Chapter One
KASALUKUYANG nakaupo ako sa isa sa long chairs sa prayer room at pinagmamasdan ang nagdarasal nang taimtim na isang lalaki. Sa buong pagdarasal niya ay pinagmamasdan ko lang siya. Nang sa tingin ko ay tapos na siya ay agad akong lumipat ng upuan malapit sa kanya.
"Hi, sino'ng dinadalaw mo rito?" tanong ko nang tumingin ang lalaki sa puwesto ko. Nakita ko ang pag-usisa niya ng tingin sa akin. I was wearing a hospital gown, feeling so sick and pale.
Ngumiti siya sa akin bago sumagot. "Ang mama ko."
I nodded. "Okay na ba siya? Ano'ng sakit niya?"
Umiling muna siya at nagbaba ng tingin nang may maalala. "Hindi pa nga eh... Her heart is very weak. She's really sick and suffering, pero naniniwala pa rin akong hindi niya kami iiwan."
"Pareho rin pala kami," nakayuko na sabi ko at malungkot na nakatitig sa sahig. "Mabuti ka pa hindi ka nawawalan ng pag-asa. Ako kasi matagal ko nang tinanggap na wala na, eh. Kahit pa sinasabi nila sa akin na posible raw na maging okay na ako kapag nag-succeed ang transplant surgery, pero wala pa rin namang kasiguraduhan doon. Mabuti pa nga na mamatay na lang ako, eh. Tanggap na tanggap ko naman na. Isa pa, wala na rin akong dahilan pa para mabuhay." Hindi ko napigilan ang pagtakas ng mga luha kong sunud-sunod na pumatak hanggang sa aking paanan.
Hindi ko inaasahang may isang kamay na pumunas sa mga luha sa pisngi ko. "Hindi ka dapat umiiyak."
Bahagya akong natigilan at nag-angat ng tingin sa kanya habang tinutuyo niya ang mukha kong hilam ng luha gamit ang panyo.
"Maswerte ka pa nga kasi may chance ka pa, eh. Kailangan mo lang magtiwala sa kanya." Sinundan ko ng tingin ang kamay niyang nakaturo sa altar ng prayer room. "Bakit mo gugustuhing mamatay na lang kung `yong iba nga na gustong-gusto ang mabuhay, namamatay? Tapos ikaw na binigyan ng chance sasayangin mo lang. Unfair `yon, `di ba? Hintayin mo, kung ano ang kalabasan, then accept it. Kung nabigyan ka ng new life—instead of talking nonsense things—thank Him first. Kasi for sure, ginawa niya `yon nang may reason."
Tumigil ako sa pag-iyak dahil sa mga sinabi niya. "Siguro ang saya n’yo ng pamilya mo, `no? Hindi kagaya sa akin, iniwan kaming dalawa ni mama ng papa ko para lang sa ibang babae." Malungkot pa rin ang mukha ko ngunit tumigil na sa pagluha. "Kahit nalaman niya na ganito na ang kalagayan ko, hindi talaga siya nag-abalang puntahan at dalawin ako..."
"Bakit ganyan kayong mga lalaki? Bakit hindi kayo marunong makuntento? Pare-pareho lang kayo. Hindi n’yo man lang naisip ang mga nasasaktan n’yo," sumbat ko pa.
Ngumiti siya sa sinabi ko at humarap sa altar. "Alam mo, hindi naman lahat ng lalaki ay hindi marunong makuntento, kagaya ng iniisip mo. Hindi sa inaangat ko ang sarili ko ah, pero ang totoo—bukod sa mama at mga kapatid kong babae—sa isang babae lang umiikot ang mundo ko. Para sa akin, siya lang ang una at huling babaeng mamahalin ko at sa kanya ko lang handang ialay ang buong puso ko. Basta tandaan mo na hangga't nabubuhay ka, huwag na huwag kang mawalan ng pag-asa. Kasi hangga't meron ka n’yan, hinding-hindi ka matatalo sa laban ng buhay. Be strong enough to face everything, kasi mas matindi pa'ng pagsubok ang puwede mo pang pagdaanan `pag nagkataon. Kailangan mo maging matatag para sa sarili mo dahil balang-araw walang ibang puwedeng magtanggol sa `yo kundi ang mismong sarili mo rin." Inabot niya ang panyo at mahinang ginulo ang buhok ko. "Aalis na ako, ah. Kita na lang ulit tayo rito bukas."
Naglakad na siya palabas. Malayo-layo na rin ang nalakad niya nang bigla ko siyang pinigilan. "Ano'ng pangalan mo?"
Huminto siya sa paglalakad upang pumihit paharap sa akin. "I'm Zack—" ganti niyang sigaw. "It's Zack Dylan Morgan!"
Three years later...
Kasalukuyan ako'ng nagbabasa ng mga good and bad comments tungkol sa isang taong matagal ko nang gustong makita. Matagal na panahon na rin kasi mula nang huli kaming magkita at ang totoo ay hindi ko rin alam kung nakikilala pa niya ako.
"Babaero, manloloko at heart killer ng mga kababaihan? Totoo ba 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko sa harap ng laptop.
Ayokong maniwala sa mga komento na nababasa ko sa website nila. Hindi naman kasi ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya.
Kung bakit naman kasi palagi akong nakatambay sa website ng pamilya nila, eh. Pero may dahilan ako naman ako, eh. Gusto kong malaman ang tungkol sa kanya. Gusto ko pa siyang higit na mas makilala pa.
Maikling panahon lang kasi ang binigay sa amin ng pagkakataon kaya hindi ako nagkaroon ng chance na gawin iyon.
"Anak, sinong kausap mo?" Lumingon ako kay mama na naglalakad palapit sa akin. Masyado 'ata akong napatutok sa binabasa ko kaya hindi ko man lang napansin ang pagpasok niya. "Kanina pa kita pinagmamasdan diyan, hindi mo man lang ako napapansin," aniya at yumakap sa likod ko.
"Nakakawindang naman kasi 'yong mga nababasa ko rito 'ma. Ang daming haters ng Morgan, nakakainis!" nakasimangot kong sumbong at lumingon sa kanya.
Nahuli ko ang biglang pagngiti niya, parang alam na niya ang tungkol sa sinasabi ko.
"Hindi man lang ba sila na-bo-bothered 'ma sa mga simasabi tungkol sa kanila?"
"Uhm..." Inikot niya ang swivel chair para mapaharap ako sa kanya. "Or maybe, hindi lang nila pinapansin ang alam naman nilang hindi totoo. May mga tao kasi talaga na kahit anong ganda na ang ipakita mo sa kanila, hahanapan ka pa rin nila ng butas para maging masama ka sa paningin nila. Kaya siguro, ganoon. Marahil ay ibinibigay lang nila ang kaligayahan ng mga mapanghusgang nilalang."
Natigilan ako sa sinabi niya. Ang lalim naman ng hugot niya sa tanong ko, hindi ko masisid.
"Ma, okay ka lang?"
"Huh? Oo naman, bakit? Halatang nagulat ito sa pagtatanong ko.
"Ang lalim ng hugot mo eh," sabi ko saka tumawa.
"Tss. Silly! Sinasagot ko lang ang tanong mo," nakangiti niyang sabi at umiling-iling. "Ikaw talaga, lumabas ka na nga at kumain. Nakapagluto na ako ng dinner, asikasuhin mo na lang ang sarili mo, okay? Aalis na muna ako."
"Saan ka pupunta?"
"Maghahanap ng bago mo'ng papa."
Natawa ako sa isinagot niya. Kung makapagsalita akala mo naman talaga kaya niyang gawin.
"Totohanin mo, 'ma!" sigaw ko habang tumatawa.
Napailing ako nang makalabas siya at sumarang muli ang pinto ng kwarto ko.
Inikot ko ang upuan gamit ang katawan ko para humarap muli sa laptop. Bilib talaga ako sa mama ko, kasi kahit alam ko naman na hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa ginawa ni papa ay pinipilit pa rin niyang maging matapang at masaya sa harap ko.
Kung kagaya lang sana ako niya lang sana ako.
Isinara ko ang laptop ko at tumayo para mag-inat. Titigilan ko na muna ang pagbabasa ng mga nakalagay sa site ng Morgan. Puro lang naman kasi kasinungalingan ang nakalagay roon, halata kasing naiinggit lang ang mga sumusulat ng mga hate messages para sa kanila. Pero bahala sila, kasi kahit naman ano pa ang ikomento nila ay hindi pa rin naman ako maniniwala. Mas paniniwalaan ko pa rin ang mismong nasaksihan ko.
Huwag mong lokohin ang sarili mo, gaga!
Ipinilig ko ang ulo ko para burahin ang sinisigaw ng isang parte ng isip ko.
No!
Hindi pa rin ako maniniwala na ang lalaking tinutukoy nila roon ay ang taong naging inspirasyon ko para magpatuloy pa sa buhay.
Sigurado ako ro'n!
Upang maaliw at mabura sa isip ko ang lahat ay minabuti ko nang lumabas ng kwarto. Pumunta agad ako sa kusina para kumain. Sa kaka-stalk ko kasi kaniya ay hindi ko na namalayan ang oras.
Alas-sais na ng gabi at hindi pa ako nakakain ng lunch.
Grabe, kaya pala gutom na gutom na ako! Walong oras pala akong nagbabad sa laptop para lang magbasa ng mga walang kwentang comments at hate messages, si mama naman hindi man lang ako inawat.
Tsk. Sige Fil, panindigan mo ang pagiging stalker, kastigo nanaman ng isip ko.
This is insane, pati 'ata sarili kong isip ay hindi na ako sinasang-ayunan.
Malala na nga 'ata ako.
Nang matapos akong makapagsandok ng kanin at ulam sa plato ko ay umupo agad ako sa mesa at maganang kumain kahit nag-iisa.
Hindi na bago sa akin ang ganitong sistema sa bahay namin. Mula pa naman noon ay parang nag-iisa lang ako sa bahay na 'to. Madalas talagang hindi kami nagkakasabay ni mama sa pagkain. Malungkot man ay nasanay na rin ako. Mas okay na nga ang ganito kaysa naman sa dati na binabalewala niya talaga ako.
Mula nang iniwan kami ni papa, hindi na bumalik ang dating sigla at saya ni mama. Para siyang nawalan ng gana sa buhay at ang tanging ginagawa lang niya ay magkulong sa kwarto at umiyak ng umiyak. Ang tindi ng sama ng loob ko noon dahil parang kay papa lang umiikot ang mundo niya, parang nawala ako---na anak niya sa eksena.
Hindi na niya ako pinapansin at iniintindi dahil mas gusto niyang magkulong lang sa kwarto at doon mag uumiyak.
Galit ako sa kanilang dalawa noon, lalo na kay papa. Kung hindi niya sana mas pinili ang babae niya, hindi magkakagano'n si mama. Siya ang dahilan kung bakit sinumpa ko ang mga kalahi niya at itinatak sa isip ko na pare-parehas lang ang lahat ng mga lalake.
Papaasahin ka tapos sa huli ay sasaktan ka lang rin naman.
Kung hindi pa nga dumating ang araw na nadiskubre namin ang tungkol sa sakit ko ay hindi pa matatauhan si mama. Ilang beses siyang humingi ng tawad sa akin nang ma-confine ako sa hospital dahil daw sa kapabayaan niya bilang ina sa akin, but I don't really blame her. In fact, nagpasalamat pa nga ako sa sakit ko dahil bukod sa ito ang nagpabalik kay mama sa katinuan, it was also the reason why I met him.
Nang dahil sa sakit na 'yon, nakilala ko ang lalake na nagpabago ng prinsipyo at paniniwala ko sa buhay. A handsome prince charming na nagturo sa puso kong magtiwalang muli sa mga kalalakihan.
Kung hindi ako na-confine sa hospital na 'yon, hindi ko sana makikilala ang lalaki na naging dahilan para gustuhin ko pa'ng mabuhay. If it's not because of that freaking heart failure, I wouldn't have met Zack Dylan Morgan.
Hindi ko mapigilan na mapangiti nang maalala ko ang pangalan niya. Sariwa pa rin hanggang ngayon sa alaala ko ang mga sinabi niya noon, pati na rin ang gwapo niyang mukha na may nakakabighaning ngiti sa labi habang nakatingin sa akin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mata niyang mas sumisingkit pa sa tuwing tatawa at ngingiti siya kapag magkausap kami.
Sa buong buhay ko, noong mga panahon na 'yon lang ako nakaramdam ng matinding paghanga at pagkagusto sa isang lalake. Sayang lang talaga dahil pagkatapos ng operasyon ko ay hindi na naulit pa ang pagkikita naming dalawa.
Natapos akong kumain nang hindi ko man lamang namalayan dahil nalunod ako sa pagsariwa ng nakaraan.
Tumayo ako para ligpitin ang platong pinagkainan ko ngunit saglit akong natigilan nang biglang tumunog ang message alert ng cellphone ko. Agad kong kinuha ito mula sa mesang pinagpapatungan at tiningnan kung kanino 'yon nanggaling.
Napangiti nanaman ako nang mabasa ang message.
1 new message: From Maycee
Hi Joshie besh, samahan mo ako mag-shopping tom. Marami akong ike-kwento sa 'yo. ;)
It's from Maycee, my childhood best friend and I think, my soul sister. Ang lakas talaga ng topak niya. Sigurado akong tungkol nanaman sa boyfriend niya ang ichi-chika niya.
Ganoon naman kasi talaga siya parati, kapag may nangyayaring nakakakilig sa kanila ng boylet niya at hindi niya kayang solohin, aayayin agad niya akong mag-mall para ma-i-chika lang sa akin ang nangyari.
Sana lang naisip niya rin na single ang kaibigan niya at nagtitiis na lamang sa palihim na pag-i-stalk sa crush nitong parang hindi rin siya kilala.
Iiling-iling kong ipinatong muli ang cellphone sa mesa pero bigla nanaman itong tumunog; and again, another message from my bestfriend.
I'll be there by 12. See you bessy. Love you.
Napabugha ako ng hangin.
Loka-loka talaga, mukhang ine-enjoy niya talaga ang summer break kasama ang boyfriend niya. Kung iisipin, ang tagal na rin pala ng relasyon nila ni Brixter. Kung hindi ako nagkakamali, 15 years old pa lang kami nang maging magkasintahan ang dalawa and now they've been together for four years.
Kahit medyo away-bati ang relasyon nilang dalawa, hindi ko pa naman nababalitaang umaabot sila sa puntong may gusto nang makipaghiwalay sa kanilang dalawa.
Parehas ko silang kaibigan kaya naman masaya ako na mas lalo pang tumitibay ang relasyon nila sa pagdaan ng panahon.
Huwag lang sana maisipan ni Brix na ipagpalit ang bestfriend ko dahilan para masaktan ito. Ayokong dumating sa punto na makikita ko siyang umiiyak at nasasaktan dahil lang sa ginawa ng isa nanamang walang kwentang lalake.
Oh no, I should not think that way.
KINABUKASAN ay maaga akong gumising para mag-asikaso. Alam kong late nanaman nakauwi si mama kagabi kaya tiyak din na male-late siya ng gising.
Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung saan siya nagpupunta. May mga lakad siya na kung minsan ay masyado na talagang alanganin sa oras. Ayoko rin naman siyang tanungin pa dahil baka ikasama pa 'yon ng loob niya, at ayokong mangyari 'yon. Kaming dalawa na nga lang ang magkasama sa buhay, eh, hindi pa kami magkakasundo.
Kaya nga kahit gustung-gusto ko itong malaman ay hindi na lang ako kumikibo lalo na kapag halatang umiiwas siyang mapag-usapan ang tungkol doon. Tahimik ko na lang palaging pinanunuod ang pag-alis niya.
Pero hindi naman kasi ako manhid para hindi makahalata at makaramdam. Alam kong iyon ang paraan niya para libangin ang sarili. Wala naman sa akin 'yon, eh. Kung iyon talaga ang makakatulong sa kanya para tuluyang bumalik ang dating siya, ayos lang sa akin.
Nami-miss ko na rin siya, eh, 'yong mama na nakasama ko noong mga panahong kumpleto at masaya pa kaming pamilya. Iyong mapagmahal, maalaga, malambing, at higit sa lahat ay napakamasayahin. Hindi na rin ako makapaghintay sa magbalik ang lahat ng 'yon.
"Ang aga naman 'atang nagising ng dalaga ko." Bumaling ako kay mama na nakatayo na pala sa likuran ko habang nakangiting nanunuod sa akin. "May lagnat ka ba, 'nak?"
"Mama naman," pagmamaktol ko. Hindi ko napigilan ang ngumiti sa mapang-asar na bungad niya sa akin. Pumihit ako para humarap at humalik sa pisngi niya. "Morning! Ang aga-aga, nang-aasar ka," sabi ko pa saka nag-pout.
Bahagya pa akong nagulat nang malakas siyang tumawa sa harap ko. Hindi iyon ang tawa na madalas kong marinig sa kanya. Kung tama ang pagkakaalala ko, huli kong narinig ang ganoong tawa niya noong panahon na kumpleto at buo pa ang pamilya namin.
Wait, ibig ba sabihin nito---
"I remember your dad's face when you do that, sweetheart." Mabilis na nagbago ang anyo ng mukha niya.
Ang akala ko pa naman ay nanumbalik na ang dating siya, pero ang alaala pa rin pala ni papa ang dahilan ng masayang tawa niya.
Huminga muna ako ng malalim at tumalikod para ipagpatuloy ang pag-aayos ng mga plato sa mesa.
Hindi ko kayang tagalan na tingnan siya habang may lungkot nanaman sa mata niya. Medyo nakakasawa na rin kasi kapag paulit-ulit na lang ang nangyayari.
"Saan ka ba nanggaling kagabi, 'ma? Late na late ka nang nakauwi." I asked to change the topic.
Kailangan kong gawin 'yon para mabura ang kung ano man ang iniisip niya ngayon. I don't want to ruin our good mood.
"Ah," tila nahimasmasan na nitong sabi. Hinila niya ang isang upuan at umupo roon. "May mahalaga lang akong inaasikaso pero tapos na rin naman." Bigla itong ngumiti saka tumingin sa akin.
Bakit parang hindi 'ata maganda ang pakiramdam ko?
Nahiwagahan ako sa ngiti niya. Kapag ganyan kasi siya, tiyak na may kinalaman sa akin ang ginawa niya.
Bahagyang umangat ang isang kilay ko dahilan para mas lumapad pa ang ngiti niya.
"Ma, ayoko ng ganyang ngiti mo."
"Why?" tanong niya. Halata nagpipigil na siyang matawa.
Okay? Mas lalo akong naintriga. Sige, tama 'yan mama.
"Ano ba kasi 'yong ginagawa mo?"
"Nothing," sagot ulit niya pero tuluyan na siyang natawa. Ang pnakaayaw ko pa naman sa lahat ay 'yong hindi ko nalalaman ang dahilan ng curiousity ko. "Teka, bakit nga ba maaga kang nagising at ikaw pa ang naghanda ng almusal?"
Hinila ko na rin ang katabing upuan niya at umupo rito. Mukhang good mood si mama eh, may chance na magsasabay kaming kumain ng breakfast, and it's actually a good thing for us.
"Akala ko kasi male-late ka ng gising, saka nag-aya kasi si Maycee mag-mall eh. So, I thought I have to prepare food para pag gising mo, kakain ka na lang. Tutal 'yon naman palagi ang ginagawa mo sa akin." Ngumiti ako at hinawakan ang isang kamay niya saka masuyo itong pinisil. "Pero syempre, naisip ko rin na it's time for me to take good care of you."
She glanced at me and for the first time, I saw happiness in her eyes. Medyo nagulat pa ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Sa pagkakataong ito, damang dama ko ang saya at pagmamahal sa yakap ni mama, at talagang masaya na ako sa ganito.
"Ay, mag-almusal na nga tayo. Ang aga-aga nagda-drama tayong mag-ina," ika niya habang kumakalas sa yakap.
Parehas pa kaming natawa nang maghiwalay at magkatinginan.
Maybe...
Just maybe, I could also help her to move on.










