Tonyo
Share with your friends
Customize readability

Tonyo

This story contains themes of: cheating

All Rights Reserved ©

Summary

Si Antonio "Tonyo" Severino ay isang truck driver na halos buong buhay ginugol sa kalsada. Sa edad na kwarenta-dos, sinanay na siya ng buhay sa mahabang biyahe at sa gabing mag-isang natutulog sa loob ng truck habang malayo sa pamilya. Akala niya sapat na ang simpleng buhay na meron siya-asawa, anak, at trabahong paulit-ulit man ay marangal naman. Pero may mga tao talagang dumarating sa buhay mo nang hindi mo inaasahan. At kapag dumating sila, kahit gaano katagal mong pinatatag ang sarili mo, may mga bahagi pa rin palang kayang mabasag. Paano kung isang maling emosyon lang ang kayang sumira sa pamilyang buong buhay mong binuo?

Status
Complete
Chapters
21
Rating
n/a
Age Rating
18+

Prologue


Madaling-araw pa lang pero buhay na ang highway.

Mahina ang tugtog ng lumang kanta mula sa radyo habang tuloy-tuloy ang andar ng truck ko sa madilim na kalsada. Ilang oras na rin akong gising pero sanay na katawan ko sa puyat, sa amoy ng diesel, at sa pakiramdam ng mag-isang bumibiyahe habang tulog ang buong mundo.

Dalawampung taon na ’kong nasa kalsada.

Dalawampung taon na paulit-ulit ang buhay ko.

Biyahe. Karga. Uwi. Alis ulit.

Hindi naman ako nagrereklamo. Ito ang bumuhay sa pamilya ko. Ito ang dahilan kung bakit nakakapag-aral mga anak ko at may pagkain kaming naihahain araw-araw sa mesa.

Mahal ko asawa ko. Mahal ko mga anak ko.

At kahit madalas akong wala sa bahay, hindi ko kailanman inisip na may kulang pa sa buhay ko.

Akala ko sapat na ’yon.

Kapag nasa daan ka nang matagal, matututo kang manahimik. Matututo kang kimkimin lahat ng pagod, lungkot, at pangungulila hanggang sa masanay ka na lang.

Pero may mga tao talagang dumarating sa buhay mo nang hindi mo inaasahan.

At minsan, kahit gaano katagal mong pinatatag ang sarili mo, may mga bahagi ka pa ring kayang mabasag.

Hindi ko lang inakalang darating ang araw na ako mismo ang sisira sa tahimik na buhay na buong tagal kong iningatan.

Let PhilTheSilence know what you thought about this chapter!

Further Recommendations

IVAN

ohoney2004: I liked this novel. Good story line, interesting plot and characters.

Read Now
Bear Shifter Secrets

tatianne Ingrid: Adorei cada capitulo! parabens

Read Now
An Irish Match

readingtoday77: This story is so very sweet. I really like each main character's emotional evolution, especially Liam working through difficult past betrayal and tragedy to be able to take a chance and love again. The sex scenes were fiery and tender and so very moving, especially the scene when Maeve says that she...

Read Now
Nothing Between Us

Elizabeth: It is engaging and entertaining.

Read Now
PARIS IN THE DARK

starlit_soul: The story was beautifull. I hope that every paris find her julien who heals her.

Read Now
SECRET BILLIONAIRE

Katja: Good writing, excellent story.

Read Now
The Grumpy Next Door

mmurphy1008: This book had my attention from the very first chapter! It has romance and humor and just enough tension to keep it moving along. Can’t wait to read more from this author.

Read Now
Ruthless Lord

susiebear2012: Realy enjoyed this so looking forward to more.great story line hope they can achieve getting away from the kings burden. Truly amazing well written well done.

Read Now
The Neighbor's Son

Diane: This was an amazing read, I really enjoyed it so much.. thank you for this masterpiece 💞

Read Now