Customize readability
Aa

TASTE OF GOODBYE

All Rights Reserved ©

Summary

Sleigh never expected to fall in love with Herojie-a man whose heart was still trapped in the memories of the woman who broke it. Herojie was heartbroken, unable to move on from his wife and the love they once shared. He wasn't ready to love again, and Sleigh knew that from the beginning. But Sleigh stayed. He stayed through the tears, the silence, and the moments when Herojie pushed him away. He never asked Herojie to forget his past. He only wanted to be there, hoping that someday, Herojie would realize that someone had been loving him patiently all along. But how long can Sleigh wait for a heart that still belongs to someone else? Sometimes, loving someone means staying beside them-even when you know they may never choose you.

Genre
Lgbtq
Author
Lee Shaine
Status
14d ago
Chapters
6
Rating
n/a
Age Rating
16+

Chapter 1


Napakatahimik sa loob ng sasakyan na Hindi naman usial na nangyayari. Napapasilyap si Sleigh sa boyfriend niyang nagmamaneho.

Tahimik lang si Clark habang nakatuon ang paningin sa daan.

Ayaw niyang pabulaanan ang ganung pananahimik ni Clark sapagkat dalawang linggo na itong tahimik at parang balisa.

Hinuha niyang may nais itong sabihin subalit Hindi lamang nito maisasabibig.

Tatlong taon din silang magkasama at habang tumatagal ay napapansin niya ang panlalamig na pakikitungo nito sa kanya.

Ayaw niyang isipin ang mga posibilidad na mga dahilan ngunit kailangan niyang malaman ang saloobin nito lalong lalo na patungkol sa kanilang relasyon.

Nakaramdam ng kaba si Sleigh habang pinagmasdan si Clark na Hindi man lang tumitingin sa kanya .

Hindi rin siya nito kinakausap at dinig niya ang malalim nitong paghinga.

Hindi siya makakatiis sa ganung sitwasyon niya.

Alam niyang meron siyang dapat linawin at malaman.

"Stop the car." Ang kanyang wika. Napatingin ito sa kanya habang napapakunot noo.

"Why?Kailangan natin makarating sa bahay dahil nagbabadya ang malakas na ulan." Sabi nito at muling nakatuon ang paningin sa daan.

"Hindi tayo uuwi hanggang sa hindi mo sabihin sa akin kung bakit ka ganyan." He insisted.

"Ano bang pinagsasabi mo?" Iritable nitong sagot.

"Stop the car and let's talk." Ang matigas niyang sabi.

"Fine!" Inihinto ni Clark ang sasakyan sa gilid ng daan."Now what?!"

Napabuntung hininga si Sleigh at buong tapang na nakikipagtitigan sa nobyo.

"I think may nais kang sabihin sa akin.Now do it." Sabi niya sa gitna ng kanyang kaba.

Hindi siya tanga upang hindi malaman na meron na itong iba.

"Ano bang pinagsasabi mo?Wala akong sasabihin sayo.Let's go home." Sabi nito at akmang bubuhayin ang makina ngunit pinigilan niya.

"We are not going anywhere. We're not going home at walang patutunguhan ang relasyon natin if we keep lying to each other.Please stop feeding me lies,Clark.Sabihin mo sa akin kung ano ang totoong laman ng dibdib mo."Ang kanyang matigas na wika.

He's trying to maintain his composure kahit na totoo nais nang bumalong ang kanyang mga luha.

Kailangan niyang malaman kung mahal paba siya nito upang malaman niya kung saan ilulugar ang kanyang sarili.

" Sleigh ano bang pinagsasabi mo?Alam mo praning ka na."Sabi nito napailing iling.

"Kapraningan parin ba iyong panlalamig mo sa akin?Don't tell me iyong naririnig kitang may kausap sa phone mo every night ay panaginip kolang..?How about iyong madalas mong paglabas na hindi mo ako kasama ?You told me may lakad kayo ng bestfriend mong si Andrei but nung nagkita kami he told me na wala kayong usapan.I'm not just someone, Clark.You're my boyfriend kaya deserve ko malaman kung ako paba ang laman ng puso mo.Mahal mo paba ako?" Hindi nakahuma si Clark matapos marinig ang sinabi niya.

Yumuko ito at naikamot ang mga kamay sa batok.

Sa ganung pananahimik nito ay alam na ni Sleigh ang kasagutan.

Ibinaling niya ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan habang pinipigilan ang pagdaloy ng kanyang emosyon.

"I'm so sorry." Mahinang sabi ni Clark.Napapikit siya .Alam na niya kung ano ang sasabihin nito.

"For our three years together minahal kita at naging masaya ako sayo.I want to tell you that I've met someone pero natatakot ako kasi ayaw kitang saktan."He explained.

" Kung ayaw mo akong saktan sana kahit konting pagpigil sa sarili mo ginawa mo.Sana naman hindi mo hinuhubad ang respito at loyalty mo.Kasi kung totoo mo akong mahal you'll never be tempted!"Napataas ang boses niya.

"Tao lang ako,Sleigh.Hindi ko napigilan ang mahulog ang sarili ko sa kanya."

Parang sugat na nilagyan ng asin ng marinig ang sinabi nito.

"So mahal Mona siya.Ako?Ako Clark?Saan na ako nakalagay diyan sa puso?" Unti unti ng bumabagsak ang pader na ginawa niyang pangharang upang ikubli ang kanyang nararamdaman.

Matagal bago sumagot si Clark.

Nakikita niya sa mga mata nito na ayaw siya nitong saktan.

Dinig niya ang paghinga nito ng malalim habang dahan dahan nitong kinuha ang kanyang mga kamay.

Tinitigan siya nito sa mga mata.

"Patawarin mo ako,Sleigh.Hindi ko napigilan ang sarili ko na mahalin siya ,at hindi ko rin sinasadya kung nawala iyong pagmamahal ko sayo." It was the final twist of the pain.

Dahan dahan niyang binawi ang kanyang mga kamay at binuksan ang sasakyan.

Tuloy tuloy siyang lumabas at buong pwersa na isinara ang pintuan.

He needs to gasp for air dahil pakiwari niya nahihirapan siyang huminga.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagdaloy din ng kanyang mga luha.

Masyadong masakit sa puso ang mga ipinagtapat ni Clark.

Alam niyang iyon ang mga nais niyang marinig subalit masydo palang masakit kapag malaman ang totoo.

Dahan dahan siyang naglalakad habang patuloy ang pagbagsak ng ulan.

Sumasabay ang panahon sa sakit na kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon.

"Sleigh wait!" Habol ni Clark ngunit Hindi na siya lumilingon subalit naabutan siya nito at hinawakan sa braso.

"Just leave me alone please!" Ang kanyang pakiusap.Pilit niyang binabawi ang kanyang braso subalit mahigpit nito iyong hawak habang pilit siya nitong pinapaharap dito.

"Ihahatid kita sa bahay ninyo baka ano pa ang maisip mong gawin."

"No!Kung concern ka pala sakin sana hindi mo ako nagawang lukuhin.Bakla din ba siya?You tell me!" Sigaw niya dito.

Hindi na niya kayang magpanggap na okey siya dahil pakiramdam niya unti unti siyang pinapatay sa sakit na kanyang nararamdaman.

Marahang tumango si Clark sa tanong niya.

"Bakit?Bakit Clark?Ano bang pinagkaiba namin dalawa?Ano bang kulang sakin at nagawa mo akong palitan?Saan ?I did everything at minahal kita higit pa sa buhay ko..why Clark?Why!" At sa mga oras na iyon ay tuluyan na siyang napahagulgol.

Mahigpit siyang niyakap ng lalaki kaya umiyak na lamang siya sa mga balikat nito.

"Saan ba ako nagkulang?Saan ba ako nagkamali?" Patuloy siya sa pag iyak.

"It's not you.Ako ang may kasalanan.Don't blame yourself kasi wala kang pagkukulang sa akin.I'm so sorry." Hindi rin napigilan ni Clark ang pag iyak dahil alam din nito mismo kung gaano niya ito kamahal.

Ilang minuto din silang nagyakapan sa gitna ng malakas ng ulan.

Alam ni Sleigh na iyon na ang huling sandali na mayakap niya si Clark.

Masakit sa kanya ang bitawan ito ngunit mas masakit kung patuloy siyang kakapit kahit hindi na siya nito mahal.

Kahit mahirap at masakit sa kanya ang palayain ito ay kailangan.

Dahan dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap sa lalaki at marahan na hinaplos ang pisngi nito.

"Kung siya ang makakapagpaligaya sayo..pinapalaya na kita." Ang kanyang sabi."Paalam,Clark.

Unti unti niyang nilapit ang kanyang mukha sa lalaki at hinalikan ito sa mga labi.

The Taste Of Goodbye.

Matapos ang isang matagal na halik ay tumalikod na siya at muli pang naglandas ang kanyang mga luha sa pisngi.

"Makakakita Karin ng lalaking mamahalin ka ng buong buo na Hindi ka sasaktan.I'm so sorry kung hindi ako ang lalaking iyon." Sabi ni Clark subalit hindi na siya lumilingon at tuloy tuloy na sa pag alis.

"Let's cheers!Cheers!" Lasing na lasing na si Sleigh ngunit wala parin siyang balak umuwi.Nasa isang bar siya sa mga sandaling iyon at pinagtitinginan na ng ibang naroon ngunit wala siyang pakialam.

Nasa bar counter siya at nababahala na si Rence na siyang bartender na naroon na kapwa nila kaibigan ni Clark.

"May problema kaba,Sleigh? Baka hindi kana makakauwi niyan at hinahanap kana ni Clark." Sabi ni Rence ngunit tumawa lamang siya.

Tawa na puno ng pait.

"Ako hahanapin niya?Are you kidding me? Kung mahalaga ako sa kanya hindi siya maghahanap ng iba. Just let me Rence gusto maghahanap ng iba.Just let me,Rence,gusto kolang maging masaya kahit ngayong gabi lang.Gusto ko munang takasan ang mundo ko na puno ng sakit." Bumalong ang kanyang mga luha ngunit agad niya iyong pinahiran.

"Oh please.No more tears tonight.Gusto Kong maging masaya sa gabing ito dahil bukas haharapin kona ang katotohanan na ipinagpalit na niya ako sa iba." Sabi niya at itinaas ang kanyang hawak na glass.

"Let's cheers kasi iniwan na niya ako.Sana alak nalang iyong minahal ko.Kasi kahit anong mangyayari hindi ito magbabago,kung ano ang lasa nito ay hindi parin iyon magbabago.So cheers!" Wika niya at bigla na lang tumawa.

Napapailing na lamang si Rence bagkus ay nuunawaan niya ang nararamdaman ni Sleigh.

Alam niyang may nangyayari sa pagitan nito at ni Clark ,anuman iyon ang dalawa pa rin ang makakapag ayos sa problema ng mga ito.

"Sasayaw lang ako.Please do me a favor..don't text them.Ngayon lang to.Gusto kolang ipapalabas ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib." Ngumiti si Sleigh at tinahak na ang dance floor kung Saan maraming kalalakihan ang nagsasayaw.

Ayaw ni Sleigh na ipaalam sa mga kaibigan ang nangyari dahil siya lang ang makatutulong sa sarili niya sa mga sandaling iyon.

Nagtuloy tuloy siya sa dance floor ngunit isang lalaki ang nabangga niya dahilan upang matapon dito ang hawak niyang inumin.

"Ooopsss!!!!I'm so sorry." Ang kanyang sabi habang umiikot ang kanyang paningin.

Maraming tao na nagsasayaw at mga lasing na kaya wala nang pakialam ang mga ito. Mas lalo siyang napadikit sa lalaking nabangga niya.

"No it's okay." Narinig niyang sabi nito.Lasing man ngunit napansin niya parin na parang malungkot ang boses ng lalaki.

Tinitigan niya ito at kahit sa lasing niyang paningin ay nakikita niya ang namumungay na mga mata na parang may nais sabihin .

"May lalaki pa kayang magmamahal sa akin kahit bakla ako?Iyong lalaking tatanggapin ako ng buong buo at hindi ako sasaktan?" Bigla niyang tanong.

Hinawakan ng lalaki ang kanyang beywang na parang tunay siyang babae at nagsimula silang sumayaw.

"Hindi naman mahalaga kung anong kasarian meron ka.Ang pag ibig ay kusang dumarating at tatamaan ang kahit na sino.Wala itong pinipiling tao,edad o istado sa buhay.Kapag swerteng tatamaan ka ng pag-ibig,titibok ang puso mo sa anong klaseng tao.Dahil ang pag ibig ay pagtanggap din." Mahabang sabi nito.

"Natagpuan ko na sana siya eh,kaso hindi pa pala siya ang taong para sa akin." Sabi niya at nagsimula ng umiyak.

"Isa din yun sa mga proseso ng pag ibig.Minsan kailangan mong masaktan,magparaya at magsakripisyo upang matagpuan mo ang taong nararapat sayo."

"Hindi moba alam na parang pinapatay ako sa sakit?Kasi minahal ko siya ng buo.Sana pala nagtira ako sa sarili ko." Mapait niyang sabi.

"Hindi lang ikaw ang nakakaranas ng ganyan.Hayaan mong pawiin ko ang sakit na nararamdaman mo.I have a place, wanna go with me?" Mapang akit nitong sabi.

Lasing man ang nakikipagtitigan siya dito.

"Kung may jowa ka huwag mong gawin ito.Kailangan marunong kang makuntento."

"Wala akong girlfriend. I'm single and ready to be with you tonight." Kumindat pa ito sa kanya.

Napatawa siya dahil sa inaakto nito.

Napaisip siya.

Kung sasama siya sa lalaking ito ay walang masama sapagkat single na siya simula ngayon.

SINGLE.

At magagawa niya ang lahat ng nais niyang gawin.

"Sure,I'll go with you." Naging malapad ang ngiti ng lalaki."Let's go." Hinawakan nito ang kanyang kamay at iginiya siya papalabas ng bar.

Hindi nakaligtas Kay Rence ang pagsama niya sa isang lalaki at nasa mukha nito ang pag alala.

Akay akay si Sleigh ng lalaki na kahit sa mga sandaling iyon ay hindi niya parin kilala.

May mga binubulong ito sa kanya dahilan upang maramdaman niya ang mga munting paru paro nagliparan sa kanyang puson.

Nasa labas na sila ng bar at patungo na sa sasakyan ng lalaki na may biglang lumapit sa kanila.

Isang babaeng buntis na galit na galit.

"Anong ibig sabihin nito?!You cheated on me?!" Nanlaki ang mata na wika ng Babae.

Nagulat din ang lalaki ng makita ang babae.

Hindi nakapagsalita.

"Sinasabi ko nanga ba may kabet ka! Ang kapal ng pagmumukha mo!Hayop ka!Hayop!" Sinugod nito ang lalaki at pinaghahampas.

"Lorry stop it!Its not what you think?!" Wika ng lalaki habang pinipigilan ang mga kamay ng babae.

Nakatayo lamang doon si Sleigh parang hindi naiintindihan ang nangyayari dahil sa kalasingan.

"No!Bakit may kasama kang iba at may pabulong bulong kapa sa tenga niya!Huwag mo akong gawing tanga!Magkakaanak na tayo!Hayop ka talaga!At isang tulad pa nito ang ipagpalit mo sa akin?!" Marami na ang nakapansin dahil sa laki ng bibig ng babaeng ito.

Let Lee Shaine know what you thought about this chapter!
Love this

0

Love this

Funny

0

Funny

Spicy

0

Spicy

Suspenseful

0

Suspenseful

Emotional

0

Emotional

Profound

0

Profound

Heartwarming

0

Heartwarming

Shocking

0

Shocking

Good Writing

0

Good Writing

Compelling Plot

0

Compelling Plot

Great Character

0

Great Character

Strong Dialog

0

Strong Dialog

Further Recommendations

Club Rogue

ElanMartin: Eugh... I loved Sloane and ruxe, a strong woman and a man who learns from his mistakes. Great story, I really enjoyed it.

Read Now
Y.O.L.O (bxb)

Iva: This work really caught my attention! I am dying to share my thoughts related to this work with you!

Read Now
My Mother's Lover - An Omegaverse Story

Rae Smith : I feel this was the perfect ending to the story, it would have been unfair to Aster to be forced to live on after such an intense and deeply devoted love. Leaving the world together hand in hand is the most poetic ending. And yes I had a really good cry both sad and happy tears x

Read Now
Milky Treasures on a Healing Love

Booklover_rdx: A different but good story. Basically a love story with a twist- i enjoyed every word of it

Read Now
The Fated Forest

hilde depla: Loved it, wished it was longer.

Read Now
Yours Anyways

Ania: Perfectly written ❤️

Read Now
Rowdy || Reverse Harem

Evelien: Interesting story, Great charactersOnly thing I would like to a bit less is the thoughts in Emersyn head. I know its part of her character but its too long and often

Read Now
Beneath His Rule 🔞 (Beneath His Rule #1) MxM Romance

Ania: Perfect story,complicated.I was holding my breath,action was do rasy and suprising ending,Bravo!!

Read Now
CALCULATED OBSESSION

Sruthi: I like this book do muchIt is the best book so far I am readingI love the characters

Read Now