Prologue
Nagkalat sa kama ang mga designer clothes na hindi pa niya nasasalansan sa cabinet. Mga branded t-shirt sa nightstand at iPhone na nagva-vibrate sa ibabaw ng university jacket niya. Hindi niya tiningnan kung sino ang nag-message, alam niyang chat yun ng mga side chicks niya.
Sa bahay naman ay matiyagang naghihintay sa update niya ang nobyang si Nicole. Nakita ni Troy ang Snapchat story nito na naka-pajama, nakahiga sa kama, at nagbabasa ng libro. Hindi na siya nakapag react sa story na iyon dahil ang nasa isip niya ay 'yung maalindog na exchange student mula Taiwan na tipo din sya.
Makikita sa salamin ang matipunong katawan ni Troy.
Alam ni Troy na magandang lalaki siya, maputi, tsinito at matangkad. Habulin siya ng kababaihan kung kaya't ganun na lamang kadali sa kanya ang maka score sa mga trip niyang babae. Dinampot niya ang phone upang mag reply, nang biglang mag-ring ang doorbell. Tinungo niya ang pintuan at napamura sa nakita.
"SHIT." nang masilip sa peephole ang ama ng nobya niyang si Nicole.
"Sir Vin. Napadalaw kayo." magiliw na bati ni Troy.
"May kailangan tayong pag-usapang gago ka." galit na tono ni Vino habang papalapit ito sa binata papasok ng salas ng condo. Naka-polo shirt ito at slacks, ramdam ni Troy ang init ng presensya nito. Ang bawat hakbang ay puno ng galit. Napaurong si Troy, may kutob siyang may kinalaman ang pagloloko niya kung bakit narito ang ama ng nobya niya.
“Sir Vin, kung tungkol kay Nicole,"
"Tumigil ka!" ang bulyaw niya sa binata. Bakas sa mukha nito ang matinding galit.
"Kailan mo pa niloloko ang anak kong puta ka?!"
‘Fuck’ ani Troy sa isip niya. Paano? Akala niya'y hindi siya mahuhuli ng sino man, lalo na ng ama ng nobya niya.
"Sir, hindi ko alam kung ano ang-"
"Tangina mo!" hindi pa tapos magsalita si Troy ay sinakal niya ito at napasandal ang binata sa pader.
"Alam kong niloloko mo ang anak ko. Kailan pa?!." bulalas ni Vino.
Ang mga sngkit na mata ng binata ay napuno ng takot. Hindi siya nakapag-salita.
"Ano, wala ka nang masabi?" bulong ni Vino, ang init ng hinga nito ay dumadampi sa labi ng binata.
"Akala mo ba hindi ko malalaman ang kagaguhan mo sa anak ko?" paratang ni Vino.
"Sir Vin, hindi ko sinasadya." paliwanag ni Troy.
"Hindi sinasadya?" ang boses ni Vino ay puno ng poot, ang malaking kamao nito ay nakasakal pa rin sa leeg ng binata, hindi sapat para malagutan siya ng hininga pero sapat para maramdaman niya ang init ng malaking mga daliri ni Vino.
“Akala mo ba pwede mong gawin 'yon sa anak ko?" ani Vino.
Nanatiling nakasandal sa pader ang binata, ang dibdib niya'y mabilis ang paghinga. Wala syang suot pang itaas kung kaya’t ramdam nya ang lamig ng pader at ang init ng katawan ni Vino sa harap niya.
"Si-Sir," tensionadong wika ng binata, nanginginig ang boses. "Kung gusto mo ako akong saktan... gawin mo. Huwag lang malaman ni Nicole ang tungkol dito." nangangatal na pakiusap ng binata.
Biglang nag-vibrate ang hawak na phone ni Troy, kinuha iyon ni Vino—isang message galing sa isang dalaga, isang nude photo na may caption na *"Missed you at practice today Ty boy."* sinakal niya ang binata ng mas mahigpit matapos makita ang mensaheng iyon na may kalakip pang larawan ng dalagang nakapasok ang isang daliri sa masikip nitong pagkababae.
"Putangina mo talaga!" ani Vino namumula ito sa galit. "Kahit ngayon may babae kapa rin?" Ang bawat salita ay tila patalim na bumabaon sa binata.
Natahimik sandali si Troy, ang kanyang mga mata'y nakatingin sa labi ni Vino. Nalanghap ni Troy ang mamahaling klase ng wine mula sa hininga nito.
"Sorry Sir." ang mahinang sambit ni Troy.
"Sorry? Akala mo kung sino kang hayup ka." ang kamay nito ay gumapang pataas mula sa leeg patungo sa mga pisngi. Naramdaman ni Troy ang labis na kaba sa malaking mga daliri ni Vino at ang bahagyang pagdikit ng katawan nito sa hubad nyang katawan.
"Hindi ko sinasadya, Sir Vin," bulong niya, ang boses ay halos puro hinga na lang.
Itinaas ni Vino ang kanyang kamao upang sapakin ang binata sa mukha nito nang bigla muling tumunog ang doorbell ng isa, dalawa, hanggang tatlong beses. Napaurong si Vino nang marinig ang boses ng anak na dalaga mula sa labas ng condo.
"Dad?! Troy?!" Malinaw na boses ni Nicole mula sa labas ng condo. Natigilan si Vino at agad na ibinaba ang kamao nito.
"Tangina," bulong ni Vino, ang mga daliri nito ay tuluyang bumitaw sa namumulang pisngi ng binata.
"Hindi pa tayo tapos.” paalala ni VIno .
Napatango si Troy, ang labi ay namumutla sa takot. Mabilis niyang kinuha ang university shirt at isinuot bago pagbuksan ng pintuan ang nobyang si Nicole.
"Nicole, come in." aniya, pilit ang mga ngiti habang mabilis niyang inaayos ang kanyang damit na gusot pa sa pagkakasuot habang nakatitig lamang si Vino sa kanya.
"Why are you taking so long to open?" reklamo ni Nicole habang hawak nito ang smartphone. Ang kanyang mga mata ay agad na napunta sa ama na ngayo'y nakatayo sa gitna ng living room at tahimik na naghihintay.
"Dad? Why are you even here? Kanina kapa nila hinahanap sa akin."
"Proposal, Nicole." malamig na sagot ni Vino, ang mga kamay ay nakakuyom sa loob ng magkabilang bulsa ng grey slacks nito na para bang walang nangyaring komprontasyon pero ang tingin nito kay Troy ay puno ng babala.
"May pinag-uusapan kami ni Troy tungkol sa offer kong investment project para sa business natin."
"Yes. Tama si Dad mo." dagdag ni Troy, na bahagyang namumutla dahil sa mga nangyayari. Lumapit siya sa mini-bar at kumuha ng sparkling water para sa nobya. "Nabanggit ko kay Daddy mo 'yung plano sa project ko, and he trusted me.” Ang kanyang mga mata ay lumingap kay Vino upang magkatugma sila ng rason kung bakit naroon si Vino sa condo niya.
"Really, nakakatuwa naman kayo ni Daddy." ang agad na paniwala ni Nicole. Umupo siya sa sofa at humarap sa kanyang ama.
"I thought you weren’t into business partnerships, Dad?" pagtataka ng dalaga sa ama.
"It’s not that I’m opposed to it.” pahabol ni Vino, ang mga mata'y nananatiling nakatuon kay Troy habang naglalakad papalapit sa kinatatayuan ng binata.
"May mga plano lang ako na kailangan naming pag-usapan ng masinsinan…" Ang tono nito ay may halong babala, at alam ni Troy na hindi ito patungkol sa negosyo.
"At bakit ka pumunta dito ng hindi nagpapaalam sa akin?" ang tanong ni Vino kay Nicole, ang mga kilay nito'y nakakunot habang nakatingin sa kanyang anak.
Nabigla si Nicole sa tanong na iyon ng ama.
"Uh… I hit up Troy earlier but he didn’t reply, so I just decided to pull up instead." paliwanag niya, ang mga mata'y napatingin sa nobyo. "Bakit, may problem ba?" habol na tanong ng anak.
Tumawa nang pilit si Troy.
"Walang problema, babe. Busy lang ako kanina sa…"
"Sa ano?" sabat ni Vino, ang mga mata ay nakatitig sa binata.
"Sa... discussion namin kanina ni Sir Vin. " mabilis na sagot ni Troy, tinabihan nito ang nobya upang dumistansya kay Vino na tila nababalot pa din ng matinding galit. Napansin ni Nicole ang namumulang marka nakapaligid sa leeg ni Troy. Tatanungin niya sana ito kung napaano ang leeg nito nang biglang mag ring ang phone ng kanyang ama na agad nitong sinagot. Nakatingin lamang ang magkasintahan kay Vino hanggang sa matapos ang tawag nito.
"Alright, uuwi na ako may urgent sa bahay." agad na paalam ni Vino, ang kanyang malalim na boses ay puno ng hindi maitagong babala. "Mag-uusap pa tayo." dagdag nito sa direksyon ng binata, ang salitang 'mag-uusap' ay tila may ibang kahulugan para sa kanya.
Si Nicole na walang kamalay-malay sa tensiyon ng dalawa, ay napatanong na lamang sa ama kung bakit tila galit ito. “Dad, you good? You kinda seem heated…”
"I'm fine, alam mo bang umalis na si Manang Fe?" pilit na excuse ni Vino, pero ang kanyang kamao ay nanatiling nakakuyom sa loob ng grey slacks nito.
"Like I care Dad." ang yamot na sagot nito sa ama sabay sandal sa balikat ni Troy.
"Troy." tawag nito sa binata, ang tono ay parang isang general na nag-uutos sa kanyang sundalo. "Ihatid mo si Nicole sa bahay bago mag alas onse. Maliwanag?"
Napatango si Troy, ang lalamunan niya'y nanatiling tuyo dahil sa mga pangyayaring iyon. "Opo Sir Vin. Ako na po bahala kay Nicole." Ang mga kamay niya'y basa sa pawis, at ang lalamunan ay tuyo pa din.
Habang papalabas si Vino, ang malapad nitong likod ay bumalot sa buong pinto. Maya-maya pa ay may natanggap na message ang binata mula sa ama ng nobya nito.
"Tomorrow. 10 PM. My Office."