mapapanatiling tago ang mga sikreto ko. Natatakot akong lumabas ang mga ito. Natatakot akong husgahan ng iba.

That's why I decided to share my story because this is the only way I can voice out what's really on my mind. Dito man lang mai-kuwento ko ang lahat, wala kasi akong lakas ng loob na magkwento sa iba or kung meron man, I'd rather be silent. Ayokong malaman ng iba ang sitwasyon ko. Siguradong pandidirihan nila ako. They will surely judge me.

Noong una, hindi ko matanggap lahat. Gabi-gabi akong umiiyak pag naiisip ko. Pinagdadasal na sana matapos na ang lahat. I even started questioning God.

Bakit ako?

Bakit sa akin?

What did I do wrong to deserve all of these?

Hindi ko alam kung paano ko nasusurvive ang bawat araw na dumaraan. Siguro manhid na ako? Siguro napagod na ako? Maybe I just accepted that this is my fate.

Sa bawat araw na dumaraan, sa bawat oras na lumilipas, I endured all of the pain. Pilit ko na lang kinukumbinsi ang aking sarili na ito na buhay ko ngayon. That I have to deal with it. Hanggang sa naging manhid na ako. Hanggang sa nakasanayan ko na lang ang lahat. Pero lately, nararamdaman kong may nag-iba sa akin. Mukhang hinahanap-hanap na ng pagkatao ko ang mga bagay na dati ay ayokong maranasan. Ayoko mang aminin pero parang nagugustuhan ko na ang mga ito. I tried to resist pero parang nilalamon na nito ang sistema ko. Nararamdaman kong may nagbago sa akin. I can sense that something has changed within me.

And...

I'm starting to like it.

I'm beginning to enjoy it.

I'm already longing for it.

I'm now accepting it, wholeheartedly.

This is my story.

Not the one I tell the world—

but the one I whisper in the dark.

A tale of secrets.

Twisted. Buried. Burning.

Secrets I've locked away,

even from myself.

Truths too dangerous to face.

Desires too wild to name.

They live in the shadows...

They breath beneath the surface...

These are the secrets of my—

ALTER EGO