PROLOGUE
Animoy humalik ang hamog sa lupa at mararamdaman ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa balat ni Ryle habang nakasandal sa upuan ng sasakyan na nakabukas ang ibabaw.
May ilang oras narin silang binabagtas ang daan patungong Baguio na sorpresa ni Owen sa kanya bilang selebrasyon sa ikaapat nilang anibersaryo.
Nakafocus lang ang paningin ni Owen sa daan habang nagmamaneho.
"Are you okay?" Baling ni Owen sa kanya.
"Yeah,I'm just a little bit sleepy,but am fine." Nakangiti niyang sagot dito.
"We still have four hours,matulog ka muna para hindi ka masyadong mapagod." Wika nito.
"Hinding hindi ako mapapagod basta kasama lang kita." Wika niya dahilan upang mapapangiti si Owen.
"Ang sweet naman ng mahal ko." Ginagap nito ang kanyang isang kamay at dinala sa mga labi."I love you ,Babe."
"I love you more,Owen.Oh tingin sa daan baka mababangga tayo." Wika niya at umayos ng upo ng mapansin na papalikong daan na ang kinaroroonan nila.
"Don't worry,you're safe with me." Wika ng lalaki at nakatuon na sa daan ang paningin.
Medyo basa ang kalsada ng mga sandaling iyon at makulimlim ang paligid marahil dahil sa mga hamog na nagkalat sa paligid .
Hinding hindi pa rin makakalimutan ni Ryle ang sorpresang ito ng nobyo.
Nais daw nito na makapagsolo sila dahil naging hectic ang schedule nito sa trabaho nitong nakaraang mga linggo.
Gusto daw itong makabawi kaya inaya siya sa isang linggong bakasyon sa Baguio.
Tahimik ang daan na kanilang binabagtas bagkus may iilang sasakyan naman ang kanilang nakakasabay at nakakasalubong.
"Nagugutom kaba?Baka may kainan tayong madadaanan,hihinto tayo saglit." Wika ni Owen makalipas ang ilang sandali.
"Busog pa naman ako.Baka nagugutom ka? May sandwich ako dito." Kinuha niya ang sandwich na pinabaon ng Mommy niya at sinubuan ang nobyo.
"Sarap naman ng sandwich ng Mommy mo."
"Siyempre naman.iyon nga ang paborito kong pinapabaon niya sakin dati nung nag aaral pa ako.Gusto nga iyon ni Jec eh." Sabi niya.
Napansin niya ang biglang pananahimik ni Owen habang nakatuon ang paningin sa daan.
Pakiwari ni Ryle mas lalong kumulimlim ang daan na kanilang tinatahak ng mga oras na iyon.
Tiningnan niya ang nobyo at eksakto naman na tumingin ito sa kanya.
Nasa mga mata nito ang hindi niya mapangalanang emosyon.
"Are you okay?" Ang kanyang tanong ng mapansin na mayroon itong nais sabihin.
Muli itong sumulyap sa kanya.
"Gusto moba talaga siya???" Himig pagtatampo na tanong nito.
Natahimik siya sa tanong na iyon.
Si Jec ay kasama niya sa trabaho na nagtapat ng pag ibig sa kanya subalit hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay dito.
Naabutan ito minsan ni Owen ng sinundo siya nito sa opisina na may binigay na bulaklak sa kanya ang lalaki.
Buong akala niya nakalimutan na nito ang nangyari ngunit hindi pa pala.
Napabuntung hininga siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito at dinala sa kanyang pisngi.
"Bakla ako ,Owen,Ngunit marunong akong makuntento.Sinabi ni Jec na gusto niya ako subalit hanggang doon na lamang iyon.Pinagtapat ko sa kanya na may nobyo na ako at mahal na mahal ko at hindi ko kayang ipagpalit.Kaya huwag monang pagdudahan ang pagmamahal ko sayo dahil hanggang sa mamatay na ako ikaw pa rin ang mamahalin ko." Madamdamin niyang sabi at hinagkan ang kamay ng lalaki.
Lumiwanag ang mukha ni Owen at gumuhit sa mga labi nito ang matamis na ngiti.
"Talaga?Alam mo naman kung gaano kita kamahal.Natatakot lang ako baka maagaw ka ng iba sa akin."
"Huwag kang mag isip ng ganyan dahil hinding hindi mangyayari ang iniisip mo.I love you so much." Ang kanyang sabi.
"I love you even more." Ganti ni Owen at mabilis na naglapat ang kanilang mga labi.
Subalit biglang huminto ang kanilang sasakyan na kanilang ikinagulat.
"Anong nangyari?" Ang kanyang tanong.
Muling pinaandar ni Owen ang makina subalit umugong lamang iyon.
"Nagka aberya yata." Wika nito at lumabas ng sasakyan."Titingnan ko lang."
Naiwan sa loob si Ryle habang si Owen ay binuksan ang hood ng sasakyan.
"Nag over heat yata ang makina.May tubig kaba diyan?"
Agad kinuha ni Ryle ang isang bottled water at lumabas.
Binigay niya sa nobyo ang tubig .
"Kulang pa ito eh.Dito kalang,titingnan ko lang sa kabila baka may tubig doon."
Inililibot ni Ryle ang paningin sa paligid at nakita niya ang isang abandonadong gasolina station sa kabilang lane.
Umuusok pa ang makina ng mga sandaling iyon .
Tahimik ang paligid.
Makulimlim.
Walang dumadaang sasakyan at walang makakatulong sa kanila.
Nakita niya si Owen na patawid na ngunit bigla itong bumalik sa kanya.
"Oh akala koba tatawid ka?" Tanong niya subalit bigla na lamang siya nitong hinalikan sa labi.
"Huwag mong kalilimutan na mahal na mahal kita." Wika nito at mabilis na umalis.
Hindi siya makahuma dahil sa sinabi nito at ang biglaang kaba na nabuhay sa kanyang dibdib.
Nakita niya ang parang slow motion ang pagtawid ni Owen sa kabilang dako kasabay ang humaharurot na sasakyan na malakas ang musika at sigawan ng mga taong sakay.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang sasakyan na tuloy tuloy ang pagtakbo na parang hindi napapansin ang nobyo niya.
Parang walang pakialam ang mga taong lulan ng sasakyan na may taong tumawid.
Tumakbo siya ng mabilis patungo Kay Owen na noon ay tuloy tuloy sa pagtawid.
"Oweeeeeeennnnnn!!!!!" And kanyang nakabibinging sigaw.
Noon lang napansin ni Owen ang sasakyan at parang slow motion ang sunod na naganap.
Nabundol ang boyfriend niya at tumalsik ito sa kabilang dako.
"Owen!!Hindiiiiii!!!!!" Ang kanyang malakas na sigaw kasabay ang panlalambot ng kanyang mga tuhod.
Nanlaki ang kanyang mga mata kasabay ang pagdaloy ng ilang butil ng luha sa kanyang pisngi.
Nakabuka ang kanyang bibig ngunit wala ng boses ang lumabas doon.
Nakita niya kung paano nakahandusay si Owen sa gilid ng kalsada habang nagkalasog lasog ang katawan nito.
Ang sasakyan na nakabundol ay tuloy tuloy lang sa pag alis na parang walang nangyari.
Agad niyang nilapitan si Owen na naliligo ng sariling dugo at napansin niya ang pagkabali ng braso at mga binti nito.
Dilat ang mga mata ng nobyo niya na nakatingin pa sa kanya.
He's dead.
"Noooooooo!!!!!!Ang kanyang impit na sigaw.
" Help!Somebody help us!!!"Ang kanyang hinging tulong.
Kinandong niya ang pinakamamahal na nobyo at niyakap ito ng mahigpit.
Umiyak siya ng umiyak sa leeg nito.
"Owen..wake up please..diba sabi mo hindi mo ako iiwan...?Oweeennn!" Ang kanyang matinding panangis.
Ilang beses niyang niyugyog ang lalaki subalit lungayngay na ito.
Bumuhos na ang malakas na ulan kasabay ang pagdaloy ng dugo ni Owen.
Nawalan na ng boses si Ryle habang yakap yakap pa rin ang wala ng buhay niyang nobyo.
Tulala siya at hindi pa rin mapaniwalaan ang nangyari .
Animoy panaginip lamang ang lahat.
"Pagbabayaran ninyo ang ginawa ninyo sa boyfriend ko.Hahanapin ko kayong lahat at iisa isahin ko!" Puno ng poot na kanyang wika at muling humagulhol ng iyak.
Wala paring dumadaan na sasakyan sa mga sandaling iyon ni walang makakatulong sa kanila.
Nabuhayan ng loob si Ryle ng mapansin ang isang sasakyan na patungo sa kanya.
Itinaas niya ang kanyang kamay upang humingi ng tulong subalit nanlaki ang kanyang mga mata ng tuloy tuloy ito sa kinaroroonan niya at binundol siya .
Tumama ang ulo niya dahilan upang magdilim ang lahat sa kanya.








