Chapter 1
KATE Point-of-view
"I am sorry Ann, I cannot choose you. Oo mahal kita, pero hindi sapat iyon para piliin ka."
"Paano ba maging sapat para sa 'yo? Nang ako naman ang piliin mo?!" I took a step closer to him for me to be able to hug him. But he chooses to step back.
"Ann, hindi ako ang para sa 'yo, look nasasaktan lang kita."
"Mas lalo mo lang akong masasaktan kung lalayuan mo ako. Hindi mo naman kailangan mamili between me and your career. Look at my eyes Josh, hindi ba't mas maganda na inaabot mo ang pangarap mo ng kasama ako? Right?" My eyes started to water when he just look away as a response. "Josh look at my eyes!" I yelled with full of frustration and throw a light punch on his chest.
"Umalis ka na lang Ann," with his words, my tears started to roll down. "I cannot make you happy, I cannot choose you. You are not good enough for a fight," he said and slamed the door close.
Naiwan ako sa labas ng pinto nila ng luhaan at wasak na wasak.
"Cut! Nice shoot!" mabilis kong pinunasan ang luha ko nang marinig ko na ang boses ng kaibigan kong si Danica.
Last day kasi ng taping namin para sa project sa subject na media and communication.
"Ang galing Kate ah," tataas-taas kilay na puri ni Rocco sa akin pagkalabas niya sa bahay ng classmate namin, kung saan kami nag-taping.
Classmate ko si Rocco na gumanap bilang Josh.
"Syempre. Ako pa," proud kong tugon.
Nagulat ako nang nakangiting ginulo nito ng bahagya ang buhok ko.
"Tara na," aya niya. Dahan-dahan naman akong tumango.
Nakaramdam kasi ako ng awkwardness sa ginawa niya lalo na't nandito ang girlfriend niya.
Speaking of his grilfriend pagkalingon na pagkalingon ko sa pwesto ng ibang classmate ko ay nakatingin ito sa akin ng masama.
Nginitian ko siya pero tingin ko nagmukha lang akong aso, dahil pilit lang iyon.
"Panoorin natin mga master," dinig kong suhestiyon ni Anthony, ang pasaway naming kagrupo.
"Heh! Hindi pa na-edit," pagtanggi ni Danica.
"Bilis na," pangungulit pa rin ni Anthony.
"Tumigil ka nga!" suway ni Danica. Napailing na lang ako, kasi badtrip na talaga siya kay Anthony.
Laging late sa meeting at practice demanding pa.
"Pagbigyan mo na 'yan ng tumigil, saka para makita rin namin kung may mali at dapat ayusin."
"Salamat master Rocco," sumaludo pa si Anthony kay Rocco na ngayon ay nakaakbay na kay Joy. Ang girlfriend niya na classmate din namin, na siyang naka-assign para sa mga susuotin namin para dito sa film.
Di hamak na maporma naman kasi talaga siya.
Pumasok kami sa bahay ni James at tumambay sa sala. Sandaling sinet-up ni Danica at James ang video. Bukod sa sagot ni James ang bahay, si James din ang camera man namin. Kasi maganda ang quality ng camera ng cellphone niya.
"Oh, nood na. Huwag maingay ah!"
"Yes po master Danica," tinarayan lang ni Danica si Anthony.
Kumilos na ako at umupo sa sofa katabi si Danica.
"Ang galing mo kanina bakla," puri nito sa 'kin. "Iba na level ng talent mo, kuma-Kathryn Bernardo!"
"Naman," kumindat pa ako.
I am always proud to myself.
Hindi nga nagtagal ay nag-play na ang video namin. Hindi pa malinis ang transition dahil hindi pa na-edit. Pero pasado naman sa standards ko.
"Grabe, parang may pinanghuhugutan Kate ah," daldal ni Anthony, binatukan naman siya ni Danica. Abot kamay niya kasi ito dahil nakaupo si Anthony sa sahig ng sala.
Ang kwento kasi ay isang babae na nagmahal ng lalaking sabik na sabik ibahagi ang passion niya sa buong mundo. At inalok ito ng management na maging parte ng isang banda, kaya nga lang. Hindi siya maaring magkaroon ng girlfriend dahil makakaapekto raw iyon sa pagsikat ng lalake.
"Gosh nakakakilig kayo diyan!" tili ni Lara, iyong writer ng grupo namin. "Lakas ng chemistry niyo!" natawa ako na ikinalingon ng lahat sa 'kin.
"Hindi ako natawa sa sinabi niya kundi sa reaksyon niya. Para siyang sealion na pumapalakpak habang tumatawa," depensa ko dahil parang na misunderstood ata ng girlfriend ni Rocco dahil matalim na naman kung makatitig.
"Ang sama mo!" pinanlakihan ako ng mata ni Lara. "Pero seryoso bagay kayo ni Rocco. Rocco plus Kate equals RocKate, syusyal."
"Girlfriend here," singit ni Joy na nakalingkis sa braso ni Rocco.
"Iyan, ang harot..." pang-aalaska ni Anthony kay Lara. "Pero master Rocco," napalingon naman ako kay Rocco ng tawagin siya ni Anthony. "Bagay kayo ni Kate, Ayiiieut!" hindi ko napigilan matawa lalo na't nakakahawa ang tawa ni Lara na ang lakas-lakas.
"Team RocKate!" pinagmasdan ko ang magiging reaksiyon ni Rocco at nawindang ako ng ngumiti pa ito imbes na mainis.
"Manahimik ka Lara, lalo ka na Anthony," awat ni Danica.
"Sorry po master Danica."
"Mga abnormal kayo, tigilan niyo 'ko," protesta ko dahil baka mamaya ay may sumugod na sa akin, para kalbuhin.
"So guys, uwi na tayo. Si Mark at James na raw bahalang mag-edit. Five na rin ng hapon, may quiz pa tayo sa chem bukas," paalala ni Danica.
"Yown! Tara ML!" sigaw ni Anthony.
"Ang bad influence mo Anthony. Tara laro," nagtawanan kaming lahat sa pagsangayon ni Rocco.
Kunwari pang malinis e hahaha!
"Nakooo! Puro-ML, uwi na kami," paalam ni Danica ng maayos na niya ang laptop.
"Bye!" paalam ko rin.
Kasabay naming lumabas si Lara, dahil naiwan si Anthony, Rocco at Mark sa loob. Dahil sa ML pati na rin sa video editing, syempre naiwan din si Joy dahil ando'n ang jowa niya.
"No Joke Kate, bagay talaga kayo ni Rocco. Fan niyo na ako," hinampas ko ito sa braso.
"Manahimik ka, may girfriend iyong tao. Mamaya ma-issue pa ako."
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo, saka mas bagay kasi talaga kayo ni Rocco. Iyong titigan niyo sa film, grabe! Nakakanginig sa kilig."
"Kakaltukan kita kung hindi ka pa lalayo sa 'kin," banta ko rito.
"Aysus, kinikilig ka lang e."
"Lara!" sigaw ko.
"Ito naman, biro lang. Sige una na ako," ani nito.
"Mabuti pa nga," tumawa lang ito saka lumakad sa kabilang kalsada.
"Kababaeng tao, ma-issue," iiling-iling akong bumaling kay Danica na ang tahimik.
"Bakit ang tahimik mo? Anong iniisip mo?"
"Iniisip ko na... bagay nga talaga kayo ni Rocco," inis na binalingan ko ito saka nagmartsa na paalis.
Badtrip!










