CHAPTER 1
Angel Faith
"52, 53, 54, 55, 56, 57, 58" 58 Person who entered and exited in this ice cream shop but still there's no sign of Noe.
Sobra naman akong nalungkot, pinaghandaan ko ang date namin na ito. Sa katunayan ay hindi lamang ito ang pagkakataon na nag hintay ako sa kanya, simula pa lamang high school ay lagi na niya akong pinapaasa.
But I don't care, because I love him. Kahit na ilang taon pa ang abutin basta siya ang hihintayin ko ay okay lang. Mag hihintay pa rin ako.
My twin brother says that I'm obsessed, die hard and pathetic. Pero alam ko naman na way niya lang iyon para tigilan ko na si Noe.
Mabilis kong kinuha ang phone ko pouch dahil ng ring ito, at laking tuwa ko na si Noe ang tumawag kaya agad kong sinagot.
"Hey annoying woman?" Oh god! His voice is really good as heaven.
"Yes Noe?"
"Malapit na ako, mag hintay ka nalang diyan" Gusto kong tumili dahil sa sinabi niya, at last! makakapag date na rin kami!.
"okay, I'll wait here. Na proséchete" (Take care)
Masayang pinatay ko ang tawag at wala sa sariling napatingin sa gawi na malapit sa glass wall, kumunot ang noo ko ng mamukhaan ko ang babaeng nag pupunas sa mukha ng batang lalaki, sa pagkakaalala ko ay isa siya sa waitress doon sa Restaurant ni Noe.
Siya pa mismo ang pinagtanongan ko, nag madali siyang binuhat ang batang lalaki at nag lakad na kaya sinundan ko siya ng tingin. Pag bukas niya ng glass door ay siyang pag pasok nila Noe at... Baxter? anong ginagawa ng lalaking ito dito?
May pinagusapan sila Baxter at iyong babae, tatayo na sana ako ng makita kong umalis na ang babae at sinundan ni Baxter kaya bumalik nalang ako sa pag upo ko. Naglakad na si Noe palapit sa table at sobra sobra ang kaba na nararamdaman ko.
Ganito ang epekto niya sa akin, halos mawalan na ako ng hininga sa sobrang lakas ng kabog dito sa dibdib ko.
"Bakit hindi ka pa nag order?" Nagtatakang tanong ni Noe na siyang nagpabalik sa akin sa realidad.
Ano ba yan Faith! Umayos ka nga! nasa harapan mo ang Greek God kaya dapat na umayos ka.
"Hinihintay lang kita, shall we order now?" Tumango lamang siya at umayos na ng upo sa tapat ko kaya nag taas ako ng kamay at tiniwag ang waiter.
"Yes ma'am? what's your order?"
"Ice cream, fráoula " Nakita ko ang pagtataka sa mukha ng waiter at narealize ko naman kung anong lengwahe ang ginamit ko.
Ang tanga mo talaga Faith.
"Sorry, what she mean is Strawberry" Napatango tango naman ang waiter at nginitian ako kaya ngumiti din ako, namula pa talaga ang waiter kaya mas lalo akong napangiti na siyang ikinayuko ng waiter.
"Sorry to interrupt that fucking staring session. Can I order now?" Naputol ang pagtingin ko sa waiter at bumaling kay Noe na sobrang irita ang mukha, anong problema nito?.
"Yes sir"
"Bigyan mo ako ng kapareha sa kanya" Tumungo ang waiter at nag simula ng maglakad papunta sa counter.
"Lumalandi ka pa eh nasa harap mo na ako, tsk" Medyo nasaktan ako sa sinabi ni Noe, ni isa ay wala pa'ng tumawag sa akin ng ganyan. Hindi ko siya maintindihan.
"Ngumiti lang naman iyong waiter kaya ngumiti nalang din ako, ang bastos naman kung hindi rin ako ngingiti" Nag tagis ang bagang ni Noe at bigla siyang tumayo kaya nagtaka ako.
"Edi mag ngitian kayo araw-araw, aalis na ako may emergency sa Restaurant" Tumayo ako ng akmang aalis na siya para sana pigilan siya pero agad din naman niya akong hinarap ulit.
"and please, stop following me" Nagsimula na siyang mag lakad kaya napaupo nalang ulit ako at walang magawa kundi ang malungkot.
First date pa lang namin ay nasira na agad, pero hindi pa rin ako susuko! marami pa ang date na pweding mangyari. Tama.
"Ma'am here's your order " Ngumiti ako sa lalaking waiter ng magtaka siya na mag isa nalang ako sa table.
"pakilapag nalang yang ice cream, nasa CR pa kasi ang boyfriend ko" Tumango naman ang lalaki at umalis na kaya nag simula na akong kumain na mag isa na naman.
Sanay na ako ng ganito lagi kaya okay lang sa akin, basta makita ko lang siya.
Menoetius
Pag labas ko ng Ice cream shop ay nag text agad ako kay Dylan para sunduin ako, Tsk. Nabadtrip ako sa loob, nasa harap na nga ako nakikipaglandian pa sa waiter, iyan ba ang may gusto sa akin?.
Umiling nalang ako at tumambay sa labas habang hinihintay si Dylan, mga ilang minuto pa lang ay nandito na si soya kaya agad akong sumakay sa kotse dahil kanina pa ako pinagtitinginan ng mga babae dito.
"Nakabusangot ka yata?" Tanong ni Dylan habang nag mamaneho.
"Si Faith" Maikling sagot ko sabay tingin sa labas ng bintana, narinig ko pa na tumawa si Dylan at nag mura pero hindi ko pinansin.
"Tsk, malala na talaga iyang kambal ni Daniel, kinululit ka na naman ba?" Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya.
"Nakipaglandian sa waiter, sa mismong harap ko" Halos masubsob ako sa dashboard ng kotse ni Dylan ng bigla siyang mag preno, buti nalang at naka seat belt ako! Damn it!.
"Hoy weirdo! kung may plano kang magpakamatay wag mo ako idamay! Fuck you!"
"Go on fuck me! Damn it! Nag seselos ka ba sa waiter?" Napatigil ako sa tanong niya, wait?.
"Oh come on Fucker! Bakit ako mag seselos? wala akong gusto kay Faith okay? wala." Tumalim ang tingin niya sa akin bago niya pinaandar ulit ang kotse.
Tahimik lang kami ng mag salita si Dylan.
"Nag text nga pala si Victor, doon daw tayo sa Bahay ni Suka matulog at mag dala tayo ng konting damit" Nag isa ang linya ng kilay ko sa sinabi niya.
"Anong meron sa bahay ni Vinagre?" Nakita ko na malapit na kami sa Restaurant ko kaya umayos na ako ng upo habang hinihintay ang sagot ni Dylan.
"Hindi mo alam? malapit na ang Mother's day weirdo, kaya doon tayo magpapalipas ng gabi sa bahay ni Suka " Huminto ang kotse sa parking lot ng Restaurant kaya binuksan ko na ang pinto ng kotse, pero bago pa ako lumabas ay hinarap ko muna si Dylan.
"Stop calling Vinagre that Suka word, Mapapatay ka niya" He just laugh and show me his middle finger.
"Fuck you" Umiling nalang ako at nag lakad na papasok ng Restaurant, medyo konti na lang ang tao sa Restaurant dahil mag sasara na ito.
Deretso lang ang lakad ko papuntang office, pag bukas ko ng office ay halos atakihin ako sa puso ng makita ko si Daniel at Faith na prenteng naka upo sa sofa.
"Shit! Kayong mag kambal talaga sumusolpot nalang kahit saan, at ikaw Faith? diba nasa Ice cream shop ka pa?" Nag taka ako ng hindi man lang ako lingonin ni Faith at inirapan pa talaga ako, what the fuck is her problem?.
"Ginamit ko ang chopper ko, may Helipad ka naman sa taas" Casual na sagot ni Daniel, umupo ako sa harap nilang sofa at niluwagan ang tie ko.
Nakita kong napalunok si Faith ng bahagya siyang lumingon sa akin kaya napangisi ako. Turn on huh.
Bumaling ulit ako kay Daniel.
"Anong kailangan niyo?"
"Iiwan ko muna si Faith sayo, may lakad ako bukas. Sa makalawa pa naman tayo pupunta sa bahay ni Baxter" Tinignan ko si Faith ng bigla niyang sikuhin si Daniel, problema nito?.
"Twinie! Pwede mo naman ako ibilin sa iba, tsaka malaki na ako nuh! Kaya ko naman mag isa sa bahay" Sinamaan siya ni Daniel ng tingin kaya natahimik siya agad, Tsk.
Angel Faith
Bakit pa kasi ako iiwan ni Twinie kay Noe? embes mag-iisip pa ako ng paraan para matuloy ang date namin eh!.
Pag kasi magkasama kami ni Noe nakakalimutan ko ang lahat at siya nalang ang sentro ng utak ko.
"Maiwan ka na sa akin Faith, that's final"










