Create New List
Share with your friends
Customize readability

Bound by Fate’s String

All Rights Reserved ©

Summary

In the weave of all things, some threads are spun to twist together long before those who carry them draw breath, such was the knot that bound their lives, unseen but unbreakable. In a family of lawyers, Ceana Gail chose to pursue a different path going against her father's wishes, the field of medicine. And love was never part of her journey until her long-time crush confessed his feelings. But after a while, her father burdened her with hardships by tying her to a person she didn't choose as well. In truth, it was fate's plan all along guiding her to where, and to whom, she was meant to be.

Genre
Romance
Author
🌟
Status
4mo ago
Chapters
15
Rating
n/a
Age Rating
16+

01


CEANA GAIL VIZCARRA

0

(si-yana- ge-yl viz-kara)

0





“Gail sama ka?”

0

Silip ni Ilyana sa pintuan ko habang naka-hilata ako sa higaan at nag-iisip ng mga kailangan gawin.

0

“Saan?”

0

“Makiki-birthday tayo sa baba, kila Cayler. Birthday daw nung tropa nilang si Daive, e.” Sagot niya naman na tinanguan ko na lang bago bumangon.

0

Sabay kaming bumaba ni Ilyana sa 17th floor, dahil do’n ang unit noong kaibigan naming si Cayler. Wala kami masyadong ayos dahil bukod sa hindi naman kami ang may birthday, biglaan din kasi kami sinabihan na pumunta kami.

0

Hindi tuloy kami nakapag-prepare ng maibibigay manlang.

0

“Happy birthday, Daive!” bati ko sa kaniya na nag bukas ng pintuan. chinitong moreno na may pagka-malaki ang built ng katawan nito dahil sa pagkaka-alam ko, hindi nawawala sa isang buong linggo nito ang pag-gym.

0

Chrystian ang first name niya, pero ang second name niya na Daive ang prefer niyang tinatawag siya.

0

“Salamat, tuloy kayo!” Nakangiting sabi niya na mas nawala ang kaniyang mga mata. Nasa unahan ko kanina si Ilyana kaya mas nauna siyang naka-pasok matapos batiin si Daive.

0

Sa kasulok-sulokan ng silid, naroon si Ivan na nakaupo sa harap ng study desk niya na nasa bandang bintana. Si Cayl naman ay ang nasa tabi niyang desk—busy na may tinatype sa laptop, habang ang kay Daive naman na desk ay ang naka puwesto sa bungad lang.

0

Tatlo lang silang magkakasama sa isang unit. Medyo malawak ang space nila pero walang mga kwarto, kaya naroon din sa kabilang gilid ang mga higaan nila na dalawang double-deck.

0

Sa gitna ay may naka set-up na lamesa kung nasaan naka lapag ang mga pagkain na inaayos noong magandang babae na may katamtamang puti ang balat at maikli ang buhok. She greeted us with a sweet smile, that made her looked more pretty and kind. She’s Daive’s girlfriend.

0

“Mamaya pa raw makakadaan si truepa, may tinatapos pa raw siya.” Sabi ni Ivan na tumayo mula sa study desk niya, “Uy, Lyana, Ceana! Happy birthday pala!” aniya pagka-lingon niya.

0

“Loko, ano’ng happy birthday pinagsasabi mo riyan? Iyon ang may birthday oh, ” saad ni Lyana na itinuro si Daive.

0

“Ay hindi ba kayong dalawa ni Ceana ang may birthday? Pareho kasi kayong naka pula e,” tukoy niya sa mga suot namin na agad naman naming nilingon,

0

“Oo nga ’no!” sabay naming na-realize ni Lyana.

0

Si Lyana ay naka burgundy tank top at gray sweatpants, habang ako naman ay naka red baby tee at white skirt.

0

Hindi namin iyon sinadya! Hindi lang namin napansing parehas na naman kami ng kulay, at talagang pula pa kaysa doon sa may birthday!

0

We talked about random things for a moment, bago kinantahan si Daive ng happy birthday, and after no’n sinimulan na rin namin kumain. Simpleng handaan lang ito na ang girlfriend niya ang nagprepare ng lahat kahit ayaw sana ni Daive. It’s her surprise for him to be exact. Kaya pala biglaan lang din.

0

Sa kalagitnaan ng kain namin, someone rang the doorbell. Si Ivan ang nasa malapit sa pinto kaya siya ang tumayo para buksan iyon kahit may hawak pa siyang plato at ngumunguya pa ng pasta.

0

Nakikipagtalo pa nga ’yan bago tumayo, wala naman din siya choice dahil siya ang malapit ro’n.

0

“Ano po ’yon? Hindi po kami tumawag ng housekeeping.” rinig naming sambit ni Ivan habang nakasilip lang ang ulo niya sa maliit na siwang ng pintuan.

0

Pagkatapos, binuksan niya na iyon at iniluwa ang lalaking naka suot ng oversized black shirt that is paired with khaki shorts. He went in with a small smile to everyone then greeted Daive for his birthday.

0

As I looked at him, a strange feeling flared up inside me once again. He’s my happy crush back in high school. I really hate to admit na pakiramdam kong hanggang ngayon ay hindi iyon ma-alis sa akin.

0

From before until now, I made sure to stay grounded na hanggang happy crush lang talaga ako. Because I know he’s been in a long term relationship with someone from high school as well.

0

And all I could say is that, sobrang swerte talaga ng babaeng ’yon. Raven is very simple and very charismatic with his intelligence— that alone pulls me in so much, all without even trying.

0

And none of my friends knows about that. Maybe napapansin nila at some point, dahil inaasar din nila kami noon paminsan pero itinigil na rin nila noong nalaman or napansin na din siguro nilang may iba siyang ka-relasyon.

0

But then again, I’m fine that it should just stay this way dahil ayokong makasira ng relasyon na mayroon siya.

0

Besides, wala rin naman sa plano ko pa ang mag-commit ng romantic relationship sa ngayon kaya wala na sa akin kahit pa sa edad ko, crush pa rin ang meron ako.

0

Wala naman kasing age limit ang crush ’no! Sila lang ang nagsasabi na parang ang childish naman ng ‘crush’ dahil halos lahat ng sa age namin hindi na uso ’yon. Wala namang gano’n, eh!

0

At tsaka, hindi ko rin kasi ma-imagine na magkaron kami ng romantic relationship because that will be so awkward, gawa ng kaibigan siya ng nakalalapit kong kaibigan.

0

“Class, naiintindihan niyo ba? I need you to concentrate on this, dahil magbibigay ako ng quiz on the next meeting bago ang practicals sa lab.”

0

Nangingibabaw ang boses ng prof ko habang nag-ka-klase. Maya-maya pa ay napatingin ako sa orasan at nakitang malapit na maubos ang oras para sa first class ko ng umaga, kaya inilabas ko na ang make-up pouch ko dahil balak kong mag-ayos pagkatapos na pagkatapos ng klase na ’to. Hindi na ako nakapag-ayos kanina dahil muntik na ako malate dahil late nagising.

0

Strikto pa naman ang professor namin ngayon sa first subject, which is also one of my major subjects. Graded din kasi ang attendance sa kaniya, kaya ang downside kapag late ka, hindi na siya nagpa-pasok once na nasa loob na siya ng classroom and kapag naiwan ka pa sa labas, you are counted as absent and that means hahatakin din ang grades mo pababa.

0

Kaya hindi na tuloy ako nakapag-ayos dahil nangarag na ako kaninang pumasok, takot ma-late kahit mukha akong isdang bagong ahon sa tubig, ang importante may attendance ako!

0

Umayos ako ng upo at napa-halumbabang pinaglaruan ang di-pindot-pindot kong ballpen at tsaka pilit na itinuon ang attention sa discussion. Wala naman masyadong pumapasok sa utak ko dahil wala rin akong agahan, kahit kape. Kaya palutang-lutang ang utak ko ngayon. Bahala na, i-self study ko na lang ito mamaya.

0

Dere-diretso akong pumunta ng comfort room at sinimulang mag-ayos. Madaliang make-up lang ang ginawa ko dahil baka nag-aantay na ’yung dalawa. Ilang minuto ay lumabas na ako ng cr at nagtungo na ng cafeteria dahil dun ko raw kikitain nila Cayler at Ilyana.

0

Ilyana and Cayler have been my best friends since Elementary. Ilyana Felize Deveyra which we usually call Lyana, medtech din ang kinuha niyang program. Noong bata kami, wala naman daw siyang naiisip na maging pangarap niya.

0

Ang gusto niya lang ay maging proud sa kaniya ang mga magulang niya dahil mataas ang tingin sa kaniya ng magulang niya lalo’t panganay siya. Gano’n pala ’yon?

0

Si Jan Cayler Lagman or Cayl, ang laging nabu-bully noong elem. He took Civil Engineering program for college. The most common program para sa mga mahahanging lalake tulad niya.

0

Joke! Hindi naman siguro lahat. Siya lang.

0

Noong bata pa kami, lagi niyang pinag-ma-mayabang na magiging engineer siya dahil paborito at magaling siya sa math. He loves analyzing problems.

0

Tuwing may assignment kami ni Ilyana sa math noon, siya ang lagi naming katulong. Gustong-gusto rin naman niya, lalo noong nag-high school.

0

At ngayong tumanda na siya, naging lapitin na siya ng chiks! Lalo pa’t malaki at sobrang kilala ang aming university na pinasukan ngayong college. Ayaw niya ng ka-relasyon, fling-fling lang daw! Pero hindi rin naman tumatagal, dahil mas masaya siya sa mga tropa niya at importante rin sa kaniya. He treasures his friends so much. Always tropa over a special someone.

0

Hindi ko naman ka-blockmate si Ilyana ngayong semester dahil mas nauna akong nag-enroll kaysa sa kaniya. May mga inayos pa kasi siya noon kaya medyo nalate siya ng enroll kaysa sa akin, muntik pa nga siya hindi maka-habol pero buti na lang mabait din ang sa department namin at pinagbigyan din siya ni Dean makakuha ng courses. Closed na nga lang ang iilan, which she have to take on the very next term kung hindi i-open ang mid-year or ang summer.

0

Inaayos ko ang pouch dahil kanina pa nito iniluluwa ang press powder ko mukhang kailangan ko nang bumili ng bagong pouch dahil ang hassle nito. Hindi ko rin kasi ito ma-let go dahil regalo ito sa akin ni Kuya simula noong nalaman niya na nahihilig na ako sa mga make-up.

0

“Kuya, ayos ba ’yong buhok ko? Ito kasing si Ivan masyadong insecure sa buhok ko kanina pa hinahawak-hawakan para gulohin.” agad nahagip ng pandinig ko ang boses ni Cayler habang palabas ako ng building namin. Napa-angat ako ng tingin at nakita ko agad silang nakapwesto sila sa may gilid ng exit ng main building, nakikipag-chismisan na naman kay Kuya guard.

0

Parang napilitan na lang din umagree si Kuya sa kaniya e.

0

Maikli akong napatawa nang tignan pa ni Cayler ang sarili sa camera ng phone niya, feel na feel talaga ang sarili!

0

“Ayos na ayos nga, pre. Type ka nga noong dumaan kanina e.” tugon ng isa niyang kaibigan na si Daive na may hawak na iced coffee.

0

“Papasok ba si Raven, pre?” rinig kong sambit nung Ivan sa gilid na hinablot ang kape ni Daive at agad na ininuman iyon.

0

Those two naman ay ang mga sulsol na kaibigan ni Cayl simula noong high school. Isa din sa circle nila ay si Raven. They’re technically his bandmates back then hanggang sa naging tropa niya na rin talaga hanggang college dahil pare-parehas din sila ng interes or sadyang na-attached na kasi sila sa isa’t-isa.

0

Parang wala ata silang prof sa oras na ’to dahil pakalat-kalat pa sila dito sa main. “Malay ko ro’n, balak ko pa naman magpaturo sa kaniya dahil may quiz daw sa calculus mamaya, hindi pa naman ako nakapag-review.” dismayang saad naman ni Cayl.

0

“Ulol! Narinig ko na ’yan. Hindi raw nag-review, pero mamaya isa pa siya sa mga highest tamo!” sagot naman nung Ivan giving him a stanky side eye.

0

Cayler chuckled, “Tanga, matang demonyo ka kasi. Linya ko iyon para walang mag-expect dahil dapat lowkey lang baka kasi ma-usog, plus pogi points din kaya ’yon. Tignan mo, pogi na lalo pang pumopogi especially when they expect the unexpected!” inismiran niya pa ang kaniyang tropa.

0

My face crumpled, maisingit niya lang talaga iyon e. “Grabe lakas ng hangin ngayon ’no?” Sabi ko nang sumingit ako sa gilid ni Cayl.

0

“Hindi naman, medyo lang. Mainit nga e, andito kasi ako.” sagot naman niya na lalong ikina-lukot ng mukha ko. “Mahiya ka nga!” sabat ko at marahang itinulak ang balikat niya.

0

“Wala ka ba ibang napapansin?” He said then smirked. I looked at him from head to toe, bagong gupit pala kaya gwapong-gwapo na naman sa sarili.

0

Cayl is just like (some) usual engineering student sobrang kalog, madalas medyo—ay hindi pala medyo, MAHANGIN talaga! Pero hindi naman maikubli ang sobrang seryoso nito when it comes to his studies.

0

He’s a President’s Lister in their department, along with his friends. His charm comes from both his intelligence and good looks, lamang lang din talaga ang pagiging loko-loko minsan.

0

He’s tall, with tanned skin and a well-built physique. His fluffy brushed-out hair, thick brows, almond shaped eyes, and well defined nose give him a striking look, but his most defining feature is his sharp, sculpted jawline. Hindi ko nga alam bakit madalas siyang ma-bully noong nakilala namin siya.

0

Ngayon, every girl would look back and run to him when he passed by dahil ang ideal looking niya talaga na para siyang isang bida sa mga romantikong pelikula o ’di kaya sa mga nobela. Pero ayaw niyang nag-co-commit at panay fling lang siya, which some says na he’s a play boy and a ghoster, inuuna ang mga tropa. Red flag talaga siya kung i-describe nila, which I agree with.

0

Ito rin kasi isang ’to, ginagawang pampalipas oras lang ang mga iyon tapos kapag na-boringan na siya, igho-ghost niya na! Parang video games lang na kapag na-bored siya, he would quit saying ‘walang thrill’ then papalitan niya ng ibang game.

0

Ewan ko rin ba rito, hirap na rin kami pukpukin ni Lyana e. Dahil minsan nag-mu-mukha pa tuloy kaming sulsol na girl-bestfriends ni Lyana kapag na-issue siya!

0

“Wala! Pangit ka pa rin naman.” Sagot ko sa tanong niya at umirap. Narinig ko naman ang hagikgik ng mga tropa niya sa gilid. Agad namang nalukot ang kaniyang mukha.

0

“Ikaw nga hindi mo pa na-be-blend nang maayos ’yang blush on mo. Para kang may tocino sa pisnge.” Sagot niya’t tinuro pa ang mukha ko at malakas na tumawa.

0

Napa-kunot ang noo ko at agad ko namang binuksan ang pouch ko at kinuha ang press powder ko na may salamin at tinignan ’yon. Hindi ko nga na blend nang maayos ’yon. Pero hindi naman sobrang sagwa tignan!

0

“Halika na at nagugutom na ’ko.” sambit ko nang matapos ko ayusin ang blush on ko at handa nang maglakad

0

“Libre mo ’ko?”

0

“Ay teka, asan pala si Lyana?” hindi sinagot ang tanong niya.

0

He shrugged “Aba’t malay ko Ceana Gail, mukha bang alam ko?” Inilabas ko ang phone ko tsaka minessage si Lyana.

0

“Halika na, Jan Cayler, at gutom na gutom na talaga ako.” Gigil kong sabi sa kaniya. Kumakalam na kasi talaga ang sikmura ko.

0

“Una na muna ako pre, samahan ko lang. Puntahan ko kayo sa library mamaya, chat niyo ’ko kapag andyan na si Raven.” Paalam nito sa mga kasama niya na tumawa sa sinabi niya at mukhang may inaantay sila.

0

“Gege, bebe time well, par!” Sumaludo pa ito at humagalpak ng tawa—agad namang nalukot ang mukha namin ni Cayl sa sinabi ng kaibigan niyang si Ivan.

0

Ini-angat nito ang kaniyang gitnang daliri sa mukha ng kaibigan niya habang kami ay naglalakad papaalis. They always tease us together, mukha raw kasi kaming mag-jowa kung titignan kami ng hindi namin kakilala. Kung hindi ako, si Lyana naman.

0

Kumain lang ako nang kumain dahil isang oras pa ang vacant namin. Umalis na rin si Cayl kalagitnaan dahil magre-review pa raw sila. Nag-aaral lang din ako sa Clinical Parasitology lecture dahil sabi may quiz daw mamaya.

0

“Gail!” Rinig ko ang boses ni Lyana na ikina-lingon ko.

0

May hawak itong yellow paper at iced coffee sa kabila niyang kamay. “Gagi I’m sorry, kasi naman si Sir Fausto overtime na naman. Jusko balak pa nga dapat magpa-short quiz! mabuti na lang kinailangan siya sa Dean’s Office.” Agad na daldal nito nang tumabi sa akin.

0

“Ahh, patikim nga niyan.” agaw ko ng kape niya at ininom ’yon.

0

“Ano ’yan??” silip naman nito sa inaaral ko.

0

“Clinical Para, bwisit may quiz na naman mamaya e.” sagot ko.

0

Humalakhak ito, “Hindi ka pa nasanay?”

0

Medyo madilim na nang lumabas na ako ng room dahil tapos na ang mga klase ko ngayong araw, pero hindi pa rin matapos-tapos ang pag-aaral ko kaya pumunta muna ako sa isang convenience store inside the campus at bumili ng kape dahil feel ko drained na drained ako ngayong araw.

0

Dumeretso na ako sa Qpark kung saan dito halos tumatambay o kaya nag-aaral ang mga estudyante kapag vacant or uwian.

0

Buti na lang at may nakita akong bakante sa rock bench na may lamesa at dun pumwesto para mag-aral. Ayoko naman kasi sa library ng ganitong oras dahil sobrang lamig dun, nakalimutan ko kasing magdala ng jacket kanina sa kaka-madaling pumasok.

0

Agad akong napalingon nang may humablot ng kape ko na naka-lapag sa lamesa. At syempre, ang epal kong kaibigan, Cayler. “Painom, uhaw na ’ko e.” sambit nito at patuloy ang pag-inom sa kape ko.

0

“Sa atensyon ba, pre?” Singit na saad naman nung Ivan sa likod niya. Dala niya na naman ang dalawang bodyguards niya. Wala ulit si Raven.

0

“Omsim, nadali mo, galing mo talaga.” Nakipag-apir pa ito matapos uminom. Sinipa ko ang tuhod niya at napalayo naman siya

0

“Puta, ba’t ganun lasa ng kape mo!? Lasang lupa!” gusot mukhang reklamo nito pagkatapos ilapag ang lalagyan na nangalahati na lang.

0

“Tanga! Hindi naman kasi sa akin ’yan! Nakalapag lang ’yan dito pagkarating ko.” biro ko, gusto kong makita ang reaction niya dahil basta-basta lang siya humahablot sa lamesa.

0

Nanlaki naman ang mata nito at umubo, aktong dumuduwal. “Tangina, kadiri!”

0

“Joke lang. Over sa arte ampota, patay gutom ka kasi. Palitan mo ’yan!” Hindi ko pa nga na ngangalahati itong inaaral ko ubos na agad ’yung kape ko! Bwesit talaga ang lalaking ’to.

0

“Ba’t andito ka pa? Hindi ka ba nilalamok dito?” Tanong niya.

0

“Wow, concerned citizen?” Sagot ko, “Hindi ba obvious kung ano ang ginagawa ko rito? Baka nag b-bake ako siguro ng cake.” sarkastikong dagdag ko pa and I even showed him my ipad with my notes.

0

“Aba, malay ko baka nanonood ka ng bold d’yan! Ang dilim pa ng brightness mo oh,” Malakas na sabi niya na agad namang nanlaki ang mga mata ko at bahagyang sinipa siya.

0

“Huy, bibig mo.” at luminga sa paligid. Tumawa pa talaga ang mga tropa niya na nasa likod at gilid niya. “Masakit kasi sa mata, nag-aaral ako!”

0

“Bakit hindi ka sa library, ang mahal-mahal ng tuition natin hindi mo sinusulit. Nag titiis ka rito sa labas.”

0

“Paki mo ba? Ayoko sa library dahil wala akong dalang jacket.” masyadong malamig na lalo dun dahil ganitong oras, wala na masyadong tao ang pumupunta roon.

0

Biglang lumitaw si Ivan sa likod na naka-ngiti, “Meron daw siyang hoodie na dala, pwedeng-pwede niya naman ipahiram sa ’yo.” sinisiko na pang-aasar pa ng mga tropa niya sa kaniya. Agad naman siyang siniko ni Cayl.

0

“Imbento ka? Wala nga akong dala ngayon e! Saan ba tayo nang manahimik ka na, unli wings?” Pangi-ibang topic niya sa mga kaibigan niya. Maya-maya lang ay umalis na rin sila matapos mag-desisyon. Inaaya nga rin nila ako pero sabi ko ayoko dahil may tinatapos pa akong aralin.

0

Nang matapos ko ang isang topic, madilim na ng tuluyan ang langit at ang tanging liwanag na lang ay ang mga ilaw around the campus.

0

Buti na lang at maganda ang nakapaligid sa akin, it takes the edge of burnout at some point. I started to pack my things up, then went home to my place, to end the day.

0


Next Chapter
Let 🌟 know what you thought about this chapter!
Love this

1

Love this

Funny

1

Funny

Spicy

0

Spicy

Suspenseful

0

Suspenseful

Emotional

0

Emotional

Profound

0

Profound

Heartwarming

0

Heartwarming

Shocking

0

Shocking

Good Writing

1

Good Writing

Compelling Plot

0

Compelling Plot

Great Character

1

Great Character

Strong Dialog

0

Strong Dialog

Further Recommendations

The Easter Bunny

Mia: Really nice story

Read Now
The zatorian

ktkirata: The story is really interesting. How the character described in the story is like you can see them and picture how they move, talk and feel in the every plots. Well done writer and keep it up.

Read Now
Married by Fate

Bargara4670: This is a real feel-good love story. I enjoyed it very much. I'll certainly read more by this author.

Read Now
Going For The Goalie

Kate Schimmer Child: I loved this book so much. Great storyline and characters

Read Now
Between the Whistle and the Quiet (Book #1 in The Reapers & Roses Series)

Feliz: I am learning a lot about hockey because of the almost commentator-like transcript that is part of the storytelling style of the book. I like it. Coming from a country where there is no hockey culture, I am beginning to understand why it has so many fans.

Read Now
Bloodlines

lblomme: I always love a story where good overcomes evil. The sad start, the growth, and ultimate strength of the main character was well done. The story never lagged and ultimately delivered a happy ending even for characters who were less than stellar. Well done!

Read Now
Ruthless Lord

NeenaJ: Well written and captivating

Read Now
Bear Shifter Secrets

Karen Nagy: This is a wonderful story with warm, endearing characters. It shows growth and acceptance of individual differences combined to make a strong unit. Loved the characters and enjoyed the writing style. Can't wait to read more!

Read Now
The Contract Wife

barb7604: Very good story, but glad you are writing a longer version. The end came way to quick without any of the previous drama

Read Now