CHAPTER 1
Skyrene Del Rio
Maingay ang nagkakasiyahang mga tao sa Las Deux. Isang exclusive bar para sa mga elites ang karaniwang laman ng bawat sulok ng lugar na ito.
I can hear my heart beating so fast like the beat of the trance music. Parang sasabog na nga ang dibdib ko dahil sa malakas na tugtog sa kabuuan ng club.
Iginala ko ang paningin sa paligid. May malawak na dance floor na napapalibutan ng magagarbong kulay itim na couch. Ang malilikot na ilaw na tumatama sa mga taong parang wala ng bukas kung sumayaw.
Sa gitnang dulo ng malawak na dance floor ay naroon ang lalaking noon pa man ay nagpaparamdam na ng pagkagusto sa akin.
He’s a well known DJ. Iyong tipo na kahit saang music festival ay may gig. No wonder why elites came here just to see him. Lalong lalo na ang mga hayok na fan ng EDM. Ito na nga yata ang club na the best para sa lahat ng mayayaman dahil sa mga katulad nilang high-end DJ’s na regular sa Las Deux.
Naglakad ang paningin ko sa kaliwag banda ng club. I see a long stretch of bar that have all the booze in the world. Matuyo na ang dapat matuyo pero hinding hindi mauubos ang alak doon.
Kinindatan ako ni Maury ng magtama ang mga mata namin. He’s a bartender. I just smirked at him as a response.
Umangat ang tingin ko sa second floor. Naroon ang mga taong hindi masyadong party animal. Mga business man and dirty old millionaire’s na gusto lang magliwaliw pero hindi all out. That’s where the mistresses exist, or a fuck for a night kind of thing.
Hindi man pinopromote ng club ang pagiging prostitute ng mga babaeng malaki ang pangangailangan sa buhay, still they exist. Rich people called them escorts.
That thought made me cringe every time. Anong kaibahan no’n sa pokpok? You still get the dick at the end of the day anyway. Pinasosyal lang para hindi masyadong nahuhusgahan ng mapanghusgang mundo.
Bakit nga kaya may mga term na naglalayo sa mahirap at mayaman pero parehas lang naman?
Bakit kapag mayaman ang nagkakasakit, Doctor kaagad? Kapag mahihirap sa albolaryo kadalasan?
Bakit kapag may kumakati sa katawan, rashes? Pero kapag mahirap ka galis?
Kapag inuubo sila, pnemonia? Kapag mahirap tb agad?
Sa mayaman escort ang tawag sa’yo pero kapag mahirap ka, isa kang purong puta.
Bumuntong hinga ako sa dami ng sumasalakay sa aking utak.
Nilawakan ko ang ngiti ng mahagip ng mga mata ko ang pagwagayway ni Val ng iilang kulay blue na pera. A tip maybe.
Madaling araw na pero hindi parin humuhupa ang dagat ng taong dumadagsa sa club. Lahat na yata ay narito simula sa anak ng mga politicians, business tycoons, hanggang sa mga artista at nakakaluwag luwag sa buhay.
Napabuntong hinga ako. Suot ang isang itim at hapit sa katawang dress samahan pa ng killer pumps ay hindi maiwasang lapitan ako ng mga lalaking naroon. It’s not that I’m not used talking to guys, maybe I’m just afraid of the pervert ones.
I’m only eighteen and I can’t see myself fucking a random stranger or giving up my virginity at this age. Alam kong mahirap lang ako pero alam ko kung saan dapat ilugar ang sarili. It’s bad to admit it but I’m better than that.
Umikot ako para makita ng maayos ang pakay ko. Isang grupo ng mga lalaki.
Ang sabi ni Tyra ay ikakasal ang isa sa kanila. At eto ako, giving them the best night of their life.
Huminga ako ng malalim bago naglakad ng diretso sa pwesto nila. Ngayong gabi, hindi ako isa sa kanila at hindi kailanman mabibilang sa katulad nilang mayayaman.
Inangat ko ang hawak kong tray para iwasan ang mga taong patuloy na humaharang sa daraanan ko.
I’m their waitress. Kahit na sixteen years old palang ako ng magsimula sa club na ito ay nagagawa ko paring makapuslit.
Thanks to my parents good genes! Iyon lang siguro ang dapat kong ipagpasalamat sa kanila. Na maski paano ay nabiyayaan ako ng matured na katawan at umaapaw na ganda.
I’m not a regular employee of the club though. Nagkakaroon lang ako ng pagkakataon na magtrabaho sa tuwing jam-packed ang lugar at may mga ganitong klaseng events.
Maswerte narin ako kapag nakakapag sideline ako rito tatlong beses sa isang linggo at lahat ’yon ay ipinagpapasalamat ko sa may ari ng club na si Nixon.
“Pour my glass, lady!” Hiyaw ng lalaking maputi na tingin ko’y nasa edad trenta na.
Buong tamis akong ngumiti kahit na naiilang ako sa paninitig ng ilang lalaking nakapalibot sa couch.
Kung bakit ba kasi ganito kaiksi ang dress na kailangan naming isuot ngayon. Masyadong hulma ang katawan ko at ang hinaharap ko ay gusto ng lumuwa dahilan ng pagiging makamundo ng mga lalaki rito sa club.
I sucked it all off. Literal kong ibinuhos ang mamahaling alak sa lalaking ikakasal dahil iyon ang gusto ng mga kaibigan niya.
“Wooh!”
“Chug! Chug! Chug!” They cheer in unison.
Hindi nawala ang malawak kong ngiti kahit pa gusto ko ng umuwi at magpahinga dahil sa pagod. These pumps are killing me! Kung wala lang talaga akong pangangailangan ay hinding hindi ko gagawin ang lahat ng ito.
Kung sana simple lang ang buhay. Kahit na hindi kagaya ng mga mayayamang nakapaligid sa akin. Kahit simple nalang sana. ’Yung may mga magulang kang nakasuporta sa’yo.
Pagkain, tatlong beses sa isang araw. Malaya kang nakakapag-aral dahil mga responsable ang mga magulang mo. Iyong wala kang iisipin kung hindi ang exams na paparating o ano ang susuotin mo sa graduation ball.
Iyong simple na kapag gusto mong kumain sa fastfood ay makakakain ka ano mang oras mo gustohin. Typical na pangangailangan ng isang kagaya ko.
Simple, pero iyon ang pangarap ko. I know that I want more than that but simplicity is enough for me right now. Dahil ang simple nga ay hindi ko pa makuha, ano pa kaya ang higit doon? Sa ngayon I’ll settle for that. Iyon muna.
“May raket ba bukas?” Nakangisi kong tanong sa best friend kong si Valerie.
Katatapos palang ng trabaho namin at ngayon ay naglalakad na pauwi. Pasikat narin ang haring araw pero nasa daan parin kaming dalawa. We can take a cab because it’s too expensive. Sa ganitong oras naman ay wala ng jeep na dumaraan. Mabuti nalang at hindi naman gaanong malayo ang bahay namin simula sa Las Deux.
“Titignan ko muna, wala pa kasing balita kung may event bukas e.” Sagot naman niya.
Mas matanda sa akin ng limang taon si Valerie at simula pagkabata ay magkakilala na kami. Our mothers are drunk buddies. Ang mga tatay naman namin ay magkasundo pagdating sa lahat ng klaseng sugal at ilegal na gawain.
“Okay. Sa computer shop nalang muna ako.” Ngumiti ako habang nagpapatuloy sa paglalakad.
“Wala kang pasok?” Tumaas ang kilay niya sa tanong.
Nagkibit balikat ako.
“Pwede namang mag skip muna. Mas importante ang baon ng mga kapatid ko, lalo pa malapit na ang finals nila.”
Huminto siya sa paglalakad para lang titigan ako. Eto na naman...
“Sky, para ano pa at nag-aaral ka kung hindi ka naman pala papasok? Ilang subject na nga lang hindi mo pa papasukan?”
“Val naman...”
“Magkano ba ang kailangan mo?”
Napabuntong hinga ako at agad na nangilid ang luha.
Ilaw, tubig, tuition fee, project, pagkain at allowances ng mga kapatid ko. Five of my siblings to be exact.
“Val, hindi na. Masyado ka ng maraming naitulong, kaya ko na ’to.” Pinilit kong isantabi ang lahat ng iniisip ko.
Marami pa namang araw para bumawi e. I can still work my ass off until the deadline of our bills.
“Sky, kaya nga ako nandito para tulungan ka di ba? Let me help you at least.”
Tumango ako.
“Alam ko naman ’yon. Pero kaya ko pa naman. Kakayanin pa naman.”
Hindi ko alam pero pakiramdam ko’y hindi lang para kay Valerie ang sinabi ko kung hindi pati narin sa aking sarili.
I shouldn’t blame anyone about our status. Kahit na kasumpa sumpa naman talaga ang mga magulang ko. At least they gave me siblings I can cherish the most! Sila ang nakapagbibigay sa akin ng lakas at pagmamahal na kailangan ko. And that’s enough.
“Si Jaxel...”
Nagbaba ako ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
“Hmm?” Tipid kong sagot.
“Sayang ang isang ’yon, Sky. Mayaman, mabait at mahal na mahal ka.”
Ngumiti ako at nagkibit lang ng balikat.
“Marami pa naman diyan.” Sagot ko nalang.
“Are you sure you wouldn’t-”
“Oo naman, Val. Hindi na. Hayaan na natin ’yun!” Tumawa ako para maitago ang lungkot sa puso ko.
Hindi man si Jaxel ang first boyfriend ko, siya naman ang first love ko. Tama si Valerie, mabait, gwapo at mayaman ang isang ’yon kaya kahit na mahal ko siya ay nananaig parin ang konsensiya ko.
“Sayang ang kwarta, Sky! Mukhang mahal ka pa naman talaga no’n! Ikaw ba? Hindi mo ba siya mahal?”
Agad akong napailing dahil sa unang parte ng sinabi niya. Yes I love him but he’s too good for me. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang suportahan ako sa lahat ng bagay, pero ang palagi naming hindi napagkakasunduan ay ang trabaho ko.
He can afford things that I need and want, but taking over my responsibilities? Hindi kaya ng pride ko. Kahit pa kaya niya akong buhayin ay gusto ko paring ako ang magpapakain sa mga kapatid ko.
I’m the one who supposed to do that anyway. Sobrang mahalaga sa akin ang mga kapatid ko at ang masustentuhan sila ng hindi ko pinaghirapan ay hindi ko gusto.
Oo nga at mahirap lang kami pero ipinanganak akong may pride at sariling paninindigan.
“Mahal pero hayaan mo na. Marami pa namang iba.” Giit ko para hindi na siya mang usisa pa.
Tumawa nalang siya at umiling.
“That’s my girl! O baka naman dini-date ka na ni Pierre?!”
“Not really.” Umiling ako.
I only met him twice in the club. Sabi nila lahat ng relasyong nagsimula sa club ay hindi nagtatagal kaya lahat ng nakikilala ko doon ay hanggang doon nalang. Isa pa, masyadong ismarte ang isang ’yon palibhasa abogado. Hindi kami match kung sakali.
“Kung sabagay, hindi pa gaanong stable ang isang ’yon dahil kakagraduate lang! Dapat ang gino-jowa mo ’yung mga napamanahan na ng kompanya!” Humalakhak na siya.
“Oo na. Alam ko na ’yan!” Tumawa narin ako.
Tama siya. Wala akong mapapala sa mga mahihirap pero ang mahalin ang katulad ni Jaxel... Hindi ko yata kayang magdusa siya sa piling ko.
Minsan nga siguro magagawa nating pakawalan iyong mga taong mahal natin para sa ikabubuti nila. Minsan kailangang magsakripisyo kasi mahal mo sila. And loving someone selflessly is the best thing in the world.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa bahay. Kumaway ako kay Val ng pumasok na siya sa gate nila. We’re neighbors too. Kaya itinuturing narin siyang pamilya ng mga kapatid ko dahil palagi siyang nandiyan para sa amin.
“See you later!” She waved back.
Tumango ako at diniretso na ang pagbukas ng gate. Alas sais na ng matapos akong maligo at makapag ayos man lang ng aking kwarto. Bukas, kahit na hindi ako papasok ay hindi naman nawawala ang obligasyon ko sa pamilya.
Napabuntong hinga ako sa naisip. I need to buy groceries and pay for our bills later. Pagkatapos naman no’n ay didiretso ako sa computer shop para magbantay ng limang oras hanggang sa dumating ang may aring si Nana Mauricia.
Pasalampak akong nahiga sa kama. Napahilot ako sa sintido ng maramdaman ang pananakit no’n. Hindi naman ako masyadong uminom pero bumibigat yata ang ulo ko sa dami ng naiisip. Ilang beses pa akong bumaling sa iba’t ibang posisyon bago tuluyang makatulog.
Martes ng umaga ng makapasok ako sa pang umagang subject. Gusto ko sana ng panggabi pero doon lang bukas ang club kaya hindi ako pwedeng magpanggabi ng klase.
Kahit na para akong zombie habang naglalakad sa corridor ng university ay hindi ko nalang pinapansin ang mga iniisip ng nakakasalubong ko, I’m here to study anyway. Hindi ang makipag sosyalan sa mga kaklase kong mamamatay kapag walang hawak na starbucks araw-araw.
“Skyrene!”
Agad na nakuha ang atensiyon ko ng lalaking tumawag sa aking pangalan at pagkatapos ay kumaway pa. Nasa dulo siya ng hallway at malawak na nakangiti sa akin.
Kumaway din ako at binilisan ang paglalakad.
“Russel!” Ngumiti ako ng makalapit sa kan’ya.
“Good morning! Absent ka raw kahapon ah? Bakit? May nangyari ba?”
Sinabayan niya ako sa paglalakad patungo sa third floor ng university.
“Wala naman. May kailangan lang asikasuhin. Finals na e.” Sagot ko.
Nagbaba ako ng tingin dahil sa mga mapanuring matang nakatitig sa akin. Alam kong dapat ay sanay na ako sa mga ganito pero mahirap parin pala.
“Ayan na naman siya! Si Russel naman ngayon! Bitch talaga!” Ismid ng babaeng nakasalubong ko.
Pumikit ako ng mariin at pinilit na ilabas sa kabilang tenga ang mga sinabi nila.
“Ilusyunada! Target talaga ang mga mayayaman!”
Napahigpit ang kapit ko sa mga librong dala ko. Calm down, Sky... Magtitiis ka. Kaya mo pa di ba?
Napapitlag ako ng hawakan ni Russel ang siko ko at igiya palayo sa mga babaeng ’yon.
“Don’t mind them.”
Umangat ang tingin ko sa kan’ya. He’s smiling at me at it’s rude not to smile back.
“Sanay naman na ako. Dalawang taon na silang ganyan.”
Pinilit kong tumawa kahit pa sobrang pagpipigil na ang ginagawa ko sa sarili para lang hindi pagsasampalin ang mga ’yon!
Humalakhak si Russel.
“Good! Alam mo naman ang totoo sa sarili mo.”
“Right. Dito na ako, Rus.” Sabi ko ng matapat ako sa classroom ko ngayong subject.
Tumango siya.
“Lunch later?” Nakangiting anyaya niya sa akin.
“Let’s see.” Ngumiti rin ako bago tuluyang nagpaalam.
Tumahimik ang buong klase ng pumasok ako. Hindi ko alam kung mala anghel lang ba talaga ako kaya sila nanahimik o dahil nagandahan na sila ng sobra sa akin. It’s either one of the two. These bitches are just jealous!
Nagulat ako ng lapitan ako ng babaeng matangkad at may mahabang buhok. Alam ko namang kaklase ko siya ngayon pero hindi ko alam ang pangalan niya.
“Is it true that you dump Jaxel after what he did to you and your family?!” Galit niyang sigaw sa harapan ko.
Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa narinig. Lahat ng tao doon ay natuon ang pansin sa amin kaya mas lalong kumabog ang dibdib ko.
“Yes, we broke up months ago if that’s what you want to know.” Tipid kong sagot.
Lalagpasan ko na sana siya pero mabilis siyang humarang sa harapan ko at agad na tinampal ang mga hawak kong libro dahilan para mahulog lahat. Nagkalat sa sahig ang mga papel na nakasingit doon.
“What the-”
“User ka, Del Rio! Alam mo ba ’yon?!”
Nag aapoy ang mga mata niya pero kahit na yata bugahan niya ako ng apot ay hindi ako matitinag.
“Kakasabi mo lang.” I said.
Nagtawanan ang ilang mga lalaki pero ang babaeng nasa harapan ko at lahat ng babaeng naroon ay mas lalo yatang nagalit dahil sa sinabi ko.
Nabuwal ako ng itulak niya ako ng malakas. Mabuti nalang at nasa likuran ko ang dingding kaya hindi ako tuluyang napasalampak sa sahig. Napangiwi ako ng maramdaman ang lagapak ng likod ko sa malamig na dingding.
“You bitch! Sinaktan mo siya matapos mong huthutan ng pera! Tapos ngayon ibang lalaki na naman ang punterya mo! Si Russel pa!”
Tumayo ako ng tuwid at inayos ang sarili. Ilang tao pa ba ang magsasabi sa akin na ginamit ko lang si Jaxel? Si Liam, si Wallace at marami pang iba? Ilang beses narin akong napunitan ng damit dahil sa mga away na nakasangkutan ko dahil sa pagiging ‘user’ ko.
Nag igting ang bagang niya ng matawa ako.
“Tapos ka na?” I said sarcastically.
“Puta ka!”
Namilog ang mga mata ko ng makita ang pag angat ng kamay niya. Hindi ako nakagalaw kaagad kaya mabilis na iyong tumama sa mukha ko. I heard a long beeping sound. Uminit ang pagkatao ko matapos maramdaman ang malakas niyang pagsampal sa akin.
“Hey!”
Agad namang dumalo ang mga lalaki at inawat ang baliw na babaeng sumampal sa akin.
Sapo ko ang pisngi ko. Hindi pa man ako nakakaganti ay hinawakan narin ako ng mga lalaki. Fucking hell! Ganito palagi ang scenario rito! Hindi ako makaganti kaagad! Mga walang hiya!
Umaabot hanggang sa kalamnan ko ang init ng pagkatao ko.
“Kulang pa ’yan! Malandi ka! Manggagamit!”
Sinubukan kong gumalaw at magpumiglas pero apat na lalaki ang nakahawak sa akin.
“Bitiwan niyo ako!” Sigaw ko habang pilit na umaalpas sa mahigpit nilang pagkakahawak.
“Sky, calm down!” Sigaw ng isa ng masapak ko siya.
“Ano ba!”
Ilang mukha ang naramdaman ko sa bawat paggalaw ng mga kamay ko.
“Bitiwan niyo!” Hiyawan naman ng mga lalaking gusto yatang makakita ng murder scene ngayong araw.
Nagkagulo na sa classroom dahil sa walang humpay na pagpiglas ko at pagsigaw naman no’ng babae.
“Hindi ka nababagay dito sa university! Dapat nasa club ka dahil pokpok ka!” Patuloy niyang sigaw habang nagpupumiglas rin.
“Oo at itong pokpok na ’to ang papatay sa’yo!” Halos sumabog na ako sa galit.
Putangina kasi ayaw akong bitiwan! Nanggigigil ako sa mga lalaking ’to! I want to ripped that bitch face para malaman niya kung anong klaseng user ang sisira sa buhay niya ngayon! Fuck them! Fuck all of them!
Hinihingal kong kinalma ang sarili ko ng makitang inilabas na nila ito sa silid at hindi na nakasagot pa sa akin.
Mabilis namang isinarado ng isa pang babae ang pinto ng makalabas ang lahat maliban sa kan’ya at ang mga lalaking nakahawak sa akin.
“Skyrene! Tama na!”
“Bitiwan niyo sabi ako! Ano ba!” Patuloy parin akong nagpupumiglas sa kanila.
Alam kong nasasaktan na sila pero patuloy parin nila akong hinahawakan kaya hindi rin ako tumitigil.
Alam kong may karapatang magalit ang ilang tao sa akin pero si Jaxel at mga kapatid niya ’yon! Hindi kung sino lang! Mga bwisit!
Kumalma lang ako ng marinig ang tunong ng cellphone ko. Nagkatinginan ang mga lalaki.
“’Yung phone ko!” Hinawi ko ang mga kamay nila at naglakad palayo sa kabilang banda.
Ang dalawang lalaki ay dinaluhan ang babaeng nasa pinto para harangan ’yon.
Gusto ko sanang lumabas pero ng makita ko sila ay dumiretso nalang ako sa mga bintana. I need that. Dahil sasabog na talaga ako ngayong araw hangga’t hindi ko namamarkahan ang mukha ng babaeng ’yon!
Hinawi ko ang mga takas ng buhok na nagkalat sa mukha ko. Patuloy ang pagpintig ng kaliwang pisngi ko dahil sa sampal. I looked at it through my phone screen. Namumula iyon.
Tumunog ulit ang cellphone kaya sinagot ko na.
“Ate!”
“Cass, bakit?” Nag aalala kong bungad.
“’Yung gate natin. May sumira ate!”
Napabuntong hinga ako sa narinig. Really? Noong isang araw ’yung mga halaman ko ah! Ngayon pati gate?
“Hayaan mo na. Ako na ang bahala pag uwi ko, okay? Si Zuben?”
“Naglalaro kasama si Luke.”
“Okay. May klase pa ako. Talk to you later, Cass.” Huminga ako ng malamim pagkatapos mamatay ng tawag.
Hindi nawala ang paghaplos ko sa pisngi kong tumitibok. I hate this! Ano kaya ang susunod na gagawin ng mga letseng haters sa buhay ko? They can smash everything they want, pero hindi ako magpapaligoy ligoy na patayin silang lahat kapag nadamay ni isa sa mga kapatid ko.
Nilingon ko ang mga lalaking nanatili sa classroom. Ang dalawa ay nakatayo sa pinto habang ang dalawa naman ay nakaupo na sa upuan. Lumapit ang babaeng nakasalamin sa akin. Napaatras naman ako ng amba niyang hahawakan ang pisngi ko.
“I’m okay.” Matigas kong sabi.
Napayuko siya.
“You’re tough, lady!” Hiyaw ng lalaking nakatayo.
Lumakad ang panunuri ko sa kanila. I know these guys. Mga player sila ng basketball! What the hell! Nalaglag ang panga ko ng makita ang paghawak sa labi ng isang lalaking nakaupo.
Kade Bustamante!
Narinig ko ang pagsigaw ng puso ko ng mapagtantong siya nga iyon! Siguro naman hindi na panggagamit ang pagkakaroon ng crush sa lalaking ito?! Who doesn’t?!
Nag iwas ako ng tingin at naglakad palapit sa pintuan pero bago pa ako makalabas ay nabuksan na iyon ng professor namin.
Napayuko ako agad ng suriin niya ako.
“Ms. Del Rio. What happened this time?” Nakataas ang kilay niyang tanong.
“Ma’am it’s not her fault.” Agap ng babaeng nasa likuran ko.
Inayos niya ang makapal niyang salamin ng parehas namin siyang nilingon ni Miss Grantes.
“Oh come on! Palagi namang kasalanan ni Del Rio. Kailan ka ba nawala sa guidance office?” Naningkit ang mga mata niya ng bumalik sa akin ang titig.
“Go there. Bago pa masira ang araw ko!” Hiyaw ni Miss Grantes.
Tumango ako at yumuko pero bago pa ako makahakbang ay narinig ko na ang isang boses na nagsalita.
“It’s not her fault, seriously.”
Nilingon ko sila. Nagulantang ako ng makita ang pagtayo ni Kade sa upuan.
Napunta sa kan’ya ang mapanuring mata ni Miss Grantes.
“Mr. Bustamante if that’s true, then prove it. Kayong lima, sumama kayo sa disciplinary office.” Utos niya.
Hindi ko alam ang gagawin ko lalo pa ng makita ang pagsunod nila sa sinabi nito. Ako pa yata ang natakot para sa kanila. Seeing them with me walking towards that office made me question myself. Ngayon lang may nag witness sa akin sa mga gulong napasukan ko!
And having Kade with me today... dammit! Nakakahiya! Ilang sapak ba ang naibigay ko sa kan’ya kanina?
As usual, boring talks with the guidance counselor. Napatunayan naman na wala akong kasalanan dahil sa mga back up ko pero may warning parin silang ibinigay sa akin.
“Mabuti nalang talaga!” Nakangiting sabi ng babaeng nakasalamin ng makalabas na kami doon.
“Uhm... Thank you.” Binalingan ko silang lahat.
Napayuko ako ng makita ang paninitig ni Kade sa akin.
“Wala ’yon, ako nga pala si Bryan.” Anang lalaking tingin ko’y pinakapilyo sa kanilang lahat.
Bumaling siya sa mga kaibigan.
“Si Malfred, Yael at Kade.” Inisa isa niyang ilahad ang kamay sa harap ng mga ito.
Tumango naman ako.
“Ako naman si Ylona!” Masayang pagpapakilala ng babaeng may makapal na salamin at mahabang buhok.
“Nice to meet you all... T-tsaka, salamat.” Nahihiya kong sabi sa kanila.
Tinanggap ko ang kamay ni Ylona na nakalahad sa harapan ko.
“Late na tayo sa practice, tara na.” Maawtoridad na sabi ni Kade sa lahat.
“Ako nga pala si-”
“We know you Skyrene Del Rio!” Nakangising singit naman ng tinawag ni Bryan na Yael.
Binitiwan ni Ylona ang kamay ko.
“See you and please don’t get in trouble!” Kumaway siya at sumama na sa mga lalaking naunang maglakad.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sundan sila ng tingin papalayo. Ngayon lang yata ako nagkaroon ng masasabi kong mga taong hulog ng langit.
Sa tatlong klaseng sumunod ay naging payapa naman ang buhay ko maliban lang talaga sa mga babaeng pasmado ang bunganga at hindi matigil sa kakaparinig sa akin.
Kasalanan ’to ni Arlette. Masyado niya akong ginawang maganda! Inirapan ko ang babaeng kanina pa irap ng irap sa gawi ko. Matuluyan sana ’yang mata mo!
Itinuon ko nalang ang pansin sa white board at sinubukang huwag intindihin ang mga literal na demonyo sa paligid.
Bagsak ang balikat ko ng makauwi lalo pa ng makita ang wasak naming gate. Hindi ako naiinis dahil sa sira no’n kung hindi dahil sa gagastusin para makapagpagawa ulit ng panibago. This is just a stupid move!
Parang may kumurot sa puso ko ang naisip. Ilang araw nalang...
“Ate!” Natigil ang pagiisip ko ng makita si Zuben at Cassiopeia.
Agad na napawi ang lungkot at gulo sa araw ko. Niyakap ko sila at parehong hinalikan sa mga noo.
“I missed you guys!” Bulong ko habang iginigiya sila papasok sa loob.
Pagkatapos kumain ng hapunan at kaunting pag aayos ay natapos na ang masalimuot kong araw. Kahit na araw araw namang masalimuot ay hindi parin talaga ako nasasanay. Parang sa tuwing didilat ako ay umaasa parin akong may himalang mangyayari. Sa huli, palagi nalang akong nasasaktan sa kakaasa.
Maaga akong naghanda para sa panibagong araw.
Hindi ko man gustong magmukhang nakikiramay ay itim na dress ang isinuot ko. Pumara ako ng jeep at nagmamadaling makarating sa simbahan.
Nangilid ang mga luha ko sa napagtanto. Hindi kagaya sa mga nobela o palabas ang buhay at kapalaran ko.
Apat na buwan matapos naming maghiwalay, dito na magtatapos ang lahat.
Naglakad ako ng kaunti para makita ang parking lot ng simbahan na punong puno ng magagarang sasakyan. Mga taong masaya at nag aabang sa dalawang taong palabas doon.
Today, my first love got married.
Sinalakay ako ng matinding kaba at napangiti nalang ng makita si Jaxel na nakangiti habang hawak ang kan’yang asawa at palabas ng simbahan.
Ang mga tao ay naghihiyawan para i-congratulate ang bagong kasal.
I may not want him to settle this early, but he deserves it. Deserve niyang mapunta sa iba. Sa kagaya niya, ’yung hindi siya gagamitin gaya ng sabi ng iba.
Kusang tumulo ang mga luha ko ng makitang halikan niya ang asawa.
Napasiksik ako sa isang sasakyan ng maglakad ang tingin ni Jaxel sa gawi ko.
Ito naman ang inaasahan ko sa pagpunta ko rito pero masakit pala. Masakit na makita siyang nakatali na sa babaeng para sa kan’ya habang buhay.
Masaya ako... Behind my tears are my wishes for them. Na sana, maging masaya siya sa piling ng asawa niya. Na sana hindi siya magmakaawa at umiyak sa harapan nito gaya ng ginawa niya sa akin.
We may not end up together, but I’m still hoping that someday... In this church, I’ll marry the love of my life. Hindi man si Jaxel, pero ipagdarasal kong sana may dumating para sa akin.
Napatalon ako ng marinig ang malakas na pagbusina ng kotse sa aking likuran. Dahil sa sobrang gulat ay napatakip pa ako sa tenga ko. Mabilis ko ring hinawi ang mga luhang tumakas sa mga mata.
Umalis ako sa kinatatayuan ko para makadaan ang isang pulang sasakyan.
Kung tutuusin ay napakalawak ng daanan papasok! Mabagal na tumakbo ang kotse pero ng matapat sa akin ang driver’s side ay bumaba ang tinted na salamin no’n.
Napasinghap ako ng tumambad sa harapan ko ang isang lalaking naka suit habang nakasuot ng aviator. Magkasalubong ang kilay niyang tumitig sa akin.
Hindi ko man nakikita ang mga mata niya ay alam kong nakatitig sa akin ang mga ’yon.
Hindi ko napigilan ang pagsuri sa lalaking nasa loob ng pulang sasakyan.
Amoy na amoy ko ang mamahaling perfume na galing sa katawan niya. His loose pompadour hair was fixed perfectly. Mukhang mamahaling wax ang umayos no’n. May makapal siyang kilay at tamang tangos ng ilong para sa kan’yang mukha.
Napalunok ako ng bumaba pa ang mga mata ko sa mapupula niyang labi.
Kahit na malambot naman ang features niya ay hindi ko parin naiwasang kabahan.
Nagmamadali kong inayos ang sarili. Kung hindi lang ako makakagawa ng eskandalo ay talagang pauulanan ko ng mura ang isang ’to!
Dumiretso ang tingin niya sa bagong kasal bago ibalik ulit sa akin ang titig.
Damn! Alam niya bang ako ang ex ni Jaxel? Napaatras ako sa naisip.
“Are you here for the wedding or just early for a burial?” Kunot noo niyang tanong bago pasadahan ang kabuuan ko.
Tumikhim ako ng makita ang marahang pagbaba ng mga mata niya sa katawan ko. Bumalik naman kaagad ang mga mata niya sa akin ng marinig ako.
“S-Sa patay...” Nauutal kong sagot.
He nodded. Umangat na ang salamin ng sasakyan pero bago pa ’yon tuluyang umalis sa harapan ko ay muli siyang bumisina kaya napatalon na naman ako.
Dammit!
Naikumo ko ang kamay ng umabante na ang sasakyan papunta sa mga bagong kasal. Lumingon ako doon. Nang makita kong luminga na naman si Jaxel ay nagmamadali na akong umalis.
Sa susunod, hindi na talaga ako aasa na isang araw gaganda ang daloy ng swerte sa akin! Ngayon palang, alas diyes ng umaga ang malas malas ko na!
Ang plano kong sulyapan si Jaxel hanggang sa makaalis ng simbahan kasama ang asawa niya ay hindi ko nagawa dahil sa walang modong nakasalamin na ’yun!
Wait... Kumunot ang noo ko ng may maisip... Muli kong nilingon ang pulang sasakyan pero mabilis na iyong nakapasok sa loob at nakalayo sa paningin ko.
Siya?
















