K-A-R-E-L-Y-E-B-O

All Rights Reserved ©

Summary

Kuwento ng buhol-buhol na buhay ng apat na alipin ng kamunduhan at kataksilan. Paano kung ang 'yong kumapre ay hindi mo lang sa trabaho karelyebo, kundi pati na sa kama, magta-time in ka pa ba? This is a cheating/cuckolding (PTR) story available in my private TG channel

Genre
Erotica
Author
Sky
Status
Ongoing
Chapters
4
Rating
n/a
Age Rating
18+

PROLOGO

(3rd Person's POV)

Ala-una na ng madaling araw, ngunit para kay Rylee, tila nagsisimula pa lang ang gabi.

Sa loob ng kanyang studio type apartment na tanging ilaw lang ng night light ang nakakalat, kitang-kita ang hubog ng katawan ni Rylee.

Sa edad na 33, taglay niya ang katawang tila inukit sa bato, malalapad na balikat, dibdib na matigas at puno, at mga braso na may mga ugat na bumabakat sa bawat pagkilos.

Siya ‘yung tipo ng lalaki na kapag pumasok sa convenience store kung saan siya nagtatrabaho, napapalingon ang lahat, babae man o lalaki.

Ang kanyang dating ay pinaghalong maskulado at misteryoso, bagay na naging puhunan niya sa mahabang panahon ng kanyang kabataan.

Mula high school hanggang sa tumuntong siya ng trenta, kilala si Rylee bilang ladies' man. Walang naging jowa si Rylee na hindi babae. Sanay siya sa lambot, sa kurba, at sa malamyang ritmo ng relasyon sa pagitan ng opposite sex.

Hindi niya inakala, ni sa panaginip, na darating ang araw na ang magpapabilis ng tibok ng puso niya, at magpapatigas ng kanyang pagkalalaki, ay isa ring lalaki.

At ang lalaking iyon ay nasa ilalim niya ngayon... Si Lei.

Si Lei, 25 anyos, ang kabaligtaran ni Rylee. Kung si Rylee ay parang pader sa tigas at laki, si Lei naman ay makinis, maputi, at may katawang maihahalintulad sa isang twink na tamang-tama lang ang laki para daganan at angkinin ni Rylee.

Isang taon na silang magkarelasyon. Si Lei ang nagturo kay Rylee ng bagong mundong ito. Ang mundong makulay sa paningin ng karamihan tulad ng isang bahaghari. Pero sa loob ng apat na sulok ng kwarto ni Rylee, siya ang hari.

“Rylee... Baby... h-hintay...” ungol ni Lei, ang boses ay manipis at halos pabulong na lang dahil sa pagod.

Nakasubsob ang mukha nito sa unan, habang ang mga daliri ay mahigpit na nakakapit sa bedsheet, namumula ang mga kamao sa higpit.

Hindi huminto si Rylee. Sa halip, mas diniinan pa niya ang hawak sa balakang ng kasintahan. Ang bawat tulak niya ay may halong gigil, may halong pagmamay-ari.

Bago pa lang siya sa same-sex relationship, pero tila natural sa kanya ang pagiging dominante. Ang stamina na nakuha niya sa pagbubuhat ng bakal sa gym at sa pisikal na trabaho ay nagagamit niya nang husto sa mga ganitong pagkakataon.

“Sabi mo gusto mo pa, ‘di ba?” bulong ni Rylee sa tenga ni Lei.

Ang boses ay mababa na nagpapatindig ng balahibo ni Lei. Ramdam niya ang init ng hininga ni Rylee sa kanyang leeg, kasabay ng pawis na tumatagaktak mula sa matipunong dibdib ng nobyo na dumadampi sa kanyang likuran.

Alam ni Lei na malaki ang kargada ng kasintahan. Ito ang isa sa mga bagay na ikinagulat niya noong una silang magtalik.

Para sa isang baguhan, masyadong gifted si Rylee. At ngayong gabi, tila walang kapaguran ang binata. Ang bawat bayo ay malalim, sagad, at walang patawad.

Puno ng pagnanasa ang bawat galaw ni Rylee, tila ba gusto niyang bawiin ang lahat ng taong pinalampas niya na hindi niya nararanasan ang ganitong klaseng init.

“Rylee, m-masyado nang... ahhh!” Hindi na natapos ni Lei ang sasabihin nang baguhin ni Rylee ang anggulo.

Napapikit nang mariin si Rylee habang pinagmamasdan ang reaksyon ng katawan ni Lei.

Gustong-gusto niya ang pakiramdam na kontrolado niya ang sitwasyon. Iba ang pakiramdam sa lalaki, mas mahigpit, mas matindi, mas naka-aadik.

Ang bawat pag-urong at pagsulong niya ay sinasalubong ng init ng loob ni Lei na tila ba ayaw siyang paalisin.

“Pagod ka na, baby?” tanong ni Rylee.

Pero hindi siya tumitigil. Hinaplos niya ang tiyan ni Lei habang patuloy sa maindayog at malakas na pagkadyot. Ang mga muscles sa braso niya ay naka-flex, bakat ang bawat hibla ng lakas.

“Hindi ka ba... napapagod?” halos pasigaw na daing ni Lei.

Ngayon ay nanginginig na ang mga hita nito. Halos isuko na ni Lei ang laban. Sa bawat gabi na magkasama sila, laging siya ang unang bumibigay.

Para kasing makina si Rylee. Hindi nauubusan ng hangin, hindi nauubusan ng lakas. Para bang ang katawan nito ay dinesenyo para magbigay ng ligaya hanggang sa ang kapareha na mismo ang magmakaawang tumigil.

Ngumisi lang si Rylee. Sa totoo lang, pagod na rin siya galing sa shift niya kanina, pero kapag kasama niya si Lei, at kapag nararamdaman niya ang ganitong klaseng pagpapasarap, nawawala ang pagod niya. Nilalamon s'ya ng kalibugan.

Binilisan pa ni Rylee. Ang tunog ng balat sa balat ay pumuno sa tahimik na kwarto, kasabay ng mabibigat na paghinga nilang dalawa. Ang pawis ni Rylee ay tumutulo sa likod ni Lee, nagsisilbing pampadulas sa mainit na tagpo.

Ramdam ni Rylee ang bawat pulso ng katawan ni Lei na sumisikip sa kanya, senyales na malapit na ito.

“Sabay tayo, baby!” utos ni Rylee.

Hinuli niya ang mga labi ni Lei at hinalikan ito nang mariin, isang halik na puno ng pagkagutom at pangangailangan.

Sa huling sandali, ibinigay ni Rylee ang lahat. Ilang malakas at mabilis na pagbayo ang nagpawala sa huwisyo ni Lei.

Sabay silang napasigaw, ang boses nila ay humalo sa hangin, hanggang sa pareho silang bumagsak, hingal na hingal, basa ng pawis, at ramdam ang init ng isa’t isa.

Ilang minuto ring nanatili si Rylee sa ibabaw ni Lei bago siya gumilid at humiga nang patihaya. Tinitigan niya ang kisame habang pilit na pinapakalma ang kanyang puso.

“Grabe ka...” bulong ni Lei, na halos hindi na maigalaw ang katawan.

“Papatayin mo yata ako, baby.” dagdag pa nito.

Tumawa nang mahina si Rylee at inakbayan ang nobyo, hinila ito palapit sa malapad niyang dibdib.

“Sabi ko naman sa’yo, mag-gym ka para makasabay ka, baby.”

“Ewan ko sa’yo,” irap ni Lee pero yumakap din nang mahigpit kay Rylee.

“Swerte mo mahal kita. Kung iba ‘yan, baka tumakbo na sa laki n’yan at sa tagal mong labasan.”

Napangiti si Rylee at hinalikan ang noo ni Lei. Maayos ang buhay niya.

Tahimik.

Masaya.

Akala niya noon, ang pagiging straight ang tanging daan para sa kanya, pero dito kay Lei, nahanap niya ang isang klase ng pagtanggap na hindi niya naramdaman sa iba.

Kontento siya. Wala na siyang hahanapin pa.

Ayon ang akala niya...

Kinabukasan, nang pumasok si Rylee sa convenience store siya ang naka-assign sa inventory ngayong araw bago ang night shift. Suot ang kanyang uniporme na medyo hapit sa kanyang maskuladong braso, binati niya ang manager n'ya nang malapit nang matapos ang kanyang shift.

“Rylee, p'wedeng mag-extend ka nang ilang minuto, wala pa kasi 'yong karelyebo mo eh.” pakiusap ng manager nila.

Alas-Diyes na ng gabi at dapat nagta-time out na si Rylee para makabiyahe na 'to pauwi sa kanyang nobyo. Pero heto s'ya ngayon, naghihintay dahil halos 30 minutes na at wala pa rin ang kapalitan n'ya ng shift.

"Pagpasensyahan mo, baguhan pa kasi. Baka nabigla sa biyahe." pagpapakalma ng manager ni Rylee sa kanya.

Paglipas ng isang oras sa wakas ay nakarating na ang karelyebo ni Rylee.

Bubulyawan sana ito ng makisig na empleyado ng convenience store nang magulat ito sa nakita.

Sa tapat ng counter, nakatayo ang isang lalaki. Hindi ito twink gaya ni Lei. May maganda rin itong katawan, pero mas payat kaysa sa kanya, mas matangkad rin ito nang kaunti, at may maamong mukha na may tinatagong angas.

Nang mag-angat ito ng tingin at nagtama ang kanilang mga mata, naramdaman ni Rylee ang isang kakaibang kuryente, isang pamilyar na init na hindi niya naramdaman kay Lei, o kahit kanino pa man noon.

Ngumiti ang lalaki, nagkakamot ng ulo, mukhang nahihiya. Ang ngiti nito ay tila may halong paghahamon.

“Hi,” bati ng bagong salta, ang boses ay malalim at swabeng-swabe.

“Bong nga pala, p're. Sorry na-late. May aberya lang sa bahay.” palusot ng karelyebo ni Rylee.

Hindi agad nakagalaw si Rylee. Ang pawis na natuyo na sa katawan niya mula sa init ng ulo ay tila biglang nanlamig, pinalitan ng isang bagong uri ng init na nagmumula sa titig ng bagong kasamahan sa trabaho.

Sa sandaling iyon, walang kaalam-alam si Rylee na ito na ang simula ng kaguluhan sa tahimik niyang mundo.

END OF PROLOGO