Ayam Chronicles: SLICE OF LIFE

All Rights Reserved ©

Summary

Halika at balikan iyong pagkabata. Written by a Filipino writer from Negros Occidental

Status
Ongoing
Chapters
4
Rating
n/a
Age Rating
13+

i. Frangipani


LakanMaya: Welcome sa aking nobela. Dahil binasa mo isa ka na sa aking mga sparrow. Salamat sa pagbasa! Sana magustuhan mo at may matutunan ka!

------

Mainit ngunit mahangin, isang magandang araw sa maliit na sitio malapit sa ilog na tinatawag na Caterpillar Site. Sa kalsada maraming dumadaan na sasakyan, araw ng lunes, may pasok mga empleyado at estudyante. May naka-display na street foods sa tabi ng kalsada, ang paborito ng nakararami: turo-turo.

Mausok ang nasa grill: isaw, ulo ng manok, baboy, paa ng manok, atbp. Andoon nakatayo sina Rain at Kiel habang hinihintay maluto ang pinaluto nilang isaw. Nakasakay si Kiel sa munting bike ng kaniyang pamangkin, ginamit itong upuan, habang si Rain, ang nakakatanda sa triplets, ay nakatayo lamang tinutulungan ang tindero sa pagpapaypay sa mga tuhog-tuhog. Si Kiel may seryosong mukha sumisipsip ng juice habang nakatitig sa pinapaluto niyang isaw, ayaw niya mapunta sa gilid or masapawan ang isaw niya.

Maya-maya, biglang dumilim ang langit, lahat napatingala. May namumuong itim na ulap sa ibabaw, kasunod noon ang tinig ni Hulyo, ang bunso sa triplets. "Mga paaaareeeeeee!" Nakangisi niyang hiyaw.

Napalingon sina Rain at Kiel sa kaniya. Sa kamay ni Hulyo may nakatagong mystery thing. Masama ang kutob nina Kiel at Rain, kilala nila ang kapatid medyo werdo ito, mahilig sa mga insekto at mga bagay na wild.

Nakangiting malapad at tunay si Hulyo, mabilis ang lakad, tila sabik ipakita sa mga kapatid kung ano ang tinatago niya sa palad. Ngunit gawa ng kasabikan hindi niya naisip tumingin sa dinadaanan, natisod siya ng isang bato. "WHAAAAA!" Naihagis niya ang nakatagong nilalang sa kaniyang palad.

Lahat ng tao napanganga, natulala, at tumingala; lumipad ang palakang kulay berde, umikot ikot ito sa ere. Parang huminto ang lahat sa pagkilos-maging hininga nila, hanggang sa... PLOK! Dumapa ang palaka sa grill.

Nabitawan ni Kiel ang juice, si Rain namilog ang mata. Si Hulyo? Nakadapa pa rin, nakanganga at may namumuong luha sa gilid ng kaniyang mga mata. "H-hindi... MISTER KAMPYON!"

"Anak ng tokwa!" Napahiyaw ang tindero, nahagis ang pamaypay sa tindi nang pagkagulat.

Tila sumayaw sayaw ang palaka sa grill ilang segundo bago nanigas.

Napatayo si Kiel at sumigaw. "Ang isaw ko!" May mukhang binagsakan ng mundo.

"My friend!" Hiyaw ni Hulyo, mangiyak ngiyak.

"Hulyo! Ano na naman 'to?" Usal ni Rain. Inalis niya sa grill ang palaka at inilagay sa basurahan.

"HOY! HOY!" Sigaw ni Hulyo ng may asong dumukot sa grilled frog at tumakbo palayo. "Palaka ko 'yan! Tangna! Bumalik ka, aso!"

Napailing ang mga kapitbahay. Hindi na bago sa kanila ang ganitong eksena. Simula noong lumipat ang mga Frangipani sa sitio nila marami nang nangyaring kababalaghan. Bukod sa ubod ng kagandahan ang buong pamilya, ubod din sa ka-werdohan. Si Hulyo mahilig sa mga nilalang na hindi dapat gawing domestic pet. Si Kiel mahilig sa musika, palaging nagpapatugtog kahit gabi na, napa-barangay na nga ng kapitbahay sa ingay. Si Rain, mukhang responsible at normal, magaling magluto pero may pagkapikonin din.

Ang triplets ay mula kay Mina Frangipani, isang magandang ginang at mukhang hindi tumanda. May maputing kutis, malambot na parang may lotion kahit wala naman. Simpleng mukha pero ubod ng ganda at may dalawang mister, palagi silang laman ng chismis dahil doon.

Ang panganay naman sa Frangipani ay si Aliya, isang striktang babae, maganda, hindi basta basta ligawan, at may nobyong taga Alvarez Empire, LDR or long distance relationship pero inlove sa isa't-isa. May anak na si Aliya, si River, may pagkamakulit, limang taong gulang na gusto na magkabigoti at lumaki.

Si Rain naman ay may pamilya na rin, may anak siyang babae, three years old kay Luna; si Lunarae. While si Kiel ay may nobyang doctor, na sabik at patay na patay sa kaniya. Binibigay lahat ng gusto ni Kiel: cellphone, motor, gitara, allowance. Sa magkakapatid si Hulyo ang tanging single.

"Naku. Patay na naman tayo kay Mama Mina nito," wika ni Rain, napapailing.

"Hulyo, naman!" Anas ni Kiel. "Embes may konting barka pa ako nawala tuloy dahil sa'yo!" Naiinis niyang pahayag. Binayaran kasi nila 'yong mga tuhog-tuhog-lahat na nasa grill.

Napakamot nalang sa batok si Hulyo. "Sensya na, mga p're. Don't worry bawi ako next life-ah! este-next time."

Napailing sina Kiel at Rain, pero palihim na ngumiti. Kahit werdo si Hulyo ay mahal nila ito, kapatid nila ito, at hindi magbabago 'yon -- kahit magdala pa ng alakdan sa bahay.

"Ingat ingat din kasi, p're. Pero teka... ba't ka ba may palaka?" Tanong ni Kiel.

Sumigla ang matamlay na mukha ni Hulyo. "Siya si Mister Kampyon! Pinalaki ko from egg to tadpole to adult frog! Nakita ko siya noon sa may kanal."

Umangat kilay ni Kiel. "Ang weird mo talaga."

Tumawa lang si Hulyo, tila lumiwanag ang mukha. "Bukas ipapakilala ko sa inyo bagong kaibigan ko."

"PLEASE, HUWAG!" Sabay na angal nina Rain at Kiel.

Itutuloy...

Next Chapter