Behind My Ruins//TAGALOG

All Rights Reserved ©

Summary

TAGALOG NOVEL✍️ Mistakes ended relationships, escaping only to procrastinate returning; yet how far does love abound to those who were hurt and give way for others? Annaliese Loughty, the VP of Operations in their own Loughty Company. She’s an only child, but then her father remarried her mom’s best friend a few months after her mother’s death. All is well until that eventful betrayal. As if the night was still bearable, Annaliese stumbled upon an alleged crime. She could be in real danger. Annaliese packed up and left the city. Overnight, she changed her name, things that reminded her of home, etc., but except for her feelings. She started living in the province of Pangasinan and started baking. In the midst of chaos, Anna found solace in someone else, but then confusion engulfed Anna’s being. What is right and what is wrong? Who will she choose, an old love laced with betrayal, or a new love who said always your ally?

Status
Ongoing
Chapters
18
Rating
n/a
Age Rating
18+

SIMULA

Sinopsis ng Nobela

Mistakes ended relationships, escaping only to procrastinate returning; yet how far does love abound to those who were hurt and give way for others?

Annaliese Loughty, the VP of Operations in their own Loughty Company. She’s an only child, but then her father remarried her mom’s best friend a few months after her mother’s death. All is well until that eventful betrayal.

As if the night was still bearable, Annaliese stumbled upon an alleged crime. She could be in real danger. Annaliese packed up and left the city. Overnight, she changed her name, things that reminded her of home, etc., but except for her feelings. She started living in the province of Pangasinan and started baking.

In the midst of chaos, Anna found solace in someone else, but then confusion engulfed Anna’s being. What is right and what is wrong? Who will she choose, an old love laced with betrayal, or a new love who said always your ally?

SIMULA

“YOU COMFORTED ME ENOUGH TO MAKE ME OPEN THE DOOR—ONLY TO DRAG ME BACK IN.” My own words echoed through my ears that it woke me up.

Pinakiramdaman ko ang sarili. Naninikip ang dibdib, may malaking bikig sa lalamunan, tumutulo ang mainit na luha sa may kanang tenga at parang hinahabol na paghinga. I grabbed the sheets as if it could help me gasp for air.

‘Anna! Gising na dyan! Akala ko ba lalabas kayo ni Lyndon ngayon?’ sigaw ni Mommy mula sa labas ng pinto ko.

Nawala ang pagkatulala ko sa kisame nang maalala ko na may lakad nga pala kami ni Lyndon. Mabilis na nag ayos ako at sumabay sa pamilya ko kumain.

‘Lucia, anong oras ka dumating kagabi?’ tanong ni Mommy.

‘Uhm, e-eleven? May traffic malala kagabi, may nadisgrasya na buntis. Namatay yata.’ labas sa ilong na pagsisinungaling ni Lucia. Alas tres na ng umaga sya umuwi.

Nakababatang kapatid ko si Lucia at anim na taon ang agwat namin. Nanay nya ang step-mom ko na si Mommy Luciana. Daddy Lucas remarried after my mommy Genevieve died in a fire accident. I was only six years old then, all is good. They are not like Lady Tremaine and her daughters, Anastasia or Drizella, who are evil.

‘Oh my, kawawa naman. Nakita ko sa news iyon kanina. May gangs na kasangkot!’ matinis na boses na sabi ni Mom.

‘Oo. Ang malala ay na tsismis na naman sila Congressman Lim. Nahuli na naman sa issue ang anak nya na si Jacque. Na deny na dati, pero mauungkat ulit ang issue. Tssk tssk.’ dagdag naman ni Dad.

‘You better not get involved in such disgracing acts, Lucia. Kahit apo pa kita, hindi ko gagamitin ang kapangyarihan ng pera para ma-abswelto ka!’ striktong sabi ni Lolo.

‘Pshh. Eh hindi nyo naman kasi ako paborito that you’ll let me rot in jail.’ mapait na sagot nya.

Pero bakit kaya nanaginip ako ng ganoon? Siguro dahil nanood ako ng tragic movie kagabi. Hindi ko maalala ang napanaginipan ko, only the last part pero may kausap ako. Muli kong kinapa ang dibdib ko at inalala ang sakit nun pagkagising ko.

‘Anna, is something wrong? You’re clenching your chest.’ worried na tanong ni Mom.

“I-It’s nothing, Mom. Nabulunan lang.” sagot ko at kinuha ang bag. “Gotta go, I can’t be late on our date after all, it’s been so long.” Tumayo na ako at hinalikan sya sa pisngi.

‘I still don’t approve of your relationship. Wala akong tiwala sa nobyo mo.’ rinig kong sabi ni Lolo kaya hindi ako natuloy sa paglakad.

“Lolo, mag si-six years na ang relasyon namin. Hindi mo lang sya binibigyan ng chance. Who knows, he might propose and I’ll say yes.” natatawang sabi ko sa kanya na nagpakunot ng noo nya.

Nakita kong umirap si Lucia at tumawa lang sila Mom at Dad sa palaging argument namin ni Lolo. Bago pa makapag salita ulit si Lolo, hinalikan ko na sya sa noo at kumaway na ako paalis.

Nang makarating sa cafe, nakita ko agad si Lyndon na lumilinga-linga. Bahagyang nakanguso pa sya at nakakunot ang noo. Pagkakita nya sa’kin, lumiwanag ang mukha nya at masayang kumaway-kaway.

So adorable. I love it when his face lights up whenever he sees me.

‘Hon, you’re late.’ malaking ngiting sabi nya at kinuha ang bag ko. Inalalayan nya ako paupo. Mabilis na inabot nya ang kamay ko at hinalikan iyon.

“Yes, I am late ng 2 minutes. Cut me some slack, ‘Atty. Aguilar.’ Haha.” kagat-labing sabi ko sa kanya.

‘Sya nga pala, nag order na ako. Coffee and pancake.’

“Thanks, hon. So, ano ang itinerary natin ngayon? Hmm?” excited na tanong ko sa kanya.

‘I am thinking, let’s go on the Crusbouy Institution. May Art Exhibit sila ngayon. You always wanted to go there.’ Inilabas nya ang invitation doon ng favorite artist ko kaya napatili ako.

“Really? Oh my gosh! How did you get these? Oh, I love it. I love you talaga.” nagtatalon sa sayang sabi ko saka niyakap sya.

‘I know you’ve been dying to get them, so I got us these. Alam kong nagtatampo ka na. Puro na lang ako trabaho. Napapabayaan ko na ang girlfriend ko. I can’t let you go thinking na nanlalamig na ang pag-ibig natin.’ malambing na sabi nya.

“Oh, Lyndon. Oo, baka mamaya isipin ko may iba ka na. Haha.” natatawang biro ko sa kanya.

‘That’s silly. If I ever do that, I know na wala na akong mapapala sa’yo.’

“Good. Alam mo naman pala.” Saka pumasok sa isip ko ang panaginip ko kanina. “Actually, I had a very strange dream. Masakit sa dibdib nung magising ako.”

‘Baka lumalaki pa ang dibdib mo kahit 29 years old ka na. Haha.’ biro nya kaya hinampas ko sya sa balikat. ‘Nahahawa ka na sa kaibigan mo ha. Nanghahampas ka na din.’ nakangising sabi nya.

“Ang bastos mo.” nakangusong may ngiti na sabi ko sa kanya.

’Hindi ah. Pero, kontento naman na ako sa size ng dibdib m−′

Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita ng batuhin ko ng table napkin ang mukha nya. Humalakhak lang sya ng malakas kaya napatakip ako ng mukha sa hiya. Pinagtitinginan na kami sa café.

“Narinig tayo ng kabilang table!” mahinang singhal ko sa kanya.

‘I’m just kidding, hon.’ tumatawa pa ding sabi nya.

Bumaba tuloy ang tingin ko sa dibdib ko. Paglingon ko sa kanya ay nakatingin din sya doon.

“Lyndon! Eyes! Kumain ka na nga lang dyan. Kainis to.”

‘What?’ painosenteng tanong nya. ‘I mean, they are perfect.’ Hindi pa rin tumitigil na sabi nya.

“Really?” naaasar nang tanong ko na nakangiti. He jokes like that, but we are practicing celibacy until marriage.

Dumating na ang order kaya kumain na kami. Matapos nun, nagtungo na kami sa exhibit. Nakapili ako ng painting na tungkol sa moonlight on the river. 10 feet wide and 8 feet high iyon. Balak kong ilagay sa sala ng magiging bahay namin ni Lyndon. Si Lyndon ang nagbayad ng painting. Regalo nya daw sa’kin.

Habang pauwi, pakiramdam ko ay napawi ang lahat ng sayang naramdaman ko ngayon. Miss ko na agad sya.

“Hon.” nakangusong tawag ko sa kanya na nagmamaneho.

‘Hmm?’ lingon na tanong nya.

“Sa bahay ka na lang kaya matulog. Miss na kita agad eh. Please?” paglalambing ko sa kanya.

‘Hon, that’s a great idea! Ayoko pang mawalay sa’yo. Hmm.’ nakanguso na ding sabi nya.

“Ang cute-cute mo talaga.” Hinila ko ang nguso nya kaya umaray sya.

‘Masakit iyon ah! Di bale nang kagatin mo, huwag mo lang hilahin ng ganun. Baka masanay ka.’

Umiling na lang ako sa sinabi nya.

“Ay, nasa bahay pala si Lolo.” nawala ang excitement ko nang maalala ko ang mukha ni Lolo.

‘Hay, hindi ko alam kung bakit ayaw nya pa rin sa’kin.’

“Dahil iyon sa trabaho mo. Baka daw maging widow ako ng maaga.” may katotohanang sabi ko. Hindi naman sya nakaimik at nagmaneho na lang. “Sya nga pala, kumusta na si Sierra? Any progress?”

‘Still the same. I don’t want to admit it, pero...parang gusto ko na lang sumuko para hindi na sya mahirapan.’ malungkot na sabi nya. Inabot ko ang kamay nya at hinalikan iyon.

“I’m sorry. Pero hon, I hope you stop blaming yourself. Saka, please see that psychiatrist.” pakiusap ko sa kanya.

‘Hon, I am busy. Lalo na may bagong dating mula sa HQ. Baka masabak ako sa misyon anytime. Wala akong oras para dyan.’

Hindi ko na ipinilit ang point ko dahil baka magkainitan na naman kami.

“Basta, mag-iingat ka. Ayokong...ayokong malagay ka sa panganib. Mahal kita, Lyndon. Alam mo yan, diba?”

‘I know, Hon. I know, and I love you more.’ pilit na ngiting sabi nya.

Alam kong nawala sya sa mood dahil naitanong ko ang kapatid nya. Gusto ko lang naman na paunti-unti ay i-let go nya na ang pagsisi sa sarili nya. With someone from HQ, alam kong magiging busy na naman sya. Baka kung saan sya ipatapon ng bagong boss nila.

Saka may pumasok sa isip ko. “Hon, alam mo bang, I can sacrifice myself for you? Ganoon kita kamahal. So, if the time comes na nahihirapan ka, just remember that my love for you is THAT BIG. Okay?” taimtim na sabi ko.

Itinigil nya ang kotse sa tabi ng kalsada at hinarap ako.

’Hon, I appreciate you saying that, but it’s making me feel uhm I-I—′

“Ominous?” pag-huhula ko.

‘Exactly. Is something wrong? Tell me.’ natatakot na tanong nya na tinanggal na ang seatbelt para makalapit.

“No, nothing’s wrong. I just wanted to tell you.” naninikip ang dibdib ko dahil tama sya. Suddenly, I realized the weight of the situation.

‘I love you so much, Annaliese. I just hope you’re not thinking anything bad.’ Tiningnan niya ako nang nagdududang tingin.

I closed the distance between us and kissed him passionately. “I love you too. Let’s go?”

Ayaw niya pang i-let go ang issue, pero napilit ko rin naman na wala lang iyon. Kahit nakahiga na ako sa kama, iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Inabot ko ang litrato namin sa may lamp at hinaplos iyon.

Mahal na mahal kita, Lyndon.

A busy week passed, and I grew more and more excited because of the anniversary namin ni Lyndon. 3 months na lang at officially ay 6 years, but we knew and loved each other for like 7 years, including courtship.

Dahil weekend ay may date ulit kami. Fortunately, wala pa namang mission galing sa boss nya na galing HQ. I really hate those missions, pero alam kong mahal nya ang trabaho nya kaya okay na lang din sakin. I support him. Handa na ako’t lahat sa kwarto ko nang makita ko sa salamin si Lucia.

‘May date kayo? Buti hindi kayo nagsasawa sa isa’t-isa.’

“Hindi talaga. I feel like, magpo-propose na sya this year. Okay na ba itong suot ko? Bagay ba?” umikot pa ako para makita nya ang kabuuan ng black dress na suot ko.

‘Maganda ka na. I-straight mo na lang ang buhok mo. Halika, plantsahin ko.’ pag v-volunteer nya.

Inayos nya ang buhok ko at pinantay pa ang kilay ko. Nakatingala ako sa kanya habang nakaupo ako sa harap ng vanity. Napansin kong kamukhang-kamukha nya si Mom.

‘What are you staring at?’ tanong nya.

“Wala, you just look exactly like your mom. Dapat maging mabait ka sa kanya.” malungkot na sabi ko.

‘Pshh. Right. I may look like her, but you’re the favorite one. Minsan nagtataka ako kung dahil ba sa six years na agwat natin yun o ikaw talaga ang anak nya.’ umayos sya ng tayo saka sinipat ang kabuuan ko. ‘There. All done.’

Humarap kami pareho sa salamin and for a moment, I saw our mom in her image in the mirror. Sometimes, she speaks harshly pero minsan naman, sobrang sweet. My phone rang so I answered the call.

‘Hon.’ sabi ni Lyndon sa kabilang linya.

Naupo si Lucia sa kama at nag cellphone.

"Honey! Ready na ako! Malapit ka na?” masiglang sabi ko.

‘Can we take a rain check hon? Duty calls last minute. I’m sorry. Alam kong, naghanda tayo dito.’ nanghihinayang na sabi nya.

Nawala ang ngiti sa mukha ko at napaupo ulit ako. Gusto kong magtampo dahil alam kong may mission na syang bago. Halata kasi sa tono nyang parang problemado. Malalim na hininga ang binitawan ko.

“Okay. I understand. Just take care. I love you.”

‘I’m sorry, hon. I love you too.’ madamdaming sabi nya sa kabilang linya. He really felt sorry that his apologetic voice made my heart ache.

Napahilot ako ng dibdib dahil sa sakit sa boses nya. Tumingala ako dahil naiiyak na ako. It’s okay. May next weekend pa naman para sa next date. Pag re-remind ko sa sarili. I have a full schedule sa trabaho this week. Nag buzz ulit ang phone and I thought it was him, pero si Lhia lang pala, nangangamusta.

Kontra si Lhia kay Lyndon kaya hindi ako makapag rant sa kanya ngayon. Sasang-ayon lang sya sa inis ko ngayon.

Dumating ang Huwebes and sobrang miss ko na sya kaya nagpunta ako sa condo nya. Nag bake ako ng pie at iyon na ang naging hapunan namin.

‘This is good. You can even sell this.’ sabi nya na hindi makatingin. ‘Pero ang dami mo na namang kalat.’ parang pagod na sabi nya.

Pumasok kami sa kwarto nya at nagdikit ng bagong mga pictures namin doon.

“Hon, when are we re-scheduling our date?” tanong ko.

‘Kapag tapos na siguro ang mission ko na’to, Hon.’ tipid na sagot nya.

“Mukhang delikado ang mission na yan ngayon ha. Natatakot ako, baka—anong mangyari sa’yo.” nababahalang sabi ko.

‘Hindi iyan. Mag-iingat naman ako.’

Sya na ang nag hugas ng pinag-kainan namin saka naupo sa sofa sa sala. Nagreklamo pa sya, pero sumunod din naman. Ayokong i-pressure sya kaya binago ko ang topic.

“Hon, alam mo nag-away na naman kami ni Lucia. Pinagbibintangan nya akong pinapasok ko daw si Sam sa kwarto nya kaya nagkalat dun. Hindi nga ako pumapasok sa kwarto nya eh.” pagsusumbong ko.

Lumapit sya at hinalikan ng mabilis ang labi kong nakanguso.

‘I think, sinasadya nyang awayin ka para mapansin mo sya.’ walang ganang sabi nya. Pagod siguro kaya wala sa mood.

“Sinumbong ko sya kay Mommy na galing syang bar nung isang gabi. Mukha ngang wala sa sarili. Kaya sinabihan akong sipsip. Nag-aalala lang naman ako sa kanya.” inis na sabi ko.

Hindi nagsalita si Lyndon at niyakap na lang ako. I melted in his arms and raised my head to kiss him.

’Dito ka matutulog?″ tanong nya.

Suddenly, I felt a pang in my chest. He’s asking?

“Uhm, no. I’m going home.” Hindi ko ipinahalata ang disappointment ko saka tumayo at uminom ng tubig sa kusina.

I stayed there for a few minutes, and he didn’t follow me. Baka, masyado lang akong nag-iisip. It could be just a question.

But he never asked that. Nagtanong sya dahil ayaw nyang dito ka matulog. Umiling ako dahil sa maliit na boses sa utak ko.

“Malapit na ba period ko? Baka gusto ko lang ng away?” kausap ko sa sarili.

Bumalik ako sa sala saka naabutan ko syang tulog na. He’s breathing heavily. He looks so tired. Naupo ako sa baba ng sofa at tinitigan ang mukha nya.

How come you’re still making my heart skip a beat even while you’re asleep? Or is that the reason, or the little voice in my head?

Kinumutan ko sya and wrote a note na umuwi na ako. I kissed him and he’s really in deep sleep. Pagkauwi, I texted him. Still, no response kaya natulog na din ako.

Days passed and Lyndon became busier. I went to a friend’s party and hindi sya nakasama. Naiinis ako kaya nag shopping ako pagkalabas sa trabaho, saka nag text ulit na hindi ako masusundo ngayon. Nagreklamo pa ang driver dahil sa dami ng binili ko.

‘Anna, ano yan?’ salubong ni Mom sa’kin na tinulungan pa ang driver sa mga dala.

“Things?” pigil na inis na sagot ko.

‘Mukhang inubos mo ang laman ng mall!’ bulyaw ni Mom kaya napairap ako.

“Duh, di good for the business.” hinalikan ko sya saka umakyat na sa taas.

‘Mukhang kulang sa lambing. Balita ko nasa ibang firm ngayon si Lyndon.’ narinig kong sabi ni Dad.

‘Kahit na, hindi tama ang magwaldas sya ng ganyan!’ sigaw pa rin ni Mom. ‘Tingnan mo, matatambak lang din naman yan sa kwarto nya.’

‘Kanino ba nagmana. Di sa mama nya.’ sabi ni Dad kaya lumingon ako mula sa hagdan. Binigyan ng tingin ni Mom si Dad kaya natigilan ang bibig nito.

Yeah, right. Mommy Genevieve was a big spender too, lalo na kapag galit.

Inis pa rin ako kaya nag chat ako sa gc na mag pa-party kami ng socialite friends ko. Sana makasama si Lhia. Pagkarating sa Career’s Club, nandoon na ang mga kaibigan ko nung college.

‘Anna! About damn time, girl! Lasing na si Lhia!’ salubong ni Janice na humalik pa sa pisngi ko.

“Hindi ko mahanap ang gunting. May tag pa ang damit ko, haha!” natatawang pinakita ko sa kanya iyon na natatakpan ng buhok ko.

‘What? YSL?’ bulalas nya saka hinila ako papunta sa iba.

‘Anna! Nagpustahan pala ang mga ito na magpapa-party ka this week.’ sabi ni Lune. Lalake sya ha.

“Oh? Sinong tama, magkano ang pusta?” natatawang tanong ko. Ininom ko ang shot na nasa baso sa table.

‘Iyong bagong limited edition na kotse nya na kadarating lang nung isang araw. Akin na. Haha!’ tagumpay na halakhak ni Teresa.

‘Madaya! I was confident na sa Sabado pa, Anna! Bakit ngayon?’ talong sabi ni Kervin.

“Well, I was pissed off. That’s why. Let’s get wasted tonight and drink all the booze! Cheers!”

‘CHEERS!’ Tumunog ang baso namin at nabasa pa ang braso ko ng inumin.

‘Ugh, my limited-edition car. Noooo.’

‘Get over with it, Kerv.’ sabi ni Zhymel habang niluluwagan ang tie.

“Tayo lang ba? Asan si Homer?”

‘Ah, nasa baba siguro. Naghahabol kay Merlhia kanina. Binasted ulit eh.’ sabi ni Janice.

‘Speaking of the devil, eto na sila.’ Pumasok ang dalawa na busangot pareho ang mukha.

‘Anna!’ Mabilis na niyakap ako ni Lhia.

“Come on, let’s rock the dance floor!” Hinila ko sya at nagsunuran na sila.

Nag-ingay lalo ang dance floor nang makilala kami ng dj. Inimbitahan pa ako sa taas para mag beatmatching. Nang makarating sa itaas, I played with the mixer and the floor went wild. We danced through the night and I was getting tipsy.

Sa sobrang ingay ng bar, sa sobrang galaw ng mga tao, sa halo-halong amoy, nahihilo na ako. Nawalay ako kila Lhia and I can’t see them. A guy in blue polo approached me and danced with me. He’s cute and charming, sexy and smells good.

‘Hey. stranger. You dance well.’ sigaw nya na nakayuko sa’kin.

“Just well? I always thought I danced sexy.” natatawang sabi ko.

‘Well, yeah. You are. Single?’ nakangising sabi nya.

“Nope, all taken.” proud na sabi ko.

‘I don’t see him.’ Mas lumapit sya at hinawakan ang braso ko at inikot ako.

We danced in sync and rhythm. Bigla, hinila nya ako sa bewang palapit sa kanya, saka binakuran sa dumaan. Muntikan pala akong mabuhusan ng inumin.

“Me too.” ngumisi na rin ako. Feeling a little rebellious. “Girlfriend?” balik tanong ko sa kanya.

‘Nope.’ Inalalayan nya ako papunta sa bar kung saan mas tahimik ng konti. Sumunod naman ako dahil sa pagod kakasayaw.

“Hmm, wife. Baka may sumabunot sa’kin dito ha.” lumingon pa ako hoping to see Lhia and the others.

‘No wife. Just a crazy stalker.’ natatawang sabi nya saka inabot sa’lin ang drink.

“What are you, like famous?” tanong ko saka ininom ang drink. Humagod ang pait at init nun sa lalamunan ko.

‘Just heartthrob. You got a name?’ mayabang na sabi nya kaya napanganga ako.

“Annie. It’s Annie.” pagsisinungaling ko.

‘Annie, huh? Then, I am JC.’ amused na sabi nya.

“So, JC, where are your friends? Coz, I can’t find mine.”

‘Oh, they’re just around somewhere, hooking up.’

“Do you plan to hook up with me?” diretsong tanong ko sa kanya.

‘Do you want to?’ parang na challenge na tanong nya.

“Not really. I’m waiting to be engaged. You can try on my friends though.” kibit balikat ko sa kanya.

‘I may look like this but I am already 35.’

“What? You look like just 25 and no wife at that?!” hindi makapaniwalang sabi ko.

‘How nice it must be to have a girl like you. Bakit wala sya dito?’

“Busy with work. I get it that work is work, I just can’t help but feel pissed?” inis na sabi ko.

‘Baka iba na ang tina-trabaho.’ sabi nya saka uminom ulit. I felt offended. Lalo na dahil for a moment, nag-isip ako.

“He’s not like that. I know it by heart that he loves me.” depensa ko na pinatahimik ang bulong sa isip ko.

‘If I were him, I wouldn’t let my girlfriend get pissed to the point she’ll dance in a bar as if she owned it and have others thinking they could prey on her. I saw you dancing on that pole.’ mahabang sabi nya.

I feel being reprimanded for some reason…

“Oh.” iyon na lang ang nasabi ko. Tama sya, I went wild tonight. I smell of liquor, and my top is wet because of booze.

‘Kaya ako lumapit, they were about to gang on you, and I was kind of… interested.’

“JC I—”

‘It’s fine. Just take care. Let’s find your friends.’ inalalayan nya ako patayo saka hinanap namin sila Lhia. Nang makita ko sila sa table namin na nag-iinuman, kumaway ako sa kanila pero walang nakatingin.

“Come on, ipapakilala kita sa kanil—" paglingon ko, wala na si JC. “Huh? Saan na nagpunta iyon?” Hinanap ko pa sya pero wala na talaga.

‘Anna! Saan ka ba nagpunta! Akala ko kung nahila ka na kung saan!’ sigaw ni Lhia sa’kin.

“Weh, hindi mo nga napansin na nawala ako eh.”

‘Uwi na ako guys. Isasabay ko na rin si Janice at Teresa. Lasing na eh.’ sabi ni Kervin.

“Huh? But it’s just 12!”

‘Anna, may meeting pa ako bukas with parents. Alam mo na.’ sabi niya.

“Okay. Ingat kayo.”

‘Uwi na rin tayo, huh? Baka mamaya talaga may humila na sa’tin eh. Lasing ka na rin.’ sabi ni Lhia na kinukuha na ang bag ko.

‘Lhia, hatid na kita.’ sabi ni Homer na kinalabit si Lhia.

‘Ihh, ano ka ba! Hindeh! May kotse ako noh! Tigilan mo na nga ako! Hindi sabi kita gusto!’ pag-iiwas ni Lhia sa hawak ni Homer.

“Seriously, Homer. Mukha kang sira na isda. Mapula na mata mo, gusto mo pang manghatid ng iba? Pa drug test ka nga!” tabot ko sa kanya.

‘Haha! Come on, pare. Let’s go home.’ Inakay ni Zhymel palabas si Homer na tagilid na maglakad.

Ganoon na din ang lakad namin ni Lhia. Paglabas ay nag sigarilyo si Lhia bago nag maneho. “You smoke?!” bulalas ko.

‘Not really. Ano lang, taste test.’

“Ako din.” Kakaabot sa kamay nya, muntikan pa akong matumba mula sa pagkakahandig sa kotse.

‘Nope! Umamin ka nga, may problema kayo ni Lyndon’t?’ pang-huhuli nya.

“W-Wala. Hindi nya lang ako nasundo ngayon sa trabaho. Nagtatampo lang ako.” nakangusong sabi ko.

‘Balita ko inubos mo handbags sa store.’

“Sino naman ang may sabi?”

‘Isa sa mga VIP.’

“Ano lang, busy lang sya. Naiintindihan ko naman. Kung hindi ako sanay sa ganito, paano pa kaya kung mag-asawa na kami.”

‘Magpapa asawa ka sa kanya?’ kunot-noong tanong ni Lhia sa seryosong boses.

“Oo. Kapag nagtanong sya. Mahal ko sya Lhia. Mahal nya din ako. Can’t you see it?”

Ayaw nya kay Lyndon dahil alam daw nya ang tipo nito at ang ugali. Pero tumagal na kami ng ganito ni Lyndon, ayaw nya pa rin. Gaya ni Lolo.

‘Ganyan ka din naman dun sa isa noon.’ sabi nya na nakatingin sa malayo.

Hindi ako nakaimik sa pagka prangka nya. Pumikit na lang ako saka pinakawalan ang malalim na hininga. Nahilo lang ako kaya idinilat ko uli ang mga mata ko. Matagal na iyon, pero minsan parang kahapon lang.

‘Nakipag sex ka na sa kanya?’ tanong nya saka ibinuga ang usok sa mukha ko.

“Hindi!” mabilis na sagot ko.

‘Hmm? Huwag mo nga akong anuhin. Sa landi mong yan.’ walang prenong sabi nya.

“Hindi nga sabi! Baliw to.” malakas na pag deny ko.

‘Pag ikaw nabuntis na hindi kasal, sinasabi ko sa’yo. Hindi na kita kilala.’ sabi nya sa seryosong boses.

“Huy! Napaka mo na nga, extreme ka pa! Hindi nga sabi eh!”

‘Okay. Nagpapaalala lang.’

Sa aming dalawa, mas magalaw si Lhia. Sabihin nating malakas ang bunganga, mas maganda, mas may sex appeal, mas mayaman, mas successful sa career, mas malandi, pero sagrado sa kanya ang kasal at ang duties ng asawa. I learned from her. Akala ng lahat, sya ang demonyo sa aming dalawa dahil sa itsura at pananalita nya. Ako naman daw ang anghel, pero eto ako, bully, gastador, spoiled, may intrusive thoughts palagi pero mukhang mas mabait kaysa sa kanya.

Nagta-try na rin naman akong mag bago, hindi lang sa pag gastos.“Bakit ayaw mo kay Lyndon?” tanong ko ulit sa kanya. Palagi ko yang tinatanong sa kanya pero hindi nya sinasagot kahit paulit-ulit na ako.

Binuksan nya ang kotse. Pinapapasok na ako. “Ayoko. Answer my question first.” pagmamatigas ko. Bumuntong hininga lang sya saka humithit ulit ng sigarilyo.

“Lhia, bakit nga. Hindi mo naman sya ex. Hindi rin naman sya cheater. So, bakit? Alangan namang...dahil gusto mo iyong isa para sa’kin?” tanong ko na nakatingin sa mga mata nya. Binugahan nya ulit ako ng usok sa mukha. “Itigil mo nga yan!”

‘Para mausukan yang utak mo. Puro alak eh.’ sarkastikong sabi nya.

“May regla ka ba? Parang wala ka sa mood, kanina pa.”

‘Hindi. Dalawang buwan na.’

Napakamot ako sa ulo dahil sa sagot nya. “Lhia, bakit nga?” pangungulit ko pa.

Hinithit nya ang huli sa sigarilyo saka inapakan ang apos niyon saka humarap sa’kin. ‘Gusto mo talaga marinig? Baka magsisi kang tinanong mo ako.’

Parang nagising ang utak ko sa sinabi nya. Sasabihin nya? “Oo. Gusto ko marinig.” malaking ngiting sabi ko.

‘Pumasok ka muna sa kotse. Nilalamok na ako eh.’

“Tapos mag da drive ka na. Kaya hindi ka na pwede kausapin? Alam ko na yan, Ignacio. So, bakit nga.” pamimilit ko pa. “Lhia, please. Just tell me. Makikinig ako sa’yo kung sa tingin ko ay tama ka. Please. I wanna hear it.”

‘Dahil FAKE sya. May tinatago. Hindi ko sya gusto dahil kapag ganoon, it’s either they’re manipulating you, or you’re letting him manipulate you. Parang hindi ka naman bobo for the latter. Ewan.’ full of conviction na sabi nya.

“Huh?” yan na lang ang nasabi ko.

‘Ayan, narinig mo na. Pumasok ka na sa kotse.’ Hinila na nya ako papasok sa kotse. Hindi na ako nagsalita buong byahe saka nagkunwari na tulog.

May itinatago si Lyndon, at alam ko kung ano iyon. His job is the same as Lhia’s and they aren’t allies nor enemies—just unknown to each other. Only I know this truth. Wala silang idea sa totoong trabaho ng isa’t-isa. Pero hindi ko pwedeng sabihin.

I am just in between.


To be continued...