Customize readability
Aa

HOMELESS LOVE

All Rights Reserved ©

Summary

Aerial fell in love with Alexis—a man who already had a wife and a child. He knew from the beginning that loving Alexis meant living in the shadows. Alexis promised that things would change. He promised that he would stop lying, stop cheating, and someday choose Aerial. But Alexis never changed. Every promise was followed by another lie. Every apology was followed by another betrayal. While Aerial kept holding on, Alexis kept returning to his wife, his family, and the other people he secretly loved. Aerial knew he deserved better, yet his heart refused to let go. How long can you love someone who keeps breaking you? And what happens when Aerial finally realizes that sometimes, loving someone means knowing when to walk away?

Genre
Lgbtq
Author
Lee Shaine
Status
Complete
Chapters
15
Rating
n/a
Age Rating
18+

Chapter 1




"OK,tatawagan kita as soon as maka alis na ako dito"

Binaba na niya ang kanyang cp matapos niyang makausap ang kaibigan na si Sandy. It's Friday night kaya magba bar hopping naman ang mga kaibigan niya.

Iyon ay nakasanayan na nilang gawin pangtanggal stress ayon pa ng mga Ito.Matapos niyang maligpit ang mga gamit ay dali dali niyang sinarhan ang coffee shop na siyang pinamamahalaan niya .Nakakapagod ang closing shift dahil siya ang gagawa ng sales report sa araw na ito. Magta taxi na lamang siya papunta Sa bar na kinaroroonan ng mga kaibigan.

Kung siya lang ang masusunod ayaw na niyang pumunta dun,mas gusto niyang umuwi na lang at magpahinga. Siya nga pala si Aerial shaine Navales, 20 years old at ipinanganak siyang may pusong babae. Pero hindi siya malandi,mayroon siyang sariling prinsipyo at simply lamang ang pagiging siya.

Nagvibrate ulit iyong phone niya at muli si Sandy ulit ang tumatawag.

"Nasan ka na ba? Ikaw na lang hinihintay'! Halos pasigaw na sabi ni Sandy dahil Sa ingay na kinaroroonan nito.Dinig niya ang malalakas na hiyawan ng mga Tao Sa paligid.

"Pwede bang skip muna ako tonight? Medyo napagod ako ngayon eh.Marami akong ginawang report.Bawi na lang ako Sa susunod."Gusto na niya talagang magpahinga.

" Ano ba yan Aerial.Sige na nga.ako na bahalang magsabi sa kanila ng lahat."

"Maraming salamat Sandy, kaya nga best friend kita eh.Basta bawi ako Sa susunod."

Matapos ang kanilang pag uusap ni Sandy ay nag-aabang na siya ng taxi upang makauwi na.

Gusto na niya talagang matulog.Akmang papara na sana siya ng taxi ng may biglang babae ang lumapit sa kanya.

"You must be Aerial right?"Napatingin siya dito ng banggitin ang kanyang pangalan. Tinitigan niya itong mabuti at sigurado siyang ngayon lang niya ito nakita. Malamig ang boses nito animoy may galit.

" Ako nga..and you are? " Ang kanyang tanong habang napapakunot noo.Nag iba agad ang expression nito at napataas ang kilay ng babae habang inaarok siya ng tingin.

"Kung maglalandi kalang naman make it sure na walang asawa at anak! Homewrecker!" Galit nitong sabi dahilan upang magpanting ang kanyang tenga.

"I m sorry?" Dumating na yata ang panahon na kinatatakutan niya .

"In case na hindi mo ako kilala.I'm Cynthia, Alexis wife ang taong kinakalantari mo!"

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa sinabi nito .Hindi siya makahuma at pakiwari niya ay pinagpawisan siya ng malamig.

" Oh my God..this is not happening.."

Nasabi ng kanyang utak dahil iyon ang kahuli hulihan niyang dalangin na magpang abot ang landas nila ng asawa ni Alexis.

"I don't know what you're talking about.I don't know you and everything you said."

Hindi niya inasahan na sa ganitong sandali pinagtagpo ang landas nila ni Cynthia.Ayaw niya ng gulo dahil alam niya mismo kung saan siya nakalugar sa buhay ni Alexis. Natatakot siya baka kung anupaman ang sasabihin ng babae sa kanya at hindi siya makakapag timpi.

"I know all along na kabit ka ng asawa ko! Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Bakla ka na nga may balak pang sirain ang pamilya ko!Layuan mo ang asawa ko! May anak na kami at huwag na huwag mong sirain ang pagsasama namin ni Alexis! Kung may hiya kapa at delikadesa natitira sa katawan mo layuan mo ang asawa ko!"

"Cynthia stop it! Don't make an scene here!"

Matigas niyang sabi sapagkat mayroon na ding mga tao sa paligid ang nakapansin sa kanila lalo pa at malakas ang boses ni Cynthia.

"Bakit dahil nahihiya ka? Na isa kang bakla na kabit ng asawa ko?Itigil Mo na ang ilusyon mo dahil walang sinuman ang magmamahal sayo! Lalo Hindi ang asawa ko!"

"I said enough!"Hindi na niya napigilan ang sarili na sumigaw.Sobra na ang pagpapahiya na ginawa ng Babaeng ito sa kanya at hinding hindi siya makakapayag na basta na lang siyang insultuhin at laitin sa harap ng maraming tao.

"Yes you're right! . Isa akong bakla na kabit ng asawa mo..Pero mahal niya ako.Ikaw mahal kaba niya? Hindi mo ba alam na pinakisamahan ka lang ni Alexis dahil Sa anak ninyo!" Nasabi ni Aerial dahil sa galit na umusbong narin sa kanyang dibdib.

"Hindi totoo yan! Mahal ako ng asawa ko at alam ko yon.Malandi ka lang talaga pinatulan ka niya! Hindi mo kailanman maibibigay sa kanya ang isang bagay na tanging ako lamang ang makapagbibigay! "

"Kung maka asawa ka akala mo pina kasalan ka niya. At sino ba sa atin ang mas malandi? sino ba ang nagpabuntis?"

"How dare you!"

Umigkas ang kamay nito upang sampalin siya ngunit maagap niya iyong nahawakan. Masyado ng umalpas ang kanyang pagtitimpi ngunit hindi niya pa rin nakalimutan na babae ang nasa kanyang harapan .

"Mag ingat ka sa mga galaw mo! Baka ibalik ko sayo ang sampal mo!"

" Hindi pa tayo tapos.What mine is mine alone!"

Sabi nito at umalis na.Naiwan siyang nanghihina at pakiwari niya anumang sandali ay bibigay ang kanyang mga tuhod ko. Labis niyang hindi inaasahan ang nangyari .Nasubok ang kanyang pagtitimpi kaya nasabi niya ang lahat ng bagay na iyon Kay Cynthia.Hindi na siya magtataka na anumang sandali ay susugod si Alexis sa kanyang condo.

When Aerial's got home hindi parin siya mapakali. He didn't know what he's going to say if Alexis confront him .Alam niya anumang sandali lilitaw dun ang lalake.

Sa ngayon ay niya ko alam kung ano ang sasabihin niya kay Alexis. Hindi niya alam Kung paano magpaliwanag sa lalaki sapagkat sa huli siya parin ang may kasalanan sa nangyari. Palagi na lang siya.

Agad niyang tinawagan si Sandy at sinabi niya dito ang lahat ng nangyari.

"Ano ang pinag alala mo? Eh Sabihin mo na inaway ka ng gf niya at pinahiya ka Sa maraming Tao,alangan naman tutunganga ka lang diba?"Sabi ni Sandy.

Napaisip siya sa sinabi nito.Maintindihan kaya siya ni Alexis ngayong may usapan sila? Ayaw nito ng gulo at ganun din naman siya ngunit naipit siya sa sitwasyun kanina kaya napatulan niya ang iskandalusang babaeng iyon. Tao din siya at nawawalan pasensiya at ng pagtitimpi.

Pero kung sana iniwasan niya na lang ang tagpong iyon ngunit huli na ang lahat.

Nangyari na.

Sa walong taong pagsasama nila ni Alexis ngayon pa nangyari ang ganito.

Dahil alam niya ang lugar sa buhay ng lalaki at natuto niyang tanggapin ang mga consequences sa sitwasyong pinasok niya dahil iyon ang gusto niya. Pinili niya ang ganitong buhay dahil nagmamahal lamang siya ng totoo. Masakit,oo,dahil mayroon siyang kahati sa pagmamahal nito at tinganggap niya iyon dahil mahal niya si Alexis.

"Hey,are you still there?"Napapitlag siya ng marinig ang boses ni Sandy na kausap niya pala sa telepono.

"Yeah..I'm listening."

"Basta ipaliwanag mo lang sa kanya ang nangyari. Siguro magagalit siya pero maintindihan ka rin.Pag galit talaga at ayaw ka niyang pakinggan..well it's time to make a choice."

Nakahiga na siya sa kanyang kama ngunit nasa isip niya pa rin ang huling sinabi ni Sandy. Malinaw Sa kanya Kung ano ang ibig nitong sabihin. Kaya ba niyang mawala si Alexis sa buhay niya?

Hindi niya alam ang sagot.

Mahirap.

11:30 pm nang tumunog ang kanyang cellphone. Nag atubili siyang sagutin ang tawag ng makita niya ang pangalan nito sa screen.

ALEXIS CALLING......

Ngunit kailangan niya iyon sagutin.Kailangan nilang mag usap upang malaman niya Kung ano naman ang mga salitang hinabi ni Cynthia na iyon.

"Hello.."Sagot ko.

"I'm here outside your condo.Lumabas ka at mag usap tayo."Walang emosyon na sabi nito.Walang galit bagkus ay para itong pagod.Kinabahan siyang lumabas at nakita niya itong nakasandal sa motor .Nakayuko habang nakapamulsa ang dalawang kamay.Nakasuot pa Ito ng black suit indikasyon na kagagaling pa lang nito Sa trabaho.

Magsalita na sana siya ng salubungin siya nito ng mga nagtatanong na mga tingin.Nahalata niyang pagod ito.

"What have you done?"May diin na sabi nito. Alam niya iyon na ang simula.

Im so sorry-"

"Sorry?ganun na lamang ba kadali iyon? sorry?!Nag usap na tayo dahil ayaw ko ng gulo pero anong ginawa mo? Nakipag away ka pa rin sa kanya!"Galit na sabi nito.Gusto niyang umiyak dahil sa nakikitang galit Sa mukha nito.

"Sabi ko sayo ayaw ko ng gulo! Pagod na pagod na ako sa kaaway namin."

"Ayaw ko rin naman ng gulo."Ang kanyang sabi. "Ginawa at sinunod ko naman lahat ng sinabi mo."

"Iyon naman pala sana hindi mo pinatulan!"

"What?! Anong gusto mong gawin ko? Ang tatayo na lang dun habang ipinapahiya,iniinsulto at nilalait ng girlfriend mo ganun?"

"Why not?!Kung hindi ka nagsalita pa sana hindi na lumaki ang gulo."

"So di baleng ako ang mapahiya huwag lang ang girlfriend mong nagsimula ng lahat! Kung pagod ka , pagod narin ako. There's no use of explaining everything to you kasi in the end ako na naman ang may kasalanan! Bakit hindi ang girlfriend mo ang pagalitan mo? Bakit ako nalang palagi? So ako na naman ang iintindi?"Umalpas na ang galit sa kanyang dibdib dahil sa sinabi nito.

"Shaine alam mo naman na ayaw ko lang na ilayo ni Cynthia sakin ang anak ko. Gusto Kong maintindihan mo iyon."

"Ilang beses paba akong iintindi sayo, Alexis? Ako na lang ba palagi ang mag aadjust?Kahit kasalanan ng gf mo ako pa rin ang sinisisi mo.Pagod na rin ako Alexis..pagod na pagod."Hindi niya napigilan ang kanyang mga luha na kusa na lang namalisbis sa kanyang pisngi.

"Shaine please..I didn't mean that way..please don't cry.Gusto ko Lang na maiwasan natin ang gulo.Gusto kong magkaroon tayo ng maayos na relasyon.Mahal kita." Sabi nito na sa mga sandaling iyon ay malumanay na ang boses. Waring napawi na ang galit nito ng makita siyang umiiyak.

"For 8 years sa tingin mo ba nangyaring nagkaroon tayo ng isang maayos na relasyon?Sarili mo lang ang iniisip mo. Kahit kasalanan ng girlfriend mo ako pa rin ang pagbuntunan ng sisi sa huli .Nagpakumbaba na ako Alexis. Lumugar sa kung saan ako nararapat. Kailanman wala kang demand o complain narinig mula sa akin, dahil alam ko kung ano ako ,at tanggap ko kung anong mga bagay ang hindi ko maibigay sayo. Kahit anong demand mo OK lang kahit hindi na bukal sa loob ko. Pero hindi ibig sabihin na wala kang naririnig mula sa akin ay OK lang, nasasaktan din ako."Hindi na niya napigilan ang hagulgol na umalpas sa kanyang bibig.

"Isusumbat mo na naman ba ang mga nagawa ko sayo dati?I thought we're done about it?"Tanong nito sa kanya na muling tumaas ang boses.

"Hindi ko alam eh kung saan ba ako nakalugar sa buhay mo.Kung totoo bang mahal mo ako."

Marahang lumapit si Alexis at hinawakan ang dalawa niyang kamay habang tinititigan siya sa mga mata.

Nakaguhit Sa mga mata nimo ang pagsusumamo at pakikiusap.

"Huwag mong pagdudahan ang pagmamahal ko sayo Shaine dahil totoong mahal kita.At alam mo mismo kung saan ka nakalugar sa buhay ko."

"Pero hndi ko iyon mahanap Alexis. Hindi ko mahagilap diyan sa puso mo ang lugar ko. "

"I love you okey? Akala ko ba napag usapan na natin Ito.?"

"You love me but you love her even more."Bahagyang pumiyok ang kanyang boses ng sabihin iyon.Hindi siya ganun ka tanga upang hindi maramdaman kung ano ang totoong nasa loob nito. Nagmahal siya oo pero hindi siya manhid sa katotohanan.

"Shaine look..huwag mong ikumpara ang pagmamahal ko sayo at sa kanya dahil-"

"Dahil pareho mo kaming mahal."Agaw niya sa sasabihin nito." Kaya sa akin ka lumalapit tuwing mag aaway kayo dahil ako ang taga pawi sa sakit na nararamdaman mo diba?."Ayaw mapigil sa pagtulo ang kanyang mga luha sa mga sandaling iyon marahil dahil sa sakit na kanyang nararamdaman .

Masakit.

Nakakapaknit ng puso.

"Shaine no..hindi totoo yan..mahal kita..alam mo iyan mismo..Hindi kita ginamit lang..Hindi ka taga pawi sa sakit na nararamdaman ko..dahil Mahal kita..sobra."

Binalak siya nitong yakapin ngunit umiwas siya.

"No, naisip ko Lang na baka wala talagang lugar ang relasyon natin.Baka tama ang asawa mo , panira Lang ako ng pamilya."

"Shaine ano bang sinasabi mo? Hindi ka panira ng pamilya. At hindi ko siya asawa."May galit sa boses ni Alexis ng sabihin iyon.

"But you are committed with her. You can't have me while you still have her." Kelan kaya darating ang panahon na wala siyang ibang kaagaw sa lalaki.

"Pero ikaw ang una sa buhay ko , and please don't worry about her, I can handle her myself.At huwag mong ipilit sa akin ang isang bagay na ayaw kong gawin."Matigas na sabi ni Alexis waring nauunawaan kung saan patungo ang pag uusap na iyon.

"But I think it's the best thing that we can do right now, to give ourselves a space."Nahihirapan niyang sabihin iyon ngunit sa tingin niya iyon ang makabubuti para sa kanilang dalawa.

"Are you breaking up with me?!" Galit na wika nito."So ganun na lamang iyon?!

Napatiim bagang ito at naikuyom ang dalawang kamao.

" I'm fucking gay Alexis!Hindi mo ba nakikita yon?!"

Gusto niyang makita nito ang totoo baka sakaling nabulagan lamang ito kung bakit isang katulad niya ang minahal nito.

"So what?! I don't care what might people say!ang mahalaga mahal kita at kailangan kita. I'm here para pag usapan natin ang ang pagtagpo ninyo ni Cynthia at hindi ang anupaman. Please tell me that you're not breaking up with me.?"

Alexis begged ngunit buo na ang desisyon niya .

Kahit Masakit.

"I'm so sorry but this is for the best. Masyadong magulo na ang relasyong ito at pagod narin ako. I'm so sorry but it's over." Hindi iyon madali para sa kanya. Sa walong taon nilang pagsasama ay hindi niya iyon basta basta maitatapon . Subalit sa ngayon iyon ang nakabubuti, na maghiwalay na muna sila for peace.

Tatalikod na sana siya upang maitago dito ang kanyang mga luha nagsimulang naglabasan sa kanyang mga mata. Ngunit mahigpit siya nitong niyakap mula sa likuran.

"Shaine please don't do this to me..I love you so much..please? Don't break up with me. I don't see myself without you. Please I'm begging you."

He was crying as he beg upang bawiin niya ang kanyang sinabi.

But he said it all.

Wala ng bawian.

Pinilit niyang tanggalin ang mga kamay nitong nakapulupot sa kanyang baywang. Nang magawa niya ay walang lingon likod na iniwan niya ito habang tinatawag ang kanyang pangalan. Mistulang gripo ng tubig ang kanyang mga luha na patuloy sa pag agos sa mga sandaling iyon.

Let Lee Shaine know what you thought about this chapter!
Love this

0

Love this

Funny

0

Funny

Spicy

0

Spicy

Suspenseful

0

Suspenseful

Emotional

0

Emotional

Profound

0

Profound

Heartwarming

0

Heartwarming

Shocking

0

Shocking

Good Writing

0

Good Writing

Compelling Plot

0

Compelling Plot

Great Character

0

Great Character

Strong Dialog

0

Strong Dialog

Further Recommendations

Club Rogue

ElanMartin: Eugh... I loved Sloane and ruxe, a strong woman and a man who learns from his mistakes. Great story, I really enjoyed it.

Read Now
Y.O.L.O (bxb)

Iva: This work really caught my attention! I am dying to share my thoughts related to this work with you!

Read Now
My Mother's Lover - An Omegaverse Story

Rae Smith : I feel this was the perfect ending to the story, it would have been unfair to Aster to be forced to live on after such an intense and deeply devoted love. Leaving the world together hand in hand is the most poetic ending. And yes I had a really good cry both sad and happy tears x

Read Now
Milky Treasures on a Healing Love

Booklover_rdx: A different but good story. Basically a love story with a twist- i enjoyed every word of it

Read Now
The Fated Forest

hilde depla: Loved it, wished it was longer.

Read Now
Yours Anyways

Ania: Perfectly written ❤️

Read Now
Rowdy || Reverse Harem

Evelien: Interesting story, Great charactersOnly thing I would like to a bit less is the thoughts in Emersyn head. I know its part of her character but its too long and often

Read Now
Beneath His Rule 🔞 (Beneath His Rule #1) MxM Romance

Ania: Perfect story,complicated.I was holding my breath,action was do rasy and suprising ending,Bravo!!

Read Now
CALCULATED OBSESSION

Sruthi: I like this book do muchIt is the best book so far I am readingI love the characters

Read Now