ONLY FOR HIM

All Rights Reserved ©

Summary

A curious college girl sneaks into an abandoned mansion, gets kidnapped by a mysterious criminal, and discovers that the man who should have killed her is the only one who can save her heart.

Genre
Romance
Author
Yunniee
Status
Ongoing
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
18+

Chapter 1

"Beh, totoo raw 'yung bahay sa likod ng Chem building."


Iyon ang bungad sa akin ni Jessica habang kumakain kami ng siomai rice sa hallway.


Third year, Psychology, University of Santo Tomas—well, hindi naman sa UST 'to eksakto, pero same vibes. Yung tipong university na may mga lumang building, may mga kwentong multo na pinapasa mula sa batch ng 90s hanggang sa bagong freshmen.


Tanghali na, mga 1 PM.


Dapat ay nasa library ako para magbasa ng Freud, pero nandito ako sa hallway kasama si Jessica, kumakain ng siomai na may dalawang order ng rice dahil stress eater ako. Si Jessica naman, isang pirasong siomai lang kinakain niya pero ubos na ubos na ang chismis niya.


"Jess, ilang beses ko nang narinig 'yan," sabi ko sabay subo ng kanin. Inabot ko ang maanghang na suka. "May lumang mansion daw sa likod, may nakatirang white lady, may nagpapakita raw na kamay sa bintana, may sumisitsit daw sa gabi. Saan ang proof? Saan ang ebidensya? Saan ang peer-reviewed article?"


"Eh 'yung si Kuya Mark ng IT department!" bulalas niya, sabay kuha ng isa kong siomai nang hindi nagpapaalam. "Nagpapicture raw siya sa labas ng gate para sa horror-themed project niya sa Digital Imaging. Tapos noong tiningnan niya 'yung picture sa phone niya—may LITRATO NG MUKHA sa bintana sa second floor. PERO WALANG TAO SA LOOB NG BAHAY! As in, walang nakatira doon mula noong 1998!"

Napahinto ako sa pagnguya.


Nilunok ko ang siomai nang maigi. "Fake news 'yan, Jess. Photoshop. 2026 na, beh. Kahit si Lola Mely ko marunong nang maglagay ng multo sa picture gamit ang PicsArt. May tutorial pa sa YouTube."


"Patricia Mae Dela Cruz," tiningnan niya ako nang seryoso—yung tipong seryosong pang-MMK na may kasamang iyak sa background. "Alam kong curious ka. Kita ko sa mata mo 'yung 'Let me investigate' look. Huwag. May mga taong nawawala raw diyan. As in, pumapasok sila, tapos hindi na lumalabas. Parang bumubuka ang lupa."


That should have been my first warning.

But did I listen? Of course not.


Ako si Patricia Mae Dela Cruz. 22 years old. Panganay sa tatlong magkakapatid. Irresponsable pero may puso.


2.75 ang GWA—saktong pasado lang, pero proud ako. At may malalang combination ako ng pagiging skeptic at tanga.

Yung tipong sasabihang "bawal pumasok" tapos ang unang iisipin ay "bakit bawal? may treasure ba diyan? -may sikretong silid? -may bangkay na may diamante?"


Hindi ako natatakot sa multo. Naniniwala ako sa siyensya. Kung may multo, dapat nasukat na ng mga physicist 'yun. Pero wala. So wala ring multo.


Yan ang pinanghawakan ko.


Maling-mali pala.


---

10 PM na, nasa likod ako ng university.

Mag-isa.


Bakit?


Tapang tapangan eh.


Wala kayong magagawa.


Si Jessica, umuwi na raw siya kasi 'may uod sa bahay nila' alibi lang 'yun, alam ko. Takot siya kay Kuya Mark, nasa bahay lang daw at ayaw nang bumalik ever. "Trauma raw" sabi niya.

Edi wow.


So ako lang at ang flashlight ng phone ko 80% battery. keri pa yan.


Ang tibok ng puso kong parang gusto nang tumakas sa katawan ko. At ang aking unwavering belief in science na unti-unti nang nababasag kada hakbang ko papalapit sa gate.


Madilim ang daan sa likod ng Chem building. Walang ilaw sa poste. Walang estudyante. Walang guard—kasi ang guard, nasa harapang gate natutulog. Regular route ko na 'to tuwing may iniiwasan akong klase.


Pero ngayong gabi, iba na ang pakiramdam.


"Bakit ba kasi ngayong gabi pa?" tanong ko sa sarili ko habang tinatawid ang madilim na daan. "Bakit hindi ko na lang ginawa 'to ng tanghali? Tanghaling tapat, walang multo. Eh 'di sana naging safe ang curiosity ko."


Pero hindi eh. Si Jessica, sinabi niyang "yun daw yung time na lumalabas ang mga entities." Edi sige, gabi na nga.


Para authentic.


√ Tangang desisyon, 10/10. Nice one self.


Lumapit ako sa lumang mansion.


Mga 100 metro ito mula sa back gate ng university.


Napapaligiran ng matataas na puno—yung tipong acacia na parang may mga nakabitin na anino. Yung bakod, kalawangin na, may mga butas na pwedeng pag-akyatan. At yung mismong bahay.


Jusko.


Gawa sa dark gray na bato. May mga baging na parang kamay na umaakyat sa pader. Yung bubong, may mga sirang tiles na parang ngiping bulok. Yung bintana—may mga basag, pero may ilang buo pa rin.


Yung gate, nakabukas.


Nakabukas na parang inaanyayahan kang pumasok. Parang sinasabi sayo, "Gusto mo bang mawala? Tara, dito ka."


Kingena yan.


√Creepy level: 10/10. Would not recommend.


Pero may isang bagay na nagpahinto sa akin sa kalagitnaan ng hakbang ko.


May ilaw sa second floor.


"Hoy?" bulong ko. Tumaas ang balahibo ko—hindi sa takot, kundi sa confusion.


May differences yun.


"May tao? May kuryente? Eh abandoned 'to sabi nila mula noong 1998? Eh 'di dapat patay ang ilaw? Bakit may ilaw? May nag-i-staycation? May Airbnb?"


Taray.


Lumapit ako nang dahan-dahan. Yung tipong tiptoe na parang magnanakaw, hawak ang phone na naka-video mode na. Para may evidence kung may mangyari sa akin, at para maging viral ako kung sakali. Naka-zoom in ang camera ko sa bintana.

Wala akong makita.


Madilim pa rin sa loob maliban sa isang bintana sa gilid, sa second floor, na may mahinang dilaw na ilaw.


Parang lampara O parang table lamp.


Bakit may lampara sa abandoned house?


Lumibot ako sa gilid ng mansion. May nakita akong bintana—medyo mababa. Hindi gaano kataas, mga 7 feet mula sa lupa. Pwede kong abutin kung may aakyatan.


Tumingin ako sa paligid.


May nakasakang plastic chair sa gilid ng gate. Yung kulay puti na ginagamit sa canteen. May tatak na "Property of UST-Canteen" sa ilalim. Ninakaw ko 'yung chair.


Sorry, Lord. Sorry, canteen. Babalik ko rin 'to...


Kung buhay pa ako bukas.


Inilagay ko ang plastic chair sa ilalim ng bintana. Inayos ko ang tayo—medyo wobbly, pero keri na.


Umakyat ako ng dahan-dahan.


Ang ingay ng plastic chair.


Creak, creak, creak raw.

Parang sumisigaw na "MAY UMAAKYAT! MAY INTRUDER!"


Wow, INTRUDER? -AO self.


"Shh, shh," bulong ko sa upuan. "Tumahimik ka, babayaran kita ng bagong upuan."


Hindi tumigil ang creaking.


Umakyat ako nang tuluyan. Hinawakan ko ang sill ng bintana. Medyo matalim ang mga gilid—basag na rin kasi. Nag-ingat ako na hindi masugatan.


At sumilip ako sa loob—Putangina.


May lalaki.


Nakaupo sa swivel chair. Yung malaking leather chair na pang-Boss. Yung tipong umiikot-ikot at umaangat-baba.

-Alam niyo na yun.


Nakatalikod siya sa akin.


Pero kahit likod pa lang—jusko po!


AH DADDY! Yung datingan eh.


Malapad ang balikat. Yung tipong mala-action star na hindi mo alam kung saan galing ang muscles. Naka-black suit na mamahalin—yung tela, kita mong hindi ukay. Naka-black shoes na makintab kahit sa mahinang ilaw. Yung buhok, neatly combed back, parang galing sa barbershop na 1,000 pesos ang gupit.


At yung upuan—tahimik lang siyang nakaupo. Hindi gumagalaw. Parang estatwa.


Statue yarn?


"Pogi ba 'yung multo?" tanong ko sa sarili kong tanga.


Kung ito talaga yung multo hindi na talaga ako matatakot eh, bubukaka pa ako para sa kanya.


Hindi ako makahinga. Hindi dahil sa takot, kundi dahil sa...


ewan.


May something sa presence niya. Yung tipong kahit hindi mo kita ang mukha, alam mong hindi siya ordinaryong tao.


At hindi siya multo. Multo ba ang naka-suit na mamahalin?


Multo ba ang may swivel chair na walang squeak na tunog?


Sino siya?


Bago pa ako makagawa ng kahit anong desisyon, tatawag ba ako ng pulis, kumatok, tumakbo, biglang umikot ang paningin ko.


Parang may humila sa akin pababa. Hindi kamay. Yung tipong hilo na bigla na lang darating, yung pakiramdam na kulang ka sa tulog at kaka-tayo mo palang pero kailangan mong bumangon ng maaga.


Hindi ko na kayang tumayo pa, parang nilalamon na ako ng hangin. Nanditu na ako. Nakaakyat na sa plastic chair. Nakasilip sa bintana. Hindi ko na kayang makabalik,parang randam ko na ang papabagsak ko.


"Ay... hilo... Upuan... huwag..."


Naramdaman kong gumuho ang plastic chair sa ilalim ko.


Crack!


Bumagsak ako paatras.


Hindi ko na alam kung nasaktan ba ako. Basta ang sunod kong naramdaman ay malamig na lupa sa likod ko. At ang boses ng isang lalaki... sa malayo... o sa loob ng utak ko?


"You saw me."


Tapos—


Wala na.


Black out.


---


Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay.


Pagdilat ko, nasa lupa pa rin ako.


Literal na lupa—Damo. Malamig na hamog. Amoy lupa at lumang dahon at something na parang nabubulok.


"Ano... saan... ako?" sabi ko habang pumipikit-pikit.


Yung ilaw—madilim pa rin. Gabi pa rin. Ilang oras ba akong nawalan ng malay? Bakit hindi pa sumisikat ang araw? Bakit walang guard na tumulong sa akin?


Tumingala ako sa bintana.


Walang laman.


Walang lalaki. Walang swivel chair. Walang ilaw.

Wala.


"Panaginip?" sabi ko habang tumatayo. Basa ang likod ko—hindi pawis. Parang nabilad ako sa hamog ng ilang oras. "Pero bakit ang sakit ng ulo ko? Bakit ang sakit ng likod ko? Bakit nasa LAPAG ako? Eh nasa plastic chair ako kanina!"


Tiningnan ko ang plastic chair.


Nakabaligtad. Sira ang isang paa.


"Sira," bulong ko. "Sira. May babayaran ako sa canteen."

Dapat umuwi nalang ako.


Dapat tumakbo na ako pauwi ng dorm!


Dapat magdasal na ako at mag-alay ng itlog sa kung sino mang multo 'yun.


Dapat tawagan ko si Jessica at sabihing, 'Beh, totoo nga. May tao doon. O baka multo. Ewan. Basta nagfa-faint ako.'

Pero hindi.


Curious pa rin ako, mga beh.


CURIOSITY KILLED THE CAT, BUT I'M A WHOLE ASS TIGER. Tiger na may concussion, pero tiger pa rin.


Tumingin ako sa paligid. May malaking bato sa tabi ng pader—yung tipong makapal at mabigat. Mga 5 kilo siguro. Kinuha ko 'yun. Bakit may bato?


Bahala na. Hindi ko na inisip.


At binasag ko ang bintana.


CRAAASH!


Ang lakas ng tunog. Kumalat ang salamin sa sahig sa loob.


"Oops," bulong ko. "Sorry po, may-ari. Babayaran ko 'to... kung buhay pa po ako bukas. At kung may pera ako. Kasu wala eh. Sorry na agad."


Inalis ko ang mga natirang basag na salamin gamit ang sapatos ko—Converse na butas na ang ilalim. Medyo nasugatan ako sa daliri, pero keri lang.


Umakyat ako sa bintana.


Medyo masikip—hindi ako payat, ha. Hindi rin ako mataba. Average lang. Pero yung bintana, maliit talaga. Pinailit ko.


'wag kayo mag judge agad, bad yun. Basta hindi ako.

At nang makapasok ako sa loob—


Jusko po.


Amoy alikabok, Malamang.


Hindi yung ordinaryong alikabok ha. Yung tipong alikabok na naipon ng 20 taon. Yung tipong pag huminga ka, mararamdaman mo ang kasaysayan ng bawat maliit na partikulo na lumulutang sa hangin.


Amoy lumang kahoy. Amoy something na parang patay na daga sa ilalim ng floorboard. Amoy molds. Amoy lahat ng masama.

Yung tipong amoy ng lola mong 10 years nang walang linis ng bahay—tapos dinagdagan pa ng patay na ipis at lumang medyas.


Ang sala—napakalaki.


Yung tipong pangmayaman na bahay noong 1980s. May chandelier na sira-sira, nakasabit pa rin, pero kulang na ng mga kristal. May mga upuan na natatakpan ng puting tela na may alikabok na makapal na parang kumot. May malaking mesa sa gitna—kahoy, mabigat, may mga basag na pinggan sa ibabaw.


Yung hagdan—paikot. Parang sa mga horror films na may tumatakbong bata na multo. Yung tipong spiral staircase na paakyat sa dilim.


"Hello?" sabi ko.


Om-echo lang ang sinabi ko sa buong bahay na walang ka buhay-buhay ang atake.


Walang sumagot.


"May tao? White lady? Mommy? Ghost? Kung sino ka man, magpakita ka na. Wala akong dalang asin o bawang. Wala akong dalang pari. Wala akong banal na tubig. Meron lang akong bato. So kung lalabas ka, ready akong bumato pabalik."


Tahimik pa rin.


Dahan-dahan akong naglibot.


Bawat hakbang ko, may creaking sound. Yung sahig—lumang kahoy, may mga parte na lumulubog. Yung tipong pag-apakan mo, parang sasabog.


Yung feeling na may nakatingin sa'yo sa bawat sulok?

Andito 'yun, mga mare.


Parang may humihinga sa likod ko. Parang may nakatayo sa corner ng mata ko pero paglingon ko, walang tao. Parang may anino na gumagalaw sa dingding kahit walang ilaw.


Kinilabutan ako.


Pero hindi ako umalis.


Bakit? I.d.k. Ewan. Tanga lang talaga.


Pumasok ako sa kusina.


Walang tao. May mga lumang kaldero na kalawangin na, may sink na may natuyong tubig na berde na ang kulay, may refrigerator na bukas ang pintowalang laman sa loob, pero may naiwang karne na nabulok na amoy.


"Ew," sabi ko sabay takip ng ilong.


Sa cr? Walang tao. Pero bagong flush yung toilet? Weird. Bakit may flush? Bakit may tubig?


Sa mga kwarto sa baba puro walang laman. Mga higanteng kwarto na may mga kama na walang mattress, bakal lang. Mga cabinet na bukas, walang laman. Mga dingding na may mga lumang poster ng bands na hindi ko kilala, Bon Jovi? Guns N' Roses?


80s yata 'to.


Pero nang makarating ako sa dulo ng hallway sa second floor—may isang pinto.


Half-open.


√ Creepy level: 15/10.


Binuksan ko nang dahan-dahan.


Creak~


Pumasok ako.


Bedroom ito. Malaki, mas malaki pa sa studio unit ko sa dorm. May king-size bed na may kupas na pulang kurtina sa paligid, parang pang-prinsesa sa horror movie na kinidnap ng villain sa kwento ng prinsesa—ah basta.


May cabinet na natumba—yung tipong nahulog ng maraming taon na ang nakakalipas. May salamin na basag.


At sa gitna ng sahig, may isang closet na nakasarado pero walang alikabok.


Napahinto ako.


Paanong walang alikabok?


Buong bahay, makapal ang alikabok—tipong pwede ka nang magsulat ng pangalan mo sa mesa at kapag hinipan mo, magkakaroon ka ng asthma.


Pero 'tong closet na 'to—bagong linis?


O bagong labas sa pagkaka-package?


O may gumagamit lang talaga nito araw-araw.

Lumapit ako.


Slowly. Steady.


Taray.


Main character horror yarn?


'Kalma lang' daw sabi ko sa puso kong tumitibok na parang gusto nang sumabog.


Badumb. Badump. Badump. Parang gusto nang lumabas sa rib cage ko.


Hawak ko ang bato.


oo, dala ko parin talaga ang bato. Hindi ko na binitawan. Kasi kung may gumawa ng masama sakin rito, may pambato ako.

Inabot ko ang knob ng closet.


Bakal. Malamig.


Hinila ko.


Bumukas.


Wala.


Walang damit. Walang bangkay. Walang multo. Walang kalansay.


Pero may dugo. FRESH BLOOD.


Tumutulo mula sa kisame ng closet pababa.


Patak. Patak. Patak.

Tap... tap... tap...


Parang may gripo na hindi nasarhan -pero dogu ang dumadaloy.

Tiningala ko ang kisame ng closet—

Walang tao. Walang sugat. Walang kahit anong mapagmumulan ng dugo. Walang patay na hayop. Walang butas.


Basta tumutulo lang.


Tap. Tap. Tap.


Bumaba ang tingin ko sa sahig ng closet. Nabubuo na ang maliit na pool ng dugo. Kulay matingkad na pula—hindi dried. Hindi brown. Hindi black. Pula.


Fresh pa.


"Ano 'to?" bulong ko.


Kinakabahan na ako.


Hindi na curiosity 'to. Takot na.


"Holy—"


BONK!


May tumama sa likod ko.


Matigas. Kahoy. Mas malakas kaysa kanina.

Mas masakit.


"ARAY—"


Bago pa ako bumagsak, nakita ko ang anino ng isang lalaki sa likod ko.


Nakangisi.


Naka-suit.


Pagkatapos—


Black out na naman.



---

Gising na naman ako.


Pero hindi na sa lapag.


Sa kama.


Malambot na kama.


Malamig ang aircon—yung tipong 16 degrees na parang nasa Baguio ka.


Amoy lavender—yung tipong amoy ng mamahaling hotel na hindi ko kayang bilhin kahit magtrabaho ako nang 10 taon. Yung tipong may kasamang fresh linen at wood panels.


"Patay na ba ako?" tanong ko sa kisame.


Yung kisame—may chandelier. Maliit lang pero mukhang mamahalin. May gold accents.


"Not yet."


Napatalon ako sa upo.


Not yet? Hindi pa?


Tangina naman.


Nasa tabi ko ang isang lalaki.


Naka-black suit. May shades—sa loob ng bahay, mga beh. Sa loob ng KUWENTO. Sa loob ng madilim na kwarto na may bintanang walang ilaw sa labas. Naka-shades siya.


At nakangisi.


Yung tipong ngisi ng kontrabida sa teleserye na mayaman pero masama ang ugali. Yung tipong 'ako ang may-ari ng kompanya, at kaya kitang palayasin sa pamamahay ko' na ngisi. Gano'n.


"Sino ka?!" sigaw ko.


Hinila ko ang kumot sa katawan ko—buti na lang, may damit pa ako. Hindi ako hinubaran. Suot ko pa rin ang jeans at hoodie ko. Salamat naman.


"Relax, Miss Patricia Mae Dela Cruz," sabi niya.


Alam niya pangalan ko.


"Paano mo alam ang pangalan ko?"


"Background check?" sabi niya. "Routine lang."


"Routine?! Ano ako, i-che-check?"


Hindi niya ako sinagot. Tumawa lang siya.


"Relax ka lang. Ikaw ang pumasok sa teritoryo na hindi mo pag-aari. Ikaw ang bumasag ng bintana. Ikaw ang sumira ng plastic chair ng canteen. Ikaw pa ang galit at sinisigawan kami?"

"Oo!" sigaw ko. "Kasi kinidnap niyo ako!"


"Hindi ka kinidnapped. Dinala ka lang namin sa mas komportableng lugar."


I raise my eyebrow.


"Naka-drugs ka ba?" Tinarayan ko sila.


Tumawa siya ulit kahit wala namang nakakatawa.


"Nasaan ako? Hindi ito 'yung abandoned house! 'Yung bahay na 'yun—madumi! Magulo! Amoy daga! Ito, ang linis! May aircon! May lavender! May chandelier! May maayos na kama!"

Tumigil siya sa pagtawa.


"Ikaw pa talaga ang nagrereklamo? Buti nga kinuha ka namin don, eh kung hindi? Edi kinuha ka na ng multo?"

Multo?


Tumingin siya sa akin—kahit hindi ko kita ang mata niya dahil sa shades, ramdam kong tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.


"Pero hindi nga," sabi pa ng isa sa kanila, nagkukunware pa ito na inaayos ang black suit niya, "Nasa bahay ka ng Boss namin. At dahil nakita mo ang itsura niya—" tumigil siya. Bumagal ang pagsasalita niya. "—technically, patay ka na dapat."


Putangina.


Ilang beses na ba akong muntik mamatay sa gabing 'to? Tatlo na? Apat? Hindi na ako nakakabilang.


Unti-unti akong gumapang paatras sa kama. Yung likod ko, nasa headboard na. Nakahawak ako sa unan, kung sakaling kailangan kong sumuntok.


"Pero...," dagdag niya sabay tayo. "Bibigyan ka namin ng chance." He step forward.


"Chance? At anong chance?"


"Mag-behave ka. Huwag kang mag-ingay. Huwag kang tumakbo. Huwag kang sumigaw. At baka—" tumingin siya sa pinto, tapos pabalik sa akin, "—B A K A—mabuhay ka pa."


"At kung hindi ako mag-behave, huh?" I mock at them.

Tumawa siya ng malakas.


Malakas na nakakainis. Yung tipong 'Hahaha! Edi wow!' na tawa. Mapapa-Roll eyes ka nalang sa inis.


"Edi, patay ka. Hahaha! Simple lang, 'di ba?"


Hindi na ako nag-isip. Yung bato.


Wala na yung bato. Naiwan ko sa abandoned house.

Unan.


Sinuntok ko siya gamit ang unan.


POOF.


Walang epekto, naka tayo parin siya, but this time his expression change into neutral.


"Unan?" sabi niya. "U N A N ?" Diin niya sa Unan.


"AH—"


Hinawakan niya ang kamay ko. Mahigpit. "Miss Patricia, hindi ganito ang pag-behave."


"BITAWAN MO 'KO!" Sigaw ko.


Sinipa ko siya sa tuhod.


THWACK!


"ARAY! PUTANGINA—" Binitawan niya ako. Napahawak siya sa tuhod. "Sinipa mo 'ko? Sinipa mo 'ko? Potangina, babae ka ha! Ang sakit!"


Tumakbo ako papalabas ng pinto.


Mabilis.


Pero pagbukas ko ng pinto—may dalawa pang lalaki na naka-suit. Parehong malalaki. Parehong nakangisi.


Hoy, ilan ba kayo?


Hinawakan nila ako sa magkabilang braso.


"LET ME GO!" sigaw ko. Sinipa ko yung isa sa tuhod—umiyak siya. Sinuntok ko yung isa sa tiyan—umurong siya. Pero hindi sapat. Masyado silang malalaki. Masyado silang marami. At wala na akong lakas—nahilo na rin ako mula sa dalawang beses na pagka-bonk sa ulo.


"Tumigil ka nga," sabi ng isa. "Masasaktan ka lang."


"NASASAKTAN NA NGA AKO EH!" Asik ko sa kanila.


Tapos—


BUMUKAS ANG PINTO SA DULO NG HALLWAY.


Pumasok ang isang lalaki.


Naka-black suit din pero naiiba siya sa mga lalaking pinipigilan ako at ang mga lalaki sa kanina, mas mahal yung tela. Ginto ang cufflinks. Ginto ang relo, Rolex yata 'yun, base sa kulay. Ginto ang singsing yung may malaking bato.


Mukhang galit na galit.


Pero sobrang pogi.


Yan na yata yung "Boss" na sinasabi nila.

Lumapit siya sa akin.


Tiningnan ako mula ulo hanggang paa, parang insekto ako. Parang ako yung dumi sa sapatos niya. Parang bagay na pwede niyang patayin ngayon kung gusto niya. Walang emosyon sa mukha. Walang galit. Walang tuwa. Walang kahit ano.


"Barilin niyo na," sabi niya.


Cold. Walang emosyon.


Parang nag-uutos lang siyang magsaing ng kanin. Parang sinasabi niyang 'Order na kayo ng pagkain. My treat,' without looking, ang atake.


"WHAT?! NO! BOSS—SIR—MAM—HUWAG!" Ngpapanic na ako.


Babarilin ba naman ako?!


Tumingin siya sa mga tauhan niya.


Tapos ngumiti.


Yung ngiti nang sobrang pogi. Pero Sobrang nakakatakot. Sobrang... nakakakilabot. Yung tipong gusto mong yakapin pero baka patayin ka.


"Joke lang," sabi niya. "I-inject niyo ng pampatulog." Then he made a satisfied smirk.

May lumapit sa akin na may syringe. Berde ang liquid sa loob.

"HUWAG—"

Prick.

Malamig sa braso.

Tapos—

Black out na naman.