Kathang Isip
Kathang Isip (One Shot)
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
So ayon, para sa mga magbabasa, kung meron man, gusto ko lang sabihin na maghanda sa mga errors. Hehe. Antok na antok na kasi ako nang tapusin ko 'to ta's siningit ko lang habang nag-aaral ako. Napakahaba pa nito huhu. Mga nasa 8000-9000 words. Haba ng one shot 'no?
Minadali ko nang tapusin kasi hina-haunt na 'ko ng story na 'to, at gusto ko na ding matanggal sa drafts. Hindi ko pa 'to na-p-proofread nang maayos. Kapag na-proofread ko na 'to, i-e-edit ko agad hehe.
Ewan ko kung ba't ko pinublish 'tong story na 'to dito eh ang basura lang naman nito. Lol.
So, ayon! First ever published story ko dito sa watty! UwU. Omg, nakakahiya, pero konti lang naman makakabasa nito, saka nakakatamad din basahin kasi ang haba. Lmao.
Edit: Thank you po doon sa mga naka-appreciate, sa mga nag-vote at nag-comment! UwU! Akala ko wala talagang magbabasa nito :<.
Kathang Isip by emberries (June 2019)
***
MAHIRAP talaga kapag nakaramdam ka ng kakaibang pagmamahal para sa best friend mo. Dapat mahalin mo siya bilang isang kaibigan lamang. Hindi na dapat pa humigit doon.
Kahit anong pilit ko sa sarili ko na hanggang kaibigan lang dapat, itong puso ko ay pilit na nagtataksil sa akin. Wala, nahulog ako sa kaniya.
Palihim ko siyang minamahal nang higit sa isang kaibigan. Patago lang akong nagmamahal, kaya patago ding nasasaktan.
Gusto kong umamin sa kaniya, kaso handa ba ako sa magiging consequence kung sakali? Paniguradong mag-iiba ang pakikitungo niya sa akin. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin. Iyon na nga lang ang meron kami, ayaw kong mawala iyon.
Heto na naman ako sa mga iniisip ko. Gusto ko siyang iwasan, para hindi na lumalim pa ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kaso, sadyang gusto yata talaga ako pahirapan ng tadhana, sapagkat mag-kapitbahay lang kami ng best friend ko.
Nakahiga, nakaharap sa kisame, at malalim ang iniisip. Nandito ako sa aking kwarto. Sana lang ay huwag niya akong guluhin. Baka mamaya, bigla na lang siya pumasok sa kwarto ko.
Kinuha ko ang isang notebook at ballpen na nakapatong sa aking study table. Dahil wala akong mapaglabasan nitong nararamdaman ko, ay isinusulat ko na lang ito.
Puwedeng-puwede ko na sigurong gawing kanta itong nararamdaman ko para sa kaniya. Tsk, tsk.
Nagulo ang pagsusulat ko nang bigla kong marinig ang matinis niyang boses sa labas ng kwarto ko.
"Jelly Jelly Ace! Bakit nagkukulong ka na naman d'yan?!" Rinig kong sigaw niya, at ang lakas pa ng katok niya sa pinto. Hindi naman naka-lock ang pinto.
Tiningnan ko ang wall clock sa kwarto ko. 3:47 PM na. Magpapanggap na lang akong tulog. Agad kong ibinalik ang notebook at ballpen ko sa study table.
Humiga ulit ako. Nakatagilid ako, ang likod ko ay nakaharap doon banda sa pintuan. Medyo pigil pa ang hininga ko habang nagpapanggap na tulog. Yakap ko din ang unan ko na itinaklob ko sa aking mukha.
"Hindi naman naka-lock ang pinto, 'di ba? Bubuksan ko na 'to, ha?" Aniya at narinig ko na ang pag-bukas ng pinto.
Humilik-hilik pa ako kunyari, para makumbinsi ko siyang tulog talaga ako.
"Wushu, tulog ka ba talaga? Alam mo, mahirap gisingin ang taong gising," natatawa niyang sambit.
Mas lalo kong ginalingan ang pag-acting ko, para maniwala siya.
Naramdaman ko na lumubog ang foam sa kabilang gilid ko. Gusto ko sanang buksan ang mata ko, kaso nagpapanggap nga pala akong tulog.
"Tulog ba talaga ang favorite Jelly Jelly ko?" Lumakas ang kabog ng aking dibdib sa aking narinig. Gusto ko na lang bumangon, at yakapin siya nang sobrang higpit, iyong hindi na siya makakawala pa sa akin.
Kiniliti niya ako. Hindi niya alam na kaya kong magpigil ng kiliti. Sinikreto ko talaga sa kaniya iyon, dahil alam kong magiging useful ang ability kong iyon, gaya na lang ngayon.
"Hala, tulog ka nga," disappointed niyang sabi. "Sayang, magpapasama sana ako sa'yo sa mall," aniya sa nanghihinayang na tono. Sigurado akong naka-busangot na siya ngayon. Hahaha, naiimagine ko ang parang bibe niyang hitsura kapag naka-busangot.
"Dito na lang din muna ako. Bukas na lang siguro ako pupunta sa mall, or puwedeng mamaya, hehe. Antayin kitang gumising," sabi niya. Sigurado akong nakahiga na siya ngayon, at may balak na makitulog dito. Tsk, tsk.
Gusto kong humarap sa direksyon niya. Hindi naman niya ako nakikita ngayon, kaya idinilat ko ang aking mga mata. Kanina pa ako nangingiti-ngiti dito. Ayaw ko na ginugulo ako kapag nagkukulong ako sa kwarto, pero exception siya.
Pumikit ulit ako at gumalaw. Humarap ako sa direksyon niya. Nagpapanggap pa din akong tulog. Medyo idinilat ko ang kaliwa kong mata nang konti para makita siya. At ayun siya, diretso ang higa at nakapikit. Napangisi ako nang konti.
Niyakap ko siya. Naramdaman kong medyo nagulat siya. Sus, magugulat pa siya, eh matagal ko na itong ginagawa sa kaniya. Hindi nagtagal at naka-relax na din siya. Habang yakap siya, ay bigla ko siyang kiniliti.
Napabangon siya bigla at, "What the F?!" Gulat na gulat ang hitsura niya ngayon. Hindi ko napigilang mapa-upo at humagalpak nang malakas.
"Sabi na, eh! Hindi ka nga tulog!!!" Kinuha niya ang isang unan ko at pinalo-palo sa akin.
"A-aray! Ano ba?!" Sinasangga ko ang pananakit niya sa akin, at hindi ko pa din mapigilan ang pagtawa.
"Nagulat mo 'ko d'un, eh! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, oh!" Naiirita niyang sabi.
Tumatawa pa din ako, pero medyo nahimasmasan na. Hinawakan ko ang pareho niyang kamay, para matigil na siya sa pagpalo sa akin.
"Okay, sorry na, Bie," malambing kong sabi sa kaniya habang nakangiti pa din. Hinigit ko siya papalapit sa akin.
"Ha! Akala mo makukuha mo 'ko sa simpleng sorry?!" aniya, at sumilay ang isang ngisi sa kaniyang labi. "Dapat ilibre mo ako ng Large Wintermelon Milk Tea!" ngingisi-ngising sabi niya.
Tsk, ako pa din ang naisahan niya. Akala ko naisahan ko na siya kanina. "Ano pa bang magagawa ko? Lagi mo na lang ako naiisahan, ha," nag-kibit balikat siya, at mahahalataan ng pagka-arogante sa hitsura niya.
"Don't mess with me, Jelly Jelly. Mas mautak ako sa'yo, duh. Kaya magbihis ka na, at sasamahan mo ako mag-malling," demanding talaga. Hay nako.
"Masusunod, mahal na prinsesa," tumungo pa ako para magbigay galang.
Tsk, kung hindi ko lang mahal 'to, eh.
***
Lumabas na ako ng bahay para sunduin si Debbie. Ilang lakad lang naman ang layo ng bahay nila sa bahay namin.
Nahirapan pa akong magbihis kanina, dahil naghanap ako ng matinong suot na talagang makakadagdag sa kagwapuhan ko. In the end, ang suot ko ay simpleng white shirt na pinatungan ko ng denim jacket. Tinernuhan ko ito ng black maong pants at Vans Old Skool Pro na sneakers. Nilagyan ko pa ng hair wax ang buhok ko. Sa pabango naman, Baby Bench cologne ang ginamit ko. Iyon kasi ang pabangong gamit ni Debbie, kaya iyon din ang ginagamit ko. Ayaw niya kasi sa pabango ng lalaki dahil matapang daw, kahit ako din ay natatapangan.
Para sa kaniya ay isa lamang itong "friendly gala", pero para sa akin ay isa itong date. Siguro ay dapat ko nang sulitin ang oras naming dalawa, dahil alam ko na dadating din ang araw na mawawalan na siya ng oras sa akin, sapagkat maibubuhos niya na ito sa kaniyang magiging boyfriend balang araw.
Ayaw kong dumating ang panahong iyon, dahil masakit. Pero, ayaw kong magpaka-selfish. Gusto ko din siyang maging masaya. Mahal ko siya, kaya dapat pahalagahan ko siya, ang kasiyahan niya.
Nandito na ako sa harap ng bahay nila. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Friendly date lang naman ito. Hindi naman ito romantic date.
Nakita ko ang isa sa mga katulong nila na nagtatapon ng basura sa labas ng bahay nila. Nakita niya din ako. Agad na sumilay ang isang ngisi sa kaniyang labi.
"Kaya naman pala grabe kung makapaghanda si Debbie sa pagbibihis, eh. Ikaw pala ang date," aniya sa nanunuksong tono.
Medyo natawa ako sa sinabi niya. Natutuwa ako dahil tinutukso niya kaming dalawa, pero kailangan kong sabihin na magkaibigan lang kami.
"Ikaw talaga, Manang. Alam mo namang mag-best friend lang kami. Imposible 'yon. Grabe ang imagination mo," sabi ko sa kaniya.
Oo, masakit sabihin at isipin na kaming dalawa ni Debbie ay hanggang imagination lang. Madaming tumutukso sa amin. Mga kaibigan at kaklase namin. Masyado kasi kaming close, dahil nga mag-best friend kami. Minsan nga ay napagkakamalan pang girlfriend ko siya, at ako naman ay boyfriend niya. Pero, hanggang sa hinala at imagination lang nangyayari iyon. Hindi iyon nagiging totohanan.
"Ay sus! 'Wag ka nga! May kakilala akong mag-best friend na nagkatuluyan. Ngayon, may mga anak na sila. Hindi imposible na mangyari din 'yun sa inyo, 'no," nanunuksong sabi niya. Sana nga gano'n lahat. Kung pareho lang sana kami ng nararamdaman para sa isa't-isa.
Nag-chuckle na lang ako sa sinabi niya. Ayaw ko na lang magsalita, dahil baka may masabi pa ako. Baka mapaamin pa ako nang wala sa oras.
"Halika na nga lang, hijo. Du'n ka na lang sa loob maghintay. Matagal pa 'yun si Debbie. Kakaiba mag-ayos sa sarili 'yun, eh. Tsk, tsk," aya niya sa akin at nauna na siyang pumasok sa loob ng gate.
"Sandali lang, pupuntahan ko lang 'yung batang 'yun, at sasabihin kong nandito ka na. Kanina pa siya paroo't parito, eh. Ang bagal talagang kumilos kahit kailan," aniya pagkapasok namin sa loob ng bahay.
"Sa tingin mo, Manang, hindi pa ako sanay? Hehe. Ako na lang po aakyat," sabi ko at akmang aakyat na nang bigla ko na lang makita si Debbie na pababa na ng hagdan.
Naramdaman ko bigla ang kakaibang pagkabog ng aking dibdib. Tila ba, mas bumilis ito. Nakalugay ang kanyang wavy brown hair. Pareho kaming nakasuot ng denim jacket. Sa tingin ko ay fitted ang black shirt na suot niya na naka-tucked in sa kaniyang white high waist denim short. Naka-sneakers lang din siya. May cross body bag din siya.
Hindi ko alam kung ako lang, pero parang naging mabagal ang pag-ikot ng mundo. Ang simple niyang tingnan, pero ang lakas ng dating. Wala masyadong colorete sa kaniyang mukha, pero nangingibabaw pa din ang kaniyang ganda. Ang natural niyang ganda. Parang nawala ang presensya ni Manang sa gilid ko.
Nagbalik lang ako sa ulirat nang bigla siyang magsalita, "Woah! Naka-maong jacket ka din?! 'Di naman tayo nag-usap, ah? Gaya-gaya ka talaga! Hahaha!"
"Mas nauna akong matapos magbihis sa'yo, 'no. Sino kaya dito ang gaya-gaya?" Sabi ko naman sa tonong mapang-asar.
"Jusko naman, ganyan lang pala ang hitsura mo. Bakit paroo't parito ka kanina?" Tanong naman ni Manang na mahahalataang naguguluhan at medyo nagulat.
Ngumuso naman si Debbie. Kung hindi ko pipigilan ang sarili ko, ay hahalikan ko talaga ang labi niya.
"Hinahanap ko kasi 'yung hair clips ko, Nay. Alam mo na, trend 'yun ngayon, eh. 'Di ko alam kung saan ko nalagay 'yung mga binili kong hair clips," aniya.
"'Yun lang ba? Sige, sige, umalis na kayo, at palitan mo na 'yung mga nawawala mong hair clips. Kanina pa naghihintay ang boy friend mo," pang-aasar ni Manang at bigla siyang sumulyap sa akin nang nakakaloko.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "Boyfriend" daw. Nakaramdam ako ng tuwa sa narinig ko, pero kailangan kong itanggi ito.
Magsasalita sana ako, pero naunahan na ako ni Debbie. "Nay, naman! Magkaibigan lang po kami, okay? Hindi pa kayo nasanay sa amin? Since childhood pa po," sagot naman ni Debbie. Ang sakit marinig mula mismo sa kaniya na hanggang magkaibigan lang talaga kami.
"Tsaka isa pa, alam niyo naman na may crush ako, 'di ba?" Pahabol pa niya. Boom. Mas sumakit pa ang nararamdaman ko.
"Oo nga, Manang. Tama na 'yung ship niyo. Wala din pong mangyayari, dahil best friend lang po talaga kami ni Bie," sabi ko. Hindi ko napigilang malagyan ng pait ang pagkakasabi ko. Para hindi nila mahalata, ay ngumiti na lang ako.
"Grabe naman reaction niyong dalawa. Boy friend lang naman sinabi ko. Boy friend as in lalaking kaibigan. Tsk, tsk," palusot pa ni Manang na medyo natatawa na.
"Sana po best friend na lang ang sinabi niyo, Nay. Para mas clear. Ikaw talaga," sagot naman ni Debbie. Nakaramdam ako ng kirot doon, kaya yumuko ako at huminga nang malalim.
"Oh, s'ya, s'ya, umalis na kayo," pangtataboy sa amin ni Manang. "Wala kayong curfew. Enjoy niyo lang ang date niyo," aniya habang nakangisi. Napailing na lang ako sa kakulitan ni Manang.
***
Hanggang commute lang kaming dalawa ni Debbie. Hindi naman kasi ako marunong magmaneho. Ipinapahiram sa akin ni Dad ang isa naming kotse, at dapat ko daw pag-aralan ang pagda-drive. Pero, hindi ko pa priority iyon. 16 pa lang ako. Kung matuto man ako ngayon, ay hindi naman ako makakakuha ng license.
Nandito kami ngayon ni Debbie sa jeep. Wala kaming pasok ngayon, dahil foundation week ng school namin. Puro teachers at iyong president ng school ang nag-cecelebrate ngayon. Pero, bukas ay may pasok na kami. Buong school na ang magcecelebrate bukas.
May isang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad lang namin ang nakaupo sa tapat namin. Taga ibang school. Pansin na pansin ang malalagkit niyang tingin kay Debbie.
Walang kaalam-alam si Debbie, dahil sa daan siya nakatingin.
Bakit ba kasi ang iksi ng shorts nito, eh? Kung hindi ko pipigilan ang sarili ko, ay nasuntok ko na iyong lalaking iyon. Nagtitimpi lang talaga ako, dahil ayaw kong magkaroon ng gulo dito.
Sinamaan ko ng tingin ang lalaking iyon, pero hindi niya yata napansin, dahil kay Debbie nakatuon ang atensyon niya.
Naikuyom ko ang kamao ko. Makikitaan ng pagnanasa ang mga mata ng lalaking iyon.
Tumikhim ako at inakbayan ko si Debbie. Nagulat siya, pero binalewala ko ang reaction niya. Hinigit ko siya nang mas malapit sa akin.
Kahit malapit kami sa isa't-isa ay lumingon pa din siya sa akin. Siguro ay gusto niyang malaman kung para saan iyon.
Ngumisi na lang ako, at tumingin sa direksyon ng siraulong lalaking iyon. Tiningnan ni Debbie ang tinitingnan ko. Kitang-kita sa reaksyon ng lalaki na nagulat siya. Nanlaki ang mga mata niya, eh.
Napansin kong medyo nag-chuckle si Debbie, at lumingon siya sa akin. Nakangisi din siya ngayon. Alam ko ang iniisip niya. Iniisip niya na lokohin ang lalaking iyon na mag-jowa kami.
Tumawa ulit siya nang mahina. Sinusubukan niyang huwag tumawa nang malakas. Hindi na siya nakatingin sa direksyon ng lalaki. Napataas ang kilay ko sa kaniya, kaya ininguso niya sa akin ang direksyon ng tatlong mga babae na sa tingin ko ay same age lang din namin o baka mas bata sa amin. Taga ibang school din.
Natahimik ang mga babae nang lumingon ako sa kanila, at halatang mga nagpipigil.
"Sabi ko sa inyo, eh! Girlfriend ni Kuya Crushie si Ate Girl," bulong n'ung babae, pero narinig ko pa din. Naka-high pony ang buhok niya, at mapupula ang pisngi at labi.
Napangisi ako at hindi ko napigilang umiling-iling. Binalik ko ang atensyon ko kay Debbie at natatawa pa din siya.
"Kanina ko pa naririnig 'yung pagfafantasize nila sa'yo. Hahaha! Nawalan 'ata sila ng pag-asa n'ung inakbayan mo 'ko, eh," bulong niya sa akin.
"Lakas talaga ng charms ko, 'no?" Tanong ko sa kaniya.
"Sus, oo na lang. Talagang tinamaan 'ata sila," aniya. Malakas nga ang charms ko sa mga babae, pero ikaw lang yata ang babaeng hindi tinamaan ng charms ko.
Nginuso niya ulit ang direksyon ng mga babae. Lumingon ako doon, at parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga hitsura nila. Hindi ko napigilang matawa.
Sunod na tiningnan ko ay ang direksyon naman ng lalaki kanina. Sa daan na siya nakatingin. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kaniya, kaya lumingon siya sa akin. Agad din niyang iniwas ang tingin niya. Dapat lang.
"Sino bababa sa SM?!" Sigaw ng driver, kaya hinawakan ko na ang kamay ni Debbie para alalayan siyang bumaba.
"Ang sweet mo talagang best friend!" Nakangiting sabi niya sa akin nang makababa na kami ng jeep.
"Ngayon mo lang 'ata na-appreciate 'yung sweetness ko sa'yo," nakanguso kong sabi sa kaniya at humalukipkip pa ako. Sinusubukan kong magpa-cute, hehe.
"Sus, nagpapacute ka naman ngayon," natatawa niyang sabi. Ikinawit niya ang kaniyang braso sa akin.
"Halika na nga lang! Ililibre mo pa ako ng milk tea, hehehe, baka nakakalimutan mo," at hinila niya na ako papasok sa mall.
"Ang clingy mo, tsk," sabi ko naman sa kaniya. Gusto ko ang pagiging clingy niya sa akin, pero trip ko siyang asarin.
"'Di ka pa nasanay sa'kin? Ayaw mo 'ata, eh. 'Di 'wag," bumitaw na siya sa akin, at naglakad na nang dire-diretso.
Natawa naman ako sa reaksyon niya. Agad ko siyang sinundan, at inakbayan. Lumingon siya sa akin nang nakakunot ang noo.
"Halika na, ililibre na kita. Ikaw naman, inaasar lang kita, eh. Hehe. Ganyan ka ba sa magiging boyfriend mo, huh?" Pang-aasar ko sa kaniya.
"Tss, wala namang nanliligaw, kaya imposibleng magkaroon ako ng boyfriend, like duh?" Sagot naman niya sa akin in a matter-of-fact tone.
"Paano kung liligawan kita?" Tanong ko sa kaniya nang pabiro habang nakangisi. Napahiwalay siya sa pagkakaakbay ko sa kaniya, magkasalubong ang kaniyang kilay, at bahagya siyang nakanganga.
"Hindi tayo talo, bruh! Best friends tayo, ano ka ba? Hahahaha!" Tinawanan niya ako at sinuntok nang mahina sa balikat.
"Alam ko. Joke lang naman 'yon. Tss," sagot ko naman sa kaniya.
Jokes are half meant, though. Gusto ko talagang itanong iyon sa kaniya kahit pabiro para malaman ko kung anong magiging reaction niya. Well, expected ko na ganoon nga ang magiging reaction niya. Hanggang best friend lang talaga kami.
***
Nakarating na ako dito sa Gong Cha. Ako lang ang pinapunta niya dito. Pinapanood niya kasi iyong mga nag-i-ice skating. Ito ang favorite milk tea store niya. Umorder na ako ng Large Wintermelon para sa kaniya. After kong ma-claim ang order, ay pinuntahan ko na siya doon sa may skating rink. Yes, may skating rink ang SM dito, hehe.
"Thank you so much! Hihi!" Aniya na sobrang lawak ng ngiti. Napangiti ako sa kaniyang ngiti.
"Wala kang binili para sa'yo?" Tanong naman niya nang mapansin na hindi ako bumili ng para sa akin.
"Hindi naman kasi ako mahilig sa milk tea, kasi hindi masarap," sabi ko.
"What--," hindi niya na natapos ang sasabihin dahil nagsalita muli ako.
"Sus, uso lang kasi 'yan ngayon. Dati pa merong milk tea, pero ngayon lang sumikat. Stop pretending that milk tea tastes good," sabi ko na ikinataas ng kilay niya. Aha, na-trigger ko 'ata siya.
"Paano mo nasabing hindi masarap, eh never mo pa namang na-try!" Sagot naman niya.
"Anong never? Natikman ko 'yung milk tea ng Nestea! Simula nang matikman ko 'yon, ayaw ko nang tumikim ng kahit anong milk tea," giit ko.
"Hindi naman kasi lahat ng milk tea ay gano'n," sabi niya pagkatapos higupin ang kaniyang milk tea.
"Dapat na-try mong tikman 'yung may pearls, eh," dagdag pa niya at nilahad sa akin ang milk tea niya. Napataas ang kilay ko doon.
"Go, tikman mo. Promise, magugustuhan mo 'yan. Baka nga makipag-agawan ka sa'kin kapag natikman mo na 'yan," confident na sabi niya.
Wala naman akong nagawa kun'di sundin ang sinabi niya. Humigop ako sa kaniyang milk tea. Nginuya-nguya ko pa iyong malaking sago. Ewan ko, pero hindi pa rin masarap para sa akin. Pero, mas ayos ang lasa niya kaysa doon sa Nestea Milk Tea.
"Ano? Masarap 'di ba?" Ewan ko kung ako lang, pero parang kumikinang-kinang pa ang mga mata niya habang sinasabi iyon. Nag-aanticipate siya na nasarapan ako.
"Speechless sa sobrang sarap?" sabi naman niya at tumawa. Her laugh sounds like heaven to me. Tiningnan ko siya nang mabuti, at napangiti ako.
"Ayos lang," sagot ko naman, kaya nag-pout siya at mahahalataan ng pagka-dismaya sa mukha.
Argh! Naiinis akong makita siyang naka-pout. Kapag nakikita kong ginagawa niya iyon, ay wala akong ibang gustong gawin, kung hindi halikan siya. Pero, kailangan kong pigilan ang sarili ko. Sobrang pagpipigil ang ginagawa ko sa sarili ko.
"Tigilan mo nga 'yan," sabi ko naman sa kaniya.
"Ang ano?" Naguguluhan niyang tanong habang nakanguso pa din. "Itong pag-inom ng milk tea?" Follow up question niya.
"Iyang pag-nguso mo," sagot ko naman habang pinapanood ang mga nag-sskate.
"Bakit naman?" Dagdag tanong niya pa at sinusubukang makuha ang tingin ko.
"'Di kasi bagay sa'yo. Mukha kang bibe," seryoso kong sabi, pero sa totoo lang ay biro iyon. Sineryoso ko lang para isipin niyang hindi ako nagbibiro.
"Ang sama mo!" Naiinis na sabi niya, at pinalo pa ako sa balikat ko.
Natatawa ako sa reaction niya, pero pinipigilan ko lang.
"Naiinis ka ba sa mukhang bibe, ha?" Tanong niya pa. Pinaharap niya ako sa kaniya at talagang sinasadya niyang mag-pout para maasar ako.
Hindi ko na napigilang matawa sa hitsura niya. "Ano ba, Bie-be? Tigilan mo nga! Hahaha!" Sabi ko habang natatawa.
"Kaya siguro "Bie" ang tawag mo sa akin, kahit dapat sa first name mo ako tawagin! Para malapit sa bibe!" Sabi naman niya na naaasar na ngayon. Tumigil na siya sa pag-busangot.
"Hoy, hindi gano'n!" Depensa ko naman. "Sige, para makabawi ako sa'yo, ikaw na 'yung pinakamagandang bibe," dagdag ko pa para hindi siya magalit.
Pero, parang mas lalo siyang nainis.
"Pinakamagandang bibe? Grabe ka talaga! Bibe pa din ako!" Saad niya.
"At least, ikaw 'yung pinakamaganda, 'di ba?" sabi ko.
"Siraulo." Sagot niya at tumingin na doon sa mga nag-i-ice skating habang humihigop sa straw.
"Gusto mong mag-try mag ice skating?" Tanong ko naman sa kaniya, habang nakatingin din doon sa skating rink.
"Yeah. Never kong na-try 'yan eh. Never mo din na-experience, 'no?" Aniya.
"Ubusin mo na 'yan, dali. Mag-i-ice skating tayo," sabi ko naman sa kaniya, kaya nagulat siya.
"What? Seryoso? Wala akong dalang extra money para diyan," sabi niya na hindi makapaniwala.
"Tss. Sinabi ko bang ikaw ang gagastos?" Tanong ko pabalik sa kaniya.
"'Wag na! Nakakahiya, uy! Kahit best friends tayo. Mahal kaya sa ice skating. Hanggang milk tea and food trip lang ipapalibre ko sa'yo," sabi naman niya na medyo naka-offend sa akin.
Oo nga pala, friendly gala lang ito para sa kaniya. Hindi nga pala ito date. Gusto ko sanang sagutin lahat ng magiging gastos namin sa araw na ito. Gusto ko siyang pasayahin sa araw na ito. Gusto ko sanang magawa niya ang mga bagay na hindi niya pa nagawa noon, kasama ako.
Kaso, best friends nga lang pala kami. Hanggang mag-best friend lang.
"Gusto kong mag-skate, kaya sasamahan mo ako. Sa ayaw o sa gusto mo," sagot ko sa kaniya with authority.
"Sige na nga! Hehehe, para ma-try ko na din. Pero, grabe. Ang laki pala ng baon mo ngayon," aniya.
"Date, eh," pabulong na sagot ko.
"Ha?"
"HAKDOG!" Pang-asar ko naman sa kaniya.
"Che!"
***
"Sabi ko nga, ako na magsusuot niyan sa sarili ko. Wala ba akong kamay?" Paulit-ulit na sabi ni Debbie sa akin habang sinusuotan siya ng skating shoes.
Nandito kami ngayon sa gilid ng rink.
"Ubusin mo na lang 'yang inumin mo, para makapagsimula na tayo," saad ko habang tinatali ang sintas.
"Eto na po, sir," aniya.
"Tsk, naka-shorts ka nga pala. Ang lamig doon. Bakit ba kasi ang iksi ng shorts mo?" Tanong ko sa kaniya.
Napangiti na lang siya, sabay kamot sa ulo. "Alam mo namang sa shorts ako kumportable, eh," sagot niya
"Pero, masyadong maiksi. Hindi mo alam na may nang-mamanyak na sa'yo kanina sa jeep," sabi ko naman na naiinis.
"'Yun ba 'yung lalaking nagulat kanina?" Tanong naman niya na nanlaki pa ang mga mata.
"Oo nga," sagot ko naman. "Ingatan mo nga ang sarili mo. 'Wag kang magsuot ng mga damit na matakaw sa paningin ng mga manyak," pagpapaalala ko.
"Opo, sir. Kasama naman kita, kaya alam kong safe ako," aniya na hindi ko inexpect. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Natulala ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.
"Yieee! Ano, kinilig ka ba?" Ngingiti-ngiting saad niya. "Na-touch s'ya, ih! Nakabawi na 'ko sa'yo, ah!" Sabi pa niya.
Wala na 'kong nagawa kun'di i-pat ang ulo niya. "Keep yourself safe please, especially when I'm not around," sabi ko. Pero, imposible na hindi ko siya kasama lagi. Sabi ko lang iyon. Kahit saan siya magpunta, ay doon din ako magpupunta. Gusto kong masigurong masaya at ligtas siya. I'll protect her at all costs.
"Sir, yes, sir!" Magiliw na sabi niya. "Tara na, dali! Na-e-excite na 'ko!" Tumayo na siya at tumalikod pa upang magsimulang mag-skate.
Bago pa siya makapunta sa rink, ay hinubad ko ang aking denim jacket, at ipinulupot ang aking dalawang braso sa kaniyang bewang upang itali ang jacket. Nagulat siya sa ginawa ko. Naka-back hug position kasi kami.
"Malamig doon, at naka-shorts ka lang," I whispered in her right ear.
Marahil, ay nakaramdam siya ng ilang, dahil agad siyang lumayo sa'kin.
"Hehehe, ikaw naman ang malalamigan," tatanggalin niya sana ang pagkakatali ng jacket, pero tiningnan ko lang siya nang masama at umiling ako.
"You're such a thoughtful best friend," aniya in an awkward tone. Ipinamukha niya pa talaga sa akin na best friend lang ako.
"I know. I'm such a sweet best friend, right?" Tanong ko sa kaniya, pero hindi ko napigilang malagyan ng pait sa tono ang pagkakasabi ko sa best friend.
"Of course! Tara na nga doon! Sana, hindi tayo madapa, hahaha!" Saad niya at hinila na 'ko papasok sa rink.
"Sandali! 'Di ko pa nasusuot 'yung skating shoes," sabi ko naman, at bumalik na doon sa pwesto namin upang magsuot ng skating shoes.
***
"Ikaw ang nag-aya, tapos ikaw pala 'tong hindi marunong!" Pang-aasar na banggit ni Debbie sa akin.
Kanina pa kami nandito sa loob ng skating rink, kaya ilang beses na din akong nadapa sa malamig na yelo. Buti na lang at nakasuot kami ng knee pad.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Bakit marunong ka? Saan mo natutunan? Share mo naman sa'kin, oh," sagot ko sa kaniya.
"Napanood ko lang," aniya. "Watch and learn, bruh, para magawa mo na. This is how you do it," dagdag pa niya sabay pakitang gilas sa yelo. Nandito lang ako sa gilid at nakahawak sa railings habang nakatunganga sa ginagawa niya.
Matapos ang pagpapakitang gilas ay lumapit na ulit siya sa akin. "Balance lang, Angelo. Kailangan mo munang matutunan kung paano mag-balance para hindi ka matumba," pagtuturo niya sa akin.
Lumapit siya at hinawakan ang mga kamay ko. Malamig ang paligid, pero kakaiba ang init na naiibigay ng kaniyang paghawak sa mga kamay ko.
"Ops, ops, dahan, dahan!" Sabi niya. "Ayan! Nice!" Masayang sabi niya nang makalayo na kaming dalawa sa railings. Dinadala niya ako sa gitna ng rink.
"'Pag ako lang talaga ay nadapa, ah," sabi ko naman sa kaniya. Nanginginig pa ang mga tuhod ko dahil nahihirapan ako sa balanse at malamig din kasi ang paligid.
"Just trust me," saad niya.
Mabuti ay hindi ko nabitawan ang mga kamay niya nang bigla na lang siya mag-skate. Sumasabay ako sa kaniya. Hindi talaga ako marunong mag-skate, pero nakakatuwa na nagagawa ko ito ngayon dahil kasama ko siya.
"Woah!" Enjoy na sabi ko.
"Ayan! Nagagawa mo na!" Masayang sabi niya habang binabagtas namin ang yelo.
"'Wag mo 'kong bitawan! Baka madapa ako!" Sabi ko naman sa kaniya.
"Ang bakla mo naman! Hahaha! Trust me, hindi kita bibitawan!" Aniya.
Pagkatapos ang skate na iyon, ay tumigil ulit kami sa gitna ng rink.
"Ngayon, kailangan mong mag-balance. Pinaranas ko lang sa'yo kanina 'yung feeling ng pag-sskate," saad niya.
"Kailangan kitang bitawan, ha? Para matutunan mo ang balance. Unti-unti akong bibitaw sayo, ha?" Dagdag pa niya, kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ang tumango na lang.
"Kaya mo na ba?" Tanong niya.
"Sige na, bitawan mo na 'ko," at unti-unti niya na akong binitawan. Nagulat ako kasi naka-steady pa din ang position ko.
"Uy! Nabalance mo na!!!" Masayang sabi ni Debbie. "Try to move your feet," aniya na sinubukan kong gawin. Medyo nagawa ko iyon, pero nanginig ang mga tuhod ko kaya napahawak na lang ako sa balikat ni Debbie para makakuha ng suporta.
Pero, nabigla siya sa paghawak ko sa kaniyang balikat dahilan para matumba na siya sa sahig.
"Ahhh!!!" Tili ni Debbie.
Pagkatumba niya ay natumba din ako. Napunta ako sa ibabaw niya.
"Ghad! Ang lamig, leche!" Aniya at natigilan siya nang mapagtanto niya na sobrang lapit namin sa isa't-isa.
Nilipat ko ang pwesto ng mga kamay ko sa likod niya para suporta, para hindi tuluyang lumapat ang likod niya sa malamig na sahig.
Tiningnan ko siya nang direkta sa mga mata niya. Nakatingin din nang direkta ang mga mata niya sa akin. Ang haba ng kaniyang pilik mata ay na-depina ang features ng mata niya. Napakagandang makita ang sarili mong repleksyon mula sa magagandang mata ng taong mahal mo.
Naglibot ang kaniyang mga mata sa ibang parte ng mukha ko. Wari'y ba'y pinagaaralan niya ito.
Nilibot rin ng aking mga mata ang bawat parte ng kaniyang mukha. Masasabi ko na ang mga flaws niya ang nagpapaganda sa kaniya, ang bumubuo sa kung sino siya ngayon.
Bumaba ang tingin ko sa kaniyang ma-pink na labi. Ibinalik ko ang tingin ko sa mata niya, ngunit nagtaka ako nang sa labi ko siya nakatingin.
Tumingin muli ako sa kaniyang labi na puwedeng-puwede kong halikan ngayon, kaso limitado nga lang pala ang relasyon naming dalawa.
Nagulat ako nang umiling-iling siya.
"Ang b-bigat mo! Angelo, ang lamig!" Aniya nang siguro ay mapagtanto na ganoon pa din ang posisyon namin.
Agad akong tumayo, at nilahad ko naman ang kamay ko para alalayan siya.
"Huhuhu, ouch!" Naiiyak na sabi niya nang makatayo na siya habang hawak ang likod niya.
***
Katatapos lang namin kumain ng hapunan sa isang fast food restaurant dito sa mall.
"Masakit pa ba?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Kanina mo pa 'yan tinatanong, and kanina ko pa sinasagot," aniyang natatawa. "Promise! Okay na talaga ako!" Saad niya na ikinatango ko na lang.
"By the way, bibili pa pala ako ng hair clips!" Nagulat ako nang biglang tumaas ang boses niya.
"Doon ka na ba sa arcade? Alam kong ayaw mo pumunta sa mga pang-babae, eh," giit niya dahilan para umiling ako.
"Sasama ako sa'yo," sagot ko sa kaniya na bahagyang ikinagulat niya.
"Talaga?! Anong nakain mo, ha? Boring ang pang-girls, 'di ba?" Sabi naman niya.
Paano ko ba sasabihin sa kaniya na kahit saan siya magpunta ay susunod ako sa kaniya?
"Na-boring-an na din ako sa Arcade. Mayayabang pa 'yung mga nakakalaro ko," sagot ko na lang.
"Kung gano'n, let's go na, hahaha!" Excited na sabi niya at ikinawit na ang braso sa akin. Napangiti na lang ako at napa-iling-iling sa kakulitan niya.
Habang naglalakad kami, ay bigla siyang nagsalita.
"Hoy, kapag nagka-girlfriend ka na, 'wag mo 'kong kalimutan, ha? Mag-best friend pa din tayo, kaya kung may kailangan ka, don't hesitate to approach me," biglang sabi niya dahilan para mapalingon ako sa kaniya, pero diretso lang ang tingin niya sa daan.
"Pa'no ako magkaka-gf, eh wala naman akong nililigawan," sagot ko na lang sa kaniya.
Napalingon siya sa akin at natatawa. "Hay nako, nand'yan kasi si Raine, eh. Ayaw mo pang ligawan. Siya na nga ang lumalapit sa'yo. Ikaw talaga. Pakipot pa!"
Masakit na ipagtulakan ka ng taong mahal mo sa ibang tao. Gustong-gusto kong sabihin sa kaniya na iba ang gusto ko, at siya iyon. Kaso, iniisip ko pa din ang pagkakaibigan namin. Ayaw kong masayang iyon. Iyon na nga lang ang pinanghahawakan ko sa aming dalawa.
"May iba akong gusto," sabi ko na lang. Hindi na ako nagulat sa reaksyong ipinakita niya.
"Woah, woah! Sino 'yan?! Care to share the details? Wala kang sinasabi sa'kin, ha?!" Naiintrigang saad niya.
"Secret, walang clue," sagot ko na lang sa kaniya, dahilan para magsalubong ang kilay niya.
"Daya! Alam mo nga kung sino gusto ko, ta's 'di ko alam kung sino gusto mo? Daya talaga," naiinis na sambit niya.
"Clues na lang. Huhulaan ko kung sino. Okay?" Dagdag pa niya, at tumango na lang ako.
"Una sa lahat, maganda ba siya?" Tumango naman ako sa sinabi niya.
Tinitigan ko siyang mabuti sabay sabi ng "Maganda talaga siya." Napa-hugis "O" ang bibig niya.
"Sa school natin? Kaklase natin?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Sa school, pero secret kung saang section siya," sabi ko na ikina-pout ng labi niya. Ayan na naman siya.
"Mabait ba siya? Magugustuhan ko kaya ang ugali niya kapag nakita at nakilala ko siya?" Tanong niya ulit na ikinatango ng ulo ko.
"Mabait? Uhm, minsan. Napakakulit kasi niya. Example, kapag may gusto siyang malaman, ang dami niyang tanong," sana hindi niya mapansin na siya ang tinutukoy ko.
"Mamahalin mo ang ugali niya kapag nakilala mo siya," sabi ko pa sa kaniya sabay kindat.
Umacting pa siya na kunyaring nasusuka nang kumindat ako. Natawa na lang ako sa reaction niya.
***
"Bakit ang bait mo sa'kin ngayong araw na 'to, ha? Nakakapagtaka lang," sabi niya habang naglalakad kami ngayon palabas ng mall. Hindi ko siya sinagot at hinintay pa ang mga susunod niyang sasabihin sa akin.
"Una, nilibre mo 'ko ng milk tea- pero it's a must naman talaga, pero 'yung treat mo pa sa'kin sa LAHAT, boi. Wala akong ginastos, kahit pamasahe. Baka naman may plano ka, ha? Ehem," aniyang nagdududa, pero hindi ko pa din sinasagot iyong mga katanungan niya.
"Silence means yes? Oh no! Baka singilin mo 'ko dito!" Sabi niya kaya napatingin naman ako sa kaniya habang nakakunot ang kilay.
"Oo, sisingilin naman talaga kita, 'kala mo libre lahat 'yon?" Nakangisi kong sabi sa kaniya. Tuluyan na kaming nakalabas ng mall at nag-aabang na lang kami ng jeep na masasakyan.
Nawalan ng expression ang mukha niya. Kung puwede ko lang sana singilin sa kaniya na magustuhan niya ako pabalik at mahalin niya ako ng higit sa isang kaibigan, ay gagawin ko, kaso hindi ko naman puwedeng diktahan ang puso niya.
"Akala ko pa naman lib-," naputol ang kaniyang sasabihin nang kilitiin ko siya bigla.
"Ayan 'yung singil ko sa'yo! Hahaha! Subukan mong kilitiin ako pabalik, magkakaroon ka pa ng utang sa'kin!" Tumatawang sambit ko sa kaniya habang tawa nang tawa at umiilag siya sa akin.
Kung sana ay ganito lang kami lagi. Masaya. Pero, ang kasiyahan na iyon ay dulot lamang ng pagiging magkaibigan namin. Ayos na ako doon. Gaya ng sinabi ko, iyon na nga lang ang pinanghahawakan ko sa aming dalawa. Ang hilingin pa ang pagiging masaya bilang magkasintahan, is too much to ask for.
Maraming nangyari ilang linggo matapos ang "friendly date" namin. Nagulat na lang ako nang mabalitaan kong magka-MU na sila Debbie at ang kaniyang crush.
"OMG talaga! Nag-video call kami and late night talks kagabi, tapos kinantahan niya pa ako!" Nanggigigil na sabi niya sa akin at hinahampas pa ako. Nandito kami sa kwarto ko. Dumayo pa siya dito para lang magkwento.
"Oh, 'yun lang?" Wala akong interes sa kung ano man ang kinukwento niya. Nasasaktan lang ako.
"Ito na 'yung climax!!! Sinabihan niya ako ng "I love you"! My gosh! Ahhhh!" Tili niya sabay baon ng mukha niya sa unan at nagpagulong-gulong na siya sa kama.
Hindi ko mapigilang matulala. Ang sakit, takte. Bakit ganoon? Dapat masaya ako para sa kaniya, dahil sa wakas, napansin na siya ng crush niya. Pero, parang may tumutusok sa puso ko.
Alam kong pagsisisihan ko itong tanungin, pero gusto kong malaman ang sagot. Alam kong sasaktan ko lang ang sarili ko kapag tinanong ko pa ito.
"Anong sabi mo?" Tanong ko sa kaniya dahilan para matigil siya sa pagpapagulong-gulong. Inangat niya ang ulo niya at ang gulo na ng buhok niya.
"S'yempre, "I love you too"!" Dahil sa sakit na naramdaman, napatango na lang ako sa sinabi niya at pinilit na ngumiti. "Hindi pa kami, pero gosh! Grabe, ang swerte ko talaga, kasi mutual 'yung feelings namin ng crush ko sa isa't isa, unlike n'ung iba na one-sided lang," saad niya.
Oo, at isa ako doon sa mga hanggang one-sided lang. Actually, hindi one-sided crush lang ang nararamdaman ko para sa iyo. Mahal kita, Debbie. Kung puwede lang sanang i-divert ko ang atensyon ko sa ibang bagay at hayaan ka na lang maging masaya.
I want to date a lot of girls para makalimutan itong nararamdaman ko para sa iyo. But, I don't want to use other people. Ayaw kong makapanakit ng iba. Mas okay na iyong ako na lang ang nasasaktan. Huwag na lang ako mandamay.
Lumipas ang ilan pang mga linggo. Wala na kami masyadong oras ni Debbie para sa isa't isa. Kung dati, ako lagi ang kasama niya at napagkakamalan pang may "kami", ngayon ay wala na. Tumigil na din ang mga tao sa kashiship sa amin.
"Sayang, dapat inamin mo na 'yan nang matagal," sabi ng isa sa mga tropa ko sa basketball na si Jeno.
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Halata ka, bro. Simula nang maging mag-MU sila Debbie, naging tahimik ka na at parang laging walang interes makipag-usap kahit kanino."
"Halata pala ako, bakit 'di niya ako nahalata?" Wala sa sariling sambit ko.
"Halata ka talaga. Kaya nga madaming nagshiship sa inyo noon, dahil para kang boyfriend kung umasta kapag nakikita namin kayo," sabat naman ng isa pa na si Justin.
Dahil sa kagustuhang maiparamdam ang higit na pagmamahal ko sa kaniya, ay hindi ko namamalayan na parang boyfriend na pala ako kung kumilos noon kapag magkasama kami ni Debbie. Sa tingin ko ay sa ganoong paraan ko lang naipapakita sa kaniya ang pagiging boyfriend material ko, sa pamamagitan ng pagiging best friend niya.
Ilang buwan na ang dumaan. Dumaan na ang Pasko at New Year. Inasahan kong lalabas ng bahay si Debbie noong New Year's Eve para samahan akong magpailaw ng lusis at manood ng fireworks display, pero nagstay lang siya sa kwarto niya at marahil ay busy sa pakikipagusap kay Clark.
Dumating ang buwan ng Pebrero. Month of love. Grabe, ilang buwan na ang nakalipas, at heto pa din ako. Nagmamahal sa kaniya. Akala ko ay lilipas itong nararamdaman ko para sa kaniya, ngunit walang nangyari. Mas lalo pa yatang tumindi ang nararamdaman ko para sa kaniya.
Usap-usapan sa buong campus namin ang Valentine's party na magaganap sa makalawa.
"Bro, may partner ka na?" Tanong ni Justin. Hindi ako sumagot, kaya si Jeno na lang ang nagsalita.
"S'yempre! Ako pa? Malakas ako sa chix, 'no," aniya. Hangin talaga ng ugok na 'to.
"'Di ikaw ang tinatanong ko, kupal. Kace, ikaw, may partner ka na?" Tanong ni Justin na tinuon na sa akin ang atensyon.
"Bakit? Gusto mo 'kong maging partner?" Sagot ko naman sa kaniya, kaya hindi napigilan ni Jeno na humagalpak.
"Gago! Nagtatanong lang ako! Si Raine kasi, kanina pa nakatingin sa'yo," saad niya dahilan para mapalingon ako sa direksyon ni Raine na ngayon ay kausap ng mahal ko. Kausap siya ni Debbie, pero sa akin siya nakatingin.
Nang mapagtanto niyang nakatingin ako sa kaniya, ay bigla na lang siyang ngumiti sa akin. Bilang isang mabuting tao, nginitian ko siya pabalik at tinanguan.
Napalingon si Debbie sa direksyon ko at kumaway. Nakangiti siya sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili kong titigan siya habang lumalapit siya sa akin ngayon.
"Hey, Jelly Jelly! May favor siya sa akin," sabay turo kay Raine na nasa tabi niya ngayon. "Baka naman, oh," panunukso ni Debbie.
Tumutulong na din ang mga itlog kong tropa sa panunukso sa amin ni Raine. Wala namang mawawala kung sisimulan kong i-divert ang attention ko sa iba, hindi ba? Gagawin ko ang lahat para makalimutan ang nararamdaman ko para kay Debbie. Sisikapin kong hindi makasakit ng tao, pero dapat ay ituon ko na sa iba ang atensyon ko.
"Hi, uhm... Kace... puwede ba kitang maging part-," hindi niya na natapos ang sasabihin dahil pinutol ko na ito.
"'Di dapat ikaw ang nagtatanong niyan," giit ko dahilan para mag-Ohh iyong mga leche kong kaibigan.
"Dapat ako ang magtatanong niyan sa'yo," dagdag ko pa. "Raine, puwede ka bang maging partner ko para sa Valentine's ball?" Ang sinabi ko ay nagdulot ng panunukso sa amin ni Raine sa buong classroom. Sumulyap ako kay Debbie at talagang isa siya sa mga nangingibabaw ang boses sa panunukso.
Masakit. I think that's enough to describe how I feel whenever she's teasing me to other girls. It feels like she's giving me away. Well, she doesn't own me, though. And I don't own her either. That's the sad reality.
"Bro, alam mo, dapat sabihin mo na kay Debbie 'yang nararamdaman mo. Mahalagang malaman niya na may pagtingin ka sa kaniya," ani Jeno habang nagpapahinga kami dito sa gilid ng court matapos maglaro ng basketball.
"Para saan pa? Alam kong iiwasan niya ako kapag sinabi ko pa, saka ayaw kong masira ang pagkakaibigan naming dalawa," sagot ko sabay inom sa Gatorade ko.
"Eh, hanggang diyan ka na lang ba? Hanggang taguan na lang ng feelings? Ang duwag mo naman, bro," biglang singit ni Justin dahilan para tingnan ko siya nang masama.
"Lilipas din 'tong nararamdaman ko," sabi ko pagkatapos uminom. Oo, lilipas din ito, at hinihiling ko na sana ay magsimula nang lumipas ito.
"Ramdam ko ang bigat ng pakiramdam mo, Kace, kaya kung ako sa'yo ay aamin na ako para matanggal ko na 'yang mabigat na pakiramdam," sabi ni Jeno.
"At least kapag umamin ka, matatanggal na 'yang tinik diyan sa puso mo. 'Wag kang matakot sa magiging reaction ni Debbie. Natural lang na magulat siya at magkaroon ng awkward moment, pero at least, you're strong and honest enough to let her know about your true feelings, 'di ba?" Sabat naman ni Justin.
"Sandali, bakit parang ang expert niyo masyado, ha?" Tanong ko sa kanila na ikinatawa naman nila.
"Sorry na, masyado lang kaming nadala sa sitwasyon mo. Basta, bro, pag-isipan mo 'yung mga sinabi namin," ani Jeno.
At dahil doon sa sinabi nila ay napag-isip isip ako. May punto ang lahat ng ipinayo nila sa akin. Oo, takot akong ma-reject, at higit sa lahat, takot akong may magbago sa samahan namin. Imposibleng maging constant ang pagkakaibigan namin kung malalaman niya na may pagtingin ako sa kaniya.
Pero, gusto ko na talagang mailabas itong nararamdaman ko para sa kaniya. May karapatan din siyang malaman, sapagkat involved siya dito, at para makahinga na ako nang maluwag at mabawasan na ang bigat na nararamdaman ko.
"Huy, bakit hindi mo sinasamahan ang partner mo? Ayain mo namang sumayaw!" Ani Debbie nang mapansin na hindi kami magkasama ni Raine. Iniwan ko muna pansamantala si Raine dahil ngayon ko na sasabihin kay Debbie ang lahat.
Pinag-isipan ko din kung kailan kong balak umamin kay Debbie. Ito lang ang maluwag-luwag na panahon, dahil exam na namin pagkatapos ng event na ito.
"Debbie, puwede mo ba akong samahan? May ipapakita lang ako sa'yo," sabi ko sa kaniya.
"Oh, saan naman 'yan?" Tanong niya.
"Ah! Basta," sagot ko at hinila na siya mula sa pagkakaupo.
"Grabe ah, excited? Eto na nga, sasama na."
Dinala ko siya sa rooftop ng school namin. Hindi ko masyadong pinaghandaan ang confession kong ito, dahil alam ko namang rejected ako. Buti nalang at nakisama ang set-up ng rooftop para sa event ngayon, kaya kahit paano ay may designs na nakapaligid dito.
"Woah..." Namangha si Debbie sa nakikita sa paligid. Pumunta siya doon sa railings sa gilid at tinanaw ang kabuuan ng lugar namin.
Lumapit ako at tumabi sa kaniya. Tinitigan ko siyang mabuti. Lumulundag ang puso ko sa aking nakikita. Ang makitang kumikislap ang mga mata niya sa gandang nakikita ay nagpapa-satisfy na sa akin.
"Ang ganda 'no," bigla kong sabi habang titig na titig sa kaniya. Kulang na lang ay matunaw siya sa mga titig ko.
"Kaya pala 'di pinapayagan ang mga estudyante dito. Magiging tambayan kasi 'to for sure. Buti na lang nakalusot tayo, hahaha," natatawang sabi niya.
Kinuha niya ang phone niya sa kaniyang mini bag at kumuha ng litrato.
"Pang-IG," tumatawang sambit niya.
Kinuha ko ang phone ko sa aking bulsa at nagtake ng selfie naming dalawa. Baka ito na ang huling selfie namin na walang awkward na namamagitan sa amin, dahil once na umamin na ako sa kaniya, ay hindi na kami makakapag-picture nang ganito.
Tumunganga kami nang ilang minuto sa magandang tanawin. Siya ay nakatunganga sa magandang tanawin, at ako naman ay nakatunganga sa kaniya, dahil para sa akin ay siya ang magandang tanawin.
Hindi nagtagal ay bigla siyang nagsalita. "Hindi pa ba tayo babalik doon?" Bigla niyang tanong dahilan para kabahan ako. Eto na, hindi puwedeng matapos ang gabing ito nang wala akong nasasabi sa kaniya.
"Tara na," dagdag pa niya sabay lakad patungo sa pintuan dito sa rooftop, ngunit agad kong hinila ang braso niya at sumubsob ang mukha niya sa dibdib ko.
"Wuy," giit niya at humihiwalay sa akin, pero kinukulong ko siya sa bisig ko.
"Please, kahit ilang minuto lang. Iparamdam mo muna sa akin ang kathang isip ko," sabi ko at lalong hinigpitan ang yakap sa kaniya, iyong halos hindi na siya makawala.
"Huh? Anong kathang isip?" Aniyang naguguluhan. Niyakap ko lang siya nang mahigpit nang ilang sandali bago humiwalay sa kaniya.
Tinitigan ko lang siya, at nalilitong nakatitig din siya sa akin.
"Grabe ka naman kung makayakap. Bakit? Anong meron? Don't tell me na aalis ka at hindi ka na babalik? Baka naman nagpapaalam ka na, ha?!" Sunod-sunod na tanong niya, dahilan para tumawa ako.
Sana nga iyon lang ang dahilan. Sana ganoong kababaw lang, kaso hindi.
Hindi ko napigilang hawakan ang pisngi niya at titigan siya nang mas mabuti, nang mas puno ng pagmamahal.
"Hoy, ang weird mo. Ano ba?" Angal niya ulit pero hindi ko siya pinansin. Gusto kong ilapat ang aking labi sa labi niya, ngunit kailangan kong pigilan ang sarili ko dahil mas lalo lang lalala ang sitwasyon pagkatapos kong umamin.
"Puwede bang iparanas mo muna sa akin ang mga kathang isip ko, kahit ilang sandali lang?" Tanong ko sa kaniya na ikinalukot ng noo niya.
"Kanina pa 'yang kathang isip na 'yan. Ano ba ibig sabihin niyan?" Tanong na naman niya na hindi ko pinansin. Sa halip, ay nilapit ko lang ang mukha ko sa kaniya at pumikit para halikan ang noo niya.
Nang mailayo ko ang mukha ko ay idinilat ko na ang mata ko at kitang kita sa mukha niya ang pagkagulo.
"Ang weird talaga ng inaasal mo. Bakit ganyan ka, ha? Ang weird din tuloy ng naiisip ko dahil sa ginagawa mo."
"Ano ba 'yang naiisip mong weird sa ginagagawa ko?" Tanong ko habang nakatitig sa kaniya. Gusto ko sanang hawakan ang kamay niya, kaso nakalagay ito sa likod niya.
"Wala... Tara na nga, balik na tayo doon," sabi niya sabay lakad nang mabilis papunta sa pinto ng rooftop.
Bago pa niya mabuksan ang pinto ay hinawakan ko na ang kamay niya at hinila palapit sa akin. Dahil hindi ko na napigilan ang sarili ko ay hinalikan ko na siya.
Tumagal nang ilang segundo ang halik ko sa kaniya. Nang makahiwalay ay gulat na gulat ang hitsura niya.
"A-ano 'yun? Para saan 'yon?" Nanghihina niyang tanong habang nakaturo ang nanginginig na hintuturo sa akin.
"Debbie, mahal kita. Hindi lang dahil kaibigan kita. Mahal kita, Debbie," sa wakas ay nasabi ko na ang matagal ko nang gustong sabihin sa kaniya, at sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon.
"Ma-mahal mo ako? Nang higit sa isang kaibigan? Tama ba ang narinig ko?" Paniniguro niya.
Tumango ako at sinabing, "Oo, pasensya na Debbie. Alam kong magbabago ang relasyon nating dalawa dahil dito sa nararamdaman ko," tumigil ako saglit para huminga nang malalim. "Pero, ginawa ko naman ang lahat para pigilan ito, dahil ayaw kong masira ng nararamdaman kong 'to ang pagkakaibigan na matagal na nating binuo."
Natigilan ako nang makita ko siyang umiyak bigla. Lalapitan ko sana siya pero lumalayo siya sa akin.
"K-Kailan pa 'yan na-nagsimula, ha? Iyong mga kilos na ipinapakita mo pala lately ay may ibig sabihin?! Baka naman nagagawan mo din ng malisya 'yung mga kinikilos ko sa'yo?!" Napataas ang tono ng pagkakasabi niya.
"Matagal ko na 'tong naramdaman, Bie. Pero, 'di ko naman nilalagyan ng malisya ang mga kinikilos mo sa'kin dahil alam kong limitado lang bilang isang kaibigan ang mga pinapakita mo. Pero, aaminin ko na may ibig sabihin nga ang mga kinikilos ko sa'yo. 'Yung pagiging sweet at protective ko. Alam kong humigit na iyon bilang isang kaibigan," sunod-sunod na pagpapaliwanag ko.
"Dahil iyon lang ang mga paraan para makita mo ako, hindi bilang isang kaibigan lamang, kung hindi bilang isang lalaki din na handang mahalin ka nang lubusan," dagdag ko pa. Ang lakas pa din ng kabog ng dibdib ko. Nararamdaman ko na nabubuo ang luha sa kanang mata ko.
"Matagal ka na palang may pagtingin sa akin, pero ngayon mo lang sinabi!"
"Bakit? Kahit sinabi ko na ito nang mas maaga, hindi ba magbabago ang reaksyon mo?"
Bahagya siyang natigilan. "Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ako pabalik," dagdag ko pa, habang pinipigilan ang pagtakas ng luha ko.
"Kung sinabi mo nang mas maaga, eh 'di hindi sana mas lumalim 'yang nararamdaman mo. Kahit paano ay naagapan pa sana," aniya na para bang sinasabing mali ang nararamdaman ko.
"Sorry, pero alam mo namang hindi ko ma-re-reciprocate ang feelings ko sa'yo hindi ba? Hanggang kaibigan lang talaga, Angelo, eh. Hanggang du'n lang talaga," saad niya sa mas mahinahong tono.
Tuluyan nang nahulog ang luha na naipon sa kanang mata ko. Ang weak ko masyado ah.
Expected ko na ang rejectiong ito, pero hindi ko inakala na sobrang sakit pala talaga kapag actual nang nangyari. Pakiramdam ko ay salong salo ko na ang mundo ngayon.
Napangiti ako nang mapait dahil sa sinabi niya. "Alam ko naman 'yon. Sinabi ko lang itong nararamdaman ko dahil mahalaga na malaman mo din. 'Wag mo nang alalahanin itong pag-amin ko sa'yo. Kalimutan mo na lang ang lahat nang nangyari ngayon."
Masakit sabihin sa kaniya na balewalain itong pagtatapat ko, pero ano pa bang magagawa ko? Hindi naman kami pareho ng nararamdaman eh.
"Isipin mo na hindi nangyari ito, ha? 'Di naman kita pipilitin na mahalin ako pabalik. Basta ang akin lang, walang magbabago sa pagkakaibigan natin, okay?" Ani ko na nagpasilay ng ngiti sa kaniya.
"Oo naman. Magkaibigan pa din naman tayo," saad niya sabay suntok nang mahina sa balikat ko.
"Puwede ka bang mayakap ulit?" Tanong ko. Lumapit siya sa akin, at siya na mismo ang nagbigay ng yakap. Pinunasan ko naman ang mukha kong nabasa ng luha kanina.
"Basta, 'wag mo nang gagawin 'yung ginawa mo kanina ah?" Aniyang natatawa.
Ilang linggo matapos ng pag-amin ko sa kaniya, ay masasabi kong maraming nagbago. Sabi namin sa isa't isa ay walang magbabago, pero iba ang nangyari.
Lagi niyang kasama ang boyfriend niya. Oo, sila na ni Clark. Napakasakit nu'ng nalaman ko ang balitang 'yon, pero sinubukan kong mag-move on.
Ako ang kusang lumayo sa kaniya dahil gusto ko nang kalimutan ang nararamdaman para sa kaniya. Tinuon ko sa ibang bagay ang atensyon ko.
Hindi ako gumamit ng ibang tao para makalimutan itong pag-ibig na nararamdaman ko, dahil alam kong mali iyon.
Kailangan kong alisin itong nararamdaman ko para sa kaniya. Ang maging "kami" ay isang kathang isip lamang. Walang realidad. Hanggang imahinasyon ko lang. Itong kathang isip na dala ng pagmamahal ko sa kaniya ay dapat ko nang kalimutan. Dapat ay magising ako sa katotohanang imposible kami.
Lahat ng saya na naramdaman ko sa kaniya ay isang panaginip lamang, lalo na ang isiping pareho ang tibok ng puso naming dalawa. Kailangan ko nang gumising sa panaginip na ito, dahil baka mas lalo lang lumalim ang pananaginip ko hanggang sa maging bangungot na ito na maaring ikasira ko, at hindi ko hahayaang umabot sa ganoon.
Salamat sa pag-amin ko sa kaniya. Dahil sa mga pagbabagong nangyari, ay nagising ako mula sa aking mga kathang isip.










