Ang Relo ni Enok

All Rights Reserved ©

Summary

Horror

Status
Complete
Chapters
1
Rating
4.5 11 reviews
Age Rating
16+

Ang Relo ni Enok

"Takbo!" Isang malakas na sigaw ang umagaw sa atensyon ng lahat dahil dumating nanaman ang magnanakaw na laging dumadali sa mga namimili dito sa palengke. "Kahit kailan talaga hindi na naubos ang mga magnanakaw dito, sumasakit ulo ko at baka sa susunod hindi na 'yan mag-dalawang isip na pumatay ng tao." Sabi ni Aling Oryang habang naka-pamewang. Hindi na ako umimik at ipinag-patuloy ko nalang ang pagbili ko. Mataas na ang sikat ng araw kaya hindi na gaanong madami ang tao ngayon dito at ang ibang tindahan naman ay nag-sasara na dahil naubos na ang mga paninda nila.

Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ay biglang may natapakan akong matigas na bagay kaya napayuko ako at tinignan kung ano 'yon. Isang Relo na pilak ang kulay at may bahid ito ng dugo, naririnig ko 'rin ang usapan ng mga tao tungkol sa magnanakaw kanina na dumaan daw dito at binaril ng mga armadong lalaki. Kinuha ko ito at inilagay sa aking bulsa at nag-madali na akong umuwi.

Pinag-mamasdan ko ang Relo dahil sa makinang nitong hitsura matapos 'kong linisin. Nakaramdam ako ng malamig na hangin na dumampi sa balat ko at tumayo ang mga balahibo ko, luminga ako sa paligid pero wala namang kakaiba, natanaw ko ang bintana na naka bukas kaya pinuntahan ko ito para isara. Tumingin ako sa orasan, alas-onse na pala at may trabaho pa ako bukas kaya agad na isinuot ko ang Relo at nahiga sa kama.

****

Malakas ang buhos ng ulan at nagising ako sa lakas ng hampas ng mga bintana, nagtataka ako dahil bago ako matulog ay sinarado ko ang mga ito, basang-basa na'rin ang sahig dahil sa anggi, pinunasan ko iyon at biglang may dumaan sa likuran ko, lumingon ako pero wala namang ibang tao, pumunta ako sa kwarto ng kapatid ko pero mahimbing itong natutulog, bumalik ako sa pag-pupunas ng sahig pero laking gulat ko ng ang tubig na nasa sahig ay naging dugo. Napa-atras ako at napahawak sa hawakan ng hagdan, nanginginig ang dalawang tuhod at malakas ang kabog ng dibdib, "K-kaninong d-dugo ito?" Nauutal kong sabi sa sarili ko at biglang sumigaw ang kapatid ko at humihingi ng tulong. "Kuya tulungan mo'ko hindi ako makalabas!" Dinadabog nito ang pinto at pilit ko'rin itong binubuksan pero hindi ko magawa. Isang usok ang gumagapang mula sa sa loob Ng kwarto ng kapatid ko at mas tumindi pa ang pag-sigaw nito. Naririnig ko na binabalibag ito sa loob at lumalagutok ang mga buto nito at nakikiusap na tigilan s`ya nito pero hindi s`ya nito pinapakinggan. Biglang naramdaman ko ang mainit at malapot na likido sa aking paanan at halos mapatakip ako sa aking bibig dahil alam ko na kung kanino galing ang dugong iyon.

Sa sobrang galit ko, malakas `kong hinampas ang pinto at tumambad sa akin ang walang buhay na kapatid ko. Nag-kulay ube ang balat nito at halos hindi ko na makilala ang itsura niya at may mga nakatusok din na pako sa kanyang dalawang mata.

Napabalikwas ako ng bangon at agad na Tumakbo ako sa kwarto ng kapatid ko, malaking pasalamat ko at panaginip lang ang lahat tumingin ako sa Relo na napulot ko na kasalukuyang suot ko, nanginig ang kamay ko ng makita ko na puno ito ng dugo. Ipinahid ko ang ito sa suot ko at pumunta sa banyo para maligo dahil may malapit na akong ma-late sa trabaho.

Naging maayos naman ang takbo ng araw ko at parang wala namang kakaiba sa akin at parang normal na araw parin naman. Ang kaibahan ngalang parang mabigat ang pakiramdam ko, hindi ko nalang pinansin dahil baka dala lang ng pagod sa trabaho.

"Edgar,`yung kapatid mo natagpuang patay." Sigaw ni Romeo na kasamahan ko sa trabaho. Halos mapaluhod ako dahil hindi nag-si-sink in sa utak ko ang mga sinabi niya. "Anong nangyari sa kapatid ko!?" Nangangatog kong tanong sa kanya. "Natagpuang patay sa bahay n`yo, pinasok daw ng isang hindi kilalang lalaki." Paliwanag niya. Tumakbo ako papunta sa bahay namin pero hindi ko na ito naabutan. Napahawak ako sa aking ulo at sinisisi ang sarili ko na dapat pala hindi nalang ako pumasok para nabantayan ko siya at sana inintindi ko maiigi ang panaginip ko dahil senyales na pala iyon na may mangyayaring hindi maganda.

Matapos ang Isang linggo na ilibing na ang kapatid ko at mag-isa nalang ako sa dito sa bahay. Naramdaman ko na tumunog ang telepono ko dahil may tumatawag, muntik ko na itong mabitawan dahil sa ibinalita ng kasamahan ko sa trabaho, tinanggal na daw ako ng aming amo. Tumulo ang luha sa aking mata at pilit na iniisip kung ano ba ang nagawa kong mali at kung bakit ako pinaparusahan ng ganito. Nakatulala akong umuwi ng bahay at may mga naka-ipit na bayarin sa lamesa, pinag-mamasdan ko ang mga ito at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa lahat ng mga inutangan ko. Kumuha ako ng alak at uminom hanggang sa dapuan ako ng kalasingan para panandalian ko manlang makalimutan ang mga problema na nag-papahirap sa akin ngayon, wala na akong katulong sa lahat ng bagay dahil nasa probinsya ang mga magulang ko at tinutustusan ko pa ang pag-aaral ng mga kapatid ko na naiwan doon. Napahawak ako sa aking sintido at hinilot para kumalma mahirap man ang ganitong sitwasyon, kailangan kong lumaban alang-alang sa mga naiwan ng kapatid ko dahil darating ang Panahon at magiging maayos din ang lahat. Nabaling ang tingin ko sa Relo na suot ko, muling bumalik sa isip ko ang mga nangyari noong napulot ko ito at kagaya ng nangyari sa magnanakaw sa palengke ay ganun din ang nangyari sa kapatid ko. Hindi kaya may sanib ng demonyo ang Relong ito?.

Biglang lumakas ang ihip ng hangin at parang tumahimik ang paligid, bahagya akong sumilip sa bintana at ang kaninang maingay na mga kapit-bahay ay biglang tumahimik. Ipinikit ko ng madiin ang mata ko at agad ko`ding idinilat dahil lang siguro sa kalasingan ko. Bilog ang buwan at umaalulong ang mga aso, walang humpay ang pag-sayaw ng mga kurtina sa bintana. Nawalan na ako ng ganang uminom dahil masakit na ang aking ulo at nahihilo na`rin ako. Maya-maya pa ay biglang may kumatok sa pinto at nag-mamadali ito. "Sandali lang!" Sigaw ko. Tumambad sa`kin ang pawisang katawan ni Romeo at para itong bata na humagulgol at humihingi ng tulong. "Tol, tulungan mo`ko ang mga anak ko inaapoy ng lagnat kailangan ko ng pera pampagamot sa kanila." Hindi ko alam ang isasagot ko sa kan`ya dahil minsan niya na`rin niya akong tinulungan at ngayon siya naman ang nangangailangan ng tulong ko pero sa tingin ko ay wala akong maitutulong. "Pasensya na tol, gipit din ako ngayon alam mo naman kamamatay lang ng kapatid ko at eto lubog pa sa mga utang, sana maintindihan mo`ko tol." Paliwanag ko sa kaniya. Pero parang hindi niya tinanggap ang sinabi ko dahil tumingin ito sa akin ng masama at parang may binabalak na hindi maganda. "Noong ikaw ang nangailangan tinulungan Kita at ngayon ako humihingi ng tulong `di mo`ko matulungan, anong klaseng kaibigan ka!?" Nang-gagalaiti nitong sabi. "Sana intindihin mo`rin ako....." Naputol ang sasabihin ko ng umiling ito at tumawa ng malakas. "Katulad ka`rin pala nila, mga maka-sarili hindi mo man`lang inisip `yung mga tumulong sayo noong panahong gipit ka. Isa kang malaking basura!" Itinulak ako ng nito at natumba ako sa sahig hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya. Hindi na ito ang Romeo na nakilala ko.

May kinuha itong patalim sa kaniyang likuran at itinutok sa akin. "Tol, kumalma ka hindi ito ang sagot sa mga problema mo." Pangungumbinsi ko pero hindi ito natitinag at nakatutok pa`rin ang kutsilyo sa aking leeg. Malakas na sigaw ang Umalingaw-ngaw sa loob ng bahay na sadyang ikina-gulat naming dalawa, sa pag-kakataong iyon inagaw ko ang patalim na hawak niya at itinapon sa labas ng pinto. Kasunod naman n`yon ay ang pag-sara ng pinto. Naalala ko nanaman ang nangyari sa panaginip ko at mukang may hindi magandang mangyayari ngayong Gabi.

May pumasok na itim na usok mula sa bintana at halos mapa-atras ako sa sobrang kaba. Kumakapal ito at napunta sa Iba't-ibang sulok ng bahay, dahan-dahan namang numinipis ang hangin kaya napahawak ako sa aking leeg at ganun rin si Romeo. Nabuo ang Isang nilalang na matangkad at itim ang katawan, meron din itong mahabang kamay na halos lumagpas na sa kanyang tuhod, nanlilisik ang pulang mata at may mapuputing ngipin at napansin ko`rin ang mahaba nitong buhok na halos umabot sa kaniyang bewang, para itong anino dahil sa sobrang itim at napapaligiran ng itim na usok. Hindi ako naka-imik dahil sa takot at si Romeo naman ay naka-tulala at nanginginig ang tuhod at kamay, "Takbo na!" Sigaw ko pero hindi ito nakikinig, lumapit ako sa kaniya at hinila patayo. Nanatiling naka-tayo lang sa aming harapan ang hindi kilalang nilalang at mas nasindak pa kami ng tubuan ito ng mga sungay at buntot. Hindi na ako nag-dalawang isip na Tumakbo at umakyat sa taas ng kwarto dahil hindi `rin naman kami makakalabas sa pintuan. Hinila ko si Romeo papunta sa taas at para itong estatwa na hindi nag-sasalita, Nawala na ito sa sarili. "Bitawan mo`ko demonyo ka!" Sigaw nito sa`kin. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya dahil kung tutuusin nililigtas ko pa siya sa nalalapit na kamatayan. "Umayos ka tol, baka maabutan niya tayo!" Sinampal ko ito at doon lamang ito bumalik sa katinuan. Habang tumatakbo kami naka-sunod lang sa amin ang itim na usok, kasunod niyon ang misteryosong lalaki. Naramdaman ko na umiinit ang suot `kong Relo kaya binalak ko itong tanggalin pero hindi ko magawa, mas lalo itong umiinit at halos malapnos na ang balat ko, napahiyaw ako sa sobrang sakit at biglang Lumabas ang malapot na dugo sa aking ilong. Matapos naming akyatin ang mataas na hagdan ng bahay ay agad na pumasok kami sa kwarto at isinara ang pintuan, nag-mamadali naman si Romeo na isara ang pinto at hinarangan ng iba't-ibang klase ng gamit dito sa kwarto para hindi maka-pasok ang demonyong lalaki, samantalang ako naman ay abala sa pag-aalis sa kamay ko ng Relo dahil hindi ko na kayang tiisin ang hapdi, nakikita ko na`rin ang sarili kong laman at wala paring tigil ang pag-daloy ng pulang likido sa ilong ko. "Ano pa`bang ginagawa mo diyan, humanap kana ng pwede nating daanan, bilisan mo!" Sabi niya pero huli na tuluyan ng naka-pasok ang itim na usok at sinasakop na nito ang buong kwarto. Nagulat ako ng biglang hinila nito si Romeo at agad na tinakpan ang bibig, biglang tumagas ang malapot na dugo mula sa pag-kakabusal sa kanya at may inilabas ang itim na lalaki na isang martilyo at ipinukpok iyon sa ulo ni Romeo, nawalan na ito ng malay pero hindi siya nito tinigilan hiniwa ng lalaki ang kaniyang Tiyan at Lumabas ang bituka nito at hinugot para kainin, nasaksihan ko mismo kung paano nito nilalasap ang bawat lamang-loob ni Romeo at binali-bali nito ang katawan ni Romeo, nasuka ako sa sobrang pandidiri dahil hindi na kinaya ng sikmura ko. Matapos nitong patayin si Romeo, lumapit ito sakin at naramdaman ko ang pag-higpit ng hininga ko, naninikip ang daluyan ng aking hangin at naramdaman ko ang magaspang nitong balat na para itong sinunog ng buhay dahil may lumalabas pa na usok sa laman nito. "Pang-anim ka sa mga mamatay dahil ninakaw mo ang pag-aari ko!" Marahas nitong sabi. Hindi ko alam ang sinasabi niya, wala akong ninanakaw sa kaniya. Nagulat ako at napasigaw sa sobrang sakit dahil tinagpas nito ang braso ko kung saan naka-suot ang Relo ay dinilaan nito ang aking pisngi, naramdaman ko ang init ng hininga nito at magaspang nitong dila na parang hinihiwa ang manipis kong balat sa muka. Bigla nitong Ibinaon ang kaniyang mahabang kamay sa aking dibdib at isinunod naman nito ang aking tiyan, napangiwi ako sa sakit at umagos ang luha sa aking mata. Naramdaman ko rin ang pag-hila nito sa aking bituka at sumama ang aking mga litid. "Ikaw ang nag-lagay sa sarili mo sa kamatayan!" Sabi nito tsaka tumawa ng malakas, halos mabingi ako at Nangangatog narin ang aking tuhod at ang talukab ng mata ko ay parang babagsak na.

Kinuha nito ang Relo at biglang Lumabas ang pangalan na naka-tatak" Enok!" Mahina kong sambit. Wala paring humpay sa pag-tawa ang itim na lalaki at kinagat na nito ang bituka ko at sinipsip hanggang sa maputol. Naninikip na ang hininga ko at bumabagal na ang tibok ng puso ko at nagulat nalang ako ng tungkabin nito ang isa kong mata at isinubo. Hindi na ako maka-sigaw dahil sa pang-hihina at sinunod pa nito ang Isa ko pang mata kaya tuluyan ng umitim ang paligid at tuluyan ng nawala ang ulirat ko.

"Nasa huli talaga ang pag-sisisi, sana hindi ko nalang kinuha ang Relo ng lalaking nangangalang Enok!"


Wakas!