Chapter 1 - SG
My driver stopped the car on the driveway. Its exactly six in the evening. I grabbed my cute Frozen designed backpack and my lunch box that has the design of Olaf on it. I stopped on my track for a while and stared on the huge staircase of the mansion leading to the main entrance door. Ang daming nakaparadang mga mamahalin at magagarang sasakyan sa paligid at napakaliwanag ng buong mansion. I think my grandfather is holding one of his parties again. Kinusot ko ang ilong ko.
Sinalubong ako ng kasambahay namin sa may puno ng hagdan at kinuha ang backpack at lunch box ko.
“Magandang gabi po Miss Sansa.” Magalang na bati niya sa akin saka yumukod. Tumango lang ako sa kanya.
“Anong meron?” Tanong ko na nakatingala kasi matangkad ang kaharap ko.
“May party po ang Lolo ninyo at mga kaibigan niya sa loob Miss Sansa.” Tumango ulit ako. Hindi rin naman bago ang mga ganitong okasyon sa bahay. My grandfather may be old but he is still the main pillar and patriarch of this household. He loves throwing parties with his friends not for leisure but mostly for business purposes and for expanding his influence and connections as well. This party is another long and boring night for me.
“Please go ahead. I’ll go and see Liam first.” I told her.
“Pero kailangan na po kayo sa loob Miss Sansa. Naghihintay na po ang Lolo ninyo.”
“I know.” Mabilis kong sagot. Napuno ng alinlangan ang mukha ng kasambahay namin. My grandfather is known to be authoritative and merciless lalo na sa mga kasambahay. Walang pwedeng hindi sumunod sa mga utos at sinasabi niya. Ang sinumang sumuway sa kagustuhan niya ay buhay ang nagiging kapalit. But not for me. He always has a soft spot for me. I know my grandfather adores me simply because I am his one and only granddaughter.
“Tell Grandpa I won’t take long. Papasok din ako kaagad. Sisilipin ko lang si Liam.” Ngumiti at nagpa cute ako sa kasambahay namin. She smiled back at me.
“Naku, kung hindi ka lang talaga cute.” Our househelp replied as she pinch me on the cheek lightly. Pinapungay ko ang mga mata ko kaya lalo siyang natawa.
“Lakad na.” Itinulak ko ng bahagya ang kasambahay namin saka ako kumaripas ng takbo papunta sa likod ng mansion namin para makita si Liam. Mabilis akong nakarating sa likod. Excited na akong makita si Liam. Maghapon ko siyang hindi nasilayan kasi maaga akong pumasok kanina at busy kami sa school today. Napapadalas na ang practice ko para sa nalalapit na archery competition.
“Liam. I am home.” Tawag ko. Lumapit ako sa may fish pond kasi wala namang ibang pupuntahan ’yun kundi dito lang.
“Liiiaaammmm.” I called again pero hindi ko siya makita. Saan kaya pumunta ’yun? Sinilip ko ulit ’yung fish pond baka hindi ko lang siya napansin pero wala talaga.
I switched on more lights sa may pond area kasi gumagabi na at para mabilis kong makita si Liam kung sakali. Baka nagtatago lang ’yun.
“Liaamm! Yohoooo!!” I called again and clapped my small hands baka sakaling marinig niya ako.
"Yohooooo!" I repeated. Louder this time.
“Who are you?”
"Awwww!" Hindi ko napansin ang maliit na batong nakausli sa daraanan ko sa sobrang gulat ko sa boses na narinig.
"I am asking you. Who are you?" Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at may binatilyong nakaupo malapit sa kabilang dulo ng pond. May hawak siyang stick na nakasawsaw sa tubig at mukha siyang may hinahalo.
“Who are you?” I asked back na nakakunot- noo. This is a private property. Bakit may binatilyong nakapasok at dito pa mismo sa paboritong fish pond ko? Umupo ako sa damuhan at minasahe ang paa kong natalisod kanina.
“I asked you first.” He replied grumpy. Ang sungit! Sumimangot ako. Tumayo siya kaya napagmasdan ko siya ng maayos. He threw the stick into the water to my surprise then inserted both of his hands into his pockets as he look up into the night sky. He is tall and thin. As in mapayat. Physically, he is similar to Woody of the Toy Story. My eyes surveyed him from head to toe. Salubong ang kilay niya. His lips forming a thin line in a manner that he is dying of boredom but his big ears caught my attention. Ang lapad at ang laki naman ng mga tenga nito parang gusto ko tuloy pitikin. Bilugan ang mga mata niya na may pagkasingkit kaya alam kong hindi purong Pilipino itong binatilyong ito. Lalo akong sumimangot. Siguro matanda lang siya sa akin ng ilang taon. Siguro mga eleven or twelve na siya base sa height niya. I drew my eyes smaller on him saka ako nameywang.
“Hoy! Wala ka bang manners? Hindi mo 'to bahay. Pulutin mo ’yung stick na itinapon mo sa tubig!” Utos ko sa kanya. Baka mapano ang mga alaga kong isda dahil sa stick na ’yun.
“Why won't you do it?” Sagot niya na lalong nagpainit ng dugo ko. Tumakbo ako malapit sa direksyon niya.
“Pulutin mo dahil ayaw ni Liam ng makalat at madumi!” He buried his eyes on me as if he was checking if I am telling the truth or not.
“I don’t care about your Liam.” He said and started to walk away.
"Hoy! Hoy! Pupulutin mo ba or ipapadampot kita sa mga security guards ko?"
"That sounds fun." He commented and continued walking. Bastos!
“You are an asshole!” I yelled at him. He stopped on his track and glanced at me in a lazy manner. He has no emotions at all.
“Whatever you want.” He replied.
“If one of my fishes die, you’ll pay it with your life!” I threatened him. I clenched my fists.
"Scary." He responded faking a scared look. Tumalikod na siya sa akin at tuluyan nang umalis. Naiwan akong umuusok ang ilong sa inis.
Nagmamadali akong lumapit sa bahagi ng pond na pinagtapunan niya ng stick. Palutang lutang 'yung stick sa tubig at medyo malayo na sa gilid. Hindi ito kayang abutin ng mga kamay ko. I looked around. Nakita ko ang cleaning rod na ginagamit ng gardener namin kapag naglilinis siya. Tumayo ako at kinuha iyon but its too long and too heavy for me. Naiirita ko itong binitawan saka nanghihinang lumapit ulit sa gilid ng pond. Gusto ko ng magngangawa sa iyak. Paano ko ba matatanggal ang stick na 'yun? Then I saw Liam. Nabuhayan ako ng loob.
“Oh there you are! Come here!” Nakangiti kong sabi sakanya. Nawala bigla ang inis ko nang makita ko siya. Oh how I missed him!
"How was your day?" I baby talked him while grinning. Lumapit ako lalo sa gilid ng pond at isinawsaw ang kamay ko sa tubig. Liam stared at me for a while then he changed direction. Sinundan ko siya ng tingin at nanggilalas ako nung mapagtantong sa nahulog na stick siya papunta.
"Liam, no!" Nagmamadali akong tumayo at sinundan ang direksyon niya.
"Hindi mo pwedeng paglaruan 'yan. Baka matusok ka." Hindi ako magkandatuto sa pag-awat sakanya na huwag lumapit sa nahulog na stick.
"Here." Sabi ko saka ko isinawsaw ulit sa tubig ang kamay ko. He likes playing with my fingers. Liam stopped and took my hands.
"Ayan. Good boy!" Napangiti ako sa ginawa niya pero saglit lang. Agad niya rin binitawan ang kamay ko at dumiretso siya sa stick na itinapon ng hudas na batang lalaking iyon!
Sa sobrang excited niya he jumped into the stick and took a big bite causing him to choke.
"Ohmygod! Stop. Stop. Stop!" Nagsisigaw ako habang hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan at aawatin. He is gasping for air and I knew something is not right. Before I could think of something else, I dived into the fish pond to save him.
Liam is struggling. I held him in my tiny hands and pulled the stick out of his mouth and I swear to God I want to go berserk when I saw him spitting blood.
"Ssshhhh.... Hush now. I'm here." I said soothing his back. My tears are falling. My poor Liam is still gasping for air. He is having difficulty in breathing and every time he exhaled I am seeing blood coming out of his tiny mouth. Lalo akong naiyak. Nararamdaman ko yung sakit at hirap niya.
"You will be fine. You will be fine. Pleassee..." I said crying. Hindi ko alam kung paano siya hahawakan sa paraan na hindi ko siya masaktan.
"Please Papa God. Heal Liam. Heal my Liam." I closed my eyes and prayed hard. I could still feel him struggling and panting for air. I prayed harder. When I opened my eyes he is no longer moving. I placed him into the water hoping he will regain his energy but his body went straight into the bottom. I wailed so hard that even the evening birds flew away from its nest.
I swam one more time to retrieve his body. Umahon ako mula sa fish pond at nagmartsa papasok sa loob ng mansion. I brought Liam's lifeless body with me. Bago ako tuluyang pumasok sa loob binitbit ko ang maliit na timba na may lamang tubig galing sa fish pond. Dumiretso ako sa gitna ng ballroom hall at tiningnan isa-isa ang mga bisita ng Lolo ko. I am on the brink of controlling my temper so bad.
"Miss Sansa, mabuti naman po at nandito na kayo--" Tumigil sa pagsasalita ang kasambahay namin nang makita ang hitsura ko.
"Ano pong nangyari sa inyo? Bakit basang-basa po kayo?" Hindi ako sumagot. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa mesa ng Lolo ko. Habang palapit ako ng palabit lalong nanginginig ang mga kalamnan ko sa galit.
"You!" I shouted at the top of my lungs. My index finger pointing to Judas sitting lazily on the table with my grandfather. Lumingon ang Lolo ko kasabay ng isa pang matanda na kausap niya na may singkit na mga mata.
"My lovely granddaughter is here." My grandfather told as he smiled at me. Hindi ko pinansin ang Lolo ko at dumiretso ako sa harap ni Hudas. My grandfather's smile turned into frown when he realized I am not his usual cheerful and playful granddaughter.
"You!" I repeated panting. My eyes started to blur.
"You killed Liam!" I shouted and splash him the water inside the pail. Napasinghap lahat ng bisita ng Lolo ko sa ballroom hall.
"Sansa Grace!" My grandfather's thrilled voice filled the entire mansion.
"Grandpa, he killed Liam!" Sumbong ko habang umiiyak. Humarap ako sa Lolo ko at pinakita ang walang buhay na si Liam. Tigmak na sa luha ang mga mata ko.
"Liam is a fish?!" Judas exclaimed in shock










