Chapter 1
Bata pa lang ako, alam ko na ang lugar ko sa bahay na ’to. Hindi bilang anak.
Kundi bilang taong kailangang sumunod. Sumunod sa kahit anong utos oh ipagawa nila.
“Ikaw na maghatid sa kapatid mo.”
“Ikaw na ang bahala sa gamit niya.”
“Siguraduhin mong wala siyang problema.”
Mga Paulit-ulit na bilin ni Mama. walang labis walang kulang sa katunayan Araw-araw pa.
Kahit may mga kasambahay naman na pwedeng gumawa ng lahat ng ’yon, ako pa rin.
Ako lagi.
“Ma’am, kami na po—” singit ng isa sa mga kasambahay namin na nagmamalasakit sakin simula pa noon.
“Hindi. Hayaan mo siya.” malamig at puno ng awtoridad na utos nito.
Isang simpleng sagot mula kay Mama— pero sapat na para ipaalala sa akin o samin, kung ano lang talaga ako sa bahay na ’to.
kahit masakit, Tahimik nalang akong tumango. Sanay na ako.
Kahit gustong gusto kong itanong bakit?
may mali ba sakin?
may nagawa ba ako sa kanila na di nila nagustuhan noon bata pa ako?
Lahat ng iyon kinikimkim ko nalang. Kasi sa pamilyang ’to, hindi ka pwedeng magtanong.
Lalo na kung ikaw ’yung hindi naman nila ginustong magkaroon.
Nakakatawa nga eh.
Mas maingat pa sa akin ang mga kasambahay namin. mas nararamdaman ko pa yung alaga, at pagaalala.
Mas marunong pa silang magtanong kung pagod na ba ako.
Mas ramdam ko pa ang respeto sa kanila— kaysa sa sarili kong pamilya.
“Ano pang tinatayo-tayo mo dyan! kumilos ka na! pawis na pawis na yung kapatid mo!” gitlat na utos ni Mama sakin.
“Darating na ang mga amiga ko, mga naka-tanga pa kayo dyan!!” sabay kami ng kasama ko na nataranta sa utos nya.
Tumakbo ako papalapit sa cute na cute kong kapatid.
“Amanda, Come to Ate na!” malambing kong tawag dito. tsaka inunat ang dalawa kong braso payakap sa kanya habang patakbo naman itong palapit sa akin.
whenever she smiles back at me, nawawala din ang pagod ko sa maghapong pagbabantay sa kanya.
“Lo-Lolo-Da-Daddy!” matining na sambit ni Amanda ng mapansin nya ang isang sasakyan papasok sa garahe namin. nagpumiglas pa itong bumaba pero pinigilan ko.
“Yes, we will come to Lolo-Daddy.” tuwang tuwa lang sa sinabi ko. kitang kita ang saya at excitement sa mga mata nya.
Nagbless ako at ni Amanda kay Lolo. “Mukhang tuwang tuwa nanaman ang paborito kong apo kakalaro ah. I have some pasalubong to you Baby.”
Magiliw na sambit nito kay Amanda tsaka hinaplos ang mamula-mulang pisnge nito. bumaling ang Lolo sa akin at nagbago agad ang ekspresyon ng mukha nito ng magtama ang aming tingin.
“Buong maghapon ka nanaman nasa labas! mag hilamos ka na doon, amoy na amoy ko ang araw sa balat mo!” sambit nito na halos malukot ang mukha nito ng maamoy ang natuyong pawis sa balat ko.
“Opo Lolo—”
“Unahin mo muna yang kapatid mo, tsaka ka na maghilamos.” ayon lang tsaka ito tuluyang pumasok sa loob ng mansyon.
Sinundan ko nalang ito ng tingin. nilunok ko nalang muli ang masakit na salitang binungad sakin ng Lolo.
Wala naman akong magagawa, hinayaan ko nalang. Nararamdaman kong umiinit ang sulok ng mga mata ko, nagbabadya nanamang maglabas ng luha.
Nagulat ako ng maramdaman ko ang kamay ni Amanda sa pisnge ko. “Ate…”
“Hala! Deretso na nyang nabanggit ang Ate! Senyorita!” maligayang anunsyo ng kasambahay namin.
Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa mukha ng kapatid ko. dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon binaggit ng kapatid ko ang salitang iyon ng buo.
Noon kasi ay “Teh” lang ang nasasambit nya, minsan naman wala talaga at lalapit lang sakin. Marahan akong natawa at pinagdikit namin ang noon namin.
“Good job sis, You really did a good Job.”
Masaya kaming pumasok sa loob ng Masyon at naghilamos kami ng sabay.
Kinaumagahan, Alas Singko palang ng umaga gising na ako para magasikaso ng agahan ng nila Mommy at Daddy, Lolo at Lola.
nang makita ko silang papaupo na sa kanya kanya nilang pwesto ay tsaka lamang ako umupo.
Maaga pa, pero kompleto na sila sa mesa. Maayos ang pagkakaayos ng pagkain—mainit na kanin, pritong itlog, longganisa, at prutas na hiniwa nang pantay-pantay.
Perpekto, Katulad ng gusto ni Mama.
Maingat kong inilapag ang baso ng gatas sa tabi ng plato ng kapatid ko. Sakto lang ang galaw ko, sakto lang ang tunog. Ganito dapat—walang kalansing, walang istorbo.
“Ano ’yan?”
Napahinto ako. Hindi ako agad tumingin. Kilala ko ang boses na ’yon—malamig, pero may halong pagkainis na hindi mo pwedeng balewalain.
“G-gatas po,” mahina kong sagot.
“Alam ko na gatas ’yan.” Dahan-dahan niyang ibinaba ang kutsara. Ting.
Napatingin ako.
Diretso sa akin ang mga mata ni Mama. “Ang tanong ko—bakit hindi puno?”
Mabilis bumaba ang tingin ko. Napatitig ako sa baso.
Hindi naman kulang.
Sakto lang. sa katunayan, hindi naman nya nauubos yung gatas nya pag puno ang baso nya.
Nanghihinayang ako sa dami ng di nauubos, kaya kahit turuan ko ang kapatid kong ubusin ang gatas nya nagiging iritado naman sya pag ganun.
“S-sorry po…”
Hindi ko na hinintay na may sabihin pa siya. Inabot ko agad ang pitsel para dagdagan.
“Dahan-dahan.”
Napahinto ulit ang kamay ko.
“Ang ingay mo.” Parang mas lumamig yung hangin sa paligid namin.
Mas lalo kong hininaan ang galaw ko, halos hindi na humihinga habang dinadagdagan ang laman ng baso.
Sa gilid ng mata ko, nakita ko ang kapatid ko. tahimik lang na kumakain, parang walang naririnig.
“Umupo ka.”
Agad akong sumunod.
Hindi pa ako nakakaupo nang maayos, nagsalita ulit siya. “Anong oras ka natulog kagabi?”
Napakapit ako sa laylayan ng damit ko sa ilalim ng mesa. “Mga… alas-diyes po.”
“Mga?” tinaas niya ang kilay. “Hindi mo alam?”
Wala akong naisagot.
Hindi dahil wala akong alam—kundi dahil mali pa rin kahit anong sabihin ko.
“Sumasagot ka na ngayon?” malamig niyang tanong.
Mabilis akong umiling. “Hindi po.”
“Hmm.” Isang tunog lang—pero sapat para kumabog ang dibdib ko.
“Bantayan mo ’yang kapatid mo mamaya. May pupuntahan kami ng Daddy mo.”
Tumango ako. “Opo.”
“Siguraduhin mong hindi yan iiyak pag alis namin.”
“Opo.”
Saglit siyang tumahimik, pero hindi pa rin nawawala ang tingin niya sa akin.
“Aria.” Napatingin ako.
“Try mo lang sumagot nang pabalang…”
marahan siyang ngumiti—pero walang init.
“…tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin niyan.”
Napatango na lang ako ulit.
Hindi dahil naiintindihan ko—kundi dahil alam ko na ang kasunod kapag hindi ako sumunod.
Sa ilalim ng mesa, mahigpit kong kinuyom ang mga kamay ko.
Tahimik lang muli. Ang mga kasama ko sa hapag ay halos walang paki alam o ni isa sa kanila walang makapag bigay ng salita man lang.
Kasi sa bahay na ’to, ang pagsagot ay hindi sagot. kundi panibagong kaparusahan na kahit sino ayaw maranasan.