Chapter 1
"Hello? Parang may kausap ka yata diyan.Sino bang bisita mo?"I heard my bestfriend Morrison said.I wonder kung bakit nasabi niya ang bagay na iyon when im actually alone in my room.
"Ano bang sinasabi mo.Ako lang kaya mag isa dito."I told him.
"Naku beshy huh.Natuto kanang maglihim sa akin.Now tell me,nandyan ba si Junjie?"Manliligaw ko ang sinasabi niya.Gusto niyang matawa.Ano na naman kaya ang gagawin ni Junjie sa apartment ko?
"Wala nga akong kasama dito eh.Im all alone."
"But i heard someone calling your name.If im not mistaken parang galing sa kusina eh.Boses lalake."Napakunot noo ako habang napatingin sa labas ng silid.My door is open.Imposible ang sinabi ni Morrison dahil ako lang mag isa doon.Baka naman boses ng kapitbahay ko ang narinig niya?But its already ten pm nang masulyapan ko ang wall clock at wala akong narinig ng kung anuman ang ingay.Hindi ko maiwasan na
matakot.Just recently lang ay palagi kong maramdaman na hindi ako nag iisa.Na parang may nagmamtayag sa akin.Tumayo ako sa kama at sinara ang pintuan na nakabukas.
"Sigurado ka ba talagang ikaw lang mag isa diyan?Alam mo kinakabahan ako huh."Sabi ng kaibigan.
"Promise wala akong kasama dito.Baka guni guni mo lang yan.Sige matulog ka na."Nagpaalam na ako sa kanya.Ayaw kong mag isip ng kung ano ano dahil mag isa lang ako sa kwarto ko.Hindi gaya dati na dalawa kaming natutulog doon habang magkayakap.Agad kong iwinaglit sa isipan ko ang ganung alaala.That was five years ago at kung pwede ay ayaw ko ng balikan pa ang nakalipas .
Nagdudulot parin iyon ng sakit sa puso ko.
Napansin kong naka bukas pa pala ang bintana kaya akmang sasarhan kona sana when i feel the cold wind pumasok sa aking silid.Parang may nakayakap sa akin.Hindi ko maiwasan matakot at nanindig balahibo ko ng maramdaman kong kakaiba ang
lamig.Agad kong isinara ang bintana at sumampa na sa aking kama.
Just when im about to turn off the lamp nang mapansin ko ang isang larawan na nakapatong katabi ng lampshade ko.It was me ang him together. Pareho kaming nakangiti doon.But sa pagka alala ko ay itinago kona iyon at sa kung anong kadahilanan ay nakapatong na iyon sa tokador ko.?
Baka nakalimutan ko lang siguro.Itinabi kona ang frame at pinatay na ang ilaw.A few minutes later ay nakatulog na ako.
.I promise to come back.
Just wait for me and you will never be alone..
I promise
I promise
I promise
Napabalikwas ako ng bangon ng muli ko siyang napanaginipan.Paulit ulit
ko siyang napanaginipan.Paulit ulit niyang sinasabi na babalik siya.Hindi parin ako tuluyang makalimot dahil kahit sa panaginip ko ay binabalikan niya ako.Naramdaman ko na umuulan pala sa labas at kumukidlat.Tiningnan ko ang orasan malapit sa higaan ko.Its already 3 in the morning.Muling kumidlat at nagliwanag ang aking buong silid.Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang bulto na nakatayo sa aking paanan.I saw his face habang nakatitig sa akin.Dali kong binuksan ang ilaw but i saw nothing.
Pinagpawisan ako. Hindi ko alam ngunit parang nakita ko talaga siya habang nakatingin sa akin.Parang hindi malikmata ang lahat.Napapikit ako.
" Its not true. Mina malikmata nalang."
He's already dead at imposibleng makita ko siya.
Matagal na simula ng mawala siya at kailangan ko na rin magpatuloy sa buhay.
Hindi na agad ako makatulog at gising ang diwa ko.Ngayon lang ako minamalikmata
simula ng mamatay siya.Parang nagpapahiwatig ng kung ano.Bukas na bukas din ay dadalaw ako sa puntod.
Kinaumagahan ay agad kong tinawagan si Morrison dahil magpapasama ako sa kanya. Matagal na rin kasi simula ng huli kong madalaw ang puntod ng namayapa kong nobyo.Matapos kung mag agahan ay agad na akong umalis.
Nasa labas na ako ng gate nang makita ko si Aling Celia na nagwawalis. Katiwala ng kapit bahay ko.
"Magandang umaga po Aling Celia .Umuwi po ba si Prince kagabi?"Tukoy ko sa alaga niya na naging kaibigan ko narin.Magkasing edad lang kami ni Prince ngunit madalang ito kung umuwi dahil kadalasan sa bahay ng girlfriend ito umuuwi.
Baka kasi totoo ang sinabi ni Morrison na may narinig siyang boses lalake kagabi habang magkausap kami.Tanging si Prince lang kasi ang binatang kapit bahay ko dahil ang iba kundi may asawa ay mga matanda na.
"Naku.Hindi nauwi ang batang iyon kagabi.Malamang doon na naman siya sa girlfriend niya nagpalipas ng gabi."
"Ah sige po."Ngumiti ako sa kanya at nagpaalam na.
"Arris.May kasama ka ba kagabi? "Napahinto ako at napalingon.
"Bakit ho?"Nagtataka kong tanong. "Wala po akong kasama."
"Sigurado ka?Huwag mo sanang mamasamain ang tanong ko.Alam ko naman na wala ka talagang dinadala diyan simula ng mamatay si-"
"May nakita ho ba kayo?"Putol ko sa sasabihin niya.Dahil ayaw kong mabanggit ang pangalan niyang matagal ko narin hindi naririnig.
"May nakita kasi ako kagabi na may kasama ka sa kwarto mo.Nakabukas ang bintana kaya nakita ko sa pamamagitan ng ilaw sa silid mo.Magkayakap kayo."Hindi ko alam ngunit parang kinabahan ako sa sinabi niya.Ngunit wala akong kasama kagabi at imposible kung mayroon nga siyang nakita.
But i remember the cold wind na parang yumakap sa akin at ang nakita ko kagabi.Ayaw kong paniwalaan ang sinabi ni Aleng Celia dahil malabo na rin ang mga mata niya.
Minamalikmata lang ako.
Nang makarating kami ni Morrison sa cemetery ay agad akong nagsindi ng kandila at inilagay sa ibabaw ng lapida.Willcharl Sanchez.Iyon ang nakasulat doon.Alam na ni Morrison ang gagawin ko kaya nagpaalam siya saglit.
Napabuntong hininga ako.Hindi ko kailanman malimutan ang isang tao na naging bahagi ng buhay ko.Ang taong nagmahal sa akin ng buo.
Hindi kita makakalimutan dahil mananatili ka sa buhay ko.Alam ko masaya ka na kung nasaan ka man ngayon.Salamat sa pagmamahal at sa lahat lahat.Alam ko gusto mo rin na ipagpatuloy ko ang buhay ko.At kung sakali man na may taong dumating sa buhay ko.Hingin ko sayo ang iyong basbas na magmahal akong muli.
Just when i said naramdaman ko ang malakas at malamig na hangin ang umihip kayat namatay ang mga kandila.Nagliparan ang mga tuyong dahon kasabay ang paninindig ng aking mga balahibo.Pakiramdam ko ay hindi siya pumayag sa hiling ko sa kanya.Bigla akong nakaamoy ng isang pabango na sumabay sa hangin at pumasok sa aking ilong.Ako lang ang naroon.Parang pamilyar sa akin ang pabango.
"Tapos kana?"Wika ni Morrison nang makabalik ito.
"Did you smell that?"Tanong ko dahil imposibleng hindi niya naamoy ang naaamoy ko.
"Smell what?"Wika niya at suminghot singhot."I didnt smell any."
.Para akong naranoid.Pati ba naman ilong ko ay paglalaruan ako?
But hindi ko makalimutan ang pabangong
iyon dahil ako mismo ang nagbigay nun sa kanya.And since then iyon na ang palagi niyang ginagamit.Lutang na ang isip ko mula ng makaalis kami sa sementeryo.Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganun ang mga pangyayari.Kahit ayaw kong paniwalaan ngunit paano na ang nangyari kanina? Hindi rin naman siguro ako dinadaya ng pang amoy ko.Wala akong sipon at kilala ko ang pabangong iyon.At ako lang ang tao kanina sa cemetery ng umalis saglit si Morrison.
"Hey.You look bothered.May problema ka ba?"Napatingin ako sa kanya at nag iisip kung sasabihin ko ba ang nasa isip ko.
"Naniniwala ka ba sa mga supernatural.?"I spell it.Nasa isang kainan na kami ng mga sandaling iyon.Tinitigan niya ako.Siguro iniisip niya praning na ako dahil sa aking tanong.
"Sometimes.May mga bagay naman kasi na mahirap ipaliwanag.Bakit minumulto ka ng boyfriend mo?"Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.Bigla akong kinikilabutan.
"Ano ka ba.Matakot ka nga sa sinabi mo."Natatawa siya dahil sa reaction ko.
"Biro lang.Bakit may nararamdaman ka ba?"Tanong niya.
"Tungkol sa sinabi mo sa akin kagabi.Totoo ba na may naririnig kang tumawag sa pangalan ko?"
"Yeah its true. Parang boses ni Willcharl eh."Kinilabutan ako sa sinabi niya."Para pa nga siyang naglalambing eh.Iyong nakasanayan niyang gawin sayo.Tinatawag ka niya kasi luto niya ang pagkain para sayo."
Saksi si Morrison kung paano ako alagaan ni Willcharl noon.Yung ipagluto niya ako.At magtatampo pa kung ayaw kung ubusin ang niluluto niya baka hindhi daw masarap.Minsan nga sinusubuan pa niya ako na parang bata.
"Bakit,Arris? May nararamdaman kang kakaiba sa apartment mo?"Tanong niya.Sinabi ko sa kanya ang mga nararamdaman ko.
Minsan kasi parang naririnig ko ang tawag niya sa akin mula sa banyo.Minsan ang halakhak niya sa may sala.Hindi ako nababaliw dahil totoo ang mga naririnig ko. Tinitigan lang ako ni Morrison matapos marinig ang lahat ng sinabi ko.
"I'm not crazy ok?"Sabi ko sa kanya.
"May sinabi ba ako?Hindi kaya bumalik siya para sayo?"Gusto kong matawa dahil sa sinabi niya.Magsasalita na sana ako when i saw a man standing ouside the glass window habang nakatingin sa akin.Hindi klaro ang mukha niya but i knew It sa akin siya nakatingin.Hes wearing a white toxido kagaya ng suot ni Willcharl ng mailibing ito.The next thing i knew ay nagtatakbo na ako palabas..
A/N
Another story to share.








