Tadhana
You know I want you, it's not a secret to hide
I know you want me
So don't keep saying our hands are tied
"Hoy! The abangers ka nanaman sa crush mo noh?" gulat sa akin ng kaibigan at kaklase kong si Jillian.
Bigla akong napatakbo sa likod ng pinto nang makita ko ang taong pababa ng hagdan.
"Hi! Kuya Lyndon!" maingay na bati ni Jillian, parang nananadya.
"Hi! ... Hi! Ella" maikling sabi niya ng nakangiti. Habang kilig na kilig naman si Jillian sa aking tabi.
Patapos na ang kalahating araw ng klase, pero wala man lang akong nawawaan sa mga sinabi ng teacher naming.
Ramdam ko parin ang puso kong nagreregodon, lalo na kapag napapatingin ako sa kaibigan ko na bigla na lang ngumingiti.
"Tinawag niya pangalan ko" bulong ko sa sarili, at naramdaman ko nanaman ang kilig.
Ilang beses na rin akong nagpigil ng tili mula kaninang umaga. Dalawang taon ko na siyang crush, ngayon lang niya ako pinansin. Kung kalian magtatapos na siya ng high school at ako naman dalawang taon pa.
Dalawang taon, dalawang taon ang mabilis na lumipas.
"Bilisan mo Ella, nandiyan sa labas mga seniors natin" nalilitong wika ni Jillian.
"Huh?!" wika ko na napatingin sa relo, malapit ng matapos ang sampung minutong ibinigay ng Corporal Commander naming sa CAT.
Pinili kong itulak ang kaibigan ko para lumabas, kesa naman demerit ang makuha naming pareho.
Nakita ko na siyang ng side steps sa harapan ng seniors naming nahuli tuloy ako ng isang hakbang.
Tapos na siya ng makita ko siyang sumenyas, ngunit natakot akong lumingon. Para lang magulat sa taong nasa aking harapan.
Pagkatapos ng dalawang taon, nakita ko nanaman siya.
"Isang hakbang na lang Ella, makakalampas ka na" bulong ko sa sarili kahit kinakabahan sa lalakeng aking nasa harapan.
"Huh?!" nagulat ako, dahil ako'y patuloy mong sinasabayan. Paano ako makakatakas sa harap mo?
Rinig ko na ang tawanan ng mga ibang officers dahil sa ginagawa mo. Rinig ko rin ang pag bilang ng troup commander namin. Ang kaba ko nasa ulo ko na.
Mabuti na lang naisipan mong tumigil pagakalipas ng limang hakbang, kaya tinakbo ko na para makabalik sa pila ko.
Muli nanamang nag regodon ang dibdib ko ng makita kitang tumabi sa akin.
"Hindi ka nakikinig, akin na nga notebook mo" sabi mo tapos kinuha mo na ang notebook ko at ikaw na ang nagsulat.
"Sige lang, titig lang habang libre" natatawang sabi mo ng maramdaman mong naka-titig ako sa'yo.
Binuklat ko ang notebook ko
"Report to me later Cadette" ito ang nakasulat sa notebook ko, napatingin ako sa'yo at nahuli kitang tumatawa habang nakatingin sa akin.
"Miss Miranda!" tawag sa akin ng isang boses, pauwi na sana kami ni Jillian total tapos na ang training.
"'Di ba sabi ko mag report ka sa akin?" sabi mo habang nakatingin sa akin
"Mauuna na ako Ella" nagmamadaling paalam ni Jillian ng makita niya akong lumapit sa'yo.
"Ano to?" tanong ko sa inaabot mong notebook sa akin.
"Slumbook mo, two years na 'yan sa akin. Akala ko kasi kay Jillian, sabi niya kanina sa'yo pala" nakangiting sabi niya.
"Ahhh... nasa 'yo pala. Akala ko nga nawala na 'to eh" sabi ko habang tinitignan ang slumbook na nawala na sa isipan ko.
Inihatid mo ako hanggang sakayan... nang pigilan mo ako
"Ella, pwede bang ihatid ulit kita sa lunes?" nahihiyang paalam mo
"S-sige" sagot ko ng pinipigilan ang ngiti.
"Ella, bilisan mo mag-empake ka, uuwi tayo sa amin" salubong sa akin ni mama pagdating ko ng bahay.
"Bakit po?" tanong ko habang pumapasok sa kuarto.
"Namatay ang kapatid ng lolo mo, inuwi nila sa probinsiya para doon ilibing" paliwanag ni mama.
Gabi na ng makarating kami sa probinsiya, wala akong masyadong kilala ditto maliban sa mga pinsan kong buo. Hindi naman kasi ako dito naglalagi.
"Tamang-tama Elma, darating mamaya mga anak ni Tito Sebio mo" sabi ng lola ko kay mama.
Hindi ko na namalayan ang oras, naubos sa pag-aasikaso ng mga gustong makiramay.
"Ella, tawag ka ng mama mo, nandiyan na raw si Tito Lorenz mo, pinapahanap ka" sabi ng pinsan ko.
Lumapit ako kina mama at sa kausap nito.
"Ito na ba si Ella? Mabuti nandito ka iha, para makilala mo ang mga pinsan mo. Hindi mo pa nakikita mga ito, baka magkakakilala pa kayo" sabi ni tito Lorenz.
Nang bigla kang lumabas mula sa likod niya.
"Ella, ito si Kuya Lyndon mo, baka magkakilala kayo" nakangiting sabi ng papa mo.
Pakiramdam ko nabuhusan ako ng malamig na tubig, kitang-kita ko rin ang pagkawala ng ngiti mo.
Nagpaalam akong umalis sa harap ninyo. Pinipigilan ko ang pagtulo ng luha ko.
Nararamdaman ko ang bawat tingin mo, sinusundan ang bawat kilos ko.
Nabahala ako ng makita kitang lumapit sa akin...
"Ella, mag-usap tayo" sabi mo at hinila mo ako sa likod ng bahay.
"Alam mo?" tanong mo sa akin, kita ko ang pamumula ng mata mo
"Hindi" sagot ko habang nakatingin sa lupa. Natatakot akong tumingin sa'yo.
"P-paano tayo?" muling tanong mo, pinipigilan ang pag piyok ng boses
How do we rewrite the stars?
Say you were made to be mine?
Nothing can keep us apart
You'd be the one I was meant to find
It's up to you, and it's up to me
No one can say what we get to be
So why don't we rewrite the stars?
Maybe the world could be ours, tonight
"W-wala pa namang tayo, Kuya" nasasaktang sabi ko.
"Ella" sabi mo at hinawakan mo ang kamay ko.
"Hindi na tayo pwede kuya" bulong ko, umaasang makarating sa'yo
"Huwag mo nang basahin iyong slumbook" sabi mo pagkatapos ng mahabang sandali at iniwan mo ako.
"Ella, pakuha ng bola" sigaw ng kaklase ko, ipinapakuha ang gumulong n bola. Hinabol ko naman ito, huli na ng makita kong hawak mo.
Muli kitang nakita, isang taon pagkatapos nating mag-usap. Tumigil ako, lumapit ka... hanggang bola na lang ang pagitan natin. Kinuha ko ang bola ngunit hindi mo binitawan. Nakita ko ang pagsilay ng luha sa mga mata mo habang nakatitig sa akin. Walang salita, puro luha lang ang namagitan sa atin. Pagkatapos umalis ka na at umupo sa bleacher, nakatitig parin sa akin.
You think it's easy
You think I don't want to run to you
But there are mountains
And there are doors that we can't get through
"Ella, mag ready ka sa Linggo ha, may pupuntahan tayong kasal, nandiyan sa mesa ang invitation" sabi ni mama.
Pinulot ko ang magarbong papel na nasa mesa, pinasadahan ko ito ng tingin. Nakita ko ang guapo mong mukha, kayakap ang isang babae. Pinakiramdaman ko'ng mabuti ang sarili ko, hindi na ako nasasaktan. Limang taon, mula ng huling magkita tayo sa gym.
Naalala ko ang slumbook, maari ko na siguro itong buksan.
Name: Lyndon Cruz
Age: 20
.
.
Crush: EM
First Love : Ella Miranda
Lingo
Tinitignan ko mula sa malayo ang iyong mukha, habang nakatingin ka sa babaeng ngayon ay nasa harap mo, nakita kong muli ang pagsilay ng ngiti mo.
Ng maramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko. Napangiti ako sa nabasa, at tuluyang lumabas ng simbahan.
"Hi! Let's go?" nakangiting salubong sa akin ng isang lalake.
"Let's go!" sigaw ko at hinawakan ang kamay niya patakbong pababa sa hagdanan ng cathedral.
You know I want you
It's not a secret I try to hide
But I can't have you
We're bound to break and my hands are tied.
Masaya ka na kuya, maari na rin akong sumaya. - Ella
----------------------------------
Ctto: The song "Rewrite the stars" by Zac Efron










