Sa Pagitan Ng Dilim At Pangako
Malamig na hangin ang humampas sa'king pisngi dahilan para masurpresa ako. Naramdaman kong hinangod niya ang aking likod upang pagaanin ang aking loob. Nakaupo kami sa buhanginan malapit sa dalampasigan, rinig ang mga munting huni ng ibon at hampas ng tubig. Madilim, siya, siya ang tanging nagsisilbing liwanag at mata ko sa lahat ng oras at araw. Ilang beses niyang ipinangako sa'kin na, sa araw ng kaarawan ko, hahanapan niya ako ng donor ng aking mga mata. Ngumiti ako sakanya ng mapait, naaalala ko ang mga kuwento niya kung gaano kaganda ang mundo, hindi ko man makita. Nandito naman siya sa'king tabi upang ipaalala sa'kin.
Nagdaan ang mga araw, nandito ako ngayon sa hospital. Araw ng aking kaarawan. Makalipas ang ilang oras, hindi siya dumating. Naghintay ako at umasa na baka abala lang ito sa mga gawain. Isang buwan na ang nakalipas, hindi na niya ako pinupuntahan sa hospital, wala ang presensya niya na hinahanap-hanap ko. Nagsimula akong magtampo at magduda sakanya, gusto ko man siyang puntahan ngunit hindi ko magawa. Naalala ko noong mga nagdaang araw bago ang aking kaarawan, nangako siya sa'kin, ngunit binigo niya rin, nasaan na kaya siya? Tuluyan na niya ba akong iniwan.