Page 1
Page 1

Bambi’s POV
ALAS DOSE ng tanghali. Ramdam ko ang singaw ng lupa na tumatagos sa manipis na swelas ng aking suot na tsinelas habang binabaybay ang malawak na construction site.
Nakapapaso ang sikat ng araw, lalo na para sa balat kong katulad ng sa akin buti nalang palagi akong nagpapahid ng sunscreen sa buo kong katawan kaya hindi nasusunog ang balat ko.
Naka-puting sando lang ako at itim na shorts—ang paborito kong pambahay dahil wala naman na akong pasok ngayong hapon. Sa kanang kamay ko, mahigpit kong hawak ang thermal bag na naglalaman ng lunchbox ni Papa.
Maraming beses na akong sinabihan ni Papa na huwag na akong magpunta rito. Mapanganib daw at masyadong mainit. Pero sadyang matigas ang ulo ko pagdating sa kanya. Gusto ko siyang pagsilbihan sa paraang alam ko—ang siguraduhing busog siya bago sumabak uli sa mabigat na trabaho.
Pagdating ko sa may bandang gitna ng site, nakita ko si Manong Gardo.
“MANONG GARDO! NAKITA NIYO PO BA SI PAPA?” malakas kong tawag para marinig niya ako sa gitna ng ingay ng mga nagpupukpok.
“O, Bambi! Nandito ka na naman,” ngiti sa akin ni Manong Gardo. “Ang sipag mo talagang bata. Nandoon ang Papa mo sa kabilang block, doon sa may ginagawang mga poste.”
Nag-thank you ako kay Manong at tumakbo na papunta doon.










