Chapter 1: Simula
Nung unang panahon may isang bathala na may kapangyarihan na nag tataglay nang Apoy, Lupa, Tubig, at Hangin. Na nag lalakbay para makahanap nang mga karapat dapat na mag taglay nang kapangyarihan nang mga elemento. Kung mapupunta ito sa masama hindi magiging balanse ang mundo.
Isang gabi habang nag papahinga ang bathala ay may narinig siyang sigaw na lalaki na nangangailangan nang tulong dahil ito tatangkain patayin nang masama. Nag iba nang wangis ang bathala para hindi siya makilala, nang kanyang tutulungan na binata.
At sinabi nang bathala nung sasaksakin na yung binata "itigil mo yan nilalang kundi ikaw ang aking paparusahan." Sabi nang bathala natawa na lang ang lalaki at sinabing " sino ka ba para pigilan mo ako sa gusto kong gawin sa kanya baka gusto mo isunod kita dito" Sabi nang lalaki.
Nagalit ang bathala sa sinabi nang lalaki, at pinarusahan nga nang bathala yung lalaki na maging dragon ito. Nag salita ang binata "Ano ginawa mo sa kanya bakit naging dragon siya." Sabi nang binata.
Hindi na nag salita ang bathala at umalis na ito nag likha siya nang isang lupain na pinangalan niya dito ay Aero.