Forget Me Not: Rewriting Story
Share with your friends
Customize readability

Forget Me Not: Rewriting Story

All Rights Reserved ©

Summary

What if magising ka na lang isang araw na isang taon na pala ang nakalilipas? Ang akala mong simula ng isang magandang araw ay simula pala ng isang araw sa mundong hindi niya makila-kilala dahil nagbago na ang lahat. Iyon ang istorya ni Kana.

Status
7yrs ago
Chapters
4
Rating
n/a
Age Rating
16+

1. Our New Storyline: 1st Piece

"Kazu, bakit ganito? Bakit? Bakit ang sakit? Bakit ganito? Ayoko... Ayoko nito... Nananaginip ba ako?"

-Kanako Denice Baltazar

1. New Storyline: First Piece

"Amen..."

Katatapos ko lang manalangin sa gabing ito. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata kong galing sa pagpikit at agad na hinanap ang cellphone kong ibinato ko sa kama kanina. Nang makita ko ito ay agad ko itong hinablot at binuksan bago humablot ulit ng isang unan gamit ang isa ko pang kamay. Sabay kong binuksan ang cellphone ko at inayos ang paghiga ko sa kama.

"Alarm clock... 6 A.M... 6:15, 6:30, 6:45..." Ngumiti ako pagkatapos kong i-set ang alarm clock ko para bukas.

Sigurado naman na gigising na ako niyan nang maaga bukas, ano? Excited na ako...

Bukas, graduate na ako! Bukas, hindi na ako high school! Bukas, bakasiyon na! Bukas, official na kami ni Sky. Bukas!!! Excited na ako! And finally... Lalaya na ako sa research teacher namin!

Ano kayang magandang gawin sa bakasyon? Yayayain kong gumala si Shane, tapos magde-date kami ni Sky... Ano pa ba? Ano pa kayang magandang gawin sa bakasyon? Aasarin si Kazu? Swimming? Hiking?

Bigla namang tumunog at nag-vibrate ang cellphone ko habang nagpapantasya ako ng kung ano bang maganda pang gawin. Agad na dumako ang paningin ko sa pangalan ng nag-text sa akin na lumitaw sa itaas ng screen at agad akong napangiti.

Ito na naman ang malandi...

From McDonald's:

Matulog ka na, Chi. Love you.

Ang landi.

To McDonald's:

Oo na.

Pagkatapos kong i-send ang reply ko ay ipinatong ko na ang cellphone ko sa ibabaw ng cabinet na katabi lang ng kama ko. Tumayo ako para patayin ang ilaw bago ako tuluyang humiga at magtalukbong ng kumot. Nakangiti akong pumikit at in-imagine ang mga eksena bukas sa graduation ko hanggang sa hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako.


Nagising ako na ang unang naramdaman ko ay ang bigat ng tibok ng puso ko na parang sinapak nito ako mismo. Maingay ang pagkatok sa pintuan ng kuwarto ko. Masama ang pakiramdam ko, wala akong ganang tumayo sa kama. May kung anong umiikot sa sikmura ko, at may bumabara rin sa lalamunan ko. Ayoko, ayokong tumayo, pero hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Parang may iba na hindi ko matukoy kung ano.

Tumataas ang balahibo ko dahil sa malamig na hangin sa buong kuwarto, naka-todo yata kasi ang air con, pero hindi ko rin matandaan kung kailan nga ba naayos ang air con dahil ang pagkakaalam ko ay nasira lang ito kamakailan. Niyayakap ko na ang sarili ko para maramdaman ko ang parang namamanhid kong katawan. Ang weird ng pakiramdam ko, sobrang weird na hindi ko maintindihan. Mabigat lang ang buong katawan ko na parang isang bloke ng yelo.

Teka, anong oras na? Bakit hindi nag-alarm ang cellphone ko?

“Kana, gising na," ani ng boses sa labas ng pintuan.

“Saglit lang po…” mahina kong sagot kay Papa na nasa labas, parang wala pa rin akong lakas.

Dahan-dahan ang pag-upo ko sa kama para maibaba ang mga paa ko sa malamig na sahig. Tinatamad akong kumilos, pakiramdam ko nakatali ang buo kong katawan sa kama. Parang may alambreng nakapulupot sa puso ko. Ang hirap huminga, ayoko na…

Bigla ko na lang namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko kahit na wala namang dapat iyakan—hindi, mayro’n pala—ang bigat ng pakiramdam ko, ang sama ng pakiramdam ko, tinatamad ako; dapat iyakan ‘yon, ‘di ba? Pero bakit? Bakit ganito ‘yong pakiramdam ko? ‘Di ba dapat masaya ako kasi graduation na mamaya at saka sinagot ko na si Sky, pero bakit?

Puwede bang may magsabi sa’kin ng sagot?

Kasabay ng pagtigil ng pagkatok sa pintuan ko ay ang biglaang pag-ring ng phone ko. Halos tumalon na palabas sa dibdib ko ang puso ko dahil sa lakas nito. Patuloy pa rin ang puso ko sa pagtakbo nito nang mabilis kaya naman malalim na ang paghinga ko. Para akong tanga ditong kinakabahan sa napakaliit na bagay.

Kanonood ko yata 'to ng horror films.

Pinunasan ko na ang mga luha kong tumigil na sa pagbagsak nang dahil sa pagkagulat. Malakas ang ring ng cellphone ko at nakaririndi na ito sa tainga kaya agad kong kinapa ang ibabaw ng cabinet sa tabi ng kama habang nakatulala pa rin sa kawalan para subukang tanggalin ang natitirang antok sa akin, pero... Nasaan 'yong cabinet? Bakit hangin lang ang nakakapa ng kamay ko?

Nilingon ko ang gawi kung saan dapat nandoon ang cabinet, pero pader lang ang nandoon. Tuluyan na akong nagising dahil sa pagkalito sa mga nangyayari. Tumigil na rin ang pag-ring ng cellphone ko kaya nanahimik na ang buong paligid. Alam ko lang kagabi ay may cabinet dito eh. Dapat talaga may cabinet dito, kaya nasaan na 'yon?

Bigla na lang may isang ala-alang pumasok sa isip ko. Isang ala-ala na may inilabas na inaamag na cabinet si Papa sa kuwarto ko. Oo nga pala, wala na 'yong cabinet ko. Pero kailan nga ulit nangyari 'yon? Sinubukan kong isipin kung kailan, pero parang nire-reject ng utak ko ang mag-isip, at sumasakit ito sa tuwing pipilitin kong paganahin na parang ang sarap ihampas sa pader.

Ayoko nang mag-isip... Hayaan na nga 'yon.

Bigla na lang ulit nag-ring ang cellphone ko. Ang sakit talaga sa tainga, nakadagdag pa sa naiwang sakit sa ulo ko nang dahil sa pag-iisip. Tinignan ko na ang gawi kung saan malakas ang tunog at nakita ko nga ang nakabukas na screen nito sa ibabaw ng isang lamesita.

May lamesita pala ako sa kuwarto? Ah, nevermind. Masakit ang ulo ko para isipin ang mga bagay-bagay. Gusto ko lang talagang mahiga, tumulala at pumikit buong maghapon.

Dahan-dahan ko nang iniangat ang mabigat kong katawan patayo sa kamang kinauupuan ko at tinatamad na lumapit sa cellphone na kanina pa tumutunog at nagba-vibrate. Maraming mga bagay ang nagkalat sa buong paligid at kung anu-ano na ang natatapakan ko.

Magagalit na naman sa akin si Ate Ven niyan 'pag makita niya kung gaano kagulo 'tong kuwarto.

Nang makalapit ako sa lamesita ay agad kong nakita ang pangalan ng tumatawag sa akin. Agad na naningkit ang mga mata ko dahil sa pangalang iyon. Anong kailangan sa akin ng lalaking 'to? Hinablot ko na ang cellphone at saka agad na sinagot ang tawag na naka-ilang ring na rin.

“Bakit ka tumatawag? Ang aga-aga pa ah. Nag-toothbrush ka na ba?” iritado kong sabi kay Kazu dahil sa panggugulo niya ngayong umaga.

“Good morning… Nakatulog ka ba nang maayos?” tanong niya sa akin.

Ha? Ano daw? Si Kazu ba talaga 'to? Tinignan ko ulit ang pangalan ng caller, pero si Kazu naman talaga ang tumawag. Pero... weird... Bakit siya tumawag?

“Ikaw? Nakatulog ka ba nang maayos? Inaantok ka pa yata. Bakit hindi si Shane ang unang tawagan mo?” Sunod-sunod lang akong nagtanong sa kaniya, pero katahimikan lang ang isinagot niya. Tinignan ko ulit ang screen kung ibinaba niya na ba, pero na on-call pa rin naman siya. “Hoy! Wrong number ka. Kulugo ka talaga, umagang-umaga nang-iistorbo ka.”

“Kana… Anong date na ngayon?” weird niyang tanong sa akin.

“April 2. Bakit? H’wag mong sabihing nakalimutan mong graduation ngayon?” tanong ko ulit sa kaniya dahil sa weird niya ring tanong.

Bigla na lang umingay sa kabilang linya na parang may bumagsak na mabigat na bagay. Nahagip rin ng pandinig ko ang impit na mura niya sa kabilang linya. Naka-kunot lang ang noo ko habang hinihintay na magsalita siya ulit, pero ilang saglit pa ay nanahimik na ang mga ingay sa kabilang linya. Nang tignan ko na lang ang screen ay ibinaba niya na pala ito. Nalaglag ba siya sa kama? At binabaan pa talaga ako ng kulugong 'yon.

Ibinato ko na lang sa kama ang cellphone ko at dumiretso sa CR habang hinihimas ang ulo kong nananakit. Nakapikit akong pumunta sa CR, hinayaan ko lang na dalhin ako ng sarili kong mga paa. Ang sama talaga ng pakiramdam ko. Baka kung naghilamos ako ay mahimasmasan ako.

Nang makarating ako sa tapat ng lababo ay agad kong binuksan ang gripo. Inipon ko ang malamig na tubig sa dalawang plad ko, at nang mapuno ito ay agad kong hinilamusan ang mukha ko.

Ahhh... Ang sarap sa pakiramdam...

Huminga ako nang malalim pagkatapos kong basain ang mukha ko. Hindi pa rin nawawala ang bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit-sakit talaga ng dibdib ko at parang maiiyak na naman ako.

Pero bakit? Bakit ganito?

Nagising na lang ang diwa ko sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang pagtulo ng tubig na galing sa mukha ko. Mukhang natulala yata ako. At muli akong bumuntunghininga dahil sa mga weird na nangyayari sa akin ngayon.

Parang hindi ako 'to.

Sa pangatlong beses ay muli akong bumuntunghininga bago ko hinablot ang toothbrush at toothpaste sa gilid ng lababo. Dahan-dahan at walang kalatuy-latuy kong nilagyan ng toothpaste ang toothbrush dahil sobrang nanlalambot ako. Baka gutom lang siguro ako kaya ganito ako. Ibinalik ko na ang tootpaste sa lalagyan at saka humarap sa salamin na nakasabit sa harapan ko.

Pero kahit na anong tingin ko sa sarili ko ay halos hindi ko siya makilala. Tinitigan ko lang ang babae sa harapan ko, pero wala talaga. Hindi ko siya kilala. Parang namamanas ang mukha at ang laki ng maitim na eye bags sa ilalim ng mga mata ko, namumutla rin ako. Mas mukha akong matanda, ang haggard ng hitsura ko.

Parang ibang tao ang kaharap ko, mukhang tanga… Sinubukan kong ngumiti, pero halatang pilit lang ‘yon dahil malungkot ang mga mata ko. Hindi sila nakangiti, hindi gaya noon na naniningkit pa ito kapag ngumingiti ako.

At ‘yong buhok ko ay mas mahaba kaysa kagabi… Mahaba? Pero alam ko kapapagupit ko pa lang last week. Bakit humaba agad? Pati 'yong leeg ko. May kung anong marka sa palibot ng leeg ko. Kinapa ko ito at naramdama ko kaagad ang makapal na balat ng peklat na ito. Mas lalong humigpit ang alambre sa na nakapulupot sa dibdib ko.

Ako ba talaga ito?

Hindi lang iyon ang kakaiba sa ngayon. Pinagmasdan ko ang buong paligid ko at napagtanto kong hindi ito ang CR na pamilyar sa akin. Nasaan ba ako? Ano itong lugar na ito?

Bakit... Bakit ganito?

Agad akong lumabas ng CR na halos madapa-dapa pa ako sa daan paglabas. Nang mabuksan ko ang pintuan ay agad na kumapit muli sa akin ang malamig na hangin. Nakaramdam ako ng kaba nang makita ko ang isang kuwartong hindi pamilyar sa akin. Walang kahit na anong pagkakatulad ang kuwartong ‘to sa kuwartong alam ko.

Nasa’n ako? Anong lugar ‘to?

“Kazu, anak. Anong nangyayari? Ang aga mo yata ngayon?” Rinig kong sabi ni Mama sa labas ng kuwarto kasabay ng mga nagmamadaling mga pagyapak.

Biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko at nakita ko ang hingal na hingal na si Kazu. Nakasuot pa siya ng asul na pantulog niya at ang gulo pa ng buhok niya. Pawis na pawis ang noo niya dahil sa kapaguran. Mukhang madaling-madali siya sa pagpunta rito, ni hindi man lang siya nakapag-ayos. Hindi siya ganiyan. Ayaw na ayaw niyang lumalabas ng bahay nila na hindi siya maayos, pero nandito siya ngayon na magulong-magulo ang hitsura.

Sino siya? Hindi ko siya makilala... Wala akong makilala rito.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagtulo. Hindi ko maintindihan, ang gulo ng isip ko, ang gulo ng utak ko. May mga ala-ala akong hindi ko matandaan kung kailan nangyari, ang labu-labo ng lahat. Kailan nilabas ni Papa 'yong cabinet? Kailan nagkaroon ng lamesita rito? Ito ba talaga ang kuwarto ko?

“K-Kazu… Nasa’n ako?” umiiyak kong tanong sa kaniya.

“Tita, paki-kuha po ng gamot niya. Baka atakihin na naman siya.” Pagkatapos magsalita ni Kazu ay hinila niya ako papunta sa kama saka pinaupo. “Kana, sabi mo April 2 ngayon, ‘di ba?”

Agad akong tumango sa tanong niya habang patuloy lang ako sa pag-iyak. Kinakabahan ako, nanlalamig ang mga kamay, at parang hindi ako makahinga na habang mas tumatagal ay lumalala pa. Kakaiba ang pakiramdam ng mga titig nila sa akin, parang mga karayom itong hinihintay na tusukin ako. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Hinablot ko ang damit ni Kazu at saka tinitigan siya nang mabuti. Siya ba talaga 'to? Sila ba talaga sila Mama at Papa? Nasaan si Ate Ven? Bakit ganito ang pakiramdam ko?

And sakit... Ang bigat... Ang lamig... Nanginginig ako sa sobrang lamig... Natatakot ako...

"Kazu, bakit ganito? Bakit? Bakit ang sakit? Bakit ganito? Ayoko... Ayoko nito... Nananaginip ba ako?" Mabilis lang ang pagsasalita ko, at sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay ang paghigpit ng kapit ko sa damit ni Kazu.

Nagulat naman ako nang hilain niya ako para yakapin at himasin ang likod ko. Natigilan ako sa lahat ng mga bagay na gusto kong itanong. Naging blangko lang ang utak ko nang gawin niya iyon.

Eh?

Eh?!

EHHH?!!

Itinulak ko siya kaagad kaya naman nalaglag siya sa kama. Hinihingal lang ako habang nakatitig sa kaniya. Bakas lang ang pagtataka sa mukha niya habang nakatitig sa akin. Nagulat na lang rin si Mama na nanggaling sa sulok ng kuwarto ko para kumuha ng gamot na sinasabi ni Kazu.

"Anong nangyari?" takang tanong ni Mama.

"Ah wala po..." ani Kazu.

Tumayo siya nang dahan-dahan sa pagkakaupo niya habang ako ay sinundan lamang siya ng tingin. Hindi ko talaga maiwasang magtaka sa nangyayari ngayon. Imposibleng si Kazu itong nasa harapan ko ngayon. Hindi niya gagawin 'yon.

Hindi niya ako yayakapin nang gano'n!

"S-Sino ka?!" sigaw ko sa kaniya.

Kinuha niya ang puting botelya ng gamot galing sa kamay ni Mama pati na rin ang isang baso ng tubig sa kaniya. "Kumalma ka muna, Kana. Inumin mo muna 'tong gamot mo, okay?"

Tinignan ko ang gamot sa kamay niya, alanganin pa rin kung iinumin ko ba talaga ito. Inilipat ko ang tingin ko kila Mama at Papa na tumango lang rin sa akin. Dahan-dahan kong kinuha ang gamot at mabilis na nilunok ito bago uminom ng tubig.

Natigilan na lang ako sa kinauupuan ko nang biglang umupo ulit si Kazu sa harap ko. Umurong ako palayo sa kaniya, pero sinimangutan niya lang ako. Saka lamang ako tumigil sa paglayo sa kaniya nang makita ko ang nakasimangot na mukha niya.

Si Kazu nga talaga.

"You finally recognized me?" aniya, "pakalmahin mo na 'yang sarili mo."

Ginawa ko ang mga sinabi niya at medyo gumaan nga ang pakiramdam ko. Pero hindi pa rin mawala sa loob-loob ko ang kawalan ng lakas. Nang mapansin niyang medyo ayos na ako ay nagpakawala na siya ng isang malalim na paghinga. Tinitigan ko lang siya nang gawin niya 'yon, parang hindi talaga siya si Kazu, pero parang hindi rin siya si Kazu.

Ano ba talagang nangyayari?

"To answer your question, promise me that you won't freak out." Tumango lang ako sa kaniya. "August ngayon… August 2, 2019. Mahigit isang taon na ang nakalilipas."

Natigilan lang ako na parang estatwa sa harapan niya. Tumigil na sa pagtakbo ang utak ko, ni hindi ko alam kung anong dapat i-react sa kaniya.

Anong ibig niyang sabihin?

"Shane and Sky... They're gone," dugtong niya pa.

Let FrigelleWaltz know what you thought about this chapter!

Further Recommendations

The Alpha's Exiled Mate (ON HOLD)

Catherineb83: Story good just would have liked her not to wear a mask

Read Now
The zatorian

lunaartsoul___: I loved the way your story unfolds. The emotional depth and structure made it feel very engaging, almost cinematic at times.I’m someone who enjoys both reading and visual storytelling, and your work really stood out to me. If you’re open to chatting about creative ideas someday, I’d love that.

Read Now
The Grumpy Next Door

mmurphy1008: This book had my attention from the very first chapter! It has romance and humor and just enough tension to keep it moving along. Can’t wait to read more from this author.

Read Now
The Orc's Pet

Glenda Holmes: Good read!

Read Now
Light at the End of the Track

Sonya: This was a lovely gripping and emotional storywith a brilliant ending

Read Now
The Cursed Alpha's Fifth Luna

karen cridland: Good character construction and fluid writing style.

Read Now
Shattered Steel

laraivanic: This is completely stunning book, lots of heat and emotions and finally love with two different people who needs to earn and learn to be as one. Very great indeed!! Thank you for this, sincerely ♥️♥️

Read Now
Rebuilding After Betrayal

Lynne: Very enjoyable short story good characters and they all found love n honesty.

Read Now
Alpha’s Claim

Anna Lezoray: Easy to read, good plot!

Read Now