Chapter 1
Tumatakbong papasok ng pinto si Samantha para habulin ang kanyang huling subject,nagmadali agad siyang makapasok at bumugad sa kanya si Mrs.. Alvarez. "Oh Ms. Delgado late ka na naman!" Ang masungit na guro ng kanilang subject.
"Pasensya na po kayo Ma'am may hinabol lang po sa trabaho". Pagpaumanhin ni Samantha. "Last warning mo na ito sa iyong behavior , kailangang hindi na ito mauulit.Maliwanag?!" Paalala ng kanyang guro.
"Opo Ma'am!" Agad namang sagot ni Samantha. "Sige.. makakaupo ka na" tugon naman ng kanyang guru.
Matapos ang huling subject na iyon ay nagtungo naman si Samantha sa may malapit na fastfood para kumain nga kanyang pananghalian. Diyos ko mahihimatay na ako sa gutom".pag ani niya habang kumakain ng mabilis. Matapos makakain ay agad naman siyang pumasok sa kanyang trabaho bilang waitress sa restaurant na pagmamay ari ng kanyang tiyahin na si Aling Silvia. May sarili silang chef kaya tagapamahala lang nito ang kanyang tiyahin. Habang ang kanyang dalawang kapatid ay pinapaaral din nito sa mababang paaralan ng secondarya. Lubos na kasing ulila ang mga ito dahil ang mga magulang nito ay sunod sunod na nawala dahil sa sakit. Kaya naman napakamahalaga kay Samantha na ingatan ang dalawa niyang mga kapatid na sina Anastacia at Cesar.
"Hey! I found you! saan ka ba kanina ba't bigla ka nawala after ng klase?" bungad ni Stephanie nang makita si Samantha sa isang upuan malapit sa isang cafeteria. "May hinahabol lang kasi akong mga project na ipapasa". Paliwanag naman ni Samantha. "Di ka ba nakapasa nung nakaraan?"pagtatakang tanong ng kaibigan. "Hindi, kasi lagi ako huli pumapasok tsaka wala na rin akong tulog tsaka umaga na ako nakauwi."problemadong sabi ni Samantha. "
"Hay naku tatanda ka ng maaga niyan!"pagbibiro naman ni Stephanie sa kaibigan. "May alam akong pwede ka muna mag chillax! yung alam mo na! GO GIRLS OUT!" pag aya ni Stephanie sabay taas ng kanang kamay para mag go si Samantha. Napangiwi naman si Samantha na umiiling pa.
"Hello! di mo ba nakikita nag aaral pa ako oh!"pag pipigil nito sa kaibigan habang ginugulo nito si Samantha.
"Kahit isang beses lang naman besh sa isang taon naku! ikaw huh di ka na talaga nagkaroon ng girls out!" pagtatampo kunwari ni Stephanie. "Ayaw ko nga!,alam mo naman na wala akong time sa mga ganyan!" pagmamatigad ni Samantha. "Okay!ikaw bahala... basta sabi ko sayo chillax ka din minsan". Pagsabi parin nito. Napabuntong-hininga naman si Samantha.
"Okay..Sige na nga.. basta ngayon lang mangyayari to at wala nang susunod.Maliwanag?" Paglalambing sabay sabi nito ni Samantha. Sobrang tuwa naman ni Stephanie dahil masasamahan siya nito sa girls out nila.
















