The First Time I Saw Hans

All Rights Reserved ©

Summary

The first time Zea saw Hans, he was riding his motorcycle past her street like he didn’t know he was about to ruin her peace. A follow on Instagram turned into late-night notes, basketball liga nights, and silent glances from across the court. At first, it was just a crush. Until people started noticing the way he looked at her too. Now, every game feels dangerous. Because maybe… this isn’t one-sided anymore.

Genre
Romance
Author
Destiny
Status
Ongoing
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
16+

Chapter 1: The First Time I Saw Hans

“Te, pogi.”

Napatingin agad ako sa direksyong tinitingnan ng kaibigan ko.

At doon ko siya unang nakita.

Naka-motor. Naka jersey na damit. Tahimik lang habang dumadaan sa harap namin na parang walang pakialam sa paligid niya.

Pero ewan ko ba.

Parang ang bagal ng lahat nung dumaan siya.

“Si Hans yan,” sabi ng friend ko habang nakangisi.

“Hans?” ulit ko.

Tumango siya. “Oo. Basketbolista yan. Chinito pa.”

Hindi ko alam bakit pero simula nung gabing ‘yon, parang tumatak agad yung mukha niya sa utak ko.

Yung mata niya.

Yung ilong nya,kahit saglit ko lang nakita sya nakita masaabi ko talagang typ ko sya.

Tsaka yung aura niyang parang… ang hirap lapitan.

“Bat ka nakatulala?” natatawang tanong ni Nikki.

“Wala.”

“Ulol. Crush mo agad.”

Napairap ako kahit alam kong medyo tama siya.

Pag-uwi ko, hindi mawala sa isip ko yung mukha niya.

Habang nakahiga ako sa kama, hawak phone ko, bigla ko nalang naalala pangalan niya.

Hans.

Hindi ko alam anong sumapi sakin pero hinanap ko talaga Instagram niya.

“Tanga ka talaga,” natatawang sabi ni Nikki habang magka-video call kami. “Finollow mo ba?”

“…Oo.”

“ANO?!”

“Shut up nga!”

Halos mamatay ako sa kaba habang hinihintay kung magfo-follow back ba siya o hindi.

Minsan chine-check ko pa kada limang minuto.

Ang OA ko.

At lalo akong nabaliw nung nakita kong:

Hans accepted your follow request.

Hans followed you back.

“ATE KO!” sigaw agad ni Nikki sa call. “FINOLLOW BACK KA!”

“Baka finollow back niya lang lahat.”

“Edi wow, defensive.”

Hindi ko mapigilan ngumiti nun kahit pilit kong dini-deny sa sarili ko na kinikilig ako.

Simula no’n, lagi ko na chine-check notes niya.

Minsan songs.

Minsan random emojis lang.

Minsan basketball-related.

At hindi ko alam kung delulu lang ba ako pero parang minsan… sinasagot niya rin yung notes ko.

Lalo na kapag tungkol sa music.

Isang gabi, nag-notes ako ng:

> “wala bang aamin jan”

After ilang minuto, nag-notes siya ng kanta.

At dahil marupok ako, feeling ko para sakin agad.

“Te, crush mo na talaga yan,” sabi ni Nikki habang magka-chat kami.

“Hindi ah.”

“Ulol. Eh lagi mo ngang chine-check kung online.”

Hindi ko na siya sinagot.

Kasi baka tama siya.

Makalipas ilang araw, nagyaya si Nikki manood ng liga sa barangay nila.

“Maglalaro si Hans,” sabi niya habang nang-aasar yung tono.

Kunwari wala akong pake.

Pero isang oras akong namili ng susuotin.

Tatlong beses din ako nagpalit ng outfit bago umalis.

“Tingnan mo tong kaibigan ko,” natatawang sabi ni Nikki habang hinihintay ako. “Akala mo makikipag-date.”

“Hindi naman para sakanya to.”

“Sure.”

Pagdating namin sa court, maingay na agad.

May mga batang tumatakbo, may sumisigaw sa gilid, may nagtitinda ng palamig sa tabi, at punong-puno yung bleachers.

Pero kahit ganon…

siya agad hinanap ng mata ko.

At nung nakita ko siya—

parang gusto kong umuwi.

Hindi dahil ayoko na.

Kundi dahil mas pogi pala siya sa personal.

Naka-jersey siyang itim at puti, hawak yung bola habang may kausap na teammate niya.

Tapos nung tumawa siya—

grabe.

“Zea,” natatawang sabi ni Nikki. “Humihinga ka pa ba?”

“Tumahimik ka nga.”

“Lakas mo mang-deny pero titig na titig ka.”

Hindi ko na siya pinansin at kunwaring busy sa phone ko.

Pero totoo naman.

Ang hirap hindi siya tingnan.

Lalo na kapag nasa court siya.

Ang unfair niya gumalaw.

Parang lahat effortless.

“Number 3 si Hans ah,” sabi ni Nikki.

At simula no’n, number 3 na agad una kong hinahanap sa court.

Nagsimula na yung laro at hindi ko namalayan na sobrang invested ko na pala.

Kapag siya may bola, kinakabahan ako.

Kapag naka-score siya, gusto ko rin sumigaw kahit pigil na pigil ako.

“Te, obvious ka na,” bulong ni Nikki.

“Hindi no.”

“Eh bakit ka nakangiti pag tumitingin dito?”

Mabilis akong napatingin kay Hans.

At parang huminto mundo ko nung sakto ring napatingin siya samin.

Bigla akong umiwas.

“Baliw!” sabi ko habang tinatakpan mukha ko.

“Tumingin nga!”

“Hindi yon sakin.”

“Edi kanino?”

Hindi ko alam bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko nun.

Parang nahuli akong may ginagawang masama.

Maya-maya, nag-time out yung team nila Hans.

Habang umiinom sila ng tubig sa gilid, hindi ko namalayan na nakatitig nanaman pala ako.

Hanggang sa—

biglang lumingon si Hans.

Diretso.

Sakin.

Nanlaki mata ko at mabilis akong yumuko.

Narinig ko agad tawa ni Nikki.

“AYIEEE.”

“Tumahimik ka nga!”

“Sabi ko sayo tumitingin eh.”

“Delulu ka.”

Pero kahit anong deny ko…

ramdam ko parin yung kaba.

At hindi ko alam kung bakit parang simula nung gabing ‘yon…

mas lalo ko na siyang inabangan.

Yung notes niya.

Yung games niya.

Yung simpleng pag-online niya.

Hindi ko alam na yung simpleng pagkakita ko sa isang poging naka-motor isang gabi…

siya palang magsisimula ng pinaka-magulong part ng buhay ko.