Page 1

ROLLY POV
SIMULA
Alas-dos ng hapon. Maalinsangan ang paligid at tirik na tirik ang araw.
Nandito ako ngayon sa bayan, sa may talipapa, at kasalukuyang tumatakbo at humihingal na parang aso. Hinahabol ako ng aking crush na si Mamang Pulis habang hawak-hawak ko ang kanyang police cap na hinablot ko sa kanya kanina.
Mamaya ko na ikukuwento kung paano ako nalagay sa ganitong sitwasyon. Ang importante ngayon, kailangan ko munang mag-focus sa pagtakbo nang mabilis upang hindi niya ako maabutan—dahil kailangan ko pa siyang madala sa madilim na eskinita.
Rinig ko ang mga sigaw ng mga MOSANG at ang pagtataka ng mga taong aming nadadaanan sa gilid ng kalsada. Ilang sandali pa, narinig ko ang malakas na tunog ng kanyang pito—hudyat na malapit na niya akong maabutan.
Kaya mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Ako nga pala si Rolly, D*se anyos, isang pasaway na estudyanteng may lihim na pagtingin sa pulis na humahabol sa akin.
Sinadya ko talagang lumiban sa klase namin ngayong hapon upang maisagawa ang plano ko para kay Chief Santiago.










