TAG, YOU ARE DEAD

All Rights Reserved ©

Summary

Riko Salvacion is used to surviving a bully. But when a disaster strands him and 2,000 students in a deadly game complex, the stakes become life and death. Forced to play by a mysterious voice, they must win or die. They must uncover the one answer that matters: Why Are They There?

Status
Ongoing
Chapters
2
Rating
n/a
Age Rating
18+

Chapter 1: The Stage Is Set


RIKO

They say school is your second home, your teachers your second parents, your classmates your second family.

“So who the hell asked for this bitch to be my sister?” I thought, staring at her, lying with her head on the arm chair. Itinaas ko ang baby powder sa aking kamay at pinagmasdan muna ito at muling tumingin sa babaeng tinutukoy ko.

“Patricia, pinapaabot ni Kath ‘tong pulbos—” I froze. The sound of her tongue clicking stopped me dead in my tracks.

“Tsk!” Unti-unting umangat ang ulo niya mula sa pagkayuko. Mas mabilis pa sa alas kuwatro ang pagkunot ng kilay niya.

Nangingibabaw ang pandidiri sa kanyang mukha, habang sinusunog ako ng kanyang mga titig.

I hated this situation.

“Yuck!” she shrieked, before slapping the baby powder I was holding out of nowhere, sending it clattering to the floor. She then released another tongue click. I just made my eyes dropped to the floor, refusing to meet her gaze.

Mabilis siyang yumuko para kunin ang pulbos. Tumayo siya, at umikot para harapin si Kath. “Kat-kat naman! Why didn’t you bring this to me yourself instead of handing it to him?!”

Kath didn’t even look back. She was too busy being swarmed by other students asking for help with their schoolwork.

Kath gave me that baby powder earlier. Told me to pass it on to Patricia. She’s always busy, just like now, pero hindi ko kayang tumanggi. Not because she force me. She’s just one of the few people who has ever treated me like a person. This was my way of showing her my gratitude.

Nalipat ang tingin ko kay Patricia. She was staring at me, brows furrowed, with her every breath was a sign of annoyance. She pulled out a handkerchief, a plain white one with red line as its border from her pocket, then grabbed a bottle of alcohol from her bag to wipe the powder off. “Ang dumi na nito!”

Kumunot ang tulay ng kanyang ilong at tila sinaksak ako muli nang matatalim niyang titig nang sabihin ‘yon—na akala mo’y may basurang napakadumi sa harap niya.

This is exactly why I avoid her. She, fucking, hates me. Paano ko nalaman? It’s obvious! Every time I get within a three-meter radius—hell, kahit na magkasalubong lang kami—her face twists up like she just smelled something rotten. I have a feeling na dahil sa mukha ko. Plus, I have these perpetually clammy hands because of hyperhidrosis, which everyone refers to “pasmado.” At syempre, there’s the fact that I’m not considered good-looking by the other students.

“Sige na!” She shoved the powder and alcohol back into her bag, then turned to face me again.

“Salamat!” she said, rolling her eyes. She just stared at me from head to toe, while her face scrunched up. “Dahil sa ’yo, nag-aksaya pa ako ng alcohol. Kainis!”

Hindi siya ganiyan sa akin dati. Simula noong sumama siya sa ugaling kalye niyang mga kaibigan, except for Kath, bigla siyang nagbago.

Nalipat ang titig ko sa mga babaeng nasa likuran ni Patricia at—It was no surprise! They were giving me a dirty looks too. This whole thing is bizarre! All I did was give her back her baby powder and she’s acting like this—every, single, damn time I approach her.

“Pat, ayos ka lang?”

“Ayos lang, nasayang lang alcohol at panyo ko. Ginawa kong pamunas sa maruming pulbos.”

I just turned my back on them. Ano pang magagawa ko? Makipagtalo? That will just make things complicated. I ignored their whispers, and walked away. Back to my seat.

“Yuck! ‘Wag niyo nga ibato sa akin ‘yan!”

Based on what I’m hearing. They were throwing the now-contaminated handkerchief, based on Patricia said, at each other.

“Riko, ayos ka lang?”

Kath appeared beside me, wearing a concern look on her face. “I’m sorry,” she whispered. “Nakalimutan kong ganiyan ang trato sa ‘yo ni Pat.”

“Ayos lang,” I lied, forcing a smile.

“Are you sure?” Kath asked one more time.

The question triggered a sudden, stinging headache and a flash of something in the back of my mind.

“Are you sure?”

That question was vivid, blurry, with a familiar image. It was like a pure déjà vu, an eerie certainty that this happened before. Ano ‘yon?

“Riko?” Natauhan ako, when Kath snapped her fingers. Natuon ang titig ko sa kanya at suot niya ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Sa lahat talaga ng taong nakausap ko, karamihan, nagpapanggap lang na hindi sila nandidiri sa akin. Si Kath lang talaga ang naiiba. Hindi siya nagdadalawang isip na kausapin ako.

Nakakandado ang titig ko sa mga mata ni Kath. Ilang segundo’y ganoon kami, hanggang sa napansin kong biglang lumipat ang tingin niya sa aking likuran. Dahan-dahang umaangat ang kanyang kilay. May halong gulat at pagkabigla sa mga mata niya na para bang nakakita siya ng multo. Is someone behind me?

Before I could turn, a powerful force slammed into my back pushing me forward as my face met a chair with a sickening crunch.

“Aray ko! Anong meron?” bulong ko sa aking isip.

Dahan-dahan akong lumuhod mula sa pagkakasubsob. Naramdaman kong may mainit na tumutulo mula sa ilong ko—dugo—tila para itong sirang gripo ngayon habang tinatakpan ko ito.

“Hoy!” sigaw ng lalaki mula sa aking likuran. “Lumapit ka na naman ba kay Pat?!”

Lumingon ako sa lalaki. Sakto, may humarang na babae sa pagitan namin. Kita ko sa posisyon ng lalaki na naka-amba ulit siyang sisipain ako sa likod.

Isa lang ang dahilan kung bakit nandito ang lalaking ‘to—si Jericho. Lumingon ako sa direksyon nila Patricia, tumatawa ang mga kaibigan niya na nakatitig sa akin habang siya nama’y nakalingon sa ibang direksyon at patuloy na nakasimangot.

“Sinabi ko ba naman kay Jericho ang nangyari ngayon kaya siguro siya nandito.” Natatawang sambit ng kasama ni Patricia.

Nakatingin si Patricia sa akin ng sandali bago nalipat ang titig sa mga kasamang babae at nagsalita ito subalit hindi ko narinig.

“Jericho, ano ba?” saad ng babae na hinaharangan si Jericho, puno pa ang kanyang bunganga ng pagkain.

“Bumalik ka na nga doon sa room niyo, isusumbong ka namin sa adviser mo! Palagi ka na lang nanggugulo ng ibang estudyante.” Nagsalita rin si Kath habang nakatayo siya sa likuran ko.

Jericho’s tongue clicked. “Pumunta sa room namin kaibigan ni Pat. Ginugulo raw siya niyang dugyot na ‘yan!”

Nakaturo ang mga daliri niya sa akin nang banggitin niya ang salitang dugyot—which made my eyes twitch. But, that word’s bitter taste wasn’t new. Sa mga kakilala ni Patricia, that word “dugyot” would mean two things; It is either may ginawa silang malaswa tingnan o ako ang tinutukoy nila.

Laughter erupted from Patricia’s friends like they’re watching a comedy show. It didn’t matter what I did. The accusation was enough. Since for Jericho, this was an opportunity. Lalo pa’t nililigawan niya ‘yang babaeng ‘yan—this is his way of impressing her.

I hate to admit it, but Patricia’s stunning. She was the kind of beauty that felt like a personal insult, with her smooth, black, short hair, razor-sharp bangs covering her deceptively doe eyes. A waist that could make a renaissance sculptor weep. Not that I cared, of course. Maraming lalaki ang handang makipagpatayan para sa kanya.

Jericho? I bet he’s just another fool threading his heart onto her necklace of casualties.

Umalis si Jericho na masama ang titig sa akin, nakaturo ang mga daliri at tumatango na parang sinasabi niyang “may araw ka rin sa akin!” bago matuntong ang hallway para bumalik sa kanilang silid.

Wala rin naman akong magagawa, I knew deep down that I wouldn’t stand a chance against him. Sanay siya sa mga gantong away and I doubted I could even leave a scratch on him. He had a reputation for being a tough guy in our school, and everyone knows it.

“Ayos ka lang ba, Riko?”

“O-Oo, ayos lang ako, Andrea.” Patuloy kong tinatakpan ang aking ilong nang sagutin ang tanong ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

“Class Pres, dapat sinipa mo rin ‘yon,” saad ng isa naming kaklase na babae bago inabot kay Andrea ang tsitsirya.

“Hindi naman ako gano’n.” Dumukot si Andrea sa hawak na junk food bago ito isinuksok sa kanyang bunganga at ngumuya. Ayan pala ‘yong kinakain niya kanina habang hinaharangan si Jericho.

Andrea See, our Class President. She’s a person easy to be friends with. She approaches everyone like it’s nothing, and before you even realize it—you two are close. That natural knack of her for connection ang rason kung bakit siya naging class president. She’s also one of the few who always treated me normally, though we never really talked much beyond that.

Kath’s a different story. She won’t approach anyone unless it’s genuinely important. Even so, she and I often had conversations, usually because we were always neck-and-neck at the top of the class.

“Kaya mo ba tumayo?” Inihilig ni Kath ang kanyang kanang kamay para makatayo ako subalit hindi ko ‘to inabot.

“K-Kaya kong tumayo, salamat,” sambit ko, inaalalayan ang sarili gamit ang upuan na malapit. Pinagpag ko rin ang dumi sa aking uniporme. Tumingin ako sa paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang hindi komportableng katahimikan nang mapansing nakatitig lang sa akin ang ibang kaklase ko.

A lot of them are watching. Just watching. If it wasn’t for Andrea and Kath, walang tutulong sa akin at hahayaan lang nila akong sipain ni Jericho kanina. It is either they’re scared of him o wala talaga silang pake sa akin.

“Ito tubig, Riko.” Inabot ni Andrea ang water bottle na nanggaling sa kanyang table at tinitigan ko lang ito.

“Don’t worry, hindi ko pa ‘yan nainuman.” Tumingin muna ako sa kanya bago muling tumingin sa water bottle at kinuha ito.

“H-Hindi naman ‘yon yung iniisip ko. Pero, thank you.” Ngumiti ako nang mahawakan ang water bottle. Tumingin ako muli kay Andrea at ngumiti lang ito pabalik. Kita pa sa gilid ng kanyang mga ngipin ang mikmik ng tsitsirya na kanyang kinain.

After that, my hand started shaking, making the water in the bottle sloshed back and forth. What is this?

Am I being emotional? Was the adrenaline just hitting me now? No. That can’t be. I’m not that sensitive when it comes to my emotions. Pero, bakit?

Tila nabalot nang katahimikan ang paligid ko nang pagmasdan kong mabuti ang tubig sa water bottle. Sumunod na pangyayari ay ang paglipad ng mga ibon sa labas at pagpatay sindi ng ilaw sa aming silid.

Ground shaking!

Nawalan ako ng balanse at muntik pa akong bumagsak sa sahig. Naglalaglagan ang mga ballpen sa kanya-kanyang armchair ng mga estudyante, kasama ang personal na gamit nila na cellphone, cosmetics at pagkain na binili sa cafeteria. H-Hindi pala ako yung nanginginig. May lindol!

“Anong meron?!” sigaw ng mga babae sa harapan kaya tumingin ako sa direksyon ng mga ito. Nakahawak sila sa pader, sumigaw pa ang mga ito ng bumagsak ang whiteboard na nakadikit sa harapan ng silid. Maging ang mga ceiling fan at kisame ay unti-unting kumalas kasabay ang pagkabasag ng mga salamin ng bintana bago napuno nang sigawan ang silid.

Napahawak ako ng mahigpit sa upuan nang maramdamang lumalakas ang pagyanig ng lapag. Nagmadali pa akong takpan ang aking ulo gamit ang bag bago nagtago sa ilalim ng armchair.

“Lumilindol! Mag-si-tago kayo sa ilalim ng inyong mga mesa!” sigaw ni Andrea na nagdulot lalo ng panic sa loob ng aming silid.

May mga tumatakbo palabas na hindi alam ang protocol kapag may gantong sakuna at karamihan sa babae ay umiiyak. Ang iba naman ay may sugat dahil sa tumalsik na bubog kanina nang mabasag ang salamin ng bintana at may mga nagkakabungguan pa na mga estudyante habang tumatakbo.

Makalipas ang ilang minuto, nabalot nang katahimikan at abo ang paligid sa mga sandaling iyon nang tumigil ang lindol. Nag-si-tayuan ang mga kaklase ko sa kanilang mga pinagtaguan at nagmamadaling lumabas ng silid.

“‘Wag kayong magtulakan! Gawi’n niyo ‘yong prinactice natin every earthquake drill!” sigaw ni Andrea sa mga kaklase naming bumababa sa hagdanan. Habang siya nama’y patuloy na tinutulungan ang mga hindi pa nakakalabas sa silid at nakabababa.

“Ikaw, Pres?” tanong ng kaklase naming babae kay Andrea.

“Susunod ako.”

Nakatakip ng panyo ang ilong at bibig ni Andrea habang sinisilip ang maalikabok naming silid kung may estudyante pa sa loob. Andrea was really something. Even in this chaos, she was the Class President. I had to commend her devotion.

Sa mga sandaling iyon ay balak ko na sanang bumaba ng hagdanan ng biglang may bumunggo sa akin, sa sobrang lakas ay nauntog pa ako sa pader. What the fuck? Hindi ito bunggo ng isang taong nagmamadali.

“Alis!” sigaw ni Jericho kasama ang mga barkada niyang lalaki. Tumatawa ang mga ito habang patuloy na tumatakbo pababa at tinutulak din ang ibang mga estudyante. What a complete jerks. Bakit hindi pa mabagsakan ng semento ‘yang mga ‘yan?

Tatayo na sana ako matapos matulak, pero bago ko pa ito maproseso sa aking utak, may humawak sa likuran ng aking uniporme, inangat ako nito at naglakad ako pababa kasabay niya.

“Hurry! Aftershock might happen in a minute,” Terrence released his grip on my uniform, perched his eyeglasses and proceeded down the stairs with me.

This is the first time Terrence and I talked. Never saw him as approachable, mainly because of his distinct appearance. Maayos siyang titigan, perfectly faded pa ang buhok. It felt like being seen with someone like me would somehow diminish his reputation. Kaya hindi ko siya ina-approach sa room.

---

Almost thirty minutes have passed after we reached the ground floor. Halos lahat ng estudyante ngayo’y nandito na sa center ng school. Napapaligiran kami ngayon ng apat na building, pero hindi ito gano’n kalapit na mababagsakan kami kung sakaling bumigay ang mga gusali.

“Ang dami nating estudyante rito,” sabi ni Andrea na tinitignan ang aming paligid. “Tapos wala pang teacher, ni isa? Nasaan ba sila Ma’am Blossom at ang ibang guro?”

Tumingin ako sa paligid nang itanong iyon ni Andrea. Walang sumagot. Walang tumingin sa direksyon niya. Karamihan sa mga estudyante ngayo’y nakatulala at bahid sa mga mukha nila ang takot.

“Good morning, students.” A voice resonated from the sky.

“Sino ‘yon?” bulong ko sa aking isip habang nakatitig sa langit. Pinagmamasdan ko ang dahan-dahang pagbabago ng kalangitan sa mismong paningin namin. Ang dating malinaw na asul na kalangitan ay nagsimulang mag-iba ng kulay, patungo sa isang hindi maipaliwanag na lilang-ube.

“A-Anong nangyari?” Nanginginig ang boses ng isa kong kaklaseng babae kaya bumaling ang lingon ko sa kanya. “Nasaan na ‘yong ibang mga estudyante?”

Nanlaki ang mata ko nang pagmasdan ko ang aming kapaligiran.

She’s right.

The other students had vanished into thin air, just like bubbles, leaving barely of us behind.

“S-Saan napunta ang ibang estudyante?” Tila ito ang pumapasok na tanong sa isip ko sa mga oras na ito. Kumurap pa ako nang ilang beses, pilit sinisiguro na hindi ito panaginip. Ngunit sa bawat pagpikit at pagdilat, patuloy na nag-iiba ang aking tanawin. Ang mga gusaling nakapalibot kanina’y biglang naging matatayog na pader at bumubuo ito ng isang dambuhalang silid. May pulang karpet ang sahig nito, at purong puting pader na walang pintuan palabas.

P-Paano kami napunta rito? Hindi! This can’t be real! Just a few seconds ago, we were in the middle of a crowd. Next, everyone was just gone. Now, we got instantly relocated.

“I guess you’re wondering why ninety-eight percent of the students have vanished and why the rest of you are in this massive room. The two thousand two hundred fifty (2250) students have been split into forty-five groups, a total of fifty students each group.” The voice echoed again, saying something utterly impossible. Split over two thousand two hundred fifty students in mere seconds? What the voice were saying sounded impossible, yet after everything I’d seen, there’s no denying it.

I looked around and saw confusion and disbelief painted on every faces. The voice above defied all logic, while our gazes fixed above—waiting for their next foreboding.

“Hoy! Anong hinati?! Sino ka ba at bakit mo kami dinala rito?!”

Teka, kilala ko ‘yong boses na ‘yon. Nang makita ko kung sino ito ay kaagad na nawala ang interes ko. Si Jericho.

“Like I’ve said. All students were split into forty-five groups. Those forty-five groups are now inside another room to officially play a game.”

“Play a game?”

“Anong ibig niyang sabihin?”

“Anong pinagsasabi mo?! Anong play a game?!”

Puno kami ngayon ng mga katanungan, dahil sa sinabi ng nasa taas.

Anong meron?

Bakit kami dinala rito?

At higit sa lahat, anong laro?