Billionaire's Daughter Meets Farmer's Son

All Rights Reserved ©

Summary

Sunod sa layaw, maldita at matapobre. Ganyan lumaki si Sofie bagaman napakabuting tao ng kaniyang mga magulang. Palibhasa'y nagiisang anak at lumaking may gintong kutsara sa bibig kung kaya prinsesa at mataas na tao ang tingin niya sa kaniyang sarili. Ngunit paano kung sa isang iglap ay magbago ang lahat sa kaniyang buhay nang ipatapon siya ng kaniyang mga magulang sa probinsya dahil sa isang malaking iskandalong kinasangkutan niya at doon ay makilala niya si Joshua at ma-inlove dito. Isang binata na anak ng magsasaka sa kanilang lupain na tahasang sinabi na hindi kailanman magkakagusto sa kaniya dahil sa kaniyang pangit na pag u-ugali. Handa ba siyang baguhin at ibaba ang sarili para lang mahalin nito o dadaanin niya sa pera't kapangyarihan ang lahat makuha lang ang gusto?

Status
Ongoing
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
18+

Chapter 1

"Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko?!" nagpupuyos ang damdamin na sigaw ni Sofie nang umuwi siya ng bahay at maabutan sa kaniyang silid si Lara.


"At bakit hawak mo iyang mga damit ko? Magnanakaw ka 'no? Bitawan mo nga iyan!" dugtong pa niya nang makitang hawak pa nito sa magkabilang kamay ang ilan sa mga naka-hanger niyang dress habang nakaharap sa malaking salamin na naroroon.


"Ah eh, nand'yan ka na pala, Sofie," halatang nagulat na saad nito. "A-ano kasi eh..." maingat nitong inilapag sa ibabaw ng kama ang mga hawak na damit pagkatapos ay ninenerbiyos na kinamot ang leeg.


"What?!" muling sigaw niya nang ilang segundo na'y hindi pa ito makasagot.


"Ah...eh, ano..." nauutal na sambit nito. "S-sinubukan ko kasing magluto ng empanada eh n-naisip kong yayain kang mag meryenda b-baka lang kako gusto mong tikman habang mainit pa,"


"And what makes you think na kakain ako ng mga iniluto mo? Hibang ka na ba? Mamaya may lason pa iyan, lasunin mo pa ako!"


"Ay naku! Hindi! B-bakit ko naman lalagyan ng lason? Malinis 'yun," defensive naman na sagot nito.


"I don't fucking care!" mataray na singhal niya dito. "And can you please stop acting like we're close! Since when did I ever give you permission to come into my room, invite me to eat whatever you felt cooking and wosrt of all, mess into my clothes?! We're NOT friends, okay? I don't fucking like you!"


Sumungaw ang mga luha sa mga mata nito.


"I-Im s-sorry, Sofie... a-alam ko namang a-ayaw mo sa akin talaga pero gusto ko lang maging o-okay tayo," napayuko ito sandali pagkuway ay nag-angat ng mukha at suminghot singhot. "Waw-wala naman akong intensyon na makialam sa mga gamit mo, promise g-gusto ko lang talagang alukin ka mag-meryenda. Hindi ko lang kasi napigilang subukan na isukat 'yung mga damit--ang gaganda kasi nila eh," imbes na maawa ay lalong kumulo ang dugo niya. "P-pero promise w-wala akong intensyon talaga. P-pasensya na,"


"Eh ang kapal din naman talaga ng pagmumukha mo ano? Hindi ka lang pala pakialamera, ilusyunada ka pa!" Ano sa tingin mo? Babagay sa isang katulad mong chipipay na bubuwit iyang mga damit kong apat na beses na mas mahalaga kesa sa buhay mo?! Mangarap ka!" nakataas ang isang kilay na angil pa niya sa babae sabay pamewang.


"G-grabe ka naman, Sofie... h-hindi mo naman kailangang insultuhin ako ng ganyan. A-alam ko n-naman 'yung lugar ko, hindi ko nakakalimutan. P-pasensya na kung lumagpas ako sa boundaries ko pero hindi ko intensyon ang galitin ka. I-isa pa, s-sabi din kasi ng mommy mo na p-pwede ko daw hiramin or gamitin 'yung ibang m-mga damit mo kasi hindi mo naman daw lahat iyan maisusuot,"


"What?!" exasperated na wika niya.


"Are you insane? This is my room! And everything in here belongs to me. Whether I wear all of it or not is none of your business--it's still mine!" galit na sigaw niya sabay dampot ng malaking flower vase na nasa ibabaw ng bedside table malapit sa kinatatayuan niya at buong lakas na ibinato ito sa babae. Himalang nailagan nito iyon kung kayat sa malaking salamin na nasa likuran nito iyon tumama dahilan para mabasag iyon at lumikha ng malakas na ingay. Nang tingnan niya ang babae ay nakita niya ang pag-agos ng sariwang dugo sa kanang braso at binti nito. Tumalsik pala ang ilan sa mga bubog papunta dito at nahiwa ang balat nito. Sa sobrang lakas ng pagdurugo ay humalo na ang dugo ng babae sa mga basag na bubog na nagkalat sa sahig.


"S-Sofie..." naiiyak na sambit nito. Dala marahil ng takot sa nakita ay tila nagkulay suka ang mga labi at mukha nito. Napatawa siya ng malakas.


"Buti nga sa'yo!" aniya. "That's what you get for being so annoying! Siguro naman malinaw na sa iyo kung gaano kita kinamumuhian? I will never ever like you! So don't you dare think you'll ever win me over the way you manipulated my parents! Unlike them, I have my sanity intact!"


"Sofie!" sabay pa silang napalingon ng babae sa may pintuan ng marinig ang malakas na sigaw ng daddy niya.


"Oh my God, Lara! What happened to you?" nanlalaki ang mga matang tanong nito ng unti unting mag-sink in sa isip nito ang nadatnang sitwasyon sa loob ng kaniyang kwarto at makita ang mga nakakalat na bubog sa sahig at mga dugo ni Lara. Hindi sumagot ang babae. Sa pakiwari niya ay nag ha-hyperventilate na ito dahil sa nerbiyos. Deserve mo iyan! anang isip niya. Malalaki ang mga hakbang na tinawid nito ang pagitan nila ng babae at dinaluhan ito.


"Lara, are you okay? Look at me!" utos nito sa babae na hindi pa din makapagsalita. "Anak, you can tell me what happened," dugtong pa nito habang sapu-sapo ang magkabilang pisngi ni Lara.


"Javier, namumutla na siya! Ang daming dugo!" natataranta namang sigaw ng mommy niya na hindi niya napansing naroon na din pala. "Dalhin na natin siya sa ospital!"


"Y-yes, yes! I'm sorry. Manang Esme!" sigaw ng daddy niya na ang tinutukoy ay ang mayordoma nilang mahigit dalawang dekada na sa kanilang naninilbihan. Agad namang dumating sa eksena ang matanda na naroon lang pala sa labas ng kwarto niya kasama ang ilang mga kasambahay na kaya marahil naroroon ay nakarinig din ng komosyon kanina.


"Bakit po, sir?" tanong ng matanda.


"Ipahanda sa driver ang sasakyan at ipatawag sila Caloy at Henry. Dadalhin natin sa ospital si Lara. Madali kayo!"


Mabilis na tumalima ang matanda at isinugo ang dalawa pa sa mga kasambahay para tawagin ang mga hardinero habang ito ay papunta naman sa driver's quarter. Wala pang ilang segundo ay naroon na ang mga kalalakihan at pinagtulungang buhatin ang babae na noo'y tuluyan nang nawalan ng malay. Kasama ang kaniyang mga magulang ay dinala nila ito sa sasakyan at ibinyahe patungong ospital ngunit bago umalis ay nag iwan ang kaniyang daddy ng isang babala.


"Wait until I get back. I will not let this slide," anito sa matigas na tono and she just rolled her eyes. As if naman she cares.


****


Gabi na nang makabalik ang mga magulang ni Sofie mula sa ospital. Kasama ng mga ito si Lara na puno ng benda ang isang braso at binti. Nasa dining area siya noon at mag isang naghahapunan ng dumating ang mga ito.


Napaismid siya. So dramatic. Duh!


Dali daling kumilos at naghain ng iba't ibang mga putahe para sa mga bagong dating ang mga kasambahay habang siya naman ay tahimik lang at patuloy sa pagkain na para bang wala siyang nakikita. Umupo ang daddy niya sa dulong bahagi ng lamesa--the usual seat for the head of the house at tumabi naman dito ang mommy niya. Mula sa kabilang bahagi ng mahabang lamesa kung saan siya naroroon ay sinulyapan niya ang mga ito. Mababakas ang pagod at iritasyon sa mukha ng mga ito.


"Ah... sir Javier, madam Janette," mahinang sambit ni Lara na hindi umupo bagkus ay nanatili lang na nakatayo sa harapan ng mga ito. Sa likod nito ay ang nakahilerang mga kasambahay na pare-pareho ang suot na uniporme. Tahimik at nakayuko habang naghihintay ng utos mula sa kahit sino sa kanila.


"Yes, hija?" sagot ng mommy niya na hinawakan pa ang kamay ng dalaga. "Halika at dito ka maupo sa tabi ko. Kumain na muna tayo. Alam kong pagod ka,"


Matamlay na ngumiti ang babae.


"S-salamat po, madam p-pero gusto ko po s-sana munang magpahinga. Hindi pa po kasi ako nagugutom," nanginginig pa ang boses na paliwanag nito habang nakayuko. Kahit hindi niya nakikita ng mabuti ang mukha nito, she knows na nangingilid na naman ang mga luha nito. Aww, poor girl... mukhang na-traumatize ata sa kaniya. Lihim siyang napangiti.


"Sit down, Lara. You have to eat something. May mga gamot and antibiotics na ibinigay sa iyo ang doctor at kailangan busog ka bago mo i-take 'yon," sabat naman ng daddy niya.


"P-pero--"


"--No. I will not accept any reasons, Lara. This is not a request, it's a command. Now, sit down," napipilitang umupo ang babae sa tabi ng mommy niya, nakayuko pa din at hindi lumilingon sa gawi niya. She felt isolated, na para bang siya pa ang out of place sa sariling pamamahay niya. Nagsimula na namang kumulo ang dugo niya.


"Kumain muna tayo and we will talk pagkatapos na pagkatapos," dugtong pa ng daddy niya na may diin ang tono ng boses pagkatapos ay pasimpleng sumulyap sa gawi niya. She rolled her eyes at ipinagpatuloy ang pagsubo.