Bf's Twin (Preview)
Share with your friends
Customize readability

Bf's Twin (Preview)

All Rights Reserved ©

Summary

Maituturing ni Justin na siya na ang pinaka maswerteng tao sa buong mundo nang maging kasintahan niya ang sikat na college basketball player na si Kyle. Ngunit ang payak at tahimik niyang mundo ay nagbago nang maipakilala siya sa kasing-kisig at kaparehong-kapareho nitong kambal na si Kale, na varsity player din sa kabilang pamantasan. Ang isang gabi ng akalang matamis na pagmamahalan sa dilim ay naging simula ng isang lihim nang matuklasang si Kale pala ang kaniyang nakatabi. Sa halip na lumayo, ginamit ni Kale ang lumang prinsipyo ng kambal na paghahati sa lahat ng bagay, isang patakarang magtatali kay Justin sa dalawang magkapatid sa ilalim ng iisang bubong. 📌 Note: This story is hosted here as a preview only. The full, complete story is ready and available right now! 👉 DM me on tg: peaceandlove_cupid to unlock full access and continue reading! 👼✨

Status
25d ago
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
18+

Kabanata 1: Ang Suwerteng Tagasubaybay

Habang nakaupo sa malamig na sementadong bleachers ng gym, ramdam ko pa rin ang paulit-ulit na pagtibok ng aking dibdib sa tuwing tumatalbog ang bola sa makintab na sahig. sanay na akong maghintay sa gilid habang pinalliligiran ng ingay at sigawan ng mga estudyanteng nakatutok sa bawat galaw ng kanilang mga paboritong manlalaro.

Sa gitna ng maaliwalas na court, lumilitaw ang matangkad at atletikong kaanyuan ng aking kasintahan na si Kyle, na walang kapagud-pagod sa pagpapakita ng kaniyang husay. Para sa isang simpleng estudyanteng katulad ko na sanay magtago sa gilid ng silid-aralan, ang makitang kumakaway siya sa aking direksyon sa gitna ng maraming tao ay parang isang panaginip. Bawat ngiti niya sa aking pwesto ay tila pagtiyak na sa kabila ng kaniyang katayuan at kasikatan, ako at ako pa rin ang kaniyang tahanan.

Inayos ko ang maluwag na sweater na nakabalot sa aking payat na katawan upang maitago ang tila kulang sa timbang kong frame habang hinihintay ang pagtatapos ng kanilang pagsasanay. Sa tuwing nakatayo ako sa tabi ni Kyle, lalong nagiging halata ang limang talampakan at apat na pulgada kong taas kumpara sa kaniyang matipunong tindig na higit sa anim na talampakan. Ang aking maputlang balat at malambot, bahagyang magulong buhok ay lalong nagmumukhang mawasak sa tabi ng kaniyang brown na balat at malapad na mga balikat. Pero kailanman ay hindi ipinaramdam sa akin ni Kyle na hindi ako nababagay sa kaniyang mundo, bagkus ay palagi niya akong inaalagaan na parang isang maseselang bagay na ayaw niyang mabasag.

“Ano ba naman yan, sobrang pogi ni Kyle pero ganyan yung pinapatos. Ano kaya yung gayuma niya?” rinig kong sabi ng isang babae sa tabi.

“Ewan ko pa ba diyan. For sure naman na gusto pa rin ni Kyle ng kepyas baka napilitan lang siya diyan,” dagdag pa ng isa. Ang mga ganitong komento ay halos araw araw kong naririnig. Totoo naman, sa pagitan namin ni Kyle ako ang swerte. Ako ang payatot na dapat walang nobyo. Hindi ko na naman tuloy mapigilang maikumpara ang sarili ko sa ibang mga babae na nagkakagusto sa aking kasintahan.

“Huy! Masyado ka namang seryoso diyan, babe, kanina pa kita pinagmamasdan mula sa gitna ng court,” nakangiting bungad ni Kyle habang naglalakad pabalik sa akin habang may hawak na bimpo at bote ng tubig. Hindi niya ata narinig ang bulungan ng dalawang babae kaya hindi niya napansin ang dahilan ng pagbabago ng aking mood.

“Ah... Eh... Baka kasi makagulo ako kung mag-iingay ako dito,” mahinang sagot ko sabay inabot sa kaniya ang kaniyang paboritong inumin. Tumingin ako sa paligid at umalis na ang dalawang babae, ngunit ang mga komento nila ay nakatatak pa rin sa akin.

“Kahit kailan hindi ka magiging gulo sa akin, alam mo namang mas gaganahan akong maglaro kapag nakikita kitang nakatitig,” pabulong niyang hirit habang mabilis na humalik sa aking noo na nagpabalot ng init sa aking mga pisngi. “Makaka-isa ka sa akin mamaya. Gigil na gigil na kasi ako sa iyo, babe,” pilyo niya pang dagdag saka tinapik ang aking puwetan.

“Kyle! Ano ba...” nag-iinarte kong sabi saka ko inayos ang aking pagkakatayo. Sana naman ay walang ibang nakakita sa ginawa ni Kyle.

“Ito naman, parang bawal lambingin. Alis na nga tayo dito kung naiilang ka,” sagot naman niya. Ipinatong niya ang kaniyang mabigat at magaspang na kamay sa aking balikat habang sabay kaming naglalakad palabas ng lumang pasilidad ng unibersidad. Sa bawat hakbang namin sa kahabaan ng hallway, ramdam ko ang mga tingin ng ibang mga estudyante na bakas ang pagtataka kung paano naging akin ang star player ng aming paaralan.

Ang mga taong ito ay hindi kaiba sa dalawang babae na pinagbubulungan lang kami kanina. Mga taong nagdududa o nagdadalawang isip sa relasyon namin ni Kyle. “Baka naman best friend niya yan,” rinig kong sabi ng isa sa kanila.

“Boyfriend ko ho siya,” biglang sabat naman ni Kyle. Narinig niya pala ang komento. Pagkatapos nito ay hinawakan niya ang aking kamay saka namin pinagpatuloy ang paglalakad ng hindi man lang tinititigan pabalik ang nag-komento. Panigurado ay namumula na ang aking pisngi. Ano ba kasi ang ginawa ko sa past-life ko para swertehin ng ganito? Sa aming paglalakad ay natungo na namin ang kaniyang sasakyan. Normal na rin kasi na hinahatid niya ako tuwing ganitong uwian na.

Napansin ko na may parang kakaiba siyang inisip, kaya’t bago pa ako pagbuksan ng pinto ay humarap siya sa akin. “Uummm... Ok lang ba sa iyo kung sa bahay namin tayo mag-hapunan ngayong gabi? Para makapagpahinga ka na rin nang maayos,” pahayag ni Kyle habang binubuksan na niya ang pinto ng kotse para sa akin.

“Sigurado ka ba? Baka maka-abala ako sa pamilya mo,” medyo nag-aalalang tanong ko habang umaayos ng upo sa loob.

Si Kyle naman ay umikot upang makaupo sa driver’s seat. Pagkapasok niya ay agad niyang inayos ang kanyang seat belt saka muling tumingin sa akin. “Ano ka ba, excited nga si Mommy na makita ka, tsaka nandun din si Kale ngayon kaya mas masaya. Kung iisipin din kasi, six months na tayong magnobyo pero hindi pa kita napapakilala sa pamilya ko,” kumpiyansang sagot niya bago pinalagutok ang makina ng sasakyan.

“Sige, kung ayan ang gusto mo,” kalmadong sabi ko. Pero sa loob-loob ko ay grabe na ang tibok ng aking puso. Hindi lang ako biniyayaan ng gwapong nobyo. Mabait din, maaalalahanin, at higit sa lahat, lagi akong ginagawang sentro ng kaniyang buhay.

Naging tahimik ang aming biyahe patungo sa isang tahimik na subdivision kung saan matatagpuan ang dalawang palapag na bahay ng kaniyang pamilya. Pumasok kami sa isang simpleng bakuran na may mga tanim na halaman sa gilid at maayos na nakaparada ang iba pang sasakyan. Ang bahay ay gawa sa semento at kahoy na nagbibigay ng pamilyar na init sa sinumang pumasok. Sa mga dingding ng sala ay nakasabit ang mga lumang litrato ng pamilya at ang iba’t ibang tropeo sa basketball na napanalunan ng magkapatid.

“Nandito na tayo, pumasok ka na at huwag kang mahihiya,” nakangiting pag-imbita ni Kyle habang inilalapag ang kaniyang gamit sa tabi ng pintuan. Ito na nga ang unang beses na makakaapak ako sa tahanan ni Kyle.

Inilagay ko ang aking mga kamay sa bulsa ng aking maluwag na jacket habang inililibot ang aking mga mata sa paligid ng sala. Amoy na amoy mula sa kusina ang simpleng lutong-bahay at ang samyo ng pine cleaner na nagpapatunay kung gaano kaalaga ang kanilang ina sa bahay. Sa kabila ng kaginhawaang hatid ng lugar, may bahagyang kabog sa aking dibdib na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Ito ang unang pagkakataon na makakaharap ko ang kaniyang kambal na madalas niyang nakwukwento sa akin ngunit hindi ko pa personal na nakakausap dahil sa magkaibang Unibersidad na pinapasukan nito.

“Kale! Nandito na kami, lumabas ka muna diyan,” malakas na tawag ni Kyle patungo sa ikalawang palapag ng bahay.

Narinig ko ang mabibigat na yabag ng mga paa na bumababa mula sa hagdanang kahoy na matatagpuan sa gilid ng sala. Isang matangkad na lalaki ang unti-unting lumitaw, at halos mapasinghap ako nang makita ang kaniyang buong kaanyuan sa ilalim ng liwanag ng ilaw. Parehong-pareho sila ni Kyle sa halos lahat ng anggulo, mula sa taas na higit sa anim na talampakan, sa maseladong pangangatawan, sa maikling gupit ng buhok, hanggang sa cacao na tono ng kaniyang balat. Kung hindi lamang sa kaniyang suot na fitted dark shirt na naiiba sa casual athletic wear ni Kyle, maiisip kong nakatayo sa harapan ko ang aking mismong nobyo.

“So, ikaw pala si Justin,” malamig ngunit may lalim na boses na bungad ng kaniyang kambal habang dahan-dahang lumalapit sa aming kinaroroonan.

“A-ako nga... Kumusta ka, Kale?” nauutal kong bati habang dahan-dahang inilalabas ang aking kamay upang makipagkamay sa kaniya.

Tinitigan niya ang aking maliit at maputlang kamay bago niya ito binalot ng kaniyang malaki at mainit na palad. Ang kaniyang titig ay hindi tulad ng kay Kyle na puno ng lambing; ang mga mata ni Kale ay may kasamang matinding lalim at tila mamasa-masang aura na bahagyang nagpataas ng balahibo sa aking leeg. May isang bahagyang manunudyong ngiti ang lumitaw sa kaniyang mga labi na lalong nagpadama sa akin ng panliliit sa kaniyang harapan. Ramdam ko ang kaniyang patuloy na pagpisil sa aking kamay na mas matagal kumpara sa isang ordinaryong pagbati ng magkakilala.

“Palagi kang nababanggit ni Kyle, pero mas maganda ka palang tignan nang malapitan,” pabulong niyang sabi habang hindi inaalis ang kaniyang tingin sa aking mga mata. Huh? Ano bang meron sa kambal na ito ay ang depinisyon nila ng kagandahan ay ang mukha ko?

“Salamat... Ang bait mo naman,” pilit kong ngiti habang dahan-dahang binabawi ang aking kamay mula sa kaniyang pagka-hawak.

“Sabi sa ’yo, di ba? Pareho lang kaming mabilis makagusto sa magagandang bagay,” natatawang hirit ni Kyle habang tinataptap ang balikat ng kaniyang kapatid nang walang anumang malisya.

Bahagyang lumayo si Kale ngunit nanatili ang kaniyang mga mata sa aking mukha habang itinuturo ang daan patungo sa kanilang hapag-kainan. Sa bawat galaw niya, ramdam ko ang matinding presensya na tila nakapalibot sa buong espasyo ng bahay. Si Kyle ay patuloy sa pagkukuwento tungkol sa kanilang ginawang pagsasanay kanina, ngunit ang aking isip ay bahagyang nalilito sa kakaibang tensyon na aking nararamdaman. Tumingin ako sa kabilang dako kung saan nakatayo si Kale, at muli kong nahuli ang kaniyang mga matang nakatitig sa aking mga labi.

“Maupo ka na dito sa tabi ko, Justin, para maihain kita ng pagkain,” paanyaya ni Kyle habang hinihila ang isang wooden chair para sa akin.

“Ako na ang maglalagay ng kanin sa plato niya, Kyle, maghugas ka muna ng kamay mo doon,” mabilis na singit ni Kale habang hawak na ang malaking mangkok ng pagkain.

Tumingin ako kay Kyle na pumasok muna sa kusina upang maghugas, dahilan upang maiwan kaming dalawa ni Kale sa tabi ng mesa. Umupo si Kale sa aking harapan at dahan-dahang inilagay ang pagkain sa aking plato nang hindi kumukurap ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang malalapad na balikat at matipunong dibdib na bumabakat sa kaniyang damit ay lalong nagpapakita kung gaano ako kaliit sa kaniyang harapan. Nagkatitigan kami nang ilang segundo, at muli kong nakita ang kakaibang ngiti sa kaniyang mukha na nagpalakas sa kabog ng aking dibdib.

“Masyado ka namang tahimik... Natatakot ka ba sa akin?” pabulong na tanong ni Kale habang itinutulak ang plato sa aking tapat.

“Hindi naman... Nag-aadjust lang ako kasi ngayon lang kita nakilala,” mahinang sagot ko habang nakatungo ang aking ulo.

“Huwag kang mag-alala, magiging pamilyar ka rin sa akin,” sagot niya sa isang boses na puno ng kakaibang pahiwatig bago bumalik si Kyle sa aming tabi.


Thank you for reading the preview sample! 💘

Want to read the full version or unlock complete access to the rest of the book?

👉 DM me on tg: peaceandlove_cupid to continue reading! 👼✨

Let Dear Cupid know what you thought about this chapter!

Further Recommendations

An Irish Match

readingtoday77: This story is so very sweet. I really like each main character's emotional evolution, especially Liam working through difficult past betrayal and tragedy to be able to take a chance and love again. The sex scenes were fiery and tender and so very moving, especially the scene when Maeve says that she...

Read Now
My Blacksmith Savior

apolloavr04: I love it. It's a great story.

Read Now
The Orc's Pet

Glenda Holmes: Good read!

Read Now
Hit and Run

ZaraPearl: I truly love the story, very intersting and lovely.Sebastian is a great character and yoda ..., all of it , though I expected more at the endingi5 would've been great

Read Now
Shattered Steel

laraivanic: This is completely stunning book, lots of heat and emotions and finally love with two different people who needs to earn and learn to be as one. Very great indeed!! Thank you for this, sincerely ♥️♥️

Read Now
THE WOMAN HE BOUGHT

Sandra: This story is very well written and suspenseful in parts highly romantic yet has its twists and turn loved it

Read Now
IVAN

Steve Worden: Very good read and extremely well written!

Read Now
The Iron Crown

Danielle_Anderson: Kira's training yard and her mirror feel like two different women, and the gap between them is where this opening does its best work. The clean arc of the sword, the shock running up through her wrists, the bright singing moment when only the blade exists, all of that is undone by the practiced soft...

Read Now
The Contract Wife

waiy: I genuinely loved reading The Contract Wife! The storyline is engaging and keeps you interested, making you want to continue reading and discover what happens next.One of my favourite moments was when she discovered that she was pregnant in Chapter 23. Interestingly, I had already started suspecting...

Read Now