Chapter 1 Her Family
I WANT TO BE LOVE IN Your World
(TAGALOG FANTASY NOVEL)
Sa isang silid iyong matatagpuan ang napakasayang binibini, nakapasa siya sa kanilang panhulihang pagsusulit...hindi naman ito nakakapagtaka sapagkat isa siyang matalinong binibini.
Pagkabigla ang makikita sa mukha ng binibining ito ng biglang bumukas ng malakas ang pinto ng kanyang silid.
*Slam* naanigan ni Crescent ang mukha ng kanyang ina...ngumiti sya rito at nais niya sanang ipaalam ang magandang balita, ngunit hindi ang inaasahang bati mula sa kanyang ina ang kanyang natanggap kundi...
*pakk* "ikaw!!!..ikaw ang may kasalanan kung bakit nahimatay si Yuna!!!!"..hindi maitatangging galit ang ginang na ito, dahil pasigaw siyang nagsasalita. Pagkatapos sampalin ang maamong mukha ni Crescent.
Crescent pov...
"M-Ma!!...wag mo pong sirain yan...please...*sniff* maawa ka po".. Naka luhod ako habang nagmamakaawa kay mama, pero patuloy niya paring pinagsisira ang aking gamit sa kwarto ...ano mang makita niyang mahalaga sa pag-aaral ko, ay walang ligtas sa mga mata niya ..
"Ano pa bang silbi ng mga to!, kung di mo manlang nagawang tulungan ang kapatid mo!!!" Sigaw niya habang pinagpupunit ang aking mga aklat at notebook,..lahat nah..
Nanlulumo akong panuorin ang pagkasira ng lahat ng mga pinaghirapan ko...pero ano bang magagawa ko...dapat kasi sanay na ako..kasi lagi naman silang ganito...pero bakit parang hindi ako sanay..
Napaupo nalang ako at hinayaan si mama na sirain lahat ng gamit ko.. Pasinghut-singhot ako ngayon na nakaupu sa tabi ng aking higaan...iniiwas ko ang aking paningin kay mama...hindi, hindi ko kaya toh ...
Ganon pa man naalala ko ang unang sinabi ni mama, nagkasakit si Yuna?...ang nakababata kong kapatid..b-bakit?...
Naglakas-loob akong magsalita at sapilitang pinahiran ang aking mga luha.
"M-ma ..a-ano po bang n-nangyari kay.." Napatigil ako saglit ng balingan ako ng tingin ni mama.."kay Y-Yuna?" Lakas loob kong pinagpatuloy ang aking sasabihin..
Nagulat ako ng biglang lumapit sa kin si mama...sabay sabunot nito ng aking buhok ..
"Arayyy ma!" Daing ko pero wala, .. Maslalo lamang na humigpit ang hawak nito sa buhok ko .
"Ikaw..ikaw ang dahilan" sabay turo nito sa akin ng isa niyang kamay habang ang isa ay nakahawak parin sa aking buhok ..
"Alam mo bang nahimatay si Yuna hah!! Dahil sa bumagsak sya sa exam nila!!" Saad nito..bakit ako nanaman ang sinisisi nila diba dapat nga ipagmalaki nila ako dahil naka pasa ako sa exam...mayroon na silang isang Lawyer pagkatapos ko ng College ..
Pero hindi eh....sa tuwing nagkakasakit si Yuna, ako agad ang tinuturo nilang mali, may kasalanan, at sisisihin...kahit kailan di pa nila ako sinabihang magaling...
"P-po?"..mahinang saad ko dahil narin sa pag-aalala kay Yuna.. Kapatid ko parin siya at alam kong ang pagiging ganito nila mama ay dahil lamang sa pagpro-protekta sa aking kapatid...tatlong taon ang tanda ko kay Yuna...kaya ako dapat ang nagsisilbing isang mabuting huwaran para kay Yuna..
Isang palad ulit ang dumapo ng marahas sa aking pisngi..*pak* "diba't sabi ko sayo..gumawa ka ng paraan para pumasa yung kapatid mo hah!!..pero ano pinabayaan mo lang siya!!"...saad ni mama...kitang kita ang paninisi sa kaniyang mga mata..
Na para bang napakalaki ng kasalanan kong ginawa.
"Hindi po yan totoo ma!...tinulu—---" ...hindi ko na naipagpatuloy ang aking sasabihin dahil muli nanaman akong sinampal ni mama..
Ito nanaman wala nanaman akong boses pagdating kay Yuna..
"Tinulungan?!!..ang lakas ng loob mong mag sinungaling!!, kung tinulungan mo yung kapatid mo sana nakapasa sya at ngayon di na siya nagka-kasakit!"..sabay bitaw ng malakas ni mama sa buhok ko..na sya namang ikinadaing ko...mabuti nalamang at sa gilid ng kama naka tama ang ulo ko ..
Tinulungan ko naman sya eh..pero siya itong ayaw makinig sakin.. Tapos nung pinilit ko syang makinig..pinagalitan naman ako nila mama at papa...unfair talaga...
Nanahimik nalang ako kaysa naman lumala pah...pagod na ako..pero kakayanin ko to..
Sana nga
Napansin kong napatingin sakin si mama na sya namang ikinaiwas ko ng tingin..napatingin ako sa result paper ng aking exam...nakapatong ito sa kama ko..
(Sana di makita ni mama yung result paper ko)
Saad ko sa aking isipan..pero nagulat ako ng lumapit si mama doon at kinuha yun ..
Nakalimutan kong sakin pala nakatingin si mama kanina kaya siguro nakita niyang tinititigan ko ang result paper na nakapatong sa ibabaw ng aking kama..
"Abah...perfect ah...! Bakit di mo tinulungan ang kapatid mo gayong na perfect mo naman ang exam mo!!" Saad ni mama habang kinukuyot ang papel na hawak-hawak niya..
"M-ma...please wag yan"...saad ko habang pabalik-balik ang tingin sa papel na hawak ni mama..ayaw kong makita na ang lahat ng pinaghirapan ko basta nalang pupuni—--
"Anong akala mo hahayaan nalang kitang sumaya habang ang kapatid mo dun wala paring malay?!!...abah ang kapal naman ng mukha mo ah" huli na..napatulala nalang ako dahil ang kinakatakutan kong mangyari ay nangyari nah
Pinunit nga ni mama yung result paper ko....dapat inasahan ko na tong mangyari...
But that's not mean na hindi na ako makakapag college.. Yun ang akala ni mama..kaya niya pinunit yung paper ko...pero I still can...makakapagtapos na ako ng college..
Pero ganon paman...masakit parin eh...kung normal na magulang sila siguro...pina-frame nila yung result paper ko...dapat ipinagmamalaki nila ako...
Pero hanggang pangarap at imahinasyon nalang ang lahat ng iyon..
Napatigil kami ni mama ng biglang may sumigaw mula sa pintuan ng aking kwarto..
" Ano ba yan Kresilda!...ang ingay niyo!..alam niyo bang nagpapahinga pa si Yuna hah!!!".. Sigaw ni papa..
Oo si papa yun...dapat nga sya ang nagtatanggol sa'kin dapat siya ang kasama ko sa lahat ng paghihirap na kahaharapin ko pero hindi eh....
Kabaliktaran panga siya..
"Ah..p-pasensya nah Z-Zaren...ito kasing si Crescent ..tinuturuan ko lang ng liksyon"....medyo may kaba sa boses ni mama.... Kung minsan kasi ay takot sya kay papa...minsan rin takot si papa kay mama...cute sana noh...kung pati ako tinuturing nilang pamilya..
"Mamaya na yan...di ka na naawa tingnan mo nga..baka mamaya hindi na niya kayaning maglinis ng kwartong toh.." Saad ni papa...
Pasikrito akong ngumiti...sa wakas nasabi rin ni papa ang salitang 'awa'...
Agad kong binago ang postura ng aking mukha para di mahalata ng ngumiti ako..
" o siya sige..."...umalis na si papa at ako naman ang binalingan ng tingin ni mama
"Maglinis ka na ng kwarto mo...tandaan mo wala kang yaya"..napatango nalang ako na marahan habang papunas-punas ng aking mga luha...hindi totoo yun...may yaya kami ..pero pagdating sakin....
Ako lang ang bumubuhay sa sarili ko...
||||||||||||||||||||||||||
Author's Pov
Pasinghut-singhot nalamang ang dalagang si Crescent sabay punas ng luha na dumadaloy sa kanyang pisngi....kasalukuyan siyang nakahiga ngayon...habang inaalala ang lahat ng nangyari..
Katatapos niya lang maglinis ng kanyang silid
ramdam niya ang pagod..at gutom...hindi pa kasi siya kumakain mula nong dumating sya sa kanilang tahanan..
Dahil nga sa pagod at di rin nag tagal, naka tulog na si Crescent..
Sana pagdating ng bukas ay hindi na ganito ang muli niyang maramdaman, at maranasan...pagod na siya...subra
.......
I want to be love in Your World
Author's pov.
Nagising si Crescent sa ingay ng mga sasakyan at huni ng mga ibon sa labas. Agad na siyang tumayo ay nag-ayos ng kanyang sarili...Maligo,magbihis,magluto,maglinis ng kwarto, at sermonan. Ito na ang naging mourning routine ni Crescent...
Pero mukhang maswerte sya ngayon dahil hindi siya sinirmunan ng kanyang ina..
"Yaya....ahmm bakit wala po wala si m-mama?"..magalang na tanong ni Crescent sa yayang nakasalubong niya paglabas ng pinto..medyo nanibago lang kasi siya dahil ito ang unang beses na aalis siya papunta sa paaralan ng wala ang sermon ng kanyang ina..
Siguro para sa iba ay kakaiba ito pero..ganito na kasi ang nakasanayan ni Crescent,..kungbaga isa na ito sa nakaugalian niya...pero ganon pa man nagpapasalamat parin siya at mukhang kinakapitan na siya ng swerte ngayon.
"Ahm wala sila ngayon,..umalis kasama ang senyorita Yuna, pupunta raw sila sa Hospital para ipa check-up ang kapatid mo"..Agarang sagot ng yaya..nagpasalamat nalamang si Crescent at umalis na papunta sa paaralan nila..
Last year nalang ni Crescent sa kolehiyo..at last exam niya na rin nung isang linggo..nakapasa naman sya at siya nga ang isa sa mga may pinakamataas na grado. Kaya siguradong maraming sponsor ang tutulong sa kanya...
Kasalukuyan siya ngayong naglalakad sa may parke malapit sa university niya..wala siyang kasamang mag lakad dahil sa wala naman siyang kaibigan..hindi dahil sa masungit siya o kinakatakutan kundi dahil hindi lang talaga sanay si Crescent na makisalamuha sa ibang tao..
Mabait at maganda naman siya kaso ngalang..Introvert..at isa pa ay wala talagang gusto na makipag kaibigan sa kanya...siguro dahil nga sa mahilig siyang mapag isa, pero maganda naman sya noh...
Kakapasok lang ni Crescent sa kanilang paaralan..amoy na amoy ang katahimikan sa loob. Minsan lang ganito yung Classroom nila..tahimik...
Hinayaan nya nalang ito at tahimik na umupo sa kanyang sariling upuan.Sinusubukang hindi gumawa ng kahit kunting ingay na makakapang abala sa kanyang mga kaklase.
Dahan dahan niyang hinila ang upuan at umupo doon.
Maya maya pa ay bumukas ulit ang pintoan ng klassroom nila, nabaling lahat ng atensyon nila sa taong bumukas ng pinto..That was their prof. Si prof. Madisa
Mabait ito may pagka strikto minsan..tanging tunog lang ng sapatos nito ang maririnig habang naglalakad papasok. Nakatingin lang sa kanya ang lahat ng estudyante at syempre pati si Crescent...Kahit tapos na ang last exam ay pina punta parin sila dahil may mahalagang iaanunsyo si prof. Madisa sa kanila
"Good morning prof. Madisa, its nice to see you again" Sabay sabay nilang bati kay prof. Madisa, habang nakangiti silang lahat at ganon din ang guro..
"Good morning din my beloved students, maybe 'yan na ang last na bati niyo sakin.. Hays.." Nakangiti man ang guro ngunit bahid parin ang lungkot na nadarama..bukod kasi sa ga-graduate na ang mga mahal niyang istudyante ay ito na rin ang last year niya sa university..
"Okay..let's get to the point na agad.." pag papatuloy pa nito "the day that you've waited is on the way na..ga- graduate na rin kayo..and pinapunta ko kayo dito for the last time, para ipaalam na.." Pabitin nitong saad at tiningnan ang mga istudyanteng naghihintay sa susunod na sasabihin.
"Before graduation..mag ce-celebrate tayo!!" Masiglang pahayag ni prof. Madisa agad namang nagsihiyawan ang lahat ng mag-aaral sa narinig...ganon din naman si Crescent..
Kahit ramdam niya parin ang sampal ng ina sa kanyang pisngi ay mas pinili niyang maging masaya...
Sanay siyang tinatago ang nararamdam at sarilinin na lamang ito.
Palakpak, hiyawan, at tawanan ang tanging maririnig sa loob ng classroom..napangiti nalng si Prof. Madisa habang minamasdan niya ang mga estudyante
"Okay okay..makinig muna kayo"...agaw atensyon ni prof. Madisa sa lahat dahil mukhang may karagdagang iaanunsyo pa ito, kaya naman lahat sila ay tumahimik ulit ngunit bakas parin ang mga ngiti at pagka excite sa kanilang mukha.
"Ang celebration will be held on tomorrow night, ang theme ay mascarade Party so...lahat susuot ng mask and gowns...did you all understand?" Masiglang wika ni prof. Madisa
"Yes ma'am" sabay sabay ulit nilang tugon sa kanilang guro habang nakangiti. "Okay so now you may all leave good bye"...prof Madisa
"Thank you and Goodbye professor Madisa"..at yun na..then they all left the room with smile on their faces
Lumabas na rin si Crescent kasama ang mga kaklase..binabalak niya sanang pumunta sa boutique dressing mall para makapili ng gown..excited din siya syempre..may sarili sayang pera kaya, kaya niyang bilhin lahat ng gusto niya..
|||||||||||||||||||||||||||||||||||
"Ma'am what do you want to buy?" Saad ng sales lady pagbukas na pabukas ni Crescent ng pinto..Kasalukuyan siya ngayong nasa pamilihan, syempre para bumili para sa ano pa ba?...
Crescent pov.
"Ahm..I want to buy gown for our celebration..can you please guide me to the boutique gown's mall?" Magalang na wika ko sa sales lady..ngumiti ito at sinabing
"Sure ma'am..please follow me" ngumiti na rin ako at sumunod
Nakarating na kami at hinayaan niya na akong pumili at tumingin tingin sa mga nagagandahang damit na naririto ngayon..costumer na nila ako mula pa noon, dito kasi ako bumibili ng mga damit ko....
Kinuha ng isang Golden gown ang pansin ko..linapitan ko ito at tiningnan ng mabuti, sinundan naman ako ng sales lady.. Color Gold ito at ballgown, ang gara tingnan may red at black ang color ng design..flower and diamonds ang design subrang ganda..
"Ma'am, gusto niyo po ba ito?.." Tiningnan niya ako, parang may kino-confirm siya sakin.. "Bagay na bagay po ito sa inyo ma'am..sa maputi niyong kutis at golden brown niyong long hair," nakangiti niyang sabi habang kitang kita ang paghanga sa mukha..
OMG...nakikilig ako hehe
"Talaga?...thank you po" nakangiti ko ring tugon..
So ano pa nga ba!..idi gora na..yun... binili ko 15k lang naman and my goshhhh ang ganda kaya...Syempre pera ko pinambili dun noh, its so impossible namn na galing yun sa parents ko..galing ang pera ko sa sarili kong sikap..may sarili akong work...
Di ako binibigyan nila mama at papa ng pera..ahm binibigyan lang nila ako kung may kailangan ako but twice in a month or three nga lang...but ganon pa man thankful parin ako dahil kahit papaano ay naaalala parin ako ng aking mga magulang.
Di ko muna pala dinala yung damit sa bahay I prefer na doon na lang ako bukas mag bibihis ng gown sa mall and may makeup room din sila ron..ayaw ko dalhin sa bahay..baka magtaka sila o kaya ay punitin nila yung gown..inaasahan ko na yun...halata naman kasing gagawin nila yun eh..
Time check!!! Its 11:00 am....ayaw ko pang umuwi..boring sa bahay eh.. Pupunta muna ako ng café, mag lilibang sandali..doon ko narin balak mag lunch
Ganito palagi,...aalis ako ng maaga tapos 4 pm na uuwi..ayaw ko na dun sa bahay hayss..
Ay wait....sa library nalang kaya ako pumunta?...oo tama medyo nasa kondisyon akong magbasa ng mga novels ngayon eh..
.....
Here I am in the library or books store..may mga stories dito..abah syempre, books store nga to eh..hayy okay.....
"Mmm...ito nalang" I said habang kinukuha ang isang libro. " 'An Ancient love' Ancient love??" Napaisip ako dahil sa nabasang titulo ng aklat. Sounds interesting huh..
Then I sat on a chair infront of the glass window, holding the book I've picked. The title still confusing for me yet interesting... Mag isa lang ako ngayon, wala masyadong students dahil it's Monday and may klase sila but thanks I'm done with that hehe..
An Ancient Love
"I believe that in the middle of the darkness and loneliness there is a sun that brings the light and warm." The girl said while holding her tears, she looks like a goddess because of her looks but she's only wearing a simple dress with faded green color.
"But what if that sun wasn't for a long time?, what if that sun is not there to give the light and warm they needed? And the darkness still on it" a cold voice of a woman showed up, her eyes is looks like she felt the heavy and hardness pain of all her life, but yet still beautiful just like the girl in front of her.
They both watching the seashore, admiring the beauty of it.
The girl just smiled bitterly, she look at the woman next to her, but the woman still looks at the ocean. "Xythria...." The woman name Xythria turn her gaze on the girl and look her seriously
"I know you felt it too, and I thought that..." She stop talking and let the woman named Xythria finish what she was saying...
"Thought that the sun is pretending to be the light, right?..yes I felt it too dear Denexia" she said with bitterness and hated in her every word.
"But the thing is.... I'm still here, and still believing on that 'SUN' like I'm hypnotized" Xyrthria added, they felt the same, the way like she can't force her self to don't believe in that sun...
And accept the truth that they lost their light and die with love
Their once a sister, a best friend, their bond is to strong that no one can cut it..but they unforeseen that one day that bond between Denexia and Xythria will be cut by a scissor from their overly love in the man they meet.
And now they are enemies...
That man , who ones gave a happiness on both Denexia and Xythria
But one day the man fell in love with one of them, He fell in love with Denexia. Xythria knows about it and she felt jealous and mad at the same time, she don't know what is wrong with her that she can't even smile or be happy for her Sister and for the man she loved.
Patuloy ko itong binasa hanggang sa nakarating ako sa page na walang laman
"Huh?,...bakit wala?" Ganoon din ang mga sumunod na pahina, walang laman...
Nagtaka ako syempre and then in the last page there is only one sentence written..
" Please...continue my story and save me for the last time "
H-huh???..bakit ganto toh?
Tumayo na ako at balak na sana itong ibalik nalang,..noh bayan kakabitin eh.. Ang ganda pa naman nong story... Bakit pa nila ibinibinta toh kung hindi pa tapos? Diba?
Huminga ako ng malalim at tumingin sa glass window..hawak hawak ko parin ang libro
I saw an old lady, parang tatawid ata syah???..
Then mag isa lang sya kaya I Decided na tutulongan ko si lola. Nasa kabilang kalsada si lola kaya kailangan ko pa munang tumawid..well okay
Iniwan ko yung libro na binasa ko then I walk faster palabas ng Library. Sininyasan ko si lola nang mag tama ang tingin niya sakin. She nodded then I look in left and right to make sure na safe ako sa pagtawid. Then tumawid ako nang mabilis..
Nang makalapit ako kay lola ay nakangiti lang ito....cringe.... Hinawakan ko sya at inalalayan para maglakad. But her smile still and not faded while looking at me...tiningnan ko sya at ngumiti na rin.
"Lola bakit po kayo mag-isa? Alam niyo naman pong delikado para sa inyo ang mag-isa diba" yeah dahil sa tingin ko ay nasa 60's na sya ...white yung hair nya and she have a white skin...wow hah, anong sabon niyo la?.....ngumiti lang ito at sinabing
"alam ko kasi na pupuntahan mo at tutulungan ako,...at ito nga"
Napahinto ako....what???....pero ipinasa walang bahala ko nalang ito at inalalayan ulit si lola. We are in the middle of the road... Wala pa namang sasakyan masyado kaya nag dahan dahan lang kami. She stop na ikinatingin ko sa kanya na may tanong saking mukha.
"Iha....ako si Rein at natutuwa akong makilala ka" she said...tinanong ko ba pangalan niya?...."ahh okay po lola Rein...Nice meeting you din po" nakangiti kong tugon.
She just smile again...but then I realized that....Her name is Rein?..So beautiful...
"Ah iha" tawag niya sa pansin ko
"Maaari bang humingi ako ng tulong sayo?"
Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka..
"Ahh....ano pong klaseng tulong iyon lola....lola Rein?"
I said
"Tulungan mo siya.... Wag mo nang hayaang masaktan siya ulit, nabasa mo naman ang librong iyon hindi ba?.... Kahit papaano ay alam mo na ang pakiramdam na naramdaman niya nang dahil lang sa isang lalaki...kaya pakiusap, tulungan mo siya...mangako ka"
Wala naman akong naiintindihan kaya kunot noo lang akong nakatingin sa kaniya..
Laking gulat ko nalang ng bigla niya akong itulak ng malakas..
"Tabiiiiiiii!! 'Beeppppppp' 'BOGSSSS' naramdaman ko nalang na parang tumilapon ako... Ay hindi... Dahil tumilapon talaga ako sa may poste, N-nabangga ako?
I smirk habang tinitingnan ang dugo sa palad ko...Ito naba?...mamamatay na ba ako?
Sa wakas...makaka alis na ako sa madilim kong buhay. Lord please kung may panibagong buhay man o kung totoo man ang reincarnation please.....sa masayang pamilya naman po...
My eyes closed...at linamon na ako ng kamatayan