Customize readability
Aa

ISLA' - ANG LUGAR NG MAKASALANAN

All Rights Reserved ©

Summary

BABALA: PAY TO READ🚨 Kung may hangganan din pala ang lahat bakit kailangan pang maranasan muna ang lahat saka ito mahanap? Mag-ingat sa luhar na hindi pamilyar! Lalo't higit sa lugar na wala kayong pagkakakilanlan.

Status
Ongoing
Chapters
20
Rating
5.0 1 review
Age Rating
18+

ISLA - ANG LUGAR NG MAKASALANAN

Likas na talaga sa mga pinoy ang katagang "Bagyo kalang, Pinoy kami!" ito ang pinanghawakan ng magkakaibigan sina Diego, Emilio, River at Michael. Isang plano ang kanilang isinakatuparan dahil nga halos hindi na matuloy tuloy ang planong ito kaya kahit may napapabalitang namumuong bagyo hindi sila nagpapigil at kanila pa rin itinulot ang kanilang kagustuhan.

"sigurado ba kayo mga bata?" tanong ng isang bangkero na kanilang kausap upang rentahan ang bangka nitong pasaheruan.

"sigurado na ho kami manong tiyak naman na pagsapit ng hapon ay nasa Maribeles na kami hindi ho ba?" sagot ni Diego sa bangkero.

"kung maganda ang panahon ay tiyak na bago pa lumubog ang araw ay makakarating kayo ng maribeles, kaso medyo kumukulimlim na at umiihip na ang kakaibang lamig ng hangin"

"wag ho kayong kabahan manong titiyakin ho namin na maibabalik namin ang bangka ninyo sa maayos na kondisyon" sambit naman ni Michael.

"hindi pa ba tayo aalis?" tanong ni River na nakaupo na sa bangka.

"heto na nga at kinakalas na ang tali, mabuti pa Emilio sagwanan mo muna iyan at doon na natin sa unahan paandarin ang makina" utos naman ni Diego sa kanila.

Agad din namang sumunod si Emilio kaya maging si Manong bangkero ay wala ng nagawa. Tanging ang pagtanaw nalamang sa mga binata ang kanyang nagawa.

Habang sa kalagitnaan ng karagatan binuksan ni River ang kanilang speaker na dala kasabay ang pagbuhay ng isang masiglang awitin. Inilabas din ni Michael ang pagkain at wine na binitbit din nila na mas nagpatindi ng kanilang kasiyahan.

"Mas maganda talagang wag na magplano mga tol hindi ba! akalain nyo yon dumalaw lang ako kanila Michael eh natupad na agad itong matagal na nating plano" tuwang tuwang sambit ni Diego.

"sinabi mo pa tol, namiss ko kayo mga chonggg" sigaw din ni Michael bago ito umakbay kay River.

Matinding kasiyahan ang kanilang binuo mula sa kalagitnaan ng karagatan. Sa bawat pagtawa at paginom nila ng alak, kasabay non ay ang paghihiyawan nilang apat na para bang gumising sa natutulog na mga alon.

Sa isang iglap parang biglang nagalit ang dagat. Ang kasiyahan kanilang binuo ay syang bumulabog dito. Kasabay ng paggalaw ng tubig ay ang unti unting pagpatak ng ulan at maging ang hangin ay sya rin nagpaparamdam.

"puchaa! mukhang mamalasin pa" sambit ni Emilio.

"Tol yong speaker paabot muna oh" sambit ni River kay Michael.

"malapit naba tayo Tol?" tanong naman ni Diego kay Emilio.

"dapat tanaw na natin eh kaso hinaharangan ito ng makapal na ulap"

"shit!" ito nalang ang nasambit ni Michael ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Fuck! walang signal" galit ding sambit ni River.

"mabuti pa riv i-ayos mo muna ang lahat ng gamit, Mic patulong nalang pahawak sa gilid ng trapal na iyan para hindi tayo gaanong mabasa" sambit ni Diego na sinunod din naman nila.

"ano tol? natanaw muna ba?" tanong nitong muli kay Emilio.

"hindi pa nga tol, masyadong malakas ang ulan na tumatakip sa lugar, mabuti pa tumabi nalang muna tayo" suggestion naman ni Emilio.

"mabuti pa nga"

Habang pinipilit ni Emilio na maitabi ang bangka sya rin namang pagpigil ng malalaking alon sa kanila. Ang hagupit ng alon ay syang mas nagbigay ng pangamba para sa apat na magkakaibigan.

"puta! bumibigay na ang tali ng katig sa kabila" takot na sambit ni River habang nakaturo ito sa kanang bahagi ng katig.

"mabuti pa magbawas tayo, ihulog nyo na ang ilan sa hindi na mapapakinabangan para mabawasan ang bigat" sabi naman ni Emilio kaya pati speaker na kanilang dala at itinapon na rin ni River.

"pucha talaga sayang tong wine ang mamahal pa naman" tila badtrip na sambit ni Michael ng ihulog nya ang isa pang kahon ng alak.

"walang nangyayari, bumibitaw na talaga ang tali humawak kayo sa pupwede ninyong paghawakan" bilin ni Diego sa kanila na agad namang ginawa ng tatlo.

"Riv tol kumapit ka sakin" sigaw ni Michael habang humihilamos na ito ng hampas ng alon.

"tol ayuko pang mamatay!" naluluhang sambit ni River.

"ano kaba tol! lakasan mo loob mo andito kami" hiyaw muli ni Diego habang nilalabanan pa sana ang pagkapuno ng tubig ng kanilang bangka.

Pero sa isang iglap ang tawanan pala nila ay ang huli nilang kasiyahan. Humagupit ang hangin kasabay ng pagtaas ng alon na sumakop sa kanilang bangka. Walang nagawa ang apat kundi ang tumilapon sila isa isa sa karagatan.

Ang paghataw ng bagyong kanilang binaliwala ay sya palang magiging dahilan para makatungtong ang apat na binata sa Isla Hagibis.

Ang islang hindi mo nais puntahan. Ang islang lahat ng sekreto ninyo ay kayang malaman.

•••

Bago pa man mangyari ang sakuna sa apat na binata naging masaya pa rin ang kanilang sandali.

"Tol on the way na ako dyan" sabi ni Diego kay Michael ng makalabas ito ng pinto ng bahay nila.

"oh sige pumasok ka nalang ha, wala naman dito sina kuya" sagot naman ni Michael mula sa kabilang linya.

"oh sige tol"

"hoy! saan ka pupunta? naghugas kana ba ng plato?" biglang sulpot ng kuya ni Diego.

"kuya naman, pupunta lang ako kina Michael mamaya na yan pag-uwi ko" sagot naman ni Diego na napapakamot pa sa ulo.

"siguraduhin mulang Diego dahil kung hindi tiyak na sa dahon ng saging ka kakain"

"oo na" sagot pa nitong muli bago tuluyang lumabas.

Masayang masaya ang araw na iyon ni Diego para tuloy itong batang bago lamang nakalabas ng bahay pero bukod pa rito ang totoong dahilan ay ang muling pagtatagpo ng kanyang ka kasintahan. Lingid sa kaalaman ng buong tropa na dalawa sa kanila ay hindi lang basta magkaibigan ang turingan kundi magka-ibigan.

Tama kayo ng naiisip dahil sina Michael at Diego ay matagal ng may tinatago hindi nga lang nila batid kung tunay na nga ba itong pag-ibig o sadyang tawag lamang ng laman. Takot man sa una ngunit niyakap nalang nila ang kanilang kapalaran dahil kahit anong gawin nilang pag-iiwas noong una hindi rin talaga maitatago na gustong gusto nila ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa.

Pagkarating nga ni Diego sa bahay nila Michael pumasok nalang ito at tumuloy sa kwarto ng kanyang sinasabing nobyo. Masayang ngiti at mahigpit na yakap ang sumalubong sa kanya.

"namiss kita tol" sambit ni Diego sa kanya.

Tol nalang talaga ang kanilang nakasanayan na tawagan kahit na parang tunog barkada lang dahil naisip nilang mas walang maghihinala kung ganito ang klase ng kanilang pagtawag sa isa't-isa.

"sobrang miss din kita tol" sambit ni Michael bago nya dinampian ng halik si Diego.

Bumitiw lang sila ng pareho na nilang kailangan humingang dalawa. Napangiti pa nga sila pareho dahil para silang sabik sa isa't isa.

"Tol gusto mo bang gumala?" tanong ni Diego sa kanya.

"what if ituloy na natin ang matagal na nating plano, ang pumunta sa Maribeles?" masayang sagot ni Michael sa kanya.

Ngunit napaisip bigla si Diego dahil nga ayon sa balita at may namumuong bagyo na papasok ngayon ano mang oras sa mga sandaling ito.

"ano tol eh baka kasi kumain ako sa dahon ng saging pagbalik ko" pabirong sambit nito.

"ha? bakit naman?"

"eh kasi si kuya pinaghuhugas ako ng plato sabi ko mamaya nalang pagbalik, eh kung hindi ko daw mahuhugasan yon edi kumain nalang daw ako sa dahon ng saging"

"sus biro lang yon ni kuya mo tol! ano tara na tawagan kuna sina River at Emilio"

"sige na nga pero pwede bang umuwi muna saglit para maayos ko din ang dapat kung dalahin"

"oh sige"

Pero bago pa ito umuwi umisa muna ito ng halik. Pareho silang nagmadaling kumilos para sa nasabing biglaang plano wala pa man nakakarating si Diego sa bahay nila agad na nagvivideocall si River sa gc nila.

"taena ang aga aga namang plano na yan" sambit ni River habang kinukusot pa ang mata nito halatang kagigising lang ni River.

"kumilos kana tol, ayaw mo yon matutupad na ang gusto mong mag overnight tayo" sagot naman ni Emilio sa kanya.

"oh ako pauwi na para kumuha ng gamit" sabi naman ni Diego sa kanila.

"pauwi? eh saan kaba galing?" tanong ni River sa kanya.

"Sa bahay tol, eh wala eh nagkabiglaan kaya bumangon kana dyan" sagot naman ni Michael sa kanya.

"oo na ito na!"

"ah basta eksakto alas nuebe ah dapat nasa meeting place na tayo" utos sa kanila ni Emilio.

"hindi ka rin halatang excited no? saan ba tayo magkikita?" pabirong sambit ni River habang nagliligpit pa ito ng higaan nya.

"kila manong, basta doon sa may rentahan ng bangka" sambit ni Diego na muntikan ng matamaan ng ligaw na plato sa pagbukas nya ng pintuan nila dahil ito ang sumalubong sa kanya.

"taena ano yon tol" tawang tawang sambit ni Emilio.

"plato ata binato ni kuya" maluha luha ding sambit ni River kakatawa.

"o sige na kailangan ko munang kumilos dito sa bahay" natatarantang sambit ni Diego sabay patay ng tawag nito sa cellphone nya hindi nya tuloy nadinig si Michael.

"tol papasundo kaba?" tanong ni Michael na tila hindi pa alam na wala na si Diego.

"wala na tol nag out na, ako nalang daanan mo please" sambit ni River.

"ah si-sigee"

"sige na mag silayas na kayo dito ng makapag handa, basta ang speaker Riv ah, Mic yong wine alam muna ako na bahala sa pagkain"

"oo sige" sabay na sagot ng dalawa bago parehong sabay na umalis sa tawag.

"hindi pa nga ako tapos sa ibinibilin ko eh" kamot na sambit ni Emilio bago nya na rin pinatay ang tawag sa kanya.

Ilang oras ang lumipas at nauna na ngang dumating si Emilio sa lugar na kanilang napagkasunduang magkakaibigan, sumunod naman si Diego habang ang dalawa ay huling dumating.

Sa planong biglaan minsan hindi mo talaga alam kung anong kahahantungan. Ang buhay na akala nilang matagal ng nagsimula dito palang pala ang totoong laban, ang totoong susubok sa kanilang pagkatao, katatagan at higit sa lahat sa kanilang pagkakaibigan.





Sa mga nais pang sumubaybay sa apat na magkakaibigan tara sa tg : haypsapogii

Let ⓗⓐⓨⓟⓢⓐⓟⓞⓖⓘⓘ know what you thought about this chapter!
Love this

4

Love this

Funny

0

Funny

Spicy

2

Spicy

Suspenseful

1

Suspenseful

Emotional

4

Emotional

Profound

0

Profound

Heartwarming

1

Heartwarming

Shocking

3

Shocking

Good Writing

2

Good Writing

Compelling Plot

1

Compelling Plot

Great Character

0

Great Character

Strong Dialog

1

Strong Dialog