Drowning Heat
Share with your friends
Customize readability

Drowning Heat

All Rights Reserved ©

Summary

Elementos de los Pasion 1 He was the ocean's harsh wave that drowned her pure heart in pain. Soon the maiden of the water was no longer found, her heart has already drowned.

Status
9yrs ago
Chapters
3
Rating
5.0 (2 reviews)
Age Rating
18+

SIMULA

Assana Daileass Fontillas

“Ang tanga mo,” asik ng kaibigan ko sa akin habang nagbibihis ako. Her looks was enough to tell me how disgusted she is because of what I am about to do, because of what I am doing with my life.

“Hindi ko alam kung anong pumasok diyan sa utak mo Ana. O kung may utak ka man ba talaga,” aniya bago tumayo at binuksan ang aking bintana. The cold air of the sea entered my room. Nilingon ko ang kalmadong dagat at ang mga alon nitong mahinhin na dumadaloy sa dalampasigan.

I didn’t know how I fell in love with the sea. For years, I’ve always painted the blue and green of its waters and how magically they mix together when the waves touch them. Bata pa lamang ako ay sobra na ang pagkahumaling ko sa dagat, lunod na lunod ako sa ganda nito.

Another wave touched the shore and I stared at its beauty. Sa lahat ng elemento, ang tubig ang pinakahinahangaan ko. The sheer, calm waves of the water, the cold, healing drops and the innocent lullaby of the ocean was perfect. Sobrang perpektong gawa ng Diyos sa itaas ang katubigan.

“Ana..”

Natigilan ako sa panunuod sa dagat noong marinig ko ang tawag sa akin ng kaibigan ko. Mapait lamang akong ngumiti bago ko kinuha ang aking bag sa bedside table. Nakasunod lamang ang titig sa akin ng aking kaibigan habang itinatali ko ang sintas ng aking sandalyas.

Binuksan ko ang pinto para lamang salubungin muli ng dagat. My brown curly hair was blown by the harsh winds. Kinuha ko ang aking sun cap bago ko sinuot ang itim na aviators. May naghihintay na sa aking traysikel para dalhin ako sa kabisera ng isla.

Kitang kita ko ang awa sa mata ng aking kaibigan habang pinapanood akong sumakay sa trayk. Habang nasa byahe ay di ko mapigilan hawakan ang singsing na ibinigay niya sa akin noon. The tear drop ring made me remember the waters again. Kung paano ko kamahal ang dagat ay ganoon ko rin siya kamahal. O mas higit pa. Siguradong mas higit pa.

Ipinikit ko ang aking mata para pigilan ang luhang nagbabadya na namang tumulo. Ang pamilyar na kirot sa dibdib ko ay muling umusbong. Masakit man pero nasanay na ako. Siguro dahil sa araw araw na ginawa ng Diyos, palagi lamang akong nasasaktan dahil hindi naman siya akin. Ako ang mali dahil pinilit ko ang sarili ko sa taong pagmamay ari na ng iba.

Ibinaba ako ng traysikel sa tapat ng pinakamalaking mansyon dito sa Isla Fuego. Kumatok ako sa gate at agad akong pinagbuksan ng isa sa aming kasambahay. Nagulat pa ito noong masino ako bago niya niluwangang ang pagkakabukas.

The rich glass mansion was on top of a small hill, overseeing the ocean. Puti ang pinakakulay ng mansyon, sa bawat gilid ay may nakatanim na puno ng buko. Sa kaliwang parte ay naroon ang duyang rattan, eksakto sa ilalim ng isa sa punong buko roon.

Tinawid ko ang hagdan na gawa sa marmol bago ako pumasok. Agad na bumungad sa akin ang mayordoma na si Nanay Miling, nililinisan ang isa sa mamahaling vase roon sa sala.

“Ana! Anak, bumalik ka na!” bati niya, halos mabitawan na ang basahan. Magiliw lamang akong ngumiti bago ko hinubad ang aking sombrero at salamin.

“Nanay Miling, kamusta na po?”

“Naku, ang payat mo! Anong ginawa mo sa sarili mong bata ka! Paniguradong magagalit ang asawa mo kapag nakita ka!” kastigo niya sa akin. Nanigas ang aking likod bago ako pilit na ngumiti.

“Nandito po ba siya?” tanong ko. Namutla si Nanay Miling bago binalingan ang hagdan.

“Assana..kuwan kasi..” sagot ni Nanay, hindi na makatingin ng diretsyo sa akin. Muling humigpit ang hawak ng aking kamay sa aking bag bago ako umiling.

“Aakyatin ko muna siya Nanay..”

“Pero Ana—“

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ng matanda. Dumiretsyo ako sa hagdan at umakyat sa kanyang opisina. My heart was throbbing so hard, it felt like million waves were pushing my chest to the limits. Sa nanginginig na kamay ay kumatok ako sa dahon ng pintuan.

“Come in,” anas ng baritone niyang boses. Pinihit ko ang seradura gamit ang nanginginig kong kamay.

He was staring at the window, his back against me. Nakaharap siya sa dagat habang pinapanood ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan. Tumikhim ako para ipahayag ang presensiya ko ngunit di pa rin siya humaharap.

His shoulders became broader. Sa tingin ko ay mas lalo rin siyang tumangkad mula noong huli naming pagkikita. His hair curled a little at the ends, already touching his collar. His long fingers raked his wavy hair before sighing once again.

“Kung uuwi ka pala, dapat ay nagpasundo ka. You shouldn’t have travelled alone. It’s dangerous,” malamig niyang sabi. Dahan dahan siyang humarap sa akin, cold fury written all over his green eyes.

“Hi too Chasin,” I mocked. Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya sa sinabi ko. Alam kong hindi niya inaasahan ang ganitong sagot. Sigurado akong iniisip niya na lalabanan ko siya, just like my usual, bitchy self. Pero iba na ngayon. Pagod na akong lumaban. Pagod na akong ipaglaban siya para ipatalo lamang niya sa huli.

Umikot siya sa kanyang lamesa. Sumandal siya roon bago pinagkrus ang braso niya sa kanyang dibdib. Huminga ako ng malalim at mabilis na lumapit sa kanya. Ramdam ko iyong init ng titig niya sa akin, pinapanood ang aking ginagawa.

Lumapit ako sa coffee table na naroon bago ko sinalubong ang init ng titig niya. His green eyes made me remember of the waters and how I always drown in fascination with them. Kung paano ako nahumaling sa dagat ay ganoon rin ang pagkahumaling ko sa kanya.

“I came here to give this back to you,” sabi ko sabay hubad sa aking singsing. His eyes screamed anger at me while I remove the ring. Sa sobrang kaba sa galit na iyon ay inilapag ko lamang ang singsing sa coffee table niya.

“What are you doing Assana?” he growled like a hurt animal. Napalunok ako bago siya tiningnan ng diretsyo sa mata. Pilit akong ngumiti kahit sa loob ko ay unti unti na akong nawawasak.

“I’m doing what I should have done years ago Chasin. I’m ending this—“

Hindi ko natapos ang sasabihin ko noong lumipad sa ere iyong vase sa kanyang lamesa. It flew right past me to the wall behind me. Rinig na rinig sa loob ng kanyang opisina kung gaano kaingay ang pagkabasag noon.

“Chasin! Ana! Anong nangayayari diyan?” nag aalalang tanong ni Nanay Miling sa labas. Sumunod roon ang iilang mga katok.

“Leave!” sigaw niya. Agad na tumigil ang mga katok bago ako nakarinig ng mga yabag na papaalis. Nilingon ko ang pinto bago ko naramdaman ang bigla niyang pagpihit sa akin paharap.

“You’re ending..this? You’re ending us, huh, Assana?” he whispered dangerously. Hinila niya ako ng marahas bago ako tinitigan ng masama. His green eyes turned dark because of fury. Nanlambot ang aking tuhod sa takot ngunit hindi na ako papatibag. I’ve built myself for this event. I’ve been hurt before and I won’t hurt myself any longer. Tama na.

“Yes—“

“Just try Assana Falcon! Just try! At makikita mo kung anong kaya kong gawin wag ka lang makawala,” banta niya. Pilit kong hinihila ang aking braso pero hindi siya natitinag.

“Bitawan mo ako Chasin! Ano ba!”

“You won’t leave me! You’re not going to leave Ana! If it means I would have to lock you up inside this house, then so be it!” sigaw niya pabalik. Hinila ko muli ang aking braso at doon ay binitiwan na niya ako.

“Ayoko na Chasin! Please..” I begged. Sabay ng pagmamakaawa ko ay ang pagtulo ng aking luha. Mas tumigas ang kanyang ekspresyon noong makita na ang pag iyak ko.

“You’re my wife Ana…” mahina niyang sabi. Napailing ako bago bumugso ang mga luha.

“I’m not..I don’t want to be your wife anymore..please..” hikbi ko. Napapikit ako at umupo na lamang sa sahig.

“Please..ayoko na..ayoko ng maging asawa mo..” mahina kong sabi. Isang pagbasag na naman ang narinig ko na nagpagulat sa akin. Tiningala ko si Chasin, his eyes bloodshot from anger, his stance like a wounded animal. Malungkot lamang siyang ngumiti sabay iling.

“That will never happen, Mrs. Falcon.”

Let HopelessPen know what you thought about this chapter!

Claire Soliven
Claire Soliven

Oh my ged 😆 Chasin Falcon is in the house 😊😍😚😘😙

9 years

Further Recommendations

The Alpha's Exiled Mate (ON HOLD)

Catherineb83: Story good just would have liked her not to wear a mask

Read Now
Bear Shifter Secrets

tatianne Ingrid: Adorei cada capitulo! parabens

Read Now
An Irish Match

readingtoday77: This story is so very sweet. I really like each main character's emotional evolution, especially Liam working through difficult past betrayal and tragedy to be able to take a chance and love again. The sex scenes were fiery and tender and so very moving, especially the scene when Maeve says that she...

Read Now
Going For The Goalie

S.TYTECA: I really enjoyed reading this book! The story was engaging and kept me interested throughout. There were a few minor spelling errors here and there, and some parts felt a little drawn out for my personal taste, but that’s purely subjective. Overall, it was a lovely read, and I genuinely enjoyed the ...

Read Now
Ruthless Lord

susiebear2012: Realy enjoyed this so looking forward to more.great story line hope they can achieve getting away from the kings burden. Truly amazing well written well done.

Read Now
Bloodlines

Read4Free16: Fantastic development of characters and story line

Read Now
Light at the End of the Track

Sonya: This was a lovely gripping and emotional storywith a brilliant ending

Read Now
Hit and Run

ZaraPearl: I truly love the story, very intersting and lovely.Sebastian is a great character and yoda ..., all of it , though I expected more at the endingi5 would've been great

Read Now
The Cursed Alpha's Fifth Luna

karen cridland: Good character construction and fluid writing style.

Read Now