Sumpa

All Rights Reserved ©

Summary

What ifs? Paano kung isang araw hindi mo na alam kung paano makabangon sa bangungot na dala ng kapabayaan? This story is all about the curse within Baryo Tres San Ilsidro, Ruiz, Candiya. After twelve months, the curse will be lifted, but the consequences will be lurking around. At thirteen months, one person would die. The question is, who’s the villain of the story?

Status
Ongoing
Chapters
11
Rating
n/a
Age Rating
18+

Prologue

“Laro tayo.”

“Isa, dalawa, tatlo...”

“Huli kayo! Ang dali niyo lang pa lang mahanap.”

“Anastasia!”

News Report: Isang babaeng natagpuang patay sa ilalim ng bangin dito sa San Isidro, Baryo Tres. Di pa matukoy kung ano ang dahilan, ngunit ani ng mga nakatira dito ay delikado daw ang bahaging ito. Nagbabalita mula sa News Discovery Report.

Again.

“Ang daming nababalitang patayan dito sa lugar natin,” ani pa ng inang habang umiiling pa itong kumakain ng tinapay. “Kaya naman kayong dalawa, huwag na huwag kayong aalis at uuwi ng gabi.”

Napatango na lang ako sa sinabi nito habang nakatingin sa labas ng bahay namin. Mag-gagabi na pala.

Ang daming nababalitang trahedya sa lugar namin, ngunit ni isa walang nakakaalam kung sino ang may pakana ng lahat. Gustuhin man nilang malaman, natatakot sila na sa oras na malaman nila ay baka daw may mangyaring hindi maganda.

“Sanaya, isara mo na ang pintuan at baka tayo ay maluoban.”

“Masusunod po inang.”

Napaka-nerbiyosa talaga ni Inang simula nang sunod-sunod na ang patayan sa lugar namin. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil nga kahit ako, takot din ako sa mga nangyayari.

“Earth to you, mameh!”

“Ano ba iyon?”

“Tingnan mo to, nako nako talaga kung hindi ka lang maganda napanot na kita.”

“Ano nga?”

“Magtatanong lang sana ako.”

“Ayyy, huwag na lang pala, nakalimutan ko na.”

Ano ba ang ginagawa ko dito? Bakit biglang hindi ko na kilala ang sarili ko? Sino ba ako?

“Anastasia!”

Gusto ko nang umalis sa lugar na ito. Napakasikip; hindi ako makahinga nang maayos.

“Anastasia!”

Pakiusap, gusto ko nang umalis. Maawa kayo.

“Anastasia!”

“Ayaw ko na!”

Nakakabingi, napakaingay, at higit sa lahat, nakakapikon.

“HAHAHAHAHH! Gusto mo bang maglaro?”

“Ay, hindi na pala dahil ngayon pa lang mawawala ka na sa mundong ito.”

“Any last wish?”

Together, forever and ever.

Walang natutupad kahit isa, lahat ay nawawalan, at lahat ay mawawala sa buhay mo. Minsan nga ipapakita pa sa iyo kung paano ka nila iwanan.

Disgrasya o hindi?

Minsan nga nauuwi sa karumal-dumal na krimen at hindi natin alam na sa likod mo na pala.

“Tagu-taguan tayo, ang unang tatayo siyang taya.”

“Pasaan ka?”

“Sa hukay.”

Wala akong makita kundi kadiliman sa ilalim ng gabing nakakabingi.

“Bakit ganito?”

“Sumpa.”

“Ano?”

“SUMPA!”