Mold

All Rights Reserved ©

Summary

A one shot story of becoming something… or rotting into nothing. A one shot story of becoming something… or rotting into nothing. Years after going their separate ways, two people cross paths again—no longer who they used to be, and unsure of what they are now. Shaped by time, choices, and everything they tried to leave behind.

Status
Complete
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
18+

Mold

The day she found out na under s'ya ng lalaking ‘to sa bagong trabaho n'ya, she made him promise one thing—

“‘Wag kang magpapaalala ng kahit anong may kinalaman sa panahon ng senior high natin, maliwanag?”

One morning, sa condo na tinutuluyan n'ya, Catherine didn’t expect to see him there.

Nakatayo lang sa hallway, sa tapat ng kabilang unit na parang normal lang na nandun siya.

For a second, blangko lang ang mukha ni Cath. Nagpo-process.

Tapos—

“Ba’t nandito kang kumag ka?” Rekta. Walang alinlangan..

He glanced at her, kalmado pa rin gaya ng dati. Same face. Same unreadable expression. At sinabing, “Good morning din.”

Her face remained straight. Pero kita ang pagkairita sa mata n'ya.

“Don’t tell me—”

“Neighbors. Yeah.”

Natahimik s’ya. Napanganga, napakunot.

Same building. Same floor. Same hallway.

Napapikit s'ya out of disbelief, “…talaga lang?” Mas tanong n'ya sa universe, kesa sa lalaking kaharap niya, at dahan-dahang humawi sa buhok n'ya.

———

Clap!

Napapalakpak si Miki, tuwang-tuwa sa galak.

“—So sinasabi mo, after n’yo maging magkawork… naging magkapitbahay pa kayo?” pigil-tawang tanong n'ya.

Tapos nang kumain sina Catherine sa isang food court. Drinks nalang, kwentuhan with highschool best friend, si Miki.. at hinihintay nalang makabalik si Elliot from restroom.

“Matagal na pala yung kupal na ’yon doon.” mabilis na sagot ni Cath, sabay mariing lapag ng cup n’ya sa mesa. “Pake ko ba sa katabing unit?” Nanggagalaiting tono n'ya.

“Nakakabwisit talaga.”

Napailing si Miki, halatang aliw na aliw.

“So.. ano na’ng itsura n’ya? Pasado pa rin sa’yo?”

“Siraulo. Baka magulat ka sa haba ng buhok niya. Tapos may balbas na rin s'ya. Pero mas mukhang istrikto kesa dati.”

Lalong napangisi si Miki, hindi pa rin tumitigil.

“Don’t tell me… kaya ka lumipat doon dahil alam mong doon siya—”

Thud

Napaatras nang bahagya ang upuan ni Miki sa sipa. Nagtatakang tumingin si Miki, “Ano?” bulong nito, habang nakakunot at nanlalaki naman ang mga mata ni Cath na parang may sinesenyas.

Tumahimik bigla si Cath at nagfocus sa pag-inom n'ya na para bang wala silang pinag-uusapan ni Miki.

Nakabalik na pala si Elliot.

“Ah..” Hindi agad napansin ni Miki. Pero gets na n'ya ‘yon. “..Nandito ka na.”

Biglang tumayo si Cath, “Sige na..” mabilis niyang sabi, bitbit ang natitirang chocolate coffee. “Dalhin ko na ’to para makaalis na tayo. Tara na.”

Parang nagmamadali..

O may iniiwasan.

———

Catherine never planned on pursuing him—

Nicola.

Naintriga s'ya sa pangalan nito, especially no’ng malaman niya'ng lalaki pala ‘to.

“Sinong magpapangalan ng Nicola sa anak nilang lalaki?”

Eight years ago, unang inapproach ni Cath si Nicol.

Naka-uniform pa s'ya, mahaba ang buhok, no make-ups, marami pang energy para sa maraming bagay.

Si Nicol naman, tahimik, seryoso, nakasalamin at laging naka-earpods.. yung type na usually, ieexpect mong sikat sa ibang students. Well, he is. Achiever palagi eh. Kaso ayaw sa kanya ng karamihan for sooo many reasons.

“Are you even familiar with Nikola Tesla?” Mahinang tanong n'ya kay Cath nang hindi man lang nage-effort lumingon.

“..Ha? Yung kotse?”

“... I shouldn't have asked.”

Cath wasn't even sure herself kung ba’t hindi n'ya malubayan si Nicol.

Not, at first.

“Ang tanga… nakakabwisit..”

Nakasubsob si Catherine sa mesa.

“Nagpasikat pa ’ko kanina sa pagtugtog ng piano…” hina ng boses niya. “Mani lang naman pala sa kanya ’yung piyesa na ’yon…”

Tahimik lang si Elliot sa gilid, nakikinig.. matagal na nakatingin kay Cath bago umiwas.

Si Miki naman—nang-iinis as usual. May hawak na maliit na feather, sinusundot niya yung tenga ni Cath.

“Hoy—” Pagtaboy ng kamay nito.

At inulit nanaman.

“Ano ba?!”

Mabilis na napabangon si Cath, iritable.

Tawa naman nang tawa si Miki, pero agad ding umayos nang pagkakaupo, at sinubukan nang magseryoso.

“Ba’t kasi ’di ka muna nag-background check? Inalam mo dapat mga hilig niya.”

“Hilig niya?” napasimangot si Cath. “May hilig ba’ng taong ‘yon? Kung nakita mo lang kung gaano ka-straight yung mukha niya kanina—parang sinasabi niyang, ‘Ano’ng pinagmamalaki mo?’, Argh!”

Hinampas ang mesa.

Dagdag pa n'ya, “Ginagawa n'ya naman lahat kahit uninterested siya kasi kaya niya’ng gawin—kaya nga…” mula sa pagkainis, biglang bumaba ang boses niya, lumambot, napangalumbaba at napangiti pa, “…hehe.”

Napailing si Miki.

“Tignan mo ’tong lokang ’to. ’Di mo malaman kung naiinis o kinikilig.”

“Duda ‘ko sa gusto mong mangyari. Sikat s'ya.. pero hindi sa magandang paraan, alam mo ‘yon?” reply ni Elliot na wala naman talagang ganang sumali sa usapan.. kundi lang dahil nababaliw na si Cath.

Natahimik sila sandali, nang— Thud

Biglang hampas ulit sa mesa.

“Tama—!”

Nabuhayan.

“Sa dami ng kaya niyang gawin, kailangan ko lang malaman kung saan ako makakalamang!”

“O~kay..?” Nagtatakang mukha ni Miki.

“Gusto mo ba s'ya o nakikipag-compete ka lang?” Nabobored nang tanong n'ya dahil hindi na magets ang gusto ni Cath.

At doon na s'ya nagsimula na mag-explore pa ng kung anu-ano. Studies. Sports. Clubs na hindi naman niya maintindihan kung anong ginagawa. Lahat, para lang may mapag-usapan silang dalawa.

Si Nicola, top student sa class nila.. even sa buong batch pala. Naligaw nga lang si Cath sa strand nila, kahit ang main subjects, hirap siya'ng maintindihan.. kaya hindi n'ya magamit para kunin ang atensyon ni Nicol.

Pero hindi pa rin tumitigil kakadaldal kahit class hours.

“Alam mo ba—”

“Na-try mo na—”

“Mahilig ka ba sa—”

Makakuha man s’ya ng sagot, buntong hininga lang. Minsan, side eye.

Napapatingin na rin ang mga kaibigan nitong kapwa top students mula sa ibang strand.

“Pansinin mo naman kasi minsan,” bulong ni Dane kay Nicol nang bahagya siya’ng siniko nito.

“Kami yung naaawa sa kanya eh,” dagdag ni Iris.

Pero kahit sa kanila, laging hindi sumasagot si Nicol kung tungkol ‘yon kay Cath.

Isang hapon, bumalik si Nicola sa music room para kunin ang notes na binilin ng instructor.

Walang ibang tao.

Meron lang isang upuan sa gilid—may nakapatong na bag, at magkakapatong na music sheets.

Kinuha niya.

Sulat-kamay na mga notes at lyrics. ‘Ito ba ‘yon?’

Matagal niyang tinitigan.

Tapos—

“Aahh~!!”

Napalingon siya.

“Akin ’yan!”

Lampas ang tingin n’ya. Nasa tabi na pala n’ya si Cath na biglang humablot sa mga papel mula sa kamay n'ya.

Hindi naman siya pumalag. Unti-unti rin sya'ng nilingon.

“Sinulat mo ’yan?”

…Natigilan si Cath.

Unang beses niya siyang kinausap nang matino. As in kinausap. Hindi side eye, hindi buntong hininga. Kundi talagang nakatingin sa kanya nang diretso.

Hindi naman agad nakasagot si Cath.

Nag-overthink pa nga nang malala.

‘Hala, nabasa nya? Cringe kaya? Halata masyado?’

Pero..

“Maganda naman yung pagkaka-compose..”

Flat ang boses as usual. Pero sapat na. At least, para sa kanya.

‘Nagustuhan niya…??’

Natulala tuloy s'ya sandali.

I swear, hindi pa s'ya nagde-daydreaming.

“Pansin ko, mahilig ka sa music,” pilit niyang sabi, sinusubukang gawing casual. Hinawi ang buhok sa may tenga. Sinusubukang ituwid ang nanginginig na boses.

“Usually kasi naka-earpods ka—”

“Para mabawasan yung ingay. Lagi kasing may dumadaldal sa’kin.”

Natigil siya.

“…ah.”

“Gusto mo maging composer?” dagdag niya, walang pagbabago sa tono. Pero sapat na para matuwa si Cath. Unang beses na magtanong si Nicol tungkol sa gusto n'ya.

“Kuha ka ng lyricist. Ang cheesy ng sinulat mo.”

…Aguy.

Napangisi s'ya, gustong matawa na naiinis, “Tch” pag-irap pa nito.

Napailing pa’t lumingon sa bintana, “Eh para nga sa’yo ’yan—” Bulong n'ya.

…Naibulong niya.

Kaso hindi mahina.

For sure, narinig ni Nicol.

“Uhm—” Hikbi n'ya. Napangiwi siya saglit, napapikit at napayuko.

Bigla, inaangat niya ulit ang ulo niya, nandidilat ang mga mata, nag-iba nanaman ang expression, “Tama.. Oo nga!” Mayabang na tono n'ya. “Obvious naman! Kung matalino ka, nahalata mo na dapat ‘yon!” Kaso, para sya'ng naghahamon ng gulo na may kasama pang panduduro.

Maya-maya pa..

Bigla niya’ng hinablot ang bag n'ya at tumakbo palabas. Nagsisi agad sa ginawa n'ya.

Pinanood s'ya ni Nicol na lumayas. Halatang nahiya. Inisip n'ya, ‘yun na ‘yon. Titigil na sa wakas.

Kaso.. isang gabi lang, nakarecover agad sa kahihiyan n’ya.

Next day, parang walang nangyari. Parang mas naging determinado pa nga s'ya. Kung minsan, bigla na lang siyang makiki-upo sa table ni Nicol kasama sina Dane at Iris na para siya'ng belong.

Si Miki nalang ang nahihiya para sa kanya.

Hanggang sa araw ng exam results.

Nakatayo si Cath sa may hagdan, nakatitig sa grades niya.

Tapos—

“Eh kung inuuna mo sana mag-aral,”

Biglang may boses sa likod niya. “…kesa kung anu-ano’ng inaatupag mo.”

Kilala na n'ya. Hindi na kailangang lumingon. O baka mas tamang sabihin na hindi s'ya makalingon dahil ramdam n'ya ‘to sa may balikat n'ya. Nakasilip sa grades n'ya. Napakalapit.

“Hindi ako makikipag-date sa mababa ang grades.”

Simple. Direct to the point. Walang paliguy-ligoy. Wala ring emotion.

“Aral ka muna.”

Then he walked past her.

Hindi alam ni Nicola kung sapat na ‘yon para mahiya s'ya. Para tumigil s'ya. Kaya everytime na madaraanan n'ya si Cath, dinadagdagan pa niya’ng pangtutusta.

Sa hallway..

“Nakita ko, kamot-ulo ka sa practical. Mababa nakuha mo? Magfocus ka kasi.”

Sa Flag cem..

“Attendance na lang ba habol mo?”

Nag-umpisa nang mairita si Cath, pero nagpatuloy s'ya sa mga activities na sinalihan n'ya before.. kahit iba na yung kaso ngayon. Kung para maging close? O para may mapatunayan sa sarili? Hindi na rin niya alam.

One time sa robotics, isa sa mga club na walang maintindihan si Cath, napansin niya'ng isang bagay.

Nagi-struggle si Nicol sa maliliit na parts na nagkalat sa mesa nito.

Hanggang sa nakapagpack-up na lahat para umuwi, nagpaiwan mag-isa si Nicol para tapusin ang kanya. Hindi naman importante. Naiinis lang s'ya sa bagay na hindi n'ya magawa nang mabilis.

Pumasok ulit si Cath.

Tahimik. Pero sa sobrang focus ni Nicol, hindi n'ya napansin.

At mula sa likuran, biglang tinanggal ni Cath ang suot niya'ng eyeglasses.

“Oy—”

“Hahahah!”

Hindi maiwasan matawa ni Cath no'ng makita n'ya sa unang pagkakataon na walang suot na salamin si Nicol.

Sobrang nakakunot ‘to.

“Akin na” Seryosong utos ni Nicol. Hindi tumatayo mula sa upuan n'ya, dahil siguro, gano'n kasama ang paningin n'ya ‘pag walang salamin.

“Sa eyesight lang naman pala kita matatalo!” Patuloy na pagtawa nito.

“Hay..” Buntong hininga ni Nicol. “Sige na. Patapos na ‘ko, ibalik mo na ‘yan.” Seryoso pa rin, pero mas kalmado na’ng pakiusap n'ya.

Nawala yung ngiti ni Cath.

Lumapit na rin s'ya ulit para s'ya mismo ang magsuot non sa kanya pabalik.

“Okay. Sorry na.”

Nang maisuot n'ya, luminaw na ulit ang paningin ni Nicola. At nakita niya'ng nakangiti pa rin si Cath.

Sa sumunod na linggo, tuloy ang pagtanggap ng tatlo ng awards sa monthly competitions.

“Tingnan mo ’to,” iritableng sabi ni Dane, hawak ang certificate. “Kelan ba kita mauungusan?”

“Congrats nalang sa’tin” dagdag ni Iris, tinutulak ang mukha ni Dane palayo kay Nicol dahil nag-uumpisa nanaman ‘to.

Habang si Nicol na nasa gitna nila, tahimik lang, may hawak ding award.

Parang normal lang. Expected na eh.

Sa kabilang banda—

Nakahiga si Cath sa field, hingal na hingal.

Katabi niya si Elliot, naka-upo lang sa damuhan, pinapainom siya ng tubig.

“Tumigil ka na kasi,” mahinahon niyang sabi.

Umiling si Cath.

“Hindi pa.” sagot n'ya habang naghahabol ng hininga.

“Para kanino ba talaga lahat nang ‘yan? Intindihin mo naman yung sarili mo.”

Napabangon s'ya nang mabilis, handang sagutin ang tanong ni Elliot..

o hindi pala.

Nahiga s'ya ulit. Wala s'yang masabi eh.

“…ewan.”

Napabuntong-hininga si Elliot.

“Pero for sure… worth it lahat kapag nakuha natin ang gustong-gusto natin makuha, ‘di ba?”

Pagod si Cath.. pero hindi ibig sabihin, malungkot s'ya.

Kita ‘yon ni Elliot. Kaya hindi na siya kumontra.

Dumating na rin ang araw ng release ng grades this finals.

Mas mataas.

Kaso, hindi pa rin sapat.

Bilang ramdam niya'ng talo s'ya, nagdecide si Cath na tumigil na sa pangungulit.

Nagpa-practice na sila for graduation. Tinatapos ang lahat ng requirements for clearance.

Sa huling araw, maingay.. masaya.

Achiever si Nicol, as expected.

Lahat may kanya-kanyang grupo. Picture dito. Tawanan doon.

Habang abala na lahat, nakita niya siya.

Tulad ng dati.. tahimik, hiwalay sa ingay.

Lumapit siya.

Hindi na kasing energetic ng dati.

Pero yung mata n'ya, ganon pa rin..

Matapang. Desidido. May buhay..

“Nicol..”

Napatingin ito sa kanya.

“…last day na ’to. Picture tayo?”

Hindi naman s'ya tumanggi pa.

Tinaas ni Cath ang braso n'ya, hawak ang phone.

Click!

Nakangiti si Cath genuinely, pero hindi kasing sigla noon. Si Nicol naman..

“Wow..” Natawa nang konti si Cath, no'ng ma-check ang picture, “Ngumingiti ka naman pala?” Mahinang hampas nito sa braso, “Itatago ko for remembrance ha. Bawal ipa-delete!”

Nag-scroll pa konti si Cath sa phone n'ya, bago nagsalita ulit.

“After nito, ‘di na ’ko manggugulo. Hindi na rin naman tayo magkikita.”

Naririnig pa rin yung ingay sa paligid—

pero parang wala sa kanila.

“Gusto kita. I mean.. obviously, alam mo na ‘yon!” Malikot ang mata n'ya, hindi makatingin nang diretso. “As in.. serious-serious.” Natawa s'ya ng konti.. para at least hindi awkward.

…Walang sagot.

Walang reaksyon.

Tinitigan lang siya—

“Goodluck sa future goals!” Tinaas n'ya ang dalawang kamay, parang sinasabing ‘Laban!’

Palayo na si Cath. Isang hakbang.. dalawa.. tatlo..

“Catherine..”

Mahinang tawag ni Nicol.

Hindi sigurado si Cath sa narinig n'ya. Pero lumingon s'ya ulit.

“..strive harder.”

Tinaas n'ya rin ang kamay n'ya, pero isang kamao lang..

‘Goodluck!’

———

“Under mo?” Halos matawa si Dane, nakasandal sa upuan habang hawak ang phone.

Eight years ago mula no’ng senior high. Naghiwa-hiwalay for their own careers.

Four years since college.

Nag-aral pa si Nicola ng additional skills to gain more experiences even after makapag Bachelor's.

Ngayon, two years na s'ya sa corporate.

Nagkaroon ulit ng pagkakataon na makita sina Dane at Iris sa isang kapehan sa loob ng mall.

Kape lang. Yung mapait. Wala naman kasi sa kanilang tatlo ang mahilig sa sweets.

“Ano’ng tingin mo.. intentional ba?” dagdag ni Dane, “Baka may connection sa loob para mahabol ka?”

Tahimik lang si Nicol, nakatingin sa kape niya. Pero medyo napakunot ‘to.

“Same department,” Napaisip si Iris, naka-cross arms. “And you’re the one handling her?”

“New hires,” maikling sagot niya. “Kasama siya sa batch.”

“Of all companies…” napailing si Iris. “Doon pa talaga ah.”

“And..”

Huminto si Nicol, nag-aalangan sa idadagdag n'ya.

“And..?” Pag-aabang nung dalawa.

Sagot n'ya, “I don't want you two thinking about anything weird but..”

Sa pause na ‘yon, lalong lumapit ang dalawa.

“..We're neighbors. Halos kakalipat n'ya lang.”

Natahimik yung dalawa. Yung mga mata, nanlalaki. At gaya ng kakasabi lang ni Nicol..

“Pa’no, hinahabol ka ulit?” Tanong nila pareho.

“…No.” Mariing sagot n'ya.

Pero sa isip niya, maraming comparison. Ang layo na n'ya sa dati. Mahirap nang basahin. Part of him, tinatanong ang sarili n'ya, ‘Dahil ba sa’kin?’

“Hey, look.” Sabi ni Dane na busy sa pag-scroll. “Found her.” Inangat niya yung phone, pinakita sa kanila.

Isang picture.

Si Catherine.

Mas maiksi ang buhok. Nag-iba rin pati style ng pananamit. Light make-up, pero mature tignan.

At may kasama rin. Kaakbay, actually.

Mas natahimik sila nang matagal this time.

“…Oh.” Reaksyon ni Iris. “Familiar.”

“Kilala mo?” Tanong ni Dane kay Nicol. Pati si Iris, napatingin sa kanya.

“Mm.” Sagot n’ya, hawak ang kape. “Yung lalaking palaging masama ang titig sa’kin noon.”

“Ah!” napa-snap si Iris. “Right—yung friend niya from another class.”

Saglit siyang napangiti.

“Wow. Sila pala?”

“Well, one year ago pa ‘tong picture,” dagdag ni Dane, patuloy na nagi-scoll, “Walang latest upload, ano ba ‘yan..”

Hindi agad nagsalita si Nicol. Nakatitig lang sa kape.

“Sila pa rin kaya until now?” Curious na tanong ni Dane.

“I hope so. Mukha namang masaya sila.” Sagot ni Iris.

Si Nicol, nagsalita sa wakas, “Tama na ‘yan. ‘Wag n'yo nang i-stalk.”

Low voice. Seryoso as usual. Tulad ng dati.

Pero this time.. parang may konting..

Alinlangan?

———

“Ms. Catherine..”

Hindi na siya napapatingin agad.

Nakangalumbaba, nakatitig sa screen ng laptop.

“Hmm?” Hindi na s'ya lumilingon. Alam na niya kung sino eh.

May lumapag na isang bulto ng folders sa mesa niya.

Dahan-dahan niyang inangat ang tingin, “Seryoso?”

Nakatayo si Nicol sa tabi ng desk niya, hawak pa yung last file.

“Why? ‘Di mo na kaya?”

Napairap si Cath, hinila yung folder palapit.

“Siguraduhin mo’ng bayad ’to chief, o irereport kita.”

Bahagyang tumaas ang kilay ni Nicol.

“What do you mean?” Maang-maangan n'ya.

Natawa si Cath, “Kung may additional work..” mariin niyang sabi, tinapik yung stack ng files. “Merong additional pay, ‘di ba?”

Tahimik lang siya saglit.

“That’s part of your work”, flat pa rin ang tono. “Hindi mo siguro binasa yung contract kaya akala mo additional ’yan?”

Kung dati, pabulong na magrereklamo sabay sunod.. ngayon, iba na.

Tumayo siya’t hinarap si Nicol, “Power tripper ka na ngayong kumag ka? Sino mag-aakala?” Nakangising tawa niya.

Hindi siya sumagot.

Hindi rin siya umatras.

Nagkatitigan lang sila.

Tapos—

“Deadline’s tomorrow.”

And just like that, umalis siya.

“Bwiset ka talaga.” Mahinang bulong ni Cath, sabay upo.

Dinabog niya yung isang folder. Tapos, binuksan. Lumipas ang oras. Tahimik ang opisina. Hanggang sa natapos niya’t nakapag-inat sa wakas. Si Nicol naman..

“Tch. Nauna pang umuwi yung lalaking ‘yon.”

———

Panibagong araw. Pagpasok niya, may nakalapag na kape sa mesa niya.

Chocolate Coffee. Mainit pa.

Katabi non, isang maliit na note.

Hindi niya agad hinawakan. Tinitigan lang muna. Pero dahil hindi mabasa nang buo sa natatakpang parte ng baso, kinuha niya.

“For extra effort ng brain cells.

I’ll make sure it’s compensated properly.”

Saglit siyang natigil at napatingin sa paligid.

Naroon siya sa kabila ng glass wall. Nagtatrabaho.

“Tch.”

Umupo siya, hinawakan yung kape.

“Bwiset ka…”

Mahina. Pero this time, no real bite.

Kinagabihan, tahimik na ang office.

Ilang ilaw na lang ang bukas, karamihan nakauwi na.

Sa desk niya, nakasandal si Cath, pilit na binubuksan ang mata habang nakatitig sa screen.

Buzz

Phone niya.

“Nakauwi ka na?” Message ni Elliot.

Hindi pa siya nakakapagreply, may bago nanaman.

Buzz

“Late ka na naman mag-out?”

Napabuntong hininga siya, hinawakan yung phone, nagreply, “May hinahabol lang.”

Typing ulit… “Medyo tambak kasi—” …natigil.

Napatingin siya sa glass office ni Nicol. May ilaw pa. Nasa loob pa siya.

Binura niya yung tinatype niya, at nagtype ulit, “Mago-overtime ako. Magmemessage ako pagkauwi ko”.

Send

“Cath.”

Napalingon siya.

Si Gracie.. halatang nagmamadali.

“Sorry, pwede bang ikaw na muna dito? Emergency kasi—kailangan ko nang umalis.”

“…ha?”

“Sorry talaga, babawi ako!”

Hindi pa siya nakaka-process, naiwan na sa kanya yung trabaho.

Lumipas ang ilang oras, isa-isa nang umalis ang mga tao.

Hanggang sa siya na lang. Nakalabas na rin sana siya kung hindi dahil sa iniwang trabaho.

Bumukas ang glass door. Lumabas si Nicol.

Napatigil siya nang makita siya sa ibang table.

“That’s not your desk. Si Gracie?”

Hindi agad sumagot si Cath.

Halatang inaantok, kinukusot ang mata, pinipilit dumilat. Halata na yung eyebags.

“Emergency daw eh.”

Nakatitig lang siya.

“Tell her to inform me next time,” malamig niyang sabi, “nang hindi pinapasa bigla ang trabaho niya sa iba.”

Nakatingin pa siya kay Cath ng ilang segundo.

“Ikaw na’ng magpatay ng ilaw. Una na ’ko.”

At naglakad siya pa-elevator. Pinindot. Bumukas.

Pero hindi s'ya pumasok.

Napalingon si Cath no'ng nakarinig ulit s'ya ng mga hakbang. Bumalik pala si Nicol.

“Tabi. Ako na d’yan, umuwi ka na.”

Bumalik na si Cath sa sarili niya'ng desk. Naupo si Nicol sa naiwang trabaho. Nang mga oras na ‘yon, puro tunog lang ng keyboard at mga kaluskos ng papel ang maririnig.

Natapos na sya’t lahat, hindi pa rin nakakaalis si Cath.

Nilingon n'ya ‘to.. tulog na pala.

Inatras niya'ng upuan n'ya pagulong sa pwesto ni Cath. Ilang segundo, nagdadalawang isip s'ya kung gigisingin n'ya ‘to, kaya nakatitig lang s'ya sa mga oras na ‘yon.

“Ms. Cath..” Bulong n'ya. “Catherine..” Mas malakas nang konti.

Unti-unti, dumilat s'ya. Hanggang sa halos napabalikwas s'ya sa gulat na makita si Nicol sa harap n'ya. Tumalikod s'ya agad, chinecheck kung baka may laway o magulo ang buhok n'ya.

“Nakatulog pala ‘ko” Natatarantang sabi n'ya. Sa tono na biglang nagpaalala kay Nicol kung paano s'ya magsalita dati—matinis.. pero malambing.

“…Saan ka umuuwi?” Biglang tanong ni Nicol.

Si Cath, biglang nagpack-up.

“Um. Nagsend ako ng picture mo na ginagawa mo yung trabaho ni Gracie. Para naman kabahan s'ya bukas pagpasok.” Tuloy-tuloy na pagliligpit n'ya.

“Nagtataxi ako usually..” Dagdag ni Nicol, hindi pinansin ang sinabi ni Cath.

“Sabay ka na.” Alok nito.

Natahimik sila pareho. Si Cath, nagulat at hindi alam kung anong isasagot. Si Nicol.. well, nagulat din siya. Pero walang regret. Nakatingin s'ya nang diretso, naghihintay ng sagot.

“Pake mo? Magtaxi ka mag-isa.” Sabay lakad paalis. Pero halatang walang inis sa tono n'ya. Siguro dahil bagong gising lang.

Dagdag pa n'ya bago tuluyang pumasok sa elevator, “Kakalipat ko lang din sa mas malapit. In case na mapadalas ang ganito, mas madali umuwi.”

Tuluyan siya'ng sumakay, pero bago pa man sumara, “D’yan ka na”.

Magkaibang daan.

Si Cath, sumasakay ng tren. Araw-araw nakikipagbuno sa siksikan

Si Nicol, nagtataxi. Tahimik ang byahe. Mas mabilis at mas komportable.

Kinabukasan, oras nanaman para pumasok.

Lumabas siya ng unit, naglock ng pinto, rinig ang ingay ng mga sasakyan sa ibaba.

Sabay na sabay.

Napatigil si Cath nang malingon sa katabing unit.. at nablangko ang isip niya.

“Ba’t nandito kang kumag ka?” Nagtatakang tanong n'ya.

Nagkatinginan sila. Parehong gulat. Pero yung isa, kalmado.. yung isa, iritable.

“Good morning din.”

“Don’t tell me—”

“Neighbors. Yeah.”

Natahimik s’ya.

“At kelan mo pa nalaman?”

Matagal bago siya nagsalita. Parang inisip pang mabuti kung anong isasagot niya.

“Halos sabay lang tayo nakauwi last night. Tinignan mo pa nga ‘ko. ‘Di mo maalala?”

Same building. Same floor. Same hallway.

Buti nalang magkaiba’ng sakay nila papasok at pauwi.

———

One afternoon, habang hindi pa nakakabalik si Nicol mula sa meeting, nakiusap si Gracie kay Cath na samahan s'ya.

Dahil sa picture na sinend ni Cath, takot na takot ngayon si Gracie na humarap kay Nicol.

“Ilalagay ko lang ‘to sa desk n'ya, sige na~” Pakiusap n'ya kay Cath habang hawak ang apology letter at isang coffee flavored bread.

“Oo na! Pero yung letter nalang. Galit ‘yon sa mga high in sugar na pagkain kaya—”

Natigil s'ya no'ng maisip na bilang isang regular employee, hindi n'ya dapat alam ang ayaw at gusto ng boss n'ya.

“Ayaw n'ya? Eh ano'ng ibibigay ko?!”

Buti nalang, hindi napaisip si Gracie.

Pumasok na sila sa office nito. Maraming files, pero walang kalat. Lahat organized.

Nilapag ni Gracie ang letter. Pero sa pagkaintriga nito, tinignan n'ya pa kung anu-ano'ng nasa ibabaw.

“Oy—tignan mo, ang cute~” Pag-aya n'ya kay Cath na lumapit at tignan ang picture na nakita nya. Printed. Nakaipit sa ilalim ng glass table na parang matagal na ‘yon doon.

Tinignan ni Cath.

Graduation picture pala ni Nicol.

Kasama s'ya.

“Ano ba, tara na." Tinulak niya'ng isang stack ng papers para takpan ang litrato'ng 'yon.

"Patapos na yung lunch.” Paghila nito kay Gracie.

“Tingin mo, girlfriend n'ya ‘yon?”

“Malay ko. Lumabas na tayo.”

That time, pagbalik n'ya sa desk n'ya, napaisip s'ya.. Gaano na ba kalaki ang pinagbago n'ya mula no’n? Ni hindi s'ya namukhaan ni Gracie mula sa picture.

Sabagay.. kahit siya mismo, hirap makilala'ng sarili niya.

At bakit.. merong siya'ng copy ng picture na ‘yon? Bakit nasa desk n'ya? Ngayong s'ya nga mismo, matagal nang binura ang picture na ‘yon.

Hindi na n'ya tinanong. Hindi n'ya kaya.

———

Finally, dumating ang araw na pinakahihintay at pinakapaborito niya sa loob ng isang linggo—

Day off.

Ganda pa ng gising. Walang inaalala. Pagkatunog ng alarm, may palugit pang five minutes. Mamaya, ten minutes. Hanggang naging twenty.. thirty..

Bakit kasi may alarm?

Hanggang sa—

Diiiing~

Napabangon si Cath, mabagal na naglakad papunta sa pintuan niya. Pagkabukas n'ya, “Delivery po.”

“…ha?” Inaantok na tanong niya. Yung mga mata, hirap pang dumilat.

Hindi naman siya umorder.

Pero pagtingin niya, nasa transparent na box at ribbon na kilalang-kilala n'ya.

Yung paborito niya..

“Moldilocks, sa unit 402.”

.. custard bread roll.

Bumukas ang kabilang pinto.

Lumabas si Nicola.

“Ah,” sabi niya, habang napapakamot ng batok dahil, “Mali yung na-type ko. Dito po sa 401. Sorry.”

Nilingon siya ni Cath. Tinignan s'ya directly nang masama.

Alam niya kasi.

Pagkareceive ni Nicol, sumenyas pa ‘to ng isang tango bago sinara ang pinto.

“Pesteng ‘to.” Bulong n'ya nang nakangisi.. pero wala talagang inis.

Hanggang sa naging routine.

Sa office, nagulat lahat nang magtreat si Nicol ng mga coffee para sa team nila. Nakapangalan na lahat. Pero yung kay Cath, Espresso. Yung pinaka ayaw n'ya.

May nakadikit na note sa ilalim. Binasa n'ya..

“Kung ayaw mo, ask someone para makipagpalit..”

Alam niyang hindi ‘yon gagawin ni Cath.

“..O kaya, meron akong sugar and creamer dito sa office. Makiusap ka muna para bigyan kita.”

Napairap siya.

Sa Glass wall ng office n'ya, nakita n'ya si Nicola na nakatingin sa kanya hawak ang sarili nitong kape.. at tig-isang sachet ng sugar & creamer.. nakangisi.

Alam n'ya na ayaw ni Cath na nag-aaksaya.

Kaya pumunta pa s'ya ng cafeteria para lang sa sugar and creamer.

Kaso mapait pa rin.

Unti-unti, nagiging normal. Pikunan, sagutan, asarang hindi nila namalayang ineenjoy nila.

Pinigilan pa ni Nicol na sumara’ng elevator para hintayin si Cath na makasakay.

“Kung sumasabay ka sa’kin, hindi ka sana nale-late.”

“Oh? Baka isang araw n’yan, ako na nagmamaneho para sa’yo.”

“Pfft. I highly doubt na may license ka. Wala ka pa man ding focus.”

Hindi na nila napansin kung kailan nagsimulang gumaang ang feeling sa mga pag-uusap nila.

Until one time, tahimik nanaman sa office after another day of extension.

Nakatulog nanaman si Cath sa desk. Nakapatong ang ulo sa braso.

May ibang tao pa naman, kaso mga pagod na din lahat. Ubos ang energy, inaantok.

Lumabas si Nicol to quietly check on them kahit na siya mismo, drained na.

Napatigil siya sa tabi ng desk ni Cath. Hindi niya ginising. Hinayaan na lang muna.

Palayo na sana siya noong may napansin siya. Usually, hanggang elbow ang sleeves ng sinusuot ni Cath. Minsan, naka rolled up. Pero ngayon, mahaba.

Pero sa pagkakatulog n'ya, nahila ng konti ang isang sleeve, dahilan para lumitaw ‘yon mula sa ilalim nito—

Parang marka.

Mas lumapit si Nicol para i-check. Inadjust niya nang konti para mas matignan pa ‘yon. Para makasigurado lang.

…Mga pasa pala.

Napatingin rin siya sa mukha ni Cath. Hinawi niya’ng buhok na tumatakip sa bandang cheekbone n'ya.

May isa rin doon.

Kinabukasan, oras ng lunch. Sa company cafeteria laging makikita si Cath. Mas tipid kasi kesa sa labas.

Pero ito yung first time na nakita n'ya si Nicol dito. Nakapwesto na sa isang table. Usually, sa labas s'ya kumakain.. o kahit saan na mas tahimik.

Nagkatinginan sila. Sumenyas si Nicol, nagtilt ang ulo para sabihing, ‘dito ka na’.

Ngumisi si Cath. Nagreply gamit ang middle finger nito.

“Wow,” buntong hininga ni Nicol. Isang tawang hindi makapaniwala.

Pumwesto si Cath sa ibang table. Yung solo n'ya.

Si Nicol, tumayo at naglakad palapit sa table ni Cath, at nilapag ang pagkain n'ya.

“Really? Ganyan ka na ngayon?”

“…Oo. Lalo sa bwiset na associate manager.”

Tuluyan siya'ng umupo. Magkaharap sila.

“Kamusta ’yung ginagawa mo?” Casual na tanong ni Nicol. “Masusubmit mo mamaya?”

Tumango s'ya, “Kaya naman.”

Tipid yung sagot. Ever since na nagkita sila ulit, ramdam yung vibe ni Cath na chill nalang, minsan maangas, parang walang pake.

Pero hindi ganitong.. matamlay.

Hindi naman ’yon ang gusto niyang itanong. Hindi ’yon ang pakay niya.

“Anong.. sinasabi mo sa partner mo..” tanong n'ya out of nowhere, “..every time na nago-overtime ka?”

Napatingin si Cath. Napataas ang kilay.

“…bakit?”

“Kasi,” sagot niya, walang pagbabago sa tono, “madalas ka nang late nakakalabas..”

Nag-umpisang mag-alangan si Nicol kung weird ba na magtanong siya, “Um.. okay lang ba sa kanya?”

Natahimik ng ilang segundo..

Yung tahimik na medyo mabigat.

“…si Elliot? Oo, wala naman sya'ng choice.”

Yung mga mata n'ya habang sumasagot, parang walang gana.

Biglang naglamukos si Cath ng ilang tissue at ibinato rekta sa mukha ni Nicol.

Napapikit s'ya sa gulat.

“Nangi-stalk kang loko ka?”

Nakapikit pa rin s'ya, tumaas ang kilay, hindi makapaniwala na parang gusto niya'ng matawa at mainis.

Pagbuntong hininga, dumilat s'ya.

“Unintentionally.. nakita ko lang.” Sagot niya na parang nagpipigil ng kulo.

Pero pag-alis niya, napahigpit ang pagkakahawak n'ya sa tray. Sa isip niya—

‘Ang sagwa ng mga pagkain dito.. o baka masama lang talaga panlasa ko ngayong araw.’

At sa table na iniwan n'ya, inadjust ni Cath ang long sleeve n'ya, hinawakan ang buhok na tumatakip sa kaliwang pisngi n'ya. Sa isip nito—

‘Nakita niya.. ang alin kaya..?’

Habang hawak nang mahigpit ang sleeve.

Pagkauwi niya no’ng kinagabihan, tahimik na’ng hallway nila pagbukas ng elevator.

Papalabas na si Cath no’ng makita n'ya, naro’n si Elliot sa tapat ng unit n'ya. Naghihintay.

Hanggang sa magkatinginan na sila.

“Pati yung passcode na sinabi mo sa’kin, hindi totoo? Ayaw mo ‘ko papasukin?” Iritableng tanong n'ya. Yung tono na ayaw na ayaw ni Cath na naririnig.

Napahawak siya sa braso niya, “Sabi ko, ako nalang ang pupunta sa’yo” Hindi na siya humakbang palapit, “Ba't nandito ka?”

“Ako’ng nagtatanong, ‘di ba?” Mas bumaba pa'ng boses n'ya. Mas seryoso.

“Hindi ka naman magsisikreto kung wala kang ginagawa. So may kalokohan ka nga? Bakit nga ba ayaw mo ‘ko papuntahin rito?”

Lumapit si Elliot. Mabilis ang lakad n'ya, dahilan para mapaatras si Cath.

Bumigat ang paghinga n'ya. Parang biglang numipis ang hangin.

“Tantanan mo na ‘kong tangina ka..”

Mahina. Pero diretso. Desidido. Direkta ang tingin.

Natigil si Elliot sa mismong harap n’ya. Dahan-dahang hinawakan at inangat ang braso ni Cath na nanginginig.

Inurong ang sleeves para tignan ang mga pasa.

“Masakit pa ba?” Biglang kalma ng boses at mukha n'ya. “Sorry. Kelan ka free? Labas tayo.”

Mahigpit ang pagkakasara ni Cath sa kamay n'ya. Nakatingin ang nagluluhang mga mata sa sahig.. kahit saan, ‘wag lang sa lalaking ‘yon.

Hindi siya sumasagot.

Ding

Bumukas ulit ang elevator.

Sa likuran ni Cath, lumitaw si Nicol.

Napatingin s'ya kay Elliot. Napatingin si Elliot sa kanya.

“…Ah.” Nag-iba nanaman ang tono ni Elliot. Mula kay Nicol, bumalik ang matalim na tingin n'ya papunta kay Cath, at humigpit ang pagkakahawak sa braso nito.

“Tama naman pala talaga ‘ko.”

———

Sa loob ng isang café, hindi kalayuan sa workplace ni Nicola, nagkaroon ulit ng dahilan para makita ang dalawang kaibigan n'ya.

“Wow.. mukhang malala”, Sabi ni Dane habang nagreresist na ‘wag sundutin ang namamagang tama ni Nicol sa mukha.

“Who would expect na makikita ka naming ganyan ang lagay?” Kararating lang ni Dane, kaya si Iris palang ang nakarinig sa kwento.

“Tigilan mo nga,” Hampas nito sa kamay ni Dane.

May tama sa labi, namamagang pisngi.. yung isang talukap, halos hindi maidilat.

“Ano'ng klaseng debate naman kasi ang sinalihan mo this time?” Pang-aasar pa ni Dane.

Napatingin si Iris. Mas tahimik. Mas observant.

“…Tapos? Ano’ng ginawa mo sa Elliot na ‘yon? Don't tell me, hindi ka gumanti?”

Hindi agad sumagot si Nicol. Kita naman din sa kamay n'ya. Malinis. Hindi namumula.

“Parang hindi n'yo ‘ko kilala.”

“Elliot? Yung boyfriend??” tanong ni Dane.

Sandali.

“…Ex.”

Nagkatinginan sina Dane at Iris.

“Damn.” Napapirmi si Dane sa upuan n'ya.

“Sa two years of relationship nila.. ako pala usually ang dahilan ng arguments.”

On his behalf, sina Dane at Iris ang mas naiinis sa kwento nito.

“After graduation, ni wala kayong connection sa isa't-isa! Is that guy for real??”

“So.. kamusta s'ya ngayon? Si Catherine?”

———


Dahil sa nangyari, nag-request si Cath ng leave for three days.

Tahimik ang unit. Walang alarm, walang trabaho. Hindi naman sa kaya n'ya pa’ng isipin ang tungkol ro’n.

Nakahiga s'ya, nakatitig sa kisame, patay lahat ng ilaw, walang ingay.

Diiiing~

“Ma’am Catherine ng unit 402?”

Dahan-dahan siya'ng bumangin para buksan ang pinto.

“Pareceive nalang po.”

Yung packaging palang, alam na n'ya agad.

Tinanggap niya. Paid na rin.

Pagpasok niya, binuksan niya nang dahan-dahan. Wala rin siya’ng gana para kumilos nang mabilis ngayon.

Ang tamis. Amoy custard. Nakaka-comfort.

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis.. the fact na hindi nanaman siya'ng umorder nito.

———

“Kasalanan mo rin.” Dineretso s'ya ni Dane. “Pinatagal-tagal mo pa kasi.”

“For the first time, agree ako kay Dane,” dagdag ni Iris, naka-cross arms. “Kung noon pa lang ‘di ka na nag-alangan, ‘di naman s'ya mapupunta kay Elliot in the first place—”

Hindi siya sumagot agad. Hindi s'ya makasagot, actually. At some point tama sila. Pero.. umiling s'ya.

“Kahit pa ibalik n'yo ko eight years ago, hindi ko pa rin s'ya sasagutin,” Nakangisi s'ya, nakatitig sa kape na hindi naman n'ya mainom-inom.

“Pero siguro.. magpapakatotoo ako kung sakali. Kung alam ko lang na ganito.”

Maya-maya, may dumating na waitress, dala ang isang order, “Enjoy po!”

Parehong nagulat sina Dane at Iris.

“Custard??”

“Kelan ka pa kumain ng matamis??”

Sagot niya, “For comfort lang.”

——

“Break muna~!!” Masiglang tono ni Cath no’ng mahatid ng guard ang order n'ya. Itinabi niya’ng nagkalat na reviewers sa table.

“Ano nanaman ‘yan? Nagno-notes pa ‘ko”

That time, masigla pa yung isa.. at nonchalant yung isa pa. Neat pa yung hairstyle. Hindi mukhang pagod. Hindi mukhang napabayaan.

May nilapag na box si Cath sa harap niya, “Tikman mo ’to!”

Hindi pumalag si Nicol. Hinayaan n'ya si Cath na itabi lahat ng libro at ihanda ang kung anumang pagkain na dahilan ng excitement n'ya.

“…high in sugar. Ayoko.”

“I-try mo lang!”

Binuksan niya.

Custard bread roll.. na nakakalunod ang fillings.

“Tingin mo maipapasa niyan ang grades mo?” Rektang tanong niya.

“Hindi. Pero at least hindi ka mamamatay sa gutom habang tinuturuan ako.”

Naglagay si Cath ng tig-isang hiwa sa iisang plate. Gamit ang nag-iisang tinidor, humiwa s'ya ng maliit at inabot kay Nicol.

Tinanggap naman n'ya nang walang reklamo.

Kumagat ng isa.

Tumango, “Matamis masyado. Nakakaumay.” at ibinalik ang fork.

“Tch. Puro reklamo.”

“At least..” dagdag niya, “magkaka-energy yang utak mo para mas makaintindi—”

Hindi pa man s'ya tapos magsalita, sinalpakan na s'ya ni Cath sa bibig ng sunod na serving.

Minsan, natutuwa sina Dane at Iris na makita yung dalawa. Pa’no ba naman, nakikita nilang nakangiti si Nicol ‘pag nakatalikod si Cath.. at biglang seseryoso ulit pagharap nito. Natutunan din niyang gumanti at mantrip sa pinaggagawa ni Cath sa kanya, tapos, hindi n'ya aamining siya'ng gumawa.

Kaya si Cath, hindi nakita kahit kailan ang side na ‘yon.

Habang nakaupo sa bench at naghiiintay for assembly..

“Ayoko naman talaga.”

“Tanga ka ba?” hindi makapaniwalang tanong ni Dane.

“Pareho lang kaming mahihirapan. Pareho kaming students. Pareho pa kaming unstable. Wala ‘kong mao-offer sa kanya.”

Seryosong nakikinig sina Iris, hindi nagi-interrupt, dahil sa totoo lang, sumasang-ayon sila.

“Hindi ko nga alam kung anong gusto ko para sa future.” Mas mababa ang boses niya ngayon. “…baka mahirapan lang din siya sa’kin.”

Tahimik. Walang kumokontra. Kasi may point.

One time sa robotics, nagpaiwan mag-isa si Nicol para tapusin ang ginagawa niya. Hindi naman importante. Gusto lang niya tapusin. Sa sobrang focus niya, hindi n'ya napansin na merong pumasok.

At mula sa likuran, may biglang nagtanggal ng suot niya'ng eyeglasses.

Si Cath.. na tuwang-tuwa sa itsura niya nang wala ang salamin. Hindi n'ya maaninag, pero alam niya kung gaano ‘to kasaya na sa wakas, naramdaman ni Cath na nakalamang siya.

“Akin na.” Seryosong tono niya, na agad din niya'ng pinagsisihan.

‘Ang harsh ba masyado? Natakot ko yata siya’

“Sige na. Patapos na ‘ko, ibalik mo na ‘yan.” Seryoso pa rin, pero mas kalmado na’ng pakiusap n'ya. “Hintayin mo na ‘ko. Tapos sabay na tayo lumabas.”

Tumango s'ya at lumapit rin ulit para s'ya mismo ang magsuot non kay Nicol pabalik.

“Okay. Sorry na.”

Yumuko s'ya para mailagay nang maayos ang salamin.

Pati si Nicol, umabante para maisuot ‘yon.

At ngayong malinaw na ulit ang paningin n'ya..

“Ah—!”

“Ano ba’ng—ba’t ba ang lapit mo masyado.”

Napaatras si Cath sa gulat no’ng magkalapit ang mukha nila. Si Nicol, biglang nagpack-up.

“Pero—ikaw kaya ‘tong lumapit!”

“Hindi ko nga kasi makita nang maayos.”

Kahit na nagulat si Cath sa nangyari, masaya s'ya habang pinapanood si Nicol na magligpit.. habang naiirita.

Ito yung unang beses na makita n'ya ‘to, at marinig ang gano'ng karaming salita mula sa kanya.

“Di bale na. Mauuna na ‘ko, bahala ka d’yan.”

Naiwan si Cath sa loob. Gulat pa rin. Tulala. Namumula.

Si Nicol naman, nahinto sa hagdan. Nailabas sa wakas ang hininga na kanina pa pala n'ya napipigilan.

Napahawi siya ng buhok sa inis. Dahan-dahang napaupo sa hagdan, at napatakip ng mukha. Naiirita sa sarili niya.

‘Ano ba’ng naisip ko..? Muntik na ‘yon.’

———

Pauwi na si Nicol galing mall. Nakaalis na rin ang dalawang kaibigan nya. Nakasakay na s'ya no’ng tumunog ang phone n'ya.

Message mula kay Cath.

“Thank you.”

Maiksi lang. Hindi na sinabi kung para saan.

Kung para ba sa pag-order ng cake.. o para sa ginawa n'ya no’ng nakaraang gabi.

Pagbaba, naglakad na si Nicol mula sa convenience store sa kanto.

Sakto, lumabas si Cath mula ro’n. May hawak na paper bag.

Nagkatinginan sila.

Walang sabi-sabi, sumenyas si Cath gamit ang isang bote. At doon, pumwesto sila sa isang table sa labas ng store.

Pagkaupo nila, unang nasalita si Cath, “Nauna nga lang maubos yung dessert. Hindi mo kasi sinamahan ng drinks eh.” Nakangiti, pero parang pagod.

“Next time, dapat magkasabay ah.” Ang light ng tono. Pero parang trying hard.

“…sorry.”

Napatingin si Cath sa kanya ng seryoso. Ang sincere kasi pakinggan. Parang.. may ibang dahilan kung bakit s'ya nagsosorry.

“Tatandaan ko ‘yan” Pahabol ni Nicol.

Natahimik nang konti. Pero mas komportable na.

Nilabas niya lahat nang laman ng paper bag.

Inayos sa table. Nag-umpisang magsalin sa paper cup.

“Teka—”

Natigil si Cath, nakatingin sa kanya.

“Kasi.. hindi ako umiinom.” Mahinang sabi ni Nicol.

Natigil siya’t natahimik saglit.

“…ah.” Dahan-dahan niyang nilapag ulit yung bote.. Itinabi.

“…ako din eh.”

Tahimik nanaman.

“Alam ko. Ayaw mo sa mapapait.”

Muli, ingay nalang ng mga sasakyang dumadaan ang pumupuna sa katahimikan ro’n.

Pumasok si Nicol mag-isa sa store para bumili ng bottled drinks. Black coffee sa kanya, as usual.. chocolate coffee naman kay Cath.

Inabot n'ya.

“…thanks.”

Pagkaupo ulit ni Nicol, “Nakalista ‘yan”

Napatingin ulit si Cath. Gulat yung mukha.. pero natawa nang konti.

“Sige lang.”

“Pati yung cake.”

Natigil nanaman.. at saka natawa. Mas may tunog kesa nauna.

“Biro lang.”

Pagtagal ng konti, wala nang nagsasalita.

Yung kape n'ya, ubos na, kanina pa. Yung kay Cath, kalahati palang. Kanina pa s'ya nakatitig sa table.

“Totoo yung sinabi ko dati,” Nagsalita uli si Nicol.

Natigilan si Cath.

Alin doon? Kailan?

“You’re good at music. Magaling ka noon sa compositions.. even sa instruments.”

Sandali siyang tumingin sa kanya.

“Ba’t ka napunta sa same company as me?”

Bumalik sa ala-ala nila pareho yung araw ng graduation.. yung sinabi ni Nicol.

‘Strive harder.’

“Eh ikaw?” balik niya.

“Dami mong kayang gawin. Matalino ka, magaling sa sports, nag-aral pa ng iba’t-ibang skills.. Ba’t dun ka napunta?”

Tahimik.

Napabuntong hininga s'ya sa tanong ni Cath.

“Life just..” Napailing si Nicol, “..sucks.”

Nangisi si Cath.

Natawa sila pareho.

“Nakakabwisit, ‘di ba?” dagdag ni Cath, mas magaang na lalo.

“Sayang yung mataas mong grades noon. Yung kilalang multi-talented na genius… naging...” Nag-gesture yung kamay n'ya from head to toe.

“Ano? Ituloy mo.”

Tawanan ulit.

Mas totoo this time. Magaang sa pakiramdam na nakakatawa sila nang magkasama, kahit sa kabila ng mga nangyari.

Lumipas ang ilang segundo, puro ingay nanaman ng mga sasakyan ang naririnig.

Hinawi niya'ng buhok n'ya na tumatakip sa kaliwang pisngi. Yung pasa, pagaling na.

“Same-same na tayo” Sabay tawa, nang nakaturo sa sugat nila pareho sa mukha.

Tahimik ulit.

This time, mas seryoso na.

“Sorry..” biglang sabi ni Cath.

Natigilan si Nicol.

“..sa panggugulo ko sayo dati.”

Random. Out of nowhere. Pero parang matagal na niyang dala. Feeling n'ya may atraso s'ya. Parang may something na kailangan niya'ng.. isara.

Tahimik si Nicol.

“…No.. I'm sorry.”

Napatingin si Cath.

“Para sa?”

“For so many things.. na pwede kong sabihin pero hindi ko sinabi.”

Yung mukha ni Cath, gulat.. nagtataka.

Ngumiti si Nicol, “Wag mo nang isipin masyado. Basta… sorry.”

Tahimik nanaman. Yung inumin n'ya, paubos palang.

“Si Elliot…” Nagsalita ulit si Cath, habang ang hinlalaki, paikot-ikot sa takip ng bote.

“..mabait siyang kaibigan.”

Napatingin si Nicol sa kanya.

“Sana… nagstay nalang kami sa kung ano kami dati. Sana hindi ako nagpadalos-dalos.”

Napahinga siya nang malalim.

“Gusto ko rin magsorry sa kanya..” isang buntong hininga, “Kaso tangina din talaga ng lalaking ‘yon.” Mahinang tawa ni Cath.

“Balik na ‘ko” Tumayo na s'ya mula sa kinauupuan n'ya, “Salamat ulit.. sa pagsama sa’kin ngayon.”

“Mm.” Tango ni Nicol, “Pabalik na rin ako.”

———

Sa train station, nakatambay sa isang bench si Elliot. Walang planong sumakay o ano man.

Sa wakas, dumating si Miki.

Walang hi, walang kumusta. Tahimik lang siya’ng umupo sa parehong bench. Hindi katabi, pero my space sa gitna.

Unang nagsalita si Miki, “Mukhang napuruhan ka.”

Kung titignan, walang tama si Elliot. Maliban sa kamao niya na namumula.

Si Miki, hndi siya nakangiti. Hindi rin galit. More likely.. disappointed.

“Alam mo kung ano'ng mas nakakabwisit?” Tanong ni Elliot. Si Miki, nakikinig lang.

“..hindi man lang gumanti ang lalaking ‘yon.”

Napailing si Miki, “Talaga? Sa nakikita ko kasi, parang.. grabe yung inabot mo.”

This time, nilingon na n'ya si Elliot.

“Emotionally.” dagdag ni Miki.

Dahilan para matahimik siya.

“Dali, gusto ko matawa. Kwento mo kung ano’ng sinabi n'ya para magkaganyan ka.”

Naghihintay si Miki.

Pero si Elliot, yumuko lang. Nakatukod ang mga siko sa tuhod. Mahigpit na magkahawak ang mga kamay.

Hanggang sa maluha s'ya.

Tuluyang maiyak.

At humagulgol.

“Wala.” Pilit na sagot nito, pinipigil ang mga hikbi.. “Wala ka na ro’n.”

Binigyan s'ya ni Miki ng oras para ilabas ‘yon. Maya-maya pa..

“Binalaan na kasi kita dati. Hindi ka nakinig.”

———

Naubos na’ng mga araw ng leave na nirequest ni Cath. Ilang beses din niya pinag-isipan kung tutuloy siya. Ilang beses din nagscroll, naghanap ng ibang mapapasukang trabaho.

Pero hindi s'ya nagquit.

Umaga, papasok na ulit sa trabaho, maingay at mausok.

Sabay nanaman sila na lumabas ng unit nila, mula sa magkatabing pinto.

“Hay~ Ang aga-aga, mukha mo agad bubungad.”

Unang banat ni Cath.

“Mm.”

Si Nicol, walang effort.

“Good morning din.”

Nakatingin sila sa isa’t-isa. Ilang segundo rin walang lumilihis ng lingon.

Napansin ni Cath.. “Nagpagupit ka.”

Hindi na kailangang itali. Parang.. gaya ulit ng dati.

Tumango lang si Nicol at nagtanong, “Hindi mo na ba pahahabain ‘yang buhok mo? Mas bagay sa’yo.”

Ngumisi si Cath, “Iisipin ko.”

Sa unang pagkakataon, sabay silang naglakad papuntang elevator.

Nagtanong ulit si Nicol, “…Saan sakay mo?”

“Mm…” Kunwaring nag-iisip si Cath, naka-tilt pa ang ulo, “Magtataxi siguro ako?”

“Ganon?” Tumango si Nicol, “Actually.. iniisip kong mag-train ngayon. Kita nalang tayo sa trabaho.”

Ding

Natahimik si Cath, disappointed ang mukha. Bumukas ang elevator, at sumakay sila pareho.

“Bwisit ka talaga.”

Tinawanan s'ya ni Nicol.