Chapter 1
Sa isang malayong probinsya namumuhay ang isang dose anyos na batang lalaki kapiling ang mapagmahal na mga magulang.
Kahit magsasaka lamang ang ikinabubuhay ng pamilya ay maayos naman na naitaguyod ng isang haligi ng tahanan ang kanilang araw araw na pangangailangan.
Nasa ikaanim na baitang na si Erin at gagraduate na ng elementary na may karangalan bilang nangunguna sa kanilang klase.
Nagsusumikap siyang mag aral sapagkat may pangarap siyang nais marating at maiahon ang pamilya sa kahirapan.
"Oh anak handa na ang baon mo.Mag iingat ka sa paaralan ninyo huh?Gagayak narin ako at tutulungan kopa ang tatay mo sa pag aararo sa bukid.Wala pang agahan iyong tatay mo at tiyak nagugutom narin iyon ngayon." Wika ng Nanay Sena niya habang inaayos ang kwelyo ng kanyang uniform.
"Opo Inay.Huwag po kayong mag alala dahil magsusumikap po ako upang matulungan ko kayong maiahon tayo sa kahirapan.Mahal na Mahal ko po kayo ni Tatay." Wika ni Erin.
Ngumiti si Sena habang hinaplos ang pisngi ng
Ngumiti si Sena habang hinaplos ang pisngi ng anak.Nais niyang maluha dahil sa sinabi nito.
Ilang sandali ay tanaw na ito ni Sena na papaalis na sa kanilang tahanan na barung barong.
Masayahing bata si Erin at laking pasasalamat niya na biniyayaan siya ng Panginoon ng isang anak.
May depekto ang ovary niya at buong akala ni Sena na hindi na siya magkakaroon ng supling kailanman subalit dumating si Erin sa buhay nila kaya laking pasalamat nilang mag asawa.
Napansin ni Sena na napapapaiyak na pala siya.
Umalis narin siya ng bahay at tinungo ang bukid kung saan naroon ang asawang si Nato.
Ganun lang ang buhay nila bilang isang magsasaka at maibigay lamang ang lahat ng pangangailangan ng kanilang anak ay sapat na.
Uilang lubos na si Sena at hindi rin nakapag aral dahil elementary lang ang inabot niya.
Mahirap din ang buhay nila noon kaya napilitan siyang mamasukan nalang bilang katulong sa isang mayaman na napadpad sa kanilang lugar dati.
Doon niya nakilala si Nato na isang hardenero na agad niyang nakapalagayan ng loob.
Nahuhumaling siya sa lalaki hanggang sa nagpasya silang magsama na lamang at ikinasal sa isang huwis.
Ng mamatay ang mga magulang ni Sena ay naiwan sa kanila ang sakahan at dahil dalawa lang silang magkapatid at walang hilig sa bukid ang Kuya Arthur niya ay lumuwas ito ng siyudad at magpa hanggang ngayon ay wala parin siyang balita dito.
Kaya naiwan sa pangangalaga nilang mag asawa ang bukid na iniisip niyang tanging pamana ng yumaong mga magulang.
Nadatnan ni Sena ang asawa na nag aararo sa init ng sinag ng araw.
Hawak hawak nito ang tali ng kalabaw.
"Tumigil ka muna diyan Nato at mag agahan ka muna.Nagprito ako ng daing at may sukang maanghan na paborito mo." Tawag niya sa asawa.Tinanggal nito ang sumbrero na gawa sa anahaw na may butas na.
"Kailangan natin to matapos upang makapagtanim na tayo dahil malapit na ang tag ulan.Kumusta na pala ang anak mo?" Tanong nito at umupo sa papag na gawa sa kawayan.
Sinadya iyong gawin ni Nato upang may mapagsisilungan sila.
"Ayun pumasok na sa paaralan.Malapit na ang graduation ng anak mo at kailangan natin magrenta ng susuotin niyang toga." Wika ni Sena habang inilapag sa harapan ng asawa ang baong kanin at ulam.
"Hayaan mo at hahanapan natin yan ng paraan." Wika ni Nato at magsimula na itong kumain.
Doon lamang nagugugol ang oras ng mag asawa at bandang alas singko ng hapon ay umuuwi na sila ng bahay.
Nasa paanan ng bundok nakatirik ang kanilang bahay at may nagsasabing delikado sila sa landslide.
Subalit pinabulaanan na lamang nila itong mag asawa at sa ilang taon na paninirahan nila doon sa awa ng Diyos ay wala naman nangyayari.
Kinse minutos lang binabagtas ni Erin ang paaralan na pinapasukan kaya hindi na niya kailangan sumakay pa ng trisel.Kasama din naman niya ang bestfriend niyang si Juz na limang bahay lang ang layo mula sa kanilang tahanan.
Pagkagaling sa paaralan ay agad silang dumidiritso sa ilang batis kung saan nakasanayan na nilang gawin.
Hindi kalayuan ang kinaroroonan ng batis mula sa kanilang paaralan at may limang minuto lang ang lakaran bago marating ang magandang hubog ng kalikasan.
Malayo palang ay dinig na nila ang pagbagsak ng tubig.
Kailangan pa nilang bumaba upang mas mapagmasdan ang malinis na tubig na tuloy tuloy lang sa pagdaloy.
Malinis ang tubig na may kalaliman at madalas na dinadalo ng mga taga siyudad.
Iyon ang yaman ng kanilang nayon kaya hindi iyon ipinagbibili ng nagmamay ari ng lupa kahit ilang beses iyong dinadayo ng mga nais bumili.
Doon pumupunta si Erin pagkagaling sa paaralan sapagkat doon narerelax ang pakiramdam niya.
Nakasanyan na niya ang pumaroong araw araw hindi lang upang masilayan ang magandang batis kundi nais niyang masilayan ang isang lalaki na nakaupo sa isang bato habang nakatingin sa malinaw na tubig na mala crystal.
Palagi itong pumaparoon pagkatapos din ng klase nito at hinding hindi mapagod si Erin na subaybayan ito.
Hindi niya alam kung bakit palagi niyang nakikitang malungkot si Stan at alam niya na may malalim na dahilan iyon.
"Andiyan na naman ang pinapantasya mo." Sabi ni Juz ng makita nito ang lalaki nakaupo sa batuhan at sa pagkakataong iyon ay may binabato na ito sa tubig.
"Pinapantasya?Hindi lang hanggang pantasya ang lahat.Balang araw magkatotoo din ang lahat at papatunayan ko sayo iyon." Wika niya sa kaibigan.
"Lumalandi ka na talaga best friend." Sabi nito at kinurot pa siya sa tagiliran dahilan upang mapatili siya.
Naagaw ang pansin ni Stan sa kanila kaya napatingin ito sa kanilang gawi.
Dumagundong sa kaba ang dibdib ni Erin at pakiwari niya may nagrarambulang mga daga sa loob ng kanyang dibdib.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin o kung ngingiti na lamang sa lalaki lalo pa at tinitigan siya nito.
Gwapo si Stan na may dalawang biloy sa magkabilang pisngi.
Makapal ang kilay at medyo sunog sa araw ang balat dahil nasa probinsiya sila.
Namumungay ang mga mata nitong mapang akit kaya campus crush ito sa pinapasukan.
Si Stan ang angkop na halimbawa sa isang lalaking pilipino.
Dahan dahan na lumapit si kanilang kinaroroonan kaya mas nagwawala pa ang ang puso ni Erin.
Ngiti ngiti lang si Juz habang siniko siya nito na inaabangan ang susunod na mangyayari.
"Anong ginagawa ninyo dito?Mag gabi na at baka hinahanap na kayo ng mga magulang ninyo sa bahay.Uwi na kayo." Sabi nito at ginulo ang buhok niya na parang bata bago sila iniwan.
Hindi siya makahuma dahil sa ginawa nito.
Habang si Juz ay nagpipigil ng tawa ng mga Sandaling iyon.
"Anong ngiti ngiti mo diyan?" Galit galit niyang sabi.
"Nakakatawa kasi eh.Sa ginawa niya ibig sabihin kapatid lang turing niya sayo."
Napasimangot siya dahil sa sinabi ng kaibigan.
Sixteen lang naman si Stan at apat na taon lang ang tanda nito sa kanya.
Nasa ikaapat na taon nadin ito sa highschool at hindi lingid sa kaalaman niya na maraning nagkakagusto dito.
Napasimangot siya bigla.
"May girlfriend na kaya siya,Juz?" Malungkot niyang tanong.
"Siguro.Sa gwapo ba naman niya tapos wala siyang girlfriend? Hindi kapaniwala." Sagot ng kaibigan.
Hindi siya nagsalita.
Malungkot na lamang siyang tumalikod subalit naramdaman niya ang paghawak ni Juz sa kanyang kamay.
"Bestfriend Huwag kana malungkot.Marami pa naman lalaki diyan eh.Baka hindi lang si Kuya Stan ang nababagay sayo."
Tiningnan niya si Juz.
"Eh siya lang iyong gusto ko eh.Walang makapagpapalit sa kanya sa puso ko."Ang kanyang wika.
Pinahinto siya nito at hinawakan sa dalawang balikat.
"Kung gayun susuportahan kita kung saan ka magiging masaya best friend.Basta tandaan mo kung hindi kaman gusto ni Stan andito pa rin akong best friend mo na mahal na mahal ka at kailanman ay hinding hindi ka iiwan." Madamdaming sabi nito.
Naluha si Erin dahil sa sinabi nito kaya napayakap siya dito.
"Maraming salamat best friend. Mahal na mahal din kita." Wika niya at magkahawak kamay silang umuwi.
Pagsapit ng kanilang bahay ay naabutan niya ang kanyang Tatay nakaupo sa balkonaheng gawa sa kawayan habang nakikinig sa paborito nitong radyo na may kalumaan na.
"Mano po Itay." Magalang niyang sabi at inabot ang kamay nito.
"Kaawaan ka ng Diyos anak." Sabi nito pagkatapos ay pumasok na siya sa loob.
Naabutan niya ang kanyang Inay busy sa paghanda ng hapunan.
"Umakyat kana doon at magbihis.Pagkatapos ay bumaba ka upang sabay tayong maghapunan." Sabi ng kanyang Inay.
"Opo Nay." Wika niya at umakyat na patungo sa kanyang silid.
Ganun lang naman kasimple ang buhay nila sa probinsya pagkatapos nilang kumain ay agad silang nagpapahinga lalo pa at pagod galing bukid ang kanyang mga magulang.
Nakadapa si Erin sa sahig habang ginagawa niya ang kanyang takdang aralin.
Nang matapos ay agad niyang iniligpit ang kanyang mga notes at isinilid sa bag.
Nakahiga na siya sa kama ng biglang pumasok ang Nanay niya at umupo sa gilid ng kanyang kama.
"Kumusta ang araw mo sa school kanina?" Tanong nito habang sinusuklay suklay ang kanyang buhok.
"Okay naman po ,Nay.Ako po ang may pinakamataas na grado sa aming pagsusulit kanina."
"Mabuti naman kung ganun.Kung alam mo lang kung gaano kami napapasaya ng Tatay mo.Pagbutihin mo pa ang pag aaral mo dahil iyon lamang ang tanging pamana na maiiwan namin sayo." Sabi nito.
Hindi niya naman nakalimutan ang lahat ng bilin ng kanyang mga magulang.
Pagsisikapan niyang abutin ang kanyang mga mithiin sa buhay para Sa mga ito.
Nakatatak at nakaukit sa kanyang isipan ang kahalagahan ng edukasyon sapagkat iyon pa rin ang tanging susi upang marating niya ang kanyang nais marating.
"Alam mo naba kung ano ang gusto mong marating?Alam mo naba kung ano ang gusto mo sa buhay?" Tanong ng kanyang Inay.
Matagal siya bago nakasagot.
Gusto niyang maging guro at alam ng kanyang mga magulang iyon.
"Gusto kopo maging isang guro Nay." Sabi niya.
Ngumiti ang butihin niyang Ina sa kanya.
"Bukod sa pagiging guro na isang propesyon ano pa ang gusto mo?Ano ang nilalaman ng puso mo?" Sunod sunod na tanong ng kanyang Ina subalit hindi niya nakuha ang nais tukuyin nito.
Hinaplos na lamang nito ang kanyang pisngi.
"Piliin mo kung saan ka magiging masaya anak.Hindi ka namin pagbabawalan ng Tatay mo bagkus ay narito lang kami upang suportahan ka.Walang yaman na makakahigit sa kaligayahang galing sa puso.Magpakatotoo kalang at huwag mong iisipin kung anuman ang sasabihin ng ibang tao sayo.Kung saan ka masaya doon ka.Kung anong totoong laman ng puso mo sundin mo.Hindi sa lahat ng oras narito kami ng Tatay mo upang alagaan at protektahan ka.Minsan napakalupit ng mundo anak.Basta magkaroon kalang ng tiwala sa sarili mo at lumaban ka sa taong nais kang apihin.Walang sinuman ang may karapatan upang yurakan ang ating pagkatao." May laman na sabi ng Nanay niya.
Yumakap siya ng mahigpit sa Ina.
Laking pagpapasalamat niya at binigyan siya ng Poon ng INA gaya ng Nanay Sena niya.
"Tatandaan kopo ang lahat sinabi ninyo Nanay." Sabi niya.
Hinagkan siya nito sa noo at sa gabing iyon ay nakatulog siya ng mahimbing.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising at kaagad naligo.
Nagtataka ang Inay niya kung bakit naging masigla siya ng araw na iyon.
Naglagay siya ng pulbo sa kanyang mukha na hindi naman niya dating ginagawa.
"Aba aba.Mukhang may napupusuan natong anak ko ah.Nato tingnan mo nga itong anak mo." Natatawang tawag ni Sena sa asawa.
Pumasok ng silid ang Tatay niya at mapanuri siyang tiningnan.
"Umamin ka.May napupusuan kana ba sa school ninyo?Ano?Gwapo ba?" Panunukso ng Tatay niya kaya hindi niya maiwasang magtaka kung bakit ganun na lamang ang mga ito.
"Si Tatay talaga.Pag aaral pukos ko Tay.Iaahon kopa kayo Sa hirap." Ang kanyang sabi..
Napangiti ang Tatay niya lumapit sa kanya.Lumuhod ito sa kanyang harapan at kinurot ang kanyang pisngi.
"Tatandaan mo na mahal na mahal ka ng Tatay huh?Magpapakabait ka palagi.Tanggap ko kung ano kaman anak basta wala kalang inaapakan na tao." Sabi nito at hinagkan siya sa noo.
Nasabi kasi ni Sena sa asawa ang tungkol sa tungkol sa nakikita nilang pagkatao ng kanilang anak at inamin ni Nato na matagal na nitong napapansin na bakla si Erin sa paraan ng pagkilos nito.
Gayunpaman ay mahal parin nila ito at tanggap ng buong buo.
Hindi naman basehan kung ano klaseng tao ka ang mahalaga wala kang inaagrabyadong ibang tao,may respito sa sarili at may takot sa Diyos.
"Napano ba kayo Tay,Nay?" Baling niya sa mga ito.
"Masaya lang kami ng Tatay mo anak.Sige pumasok kana at baka malate kapa." Wika ni Sena at hinatid ang anak sa labas ng bahay.
Dumating si Juz na sakay ng trisikel.
Umulan pala kagabi hindi man lang namalayan ni Erin.
Maputik ang daan at madudumihan lamang sila kung maglakad kaya kailangan nila sumakay ng trisikel.
"Sumakay kana at mahuhuli na tayo sa pagpasok." Wika ni Juz sa loob ng sasakyan.
Tumingin muna siya sa kanyang magulang at nakatingin din ang mga ito sa kanya.
Kumaway siya sa mga ito bago pumasok sa loob ng trisikel.
Ang hindi inaasahan ni Erin ay iyon na pala ang kahuli hulihang pagkakataon na masisilayan niya ang mga ito.








