Hiling sa Hangin
Share with your friends
Customize readability

Hiling sa Hangin

All Rights Reserved ©

Summary

"Ito ang mangyayari kapag tinupad mo ang pangarap mo. At may dapat kang tandaan, kung gusto mong hindi mangyari 'to, huwag mong hahayaang may humiling na mag medisina ka. Baguhin mo ang hilakblot ng kahapon."

Status
Complete
Chapters
1
Rating
3.0 (2 reviews)
Age Rating
16+

ENTRY #26

NAPAPALAKPAK ako habang sinasabayan sila sa pagkanta. Ito ang isa sa pinaka-importante sa tanang buhay ko, sa wakas ay kaarawan ko na, labing anim na taong gulang na ako.

Napangiti ako nang malawak nang magsihiyawan sila at magpaputok ng mga confetti. Masaya ako't nandito ang lahat ng pamilya ko, mga kaanak, at s'yempre hindi mawawala ang mga walang hiya kong mga kaibigan.

"Hipan mo na ang kandila, Ivs. Nagugutom na kami!" kantyaw ni Andrea, isa sa mga kaibigan ko.

Isang malakas na tawanan ang aking narinig bago ako bumuntong-hininga. "Game!"


"But you should wish first, Ivs!"

Yumuko ako nang kaunti para hipan ang dalawang numerong kandila na bumilausok sa dalawang layer na chocolate cake. Isang ngiti ang iniwan ko sa aking mga labi bago ko ipinikit ang aking dalawang mata. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso habang iniisip ang isang bagay na matagal ko nang inaasam na matupad sa hinaharap.

'Gusto kong kunin ang kursong medisina, sana matupad.'

Hihipan ko na rin sana ang kandila pero naramdaman ko ang malakas na hanging sumampal sa buong mukha ko. Ang akala ko'y nanti-trip lang ang aking mga kaibigan at inilapit sa mukha ko 'yong electric fan, pero nang wala akong narinig na hagikhik o saway man lang galing kina Lola at Lolo na silang talaga-disiplina sa amin kapag may gagawing katarantaduhan ay roon na ako nagtaka. Napagdesisyunan kong imulat ang aking mga mata nang maramdaman kong parang inililipad sa ere ang aking mga buhok at nang bigla akong nakaramdam nang panlalamig.

Binalot ako ng takot nang makita kung nasaan ako ngayon. Wala na ako sa bahay kung saan kasalukuyan naming isini-celebrate ang aking kaarawan—nasa kalye na ako ngayon. Bigla rin akong nakaramdam ng panginginig nang maanalisa kong may nagbago sa kapaligiran, ni hindi ito ang eksaktong sumac road sa amin. Ang malinis na highway ay puno na ngayon ng mga basura sa paligid; maraming nagkalat na mga flier at mga newspaper, mga can food at can drink sa kung saan-saan. Walang tao sa paligid na minsan nang naging maingay, walang traffic dahil ni isa ay wala akong may nakikitang bumabyahe, puro nakaparada lang sa kung saan.

Napagitla ako nang maramdaman ko ang pagpatak ng tubig sa aking balat kaya tumingala ako. Napakakulimlim ng ulap, halatang nagbabadya ang malakas na ulan. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari, hindi ko alam kung bakit malaki ang pinagbago ng lugar namin, pero ang malaking katanungang bumabagabag at humahatid ng kilabot sa aking isipan, bakit sa isang iglap ay nandito na ako?

Napatingin ako sa nakalukot na newspaper sa aking paanan, dahan-dahan ko itong kinuha at binuklat.

"Jantoun Hospital," basa ko sa headline.

Napagdesisyunan kong maglakad-lakad, malayo-layo ang bahay namin mula rito at kailangan ko pang sumakay ng bus o ng tren para maka-uwi. Hindi ko alintana ang buhanging pilit pumapasok sa aking mga mata at ang alikabok na nasisinghot ng aking ilong, pati rin ang buhok kong tumatakip sa aking mukha na paulit-ulit ko namang hinahawi.

Sa 'di kalayuan ay natatanaw ko ang nagkukumpulang mga madre na nasa sidewalk. Nakapabilog sila't nakaluhod. Nabigyan ako ng pag-asa dahil sa wakas at may kasama pala ako, hindi ako nag-iisa. Dali-dali akong pumaroon sa kanilang direksiyon para magtanong kung ano ba'ng nangyayari.


Nang ilang metro na lang ang layo ko sa kanila ay napahinto muna ako at humugot nang lakas ng loob at pinakapal ang mukha.

"Bahala na." bulong ko sa sarili at tuluyan nang lumapit. May sinasambit sila na hindi ko maintindihan pero wala talaga akong choice kung 'di ang mang-istorbo.

"Magandang..." Bigla akong napaisip, hindi ko alam kung umaga ba ngayon o tanghali, pero bahala na. "Puwede pong—"

"Jesus, who walked to the cross, be with us when we feel abandoned. Jesus, who walked to the cross, be with us when we face danger. Jesus, who walked to the cross, be with us when we are suffering."

Para silang mga bubuyog habang ibinubulong nila ang mga salitang 'yon. Naihakbang ko paatras ang isa kong paa nang mapatingala sa akin ang isa sa mga madre. Napakagat na lang ako sa aking labi habang nilalabanan ang titig niya.

"When sorrow threatens to defeat us, Jesus, who rose from the dead, be with us." Matigas ang pagsambit nito ng bawat salita habang nakatitig sa akin. Matalim, sobrang talim na parang isa akong demonyo sa paningin niya at pinapalayas niya ako. Imbis na ituloy ang pakay ay tuluyan na akong lumayo.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ay napasulyap ako sa simbahan, maraming tao sa loob, at no'ng tinangka kong lumapit ay bigla na lamang sumara ang pinto.

"Buksan n'yo po 'tong pinto, please! Papasukin ninyo 'ko!" Paulit-ulit ko itong kinakalampag, pero makalipas ang ilang minuto ay wala man lang may nagtangkang pagbuksan ako.

Napatakbo na lang ulit ako sa kalsada, para na akong baliw, nakapaa na lang. Hindi ko alam kung saan ba ako pupunta.

Kinakatok ko ang bawat bintana ng mga sasakyang madadaanan ko, umaasang may naiwang tao sa loob, hanggang sa may narinig akong mga hiyawan sa 'di kalayuan, iyong tipong nagkakagulo. Nang sinundan ko ang mga boses ay napadpad ako sa harapan ng isang malaking hospital.

"Ito 'yong..." Mabilis kong binuklat ang nakakunot na newspaper. Binasa ko ulit ang nakasulat at napatingala sa pangalan ng hospital. "Jantoun Hospital."

Mula sa transparent door ay kitang-kita ko ang mga nangyayari sa loob, maraming nurses at doctors ang pabalik-balik habang hinahabol ang mga pasyente, mga pasyenteng parang baliw kung kumilos. Mayroong nakahiga sa sahig—gumugulong habang nakahawak sa kaniyang ulo, may mga pinaglalaruan 'yong wheelchair habang naka-intravenous, may mga nakahawak ding gunting at tinututukan ang mga doktor na magtatangkang lumapit. At may mga nakahandusay sa sahig habang nangingisay at bumubula ang bibig nang tinurukan ng intravenous injection.

Nadagdagan pa ang aking kaba dahil sa mga nakikita ko ngayon. Tatakbo na sana ako paatras nang mapasinghap ako dahil may nakatutok nang syringe sa aking leeg na sa tantiya ko ay isang intramuscular injection dahil sa haba ng needle nito.

Itinaas ko ang aking dalawang kamay at saka mariing pumikit. Kinakabahan ako na baka anong oras ay bigla nitong iturok sa akin sa isang maling galaw ko lang.

"P-please, 'wag..." naiusal ko na lang at iminulat ang mga mata.

Base sa kaniyang malalaking knuckles at bakat na bakat ang kaugtan sa kamay ay alam kong lalaki siya. Kitang-kita ko rin ang sugat sa likod ng kaniyang palad, malalim na halatang tinurukan ng injectjon.

"Pasok sa loob," bulong niya sa aking kaliwang taenga. "Hindi kita sasaktan kung susundin mo lang ako."

Mabilis akong napatango at humakbang papunta sa pinto habang siya ay nasa likuran ko lang at nakatutok pa rin ang syringe na hawak. Ibinaba ko na ang aking kamay nang binuksan ko ang transparent door.

"Huwag kang matakot, patay na ang mga 'yan."

Umiling ako, hindi ako naniniwala. Totoo sila at nararamdaman ko 'yon. Marahil ginagawa niya lang 'to para hindi ako makahingi ng tulong.

Bigla niyang inihagis ang hawak niyang lntramuscular injection sa kung saan, ni hindi sana ako makagalaw kung hindi niya ako hinila. Malapit pa akong mawalan ng balanse dahil sa mga nagkalat na tissue, mga referral paper at kung anu-ano pa. Gusto ko sanang humingi ng tulong sa mga nurse na nakakasalubong namin habang may inaatupag ding mga pasyente na mga mukhang baliw rin katulad nitong kasama ko. Wala akong pagkakataon na manlaban dahil nasa teretoryo nila ako, at kung may pagkakataon lamang akong makapuslit ng kahit na anong bagay na puwedeng ipukpok o itusok sa lalaking 'to ay gagawin ko talaga.

Unti-unting kumunot ang noo ko nang maanalisang wala ng tao sa makitid na hallway na tinatahak namin ngayon.

Magsasalita na rin sana ako kaso bigla na lang kaming huminto sa tapat ng isang kuwarto at doon niya lang ako binitawan. At nang tumabi siya sa akin ay roon ko pa lamang nakita ang kaniyang buong mukha.

Bahagya akong napalayo sa kaniya. Maraming ugat and buo niyang katawan, pati sa mukha ay mayroon. Pati ang mga mata ay namumula. Nakasuot siya ng patient dress at may bahid ito ng mga dugo.

"Ililigtas kita pero dapat iligtas mo rin ako, maliwanag?" sambit niya habang nakatitig sa akin.

"A-ano'ng pinagsasabi mo?" tanong ko rito.

Ngumiti siya sa akin. "It is between you right now and us in the future."

Sasagot na sana ako pero nangilabot ako nang hawakan niya na ang doorknob. "Isang bagay lang ang dapat mong tandaan, huwag na huwag kang gagawa ng ingay sa loob."

Nalaman ko na lang na naitulak niya na ako papasok at narinig ko na lang din ang pagsara ng pinto. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata, hindi ko alam ang gagawin ko—wala siyang sinabi sa akin at hindi ko maintindihan kung ano'ng gusto niyang ipabatid.

"T-tama na. Maawa na kayo sa amin—argh!"

Naimulat ko ang mga mata ko, kamukha ng lalaking kasama ko kanina ang lalaking nakahiga ngayon sa kama at mayroong intravenous sa kamay, sa dalawang paa, at pati sa tiyan. Wala pa siyang mga ugat sa kaniyang mukha pero mayroon siyang mga pinkish spots sa kaniyang buong katawan.

"Nilason nila ang utak ninyo, nurse Iv! Hindi ikaw 'yan! May sa demonyo ang may-ari ng hospital na 'to!''

Pumintig ang puso ko nang marinig ang sinabi ng lalaking kamukha ng kasama ko kanina, lalo na ang sinambit niyang pangalan—kapangalan ko. Napaatras ako habang nakatitig sa babaeng nakasuot ng surgical mask at gloves, kalmado lang siya habang isa-isang tinuturukan ng syringe ang bawat intravenous catheter.

"Tulog na, mahal ko..." kanta pa nito, habang ang lalaki namang kaedad ko lang ay humihiyaw na parang may masakit.

"Bakit mo..." Huminga siya nang malalim na tila ba'y kinakapos siya ng hininga, "gusto ang trabahong 'to?"

Nasa kaligtnaan siya ng pagtuturok nang mapahinto siya at marahang tumingin sa pasyente, napangiti ang mga mata niya. "`Di ba birthday mo ngayon, Lark? What do you want to wish? Ako, katu-twenty eight lang."

Umagos ang mga luha niya habang nakatitig sa nurse na kapangalan ko. "Gusto mong malaman, nurse Iv? H-hindi mo dapat hiniling na maging isa kang nurse, dahil kinakain ka nang kadiliman, n-nagpakain ka. Sana bumalik ang kahapon kung saan hiniling mo—argh! Ang bagay na 'yon!"

"Hiling sa hangin, Lark!"

Isang turok sa paa ang nagpadaing sa pasyente, mabilis kong tinakpan ang aking bibig dahil sa biglaang ginawa ng walang pusong nurse na 'yon. Naramdaman ko ang panginginig ng aking buong katawan habang nakikitang kung paano niya ulit turukin sa leeg ang pasyente na ikinadaing nito.

"Matagal kong pinangarap 'to, kung ikaw ang nasa situwasyon ko, talagang mapapasubo ka. Mas important ang pangarap ko kaysa sa buhay ninyo. Gano'n namang talaga tayo, Lark. Gano'n ang mga tao, uunahin ang sariling hangad kaysa sa kaligtasan ng iba. Kung sino ang gustong humadlang, dapat dispatyahin. Dahil ang peste ay hindi dapat hinahayaang mabuhay, naiintindihan mo?"

"Kayo ang peste! Tinuturukan n'yo kami ng kung anu-anong kemikal! At akala n'yo ba hindi ko alam? Ang dextrose ang dahilan kung bakit kami nagkakaganito! Ini-experimentuhan n'yo kami! May mga inilalagay kayo na nakakaapekto sa utak at katawan namin!" sigaw ng pasyente.

Isang halakhak ang nagpangilabot sa buong sistema ko.

"Walang may nakakaalam ng bagay na 'yan, at dahil alam mo, may premyo si Ate sa 'yo."

Bahagyang napabangon ang lalaking at napaatras, gusto niya mang umalis sa kama ay hindi niya magawa, hinang-hina na siya. Gusto kong tumulong, hindi ko kayang tignan lang ang mga nangyayari.

"Nurse Iv, alam kong nilason ka lang din nila. Kayo ang una nilang in-experimentuhan. G-gumising ka na, hindi ikaw 'yan. Kino-kontrol ka lang ng mga demonyong may-ari ng hospital na 'to."

Lalapit na rin sana ako nang ipalabas ng nurse ang isang syringe na may mahabang needle. Naalala ko ring hindi dapat akong mangialam, at baka ako pa ang mapahamak.

'Pasensiya na,'

Nang makalapit ang nurse ay agad niyang tinurukan sa utak ang pasyente at nilagyan ng dextrose gamit ang iv catheter. Dumaloy ang dugo sa mukha nito, impit na daing lang ang narinig ko at pagkatapos no'n ay nangingisay na siya at bumubula ang bibig. Malakas na tawa na lang din ang narinig sa nurse na 'to habang pinagmamasdan ang nangyayari sa pasyente.

Napaatras ako, nanatiling nakatakip ang aking bibig at tuluyan nang bumagsak ang akong mga luha.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto, may mga pulis at tinutukan nila ng baril ang nurse na siyang tinaas agad ang dalawang kamay, nabitawan niya rin ang syringe na kaniyang hawak at napatingin sa nanginginig na pasyente sa kama.

"Hindi k-ko alam ang ginagawa ko," iling-iling na usal nito.

"Tumalikod ka," utos ng isang pulis sa kaniya.

Agad niya namang sinunod at doon ko lang napansin na may sugat pala ang kaniyang batok.

"Positive. Lahat ng mga doktor at nars dito ay tinurukan ng kung anong kemikal na naging dahilan para nagawa silang kontrolin ng gumawa nito," sabi ng matabang pulis sa mga kasamahan niya.

"Para silang mga demonyong aso na may sinusunod na amo. Kunin n'yo ang bata, dali!" utos ng isa pang pulis at mabilis namang kumilos ang kaniyang kasamahan.

"Hindi n'yo siya makukuha!"

Tatakbo na sana ang nurse papunta sa mga pulis nang isang sunod-sunod na putok ng baril ang nagpatigil sa kaniya, at tumama ang mga ito sa kaniyang ulo.

Doon na nagsimulang manlabo ang paningin ko, parang umiikot ang paligid, nagkakagulo sa loob, may naririnig akong putok ng baril sa labas at bago mandilim ang lahat ay may lumapit sa akin—'yong lalaking nakasama ko kanina. Nakasimangot. Punong-puno nang kalungkutan ang mga mata.

"Ikaw 'yon. Ito ang mangyayari kapag tinupad mo ang pangarap mo. At may dapat kang tandaan, kung gusto mong hindi mangyari 'to, huwag mong hahayaang may humiling na mag medisina ka. Baguhin no ang hilakbot ng kahapon."

-

Isang malakas na putok ang nagpamulat sa akin, inilibot ko ang aking paningin, nandito na ako sa bahay kung saan kasalukuyan naming isini-celebrate ang sweet sixteen ko. Nagtatawanan silang lahat maliban sa akin na pinagpapawisan at nagkakarera sa bilis ang tibok ng puso.

"Sorry, Ivy! Ang kulit kasi nitong kapatid ko, naputok niya tuloy 'yong balloon!" paghihingi ng tawad ng kaibigan kong si Irene.

Tumango na lang ako at pilit na ngumiti.

"Sige na, anak. Mag-wish ka na at blow mo na ang candle,"

Napatingin ako kay Papa na malapad ang ngiti. Napatango ako at pumikit ulit.

'Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero sana sa pagmulat ko ay nandito pa rin ako, at kung ano man 'yong nangyari kanina, totoo man o hindi, sana ay hindi mangyari sa hinaharap. Sinusuko ko na ang pangarap ko, natatakot ako na iyon mga ang mangyari.'

Huminga ako nang malalim bago hinipan ang dalawang kandila. Napamulat ako nang magsipalakpakan sila. Napangiti na lang ako at niwala sa isip ang mga nangyari.


-

AFTER TWO YEARS...

"Naging super traffic na talaga rito sa sumac road, nakakainis! Anong oras na, oh! Late nantayo sa birthday ni Irene!"

Napatawa na namang ako. "Relax, 'Lex. Wala na tayong magagawa."

"Kuya, paki-hinto muna." utos niya sa driver nila na agad namang inihinto sa namang lugar. Napabaling ang tingin niya sa akin. "May binili pang regalo si Rex, hintayin—o ayan na pala siya."

Napatingin ako sa nagmamadaling si Rex papunta sa sasakyan namin at may dala-dalang paper bag.

"Bakit ang tagal n'yo?" tanong nito nang makapasok sa passenger seat at tinignan kami sa front mirror.

"Ma traffic kaya!" depensa ni Alexa.

Umandar na ang sasakyan namin at tuluyan na kaming umalis.

"Ide-demolish na pala 'yong mall after three years?"

Napatingin kami kay Rex nang magsalita siya ulit nang pababa na kami ng sasakyan. Hindi ako umimik nang magsalita si Alexa.

"Bakit daw?"

Nagkibit-balikat siya. "Ang sabi-sabi, patatayuan ng hospital."

At doon ako natigilan.

-

"Ang tagal din nating 'di nagkita, ah? Noong 16th birthday pa ni Ivy!" sigaw ni Alexa at niyakap ulit si Irene.

Napatawa siya. "Oo nga, 'e. Alam n'yo namang lumipat kami for good at bumalik din for good!"

"Hoy, ba't late kayo?! Ayan tuloy nagsimula na ang party nang wala kayo!" pagtatampo ni Andrea nang makarating siya sa table namin. Umupo agad siya at palihim kaming kinindatan, senyales na simulan na ang plano.

Tumikhim si Jelo at inilapag ang cake na kanina niya pa hawak sa ilalim ng mesa. Nagsimula kaming kumanta at sinabayan namin ng palakpak.

"Hala, marami namang—oh, my God!" napasigaw si Irene nang makita ang singing na nakasuot sa manipis na candle.

"Will you marry me soon?" tanong ng boyfriend niyang si Jelo.

Nagsigawan naman kami at kung anu-anong kalokohan ang sinasabi na nagpatango kay Irene. Nag-uumapaw naman ang kaligayahan ni Jelo.

"Bago mo makuha ang singing, you should wish, first!" utos ni Rex.

Bago pa siya tuluyang makapikit ay may biglang dumating, isang batang sigurado akong kapatid niya na siyang nakaputok ng balloon noong birthday ko.

"Guys, kapatid ko. Remember him? Si Lark, six year-old na 'to ngayon. Say hi, Larky." Nakangiting pagpapakilala niya sa amin at kumaway naman ang bata at napatitig sa akin.

Bigla akong natigilan, na aalala ko ang pangalang 'yan.

"Okay, magwi-wish na ako. Sana hanggang sa dulo ay magkakaibigan pa rin kami, at para sa besty kong si Ivy, sana matupad niya ang pangarap niyang maging isang nurse!" usal niya at hinipan ang kandila.

I supposed to speak, to breathe, but I just later realized that I was no longer with them, not anymore.

Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa mga pulis, masakit ang batok ko at paulit-ulit kong naririnig ang boses ng mga demonyong lumason sa utak namin. Napatingin ako kay Lark nang magsalita siya.

"`Di ba ang sabi ko baguhin mo ang hilakbot ng kahapon? Huwag mong hayaang may humiling na kunin mo ang kursong medisina?"

Lalapit na sana ako sa kaniya nang isang putok ng baril ang nagpatigil sa akin. Isang putok ng baril na sa ulo ko tumama.

Let Weird Deimos know what you thought about this chapter!

Further Recommendations

Degradation

Sabina: I'm a little bit sad that Gabriel had to die and james had to turn out to be a devil, but honestly i can't even explain how much this book has left me thinking about life. i wanna kiss whoever wrote this book. I LOVE IT!!

Read Now
The Bloody mountains

WillythePooh: A nice short story. Worth reading!

Read Now
The Fox, the Hound and the Virus

Elena Love: This was a great story I personally like the graphics that we had in the fire

Read Now
Gettin` Heavy With The Yeti: In A World Of Monsters

Sabine : For this to be a Fantasy story; the plot is very interesting, and the need to be accepted, loved and mated is depicted as a universal need regardless of species. This is one of the few books that has been able to hold my interest, and I'm enjoying reading it.

Read Now
Southern Bite

truben21: It took me a while to get into the flow of this story, but once I did, I was hooked. The female lead step from naivety to siren was a little fast for me, but I guess it needed to be, to move the story along. I can't wait for the next story, with the cliff hanger whetting my appetite.

Read Now
The Bride of Lord Motte

Honey-marie: Great story can't. Wait to find and read the next book. You have a wonderful talent, keep dreaming!

Read Now
Claimed By Zyraxiel

SierraRhose: I like the voice of this story and could see it being fully fleshed out into a novel. I enjoyed it

Read Now
The Devil's Last Bride

ToriV: Nothing can beat this book. I love the story! It’s short & bittersweet.

Read Now