× ZEPHYRA ×
'Sitting all alone,
mouth full of gum...
in the driveway.
My friends aren't far,
in the back of my car,
lay their bodies...
where's my mind?
Where's my mind?
Where's my mi---'
I stopped singing by the time I heard my mom's footsteps going near the bathroom.
"Zephyra, ikaw na bata ka! Dalian mo na d'yan! Kanta ka pa nang kanta!" Narinig kong sigaw ni mama, na sa tingin ko ay halos kalapit na ng pinto ng banyo namin.
'Si mama talaga...'
"Opo! Nagmamadali na nga po e." Sagot ko habang isinusuot ang kulay pulang necktie sa aking leeg bago iniilalim sa collar ng aking itim na long sleeve blouse.
'Ano nga ulit ang tawag sa ganito? Long sleeve blouse? Ah, ewan.'
"Aba! Buti naman lumabas ka na! Bilisan mo na at nandun sa lamesa ang baon mo, kumain ka na!" Pagmamadali niya sa'kin habang itinutulak-tulak pa ako papunta sa kusina.
'Kahit kailan talaga si mama, hindi sweet, tsk.'
"Fine, fine, fine. Bye mom!" Walang gana kong paalam sa kaniya at kumaway palabas ng bahay.
Hindi na ako dumiretso sa kusina para kumain ng almusal, bakit? Hindi naman kasi marunong magluto si mama! Hays. Naaalala ko pa nga nung hinainan niya ako ng sunog na hotdog at kanin nung isang araw! 'Pag hindi ka pa naman nadala, ewan ko na sa'yo. Halos araw-araw ganito ang routine ko, gigisingin ako ni mama ng maaga, magluluto siya ng almusal habang ako naman, maliligo.
Halos hindi ko na napansin na nakalayo na pala ako sa bahay namin, nagulat na lang ako nang biglang may sasakyang bumusina nang malakas sa aking likuran.
"Ay kabayo!" Halos lumundag pa ako sa gulat.
"HAHA! You should've seen your face, bitch!" Pang-a-alaska ng kaibigan ni Yna sa'kin habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan at nakangisi pa.
Hindi ko na lamang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Naramdaman ko ang malakas na paghampas ng hangin sa akin dahil sa mabilis na pagpapatakbo niya ng kotse. Nang makita kong nawala na ito ay tsaka ako tumakbo papunta sa sakayan ng jeep sa kabilang kanto.
×
Agad akong huminga ng malalim nang marating ang aking destinasyon.
"Oh isa na lang!" sigaw nung mama na nananawag ng pasahero.
"Oh, ate? Sakay ka na! Aalis na." Alok nito sa akin at nag-muwestra pa na pumasok na ako sa loob ng jeep.
'Atat ka kuya? Sa'n lakad? Charot.'
Agad akong sumakay dahil baka maunahan pa ako ng iba, dumadami na kasi ang mga nadating na pasahero. Sa tingin ko ay ala-sais na ng umaga.
'Tama, ala-sais na nga.' Tingin ko sa aking relo.
Wala akong kamalay-malay na malapit na pala ako sa aking paaralan.
"Kuya, para!" sigaw ko at saka nag-abot ng bayad sa driver.
Muli akong kumaripas ng takbo papasok sa malaking gate ng aming paaralan. Hanggang sa…
"Aray! Ano ba?" Naiinis na sigaw ng isang babae --- si Yna, habang matalim ang tingin sa isang lalaki na ngayon ay nakatungo habang kapwa marumi ang kanilang uniporme.
Nagpatuloy ako sa paglakad-takbo papunta sa room namin. Unti-unti ko nang binagalan ang paglalakad nang matanaw ko na ang aking silid, A-1 HUMSS 11.
Sa gilid ng aking mga mata, nasilayan ko ang isang lalaking tumatawa malapit sa bintana habang kausap ang isa pang lalaki na si Aiden; ang crush ko.
Sandali akong tumigil sa paglalakad para sana lingunin s'ya at bumati ng magandang umaga kaso naunahan ako nung kaklase kong haliparot.
'Pa'nong haliparot? 'Yong biglang pumupulupot sa braso ng taong mahal ko, habang ipinagdidikitan sa braso ni Aiden ang malaki nga pero fake boobs niya. Hmp.'
Kaya imbes na lumapit ako kay Aiden ay sa isa kong kaklase ako lumapit upang magtanong kung ano ba'ng assignment namin kahapon, pero ang totoo ay palusot ko lamang 'yon para hindi mapahiya.
"Alam mo Zep, hindi ako naniniwala na talagang nalimutan mo kung ano'ng assignment natin kahapon." Hindi kumbinsidong saad nito sa akin habang patuloy pa rin kaming naglalakad at ako'y naka-angkla sa kaniyang maputi at makinis na braso.
'Ang ganda niya talaga!' Naisip ko na lamang.
"Pa'no muna 'yong nalimutan, Mica?" Mapanloko kong tanong dito bago ngumisi na ikinasimangot niya naman.
"Wag ako ang biktimahin mo niyang mga pa'no-pa'no mong 'yan." Malamya ngunit iritado nitong sagot sa akin.
"Masasapak na kita, isa pang pa'no." Pahabol nito at kinurot ako sa braso kaya agad akong napabitaw sa pagkaka-angkla sa kaniya.
"Hey, masakit." Reklamo ko sakaniya at bahagya ko siyang inirapan habang hinihimas ang ngayon ay namumula kong braso dahil sa pagkakakurot niya.
"HAHAHA! Ang cute mo talaga, Zep." Pampalubag-loob nitong sabi bago ako niyakap at hinigit papasok ng room namin.
Agad naman kaming naghiwalay para makapunta na kami sa kani-kaniya naming arranged seats.
'Bakit ba kasi hindi kami seatmates? Kainis.'
Nagbalik lang ako sa ulirat nang biglang may tumapik sa balikat ko. Agad ko itong nilingon.
"Aiden?" Gulat at may halong pagtataka kong tawag sa pangalan ng crush ko. Isang ngiti lang ang isinagot niya sa akin.
'Ah! Natutunaw ako! Sh*t, ang gwapo niya talaga!'
Hindi na ako mapakali sa kilig, parang may kung anong gumagalaw sa loob ng aking tiyan, nakakakiliti. Halos hindi ko na rin marinig ang kaninang ingay ng aking mga kaklase, tanging ang malakas na pintig lang ng aking puso --- ramdam ko ang panlalamig ng aking kamay at unti-unting pagbubutil ng pawis sa aking noo.
"Ms. Zephyra, are you with us?" Tanong ng Philosophy teacher namin, na siya ko namang ikinagulat kaya bahagya na lamang akong tumango upang hindi mapahiya.
"Good." Sabi nito kahit halatang hindi kumbinsido sa aking sagot.
"Then if you're with us, at totoong nakikinig ka, define Philosophy in your own words." Pahabol na saad nito bago naupo sa upuan na nasa harapan ng klase.
I stood up straight. "Philosophy is the study of all things. At base na rin po sa na-discuss mo kanina, ma'am, ang meaning ng philo ay love, and sophia naman ay wisdom, so ang philosophy po para sa akin ay tungkol sa pag-aaral ng mas malalim pa tungkol sa isang bagay, 'yon na nga po 'yong wisdom na kailangan nating i-apply to gain facts. Knowledge is the lower level of thinking than wisdom. 'Yon lang po." Mahabang paliwanag ko.
'Magaling Zep, buti na lang at nagadvance-reading ka.'
"Okay, I'm very impressed." Komento nito at ngumiti.
"You may now take your seat." Sabi pa nito at ipinagpatuloy ang klase.
Bahagya akong napangiti dahil ito ang unang pagkakataon na nakasagot ako sa klase niya.
'Isa itong achievement!'
Napalingon ako kay Mica na ngayon ay mas malapad pa ang ngiti kaysa sa akin, lumingon ito sa gawi ko at nagthumbs-up.
×××
Aaanghel © 2019
Date posted: December 7, 2019
Date edited: December 6, 2019
Credits to my lovely friend— editor, @90sxlln I LOVE YOU!
×××
Votes and Comments are highly appreciated. Enjoy reading! I Love You!










