Prologo
Disclaimer
This is a work of fiction intended for mature audiences (18+) only.
All characters portrayed in this story are at least 18 years of age, regardless of their appearance, role, or setting. No sexual activity depicted in this story involves minors or anyone under the age of 18.
Any resemblance to actual persons, living or dead, or to real events is purely coincidental unless otherwise stated. The themes, situations, characters, and relationships portrayed are entirely fictional and are created solely for entertainment and storytelling purposes. Nothing in this work should be interpreted as promoting, encouraging, or endorsing any real-life behavior.
By continuing to read, you acknowledge that you are at least 18 years old and understand that this story contains explicit sexual content, mature themes, and strong language. Reader discretion is strongly advised.
In addition, any photographs or images used in this work arenot owned by the author. Any actor, model, or individual appearing on the cover or in other promotional images is used solely as avisual representationof the fictional characters in this story. Their likenesses are used for illustrative purposes only and do not imply any involvement with, endorsement of, or connection to the contents of this work.
The author has no intention of defaming, disparaging, or harming the reputation or dignity of any individual whose image is used. All image rights remain the property of their respective owners.
Prologo
Sa isang tahimik na sulok ng Barangay Samyonikar, doon sa probinsya ng Ibalon Sur, may isang matandang puno na parang may sariling orasan. Kada sampung taon lang ito tinutubuan ng isang bulaklak, at kapag nangyari ’yun, kakaibang bango ang maaamoy sa buong baryo.
Naniniwala ang mga matatanda na kung patutuyuin mo ang bulaklak at ihahalo sa tsaa, maaaring magkaanak ang babaeng hirap mabuntis.
Pero sa likod ng ganda at kakaibang amoy ng bulaklak na ito, may kuwentong binubulong na ito raw ay may kapalit.
Si Joe Martin Hilario at ang asawa niyang si Grace Hilario, matagal nang sumusubok na magkaroon ng sariling anak. Sa Maynila sila nakatira noon, pero walang nangyayari. Kaya naisipan nilang umuwi sa probinsya, magpakonsulta sa matandang albularyo na si Mang Tasyo.
“Joe, anak, ’yung puno... mamumulaklak na,”sabi ni Mang Tasyo sa kanila nang dumating sila sa bahay nito.“Ito ang sagot sa dasal niyo.”Dagdag nito.
Tamang-tama, parang tadhana. Pinuntahan nila ang puno sa gitna ng gabi, habang ang buwan ay buong-buo. Pinulot ni Joe ang bulaklak na kumikinang sa dilim, at sa tulong ni Mang Tasyo, pinatuyo at ginawang tsaa.
“Inumin mo ’to, Grace,”bulong ni Joe sa asawa niya, habang hawak ang kamay niya.“Para sa atin ’to. Maniwala kang magkakaanak na tayo.”
Ininom ni Grace ang tsaa na may halong dinikdik na katas ng bulaklak, at hindi nagtagal, pagkalipas ng mga buwan, nabuntis ang asawa niya. Masaya sila, parang bagong buhay ang nag-aantay sa kanila. Pero... may kabayaran pala ito.
Sa panganganak, lumaban si Grace hanggang huli, pero binawian siya ng buhay.
“Grace... wag mo akong iwan,”hikbi ni Joe habang hawak ang bagong silang na sanggol.
Naiwan si Joe na mag-isa, hawak ang anak na siyang tanging alaala ng kanilang pag-ibig. At sa likod ng lahat, parang may lihim na ngiti ang punong ’yun, na alam lang niya ang totoong kabayaran ng milagro.










