THE BILLIONAIRE MAFAI'S UNEXPECTED GIRL

All Rights Reserved ©

Summary

SYPNOPSIS Sa mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, pera, at sikreto, apat na lalaki ang kinatatakutan ng lahat. Kilala sila bilang The Black Kings—apat na billionaire na may kontrol hindi lang sa negosyo kundi pati sa underground world. Ang pinuno nila ay si Lucious Walter, isang malamig at walang-awang mafia boss na hindi kailanman nagtiwala kanino man. Samantala, si Eleanor Roosevelt Ezekiel ay isang simpleng babae na naniniwalang normal lang ang buhay niya. May boyfriend siyang si Andrei Blake, pero palagi siyang minamaliit nito dahil mahirap lang siya. Ang hindi alam ni Eleanor… Ang buhay na kinagisnan niya ay isang malaking kasinungalingan. Dahil ang babaeng akala ng lahat ay walang halaga…

Status
Ongoing
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
16+

The Billionaire Mafai's Unexpected Girl

Chapter 1

Malakas ang ulan at basang-basa ang dalagang si Eleanor Roosevelt Ezekiel nang may isang lalaking nag-abot sa kanya ng payong.

Isang estranghero.

Para kay Eleanor, hindi dapat kinakausap ang mga ganitong tao… ngunit kailangan niya rin ng payong.

Eleanor POV

“Hey, miss… here’s the umbrella. You can use it,” he said.

Ang boses niya ay parang yelo—malamig at walang emosyon.

“Uh… eh… s-sige. S-salamat, sir,” utal-utal kong sagot.

Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya nang may isang magarbo at mamahaling sasakyan na tumigil sa harap namin. Sumakay siya roon at hindi na lumingon pa.

Pinagmasdan ko ang sasakyan hanggang sa tuluyan itong nawala sa paningin ko.

Saka lamang ako umalis.

Pagdating ko sa bahay, gaya ng nakasanayan ko, may mag-asawang naghihintay sa sala. Hindi ko sila pinapansin dahil hindi ko naman sila kilala kahit palagi ko silang nakikita roon.

Marami pa akong activities na kailangang tapusin.

At may trabaho pa ako bukas sa café.

Kinabukasan, dinala ko ang payong. Baka sakaling makita ko ang may-ari.

Aayusin ko sana ito nang mapansin kong may nakasulat na pangalan sa hawakan.

Mukhang ipinasadya.

Lucious Walter.

Yun ang nakaukit.

Ganon na ba siya kayaman para pati payong may pangalan? naisip ko.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at hinanap siya sa social media.

Doon ko nalaman na hindi lang pala siya gwapo—sikat din siya. Halatang tinatiliian ng mga babae sa internet.

Tsk. Tao lang din naman siya. Ano bang meron? sabi ko sa isip ko.

Nag-message request ako sa kanya at sinabi kung saan ko pwedeng ibalik ang payong.

Pero wala naman siyang reply.

Kaya pumasok na lang ako sa trabaho ko sa café.

Mamaya na lang ako didiretso sa school.

Pagdating ko sa café, may isang customer na agad na nakaupo sa labas.

Pagkabukas ko ng pinto, pumasok siya.

“Can I order please?” tanong niya.

“Ah… okay sir. Pahintay na lang po sa table,” sagot ko.

Tinatanong ko siya kung anong klaseng kape ang gusto niya.

“Oh, four big Americanos. Take out,” sagot niya.

Tumango lang ako at inasikaso ang order niya.

Lumipas ang ilang oras at dumami na rin ang customers. Nang dumating ang may-ari ng café saka lang ako nagpaalam para magbihis at pumasok sa school.

Pagdating ko sa school, may mga estudyanteng nagtitilian sa labas.

Parang may tinitingnan sila.

Paglingon ko…

Nakita ko ang lalaking nagpahiram sa akin ng payong.

Ibabalik ko na sana ito nang biglang dumating ang boyfriend ko.

“Ano bang ginagawa mo diyan? Pumasok na tayo. Nagawa mo ba ang activities ko?” tanong ni Andrei.

Napabuntong-hininga ako.

“Ah… oo. Tapos na,” sagot ko na lang.

Habang naglalakad kami, napalingon ako muli sa lalaking iyon.

Nagtagpo ang aming mga mata.

Kakaiba ang tingin niya.

Parang galit.

Hindi ko maunawaan.

Ang ganda ng mga mata niya—kulay berde at malamig kung tumingin.

Ang gwapo niya, sabi ko sa isip ko.

Napailing na lang ako.

Pagdating sa classroom, sinabi ng teacher namin na magkakaroon ng Prom para sa nalalapit naming pagtatapos.

Kung hindi niyo alam, isa akong Entrepreneurship student.

Plano kong magkaroon ng sarili kong negosyo pagkatapos kong grumaduate.

Kilala ako sa school bilang matalino at laging may award.

Pero kahit ganon…

Malas naman ako sa pag-ibig.

Habang nag-iisip ako, biglang pumasok si Charlotte Shin kasama ang mga kaibigan niya.

“Andrei,” tawag niya.

Napalingon ako.

Alam kong close sila. At alam ko ring gusto nila ang isa’t isa.

Si Charlotte ay mataray, mayabang, at mapagmataas.

Kilala siya bilang Queen Bee ng school.

Lumapit siya sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.

“Hoy babae,” sabi niya.

“Hihiramin ko muna ang boyfriend mong hindi ka naman mahal.”

Napairap ako.

“Eh di sayo na. Total kayo naman ang palaging magkasama. Inuubos ko lang ang buhay ko sa walang kwentang tao,” sagot ko sabay talikod.

Dala ang libro ko, pumunta ako sa library para mag-review.

Malapit na rin kasi ang exams.

Iniisip ko rin kung saan ako hihiram ng dress para sa prom.

Wala naman akong perang pang-rent dahil iniipon ko ang pera ko para sa negosyo na bubuksan ko.

Siguro… kakausapin ko na lang si Nanay.

Baka sakaling matulungan niya ako.

Hindi ko namalayan na nakakatulog na pala ako sa library.

Gabi na.

Hindi ko pa rin naibabalik ang payong.

“Hays… bahala na,” bulong ko na lang sa sarili ko.

At umuwi na ako.

To Be Continued…