The Weight of a Name
Ako si Julian. Thirty-five years old, single, at sa totoo lang, kontento na sa tahimik kong buhay. Sa height kong 5โฒ8", hindi naman ako maliit, pero hindi rin naman ako agaw-pansin. Average lang. Simple. Isang taong maaasahan-lalo na ni Karla, ang best friend ko simula pa nung kolehiyo.๏ปฟ
Ngayong gabi, medyo abala ako sa kusina. Focus muna sa paghiwa ng sibuyas; kahit papaano, yung hapdi sa aking mata, ay naka-didistract sa akin sa kaba na kanina pa kumakapit sa dibdib ko.Hinga nang malalim, Julian. Hapunan lang โto.Welcome-home dinner lang para sa anak ni Karla. Maraming beses ko na โtong ginawa dati, pero bakit parang iba ngayon?
Nilagay ko na ang bawang sa mainit na mantika. Kasabay ng malakas na tunog ng kawali, humalimuyak ang bango ng luya at bawang.Tinola.Paborito niya โto. Sa alaala ko, si Jace ay yung batang laging sugat-sugat ang tuhod at bungi-bungi pa ang ngiti.
โTito, laro tayo!โRinig ko pa rin yung boses na โyun sa isip ko. โYun ang Jace na inaasahan kong makita.
Napatalon ako sa gulat, muntik ko nang mabitawan yung sandok. Yung puso ko, biglang nag-karera sa kaba.Ano ba, Julian? Bakit ka ba ganyan kapraning?Sinubukan kong hanapin yung โreliable Tito Julianโ persona na naging identity ko na sa loob ng dalawampung taon.
Naglakad ako papunta sa pinto. Mabigat ang bawat hakbang ko sa hardwood floor. Huminga ako nang malalim bago inabot ang door handle.โWelcome home, Jace,โbulong ko sa sarili ko, tinetest kung tama ba yung tono.
Binuksan ko ang pinto. Pero... hindi ako tumingin pababa. Napako ang tingin ko sa isang malapad na dibdib na balot ng black henley shirt. Dahil sa aking height, kailangan ko pang tumingala.
Ang nakatayo sa harap ko ay hindi na yung payat na teenager na naalala ko. Heโs a man. Towering at 6โฒ2", at yung balikat niya, parang nasasakop na yung buong frame ng pinto ko.
โTito Julian,โsabi niya.
Iba ang tunog ng pangalan ko pag siya ang bumibigkas. Ang boses niya, lumalim nang husto โ isang resonant bass na naramdaman ko hanggang sa talampakan ko. Hindi na โto boses ng bata. Isa itong low growl na parang humahaplos sa balat ko.
Inabot niya ang kamay ko bago pa man ako makagalaw. Ang laki ng kamay niya. Mainit โ halos nakakapaso. Kinulong niya ang mga daliri ko sa loob ng palad niya at mahigpit na piniga.
"Namisspo kita,โbulong niya. Yung hinlalaki niya, dahan-dahang humaplos sa likod ng mga daliri ko.
Napalunok ako. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko.โJace. I... wow. Ang laki mo na,โnauutal kong sabi.
โPasok ka. Kanina pa kitahinihintay,โsabi ko at tumabi para padaanin siya. Paglampas niya, bigla akong nahilo sa amoy niya. Sandalwood and citrus.
Hindi siya dumiretso sa living room. Sinundan niya ako hanggang sa kusina. With his built, parang biglang kumikipot ang mga pader. Masyado siyang malaki para sa kusinang โto. I was distracted by his presence.
โAng sarap ng amoy, Tito, ah.Tinolapo ba โyan?โtanong niya. Rinig ko ang ngiti sa boses niya. Nakasandal siya sa counter, yung maskulado niyang braso, ilang pulgada lang ang layo sa akin.
โOo, yungpaboritomo โto,โsagot ko, pilit na pinatitibay ang boses.Bakit ba ako naiilang nang ganito? Si Jace lang โto.
Pagkatapos, naramdaman ko ang mga braso niya na pumulupot sa akin. Hindi ito mabilis na yakap. Binalot niya ang mga braso niya sa baywang ko, ang malalaki niyang palad, nakalapat sa tiyan ko. Hinila niya ako pasandal sa kanya.
โJ-Jace?โbulong ko, nanginginig ang mga kamay ko.โAnong ginagawa mo?โ
"Nag-ggreetlang naman ako nang maayos, Titoโbulong niya. Rinig ko ang panginginig ng boses niya sa likod ko. Mas hinigpitan pa niya ang yakap. Ramdam ko ang tigas ng katawan niya sa likod ng manipis kong shirt.
โWala ka pa ring pinagbago, Tito,โbulong niya. Ang boses niya ay naging seryoso at malalim.โYou still smell like home. Tatlong taon kong iniisip kung kailan ko ulit maaamoy โto.โ
Hindi ako makahinga. Doon ko napagtanto... wala na yung batang inalagaan ko dati. At ang lalaking pumalit sa kanya, tila may hinihinging bagay na hindi ko alam kung kaya kong ibigay.
Copyright ยฉ 2026 by bl bookshelf