Ginoong Hindi Pinili (Short story)
Share with your friends
Customize readability

Ginoong Hindi Pinili (Short story)

All Rights Reserved ©

Summary

Joseph Mariano

Status
Complete
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
18+

Ginoong hindi pinili

Joseph Mariano

"Itutuloy mo ang pag-aaral mo?" tanong ni Benji, isa sa mga kaibigan ko.

Hindi ko siya inimbita dito para hindi niya malaman ang pag-alis ko, pero heto siya ngayon at bumibisita. Naabutan niya tuloy akong nag-aalsabalutan. Uuwi kasi ako sa probinsiya para ituloy ang naudlot kong pangarap noong bata pa ako.

Oo lang ang tanging naisagot ko sa kaniya habang nagtutupi ng ilan pang mga damit na inilalagay ko sa maleta.

"36 ka na tol! sigurado ka? Mas magandang manatil-

"Ano naman kung may edad na ako? Walang masama sa pagbabalik eskuwela! At saka buo na ang desisyon ko. Hindi mo na ako mapipigilan," saad ko sa kaniya bago isara ang maleta ko at tumayo na.

Isa akong NPA (No permanent address), kaya konti lang din ang gamit ko rito; kasyang-kasya sa maliit na lalagyan.

"Salamin mo tol, hindi mo kukunin?" turo niya sa salamin na may kalahating dipa ang haba, nakadikit ito sa dingding malapit sa amin. Nakita ko ang repleksiyon ko doon na lalong sumuntok sa akin kung gaano ako kameserable ngayon. Mula sa katawan kong bumaba ang timbang at sa mukha kong walang hilamos ay napabuntong hininga ako.

"Iiwan ko na 'yan," saad ko bago ihaplos ang isang kamay sa aking mukha at iiwas ang tingin sa salamin. Inilibot ko sa apat na sulok ng kuwarto ang paningin ko.

"Paano si Kristine? Akala ko ba hindi mo siya iiwan?"

Napatigil ako sa paglilibot ng tingin sa aking apartment ng marinig ko ang tanong niyang iyon. Mabigat sa loob.

"Akala ko rin hindi, pero heto't iiwan ko na siya," saad ko bago hilain ang maleta at lumabas na.

Masyadong madrama ang buhay pag-ibig ko.

Nang makita kong nanatili siya sa loob ay kinatok ko ng bahagya ang digdig na malapit sa akin para makuha ang atensiyon niya. Tulala siyang nilingon ako na para bang may nasabi akong hindi kapani-paniwala. Natawa tuloy ako.

"Lalabas ka ba o sasabihin ko kay aleng Ising na mangungupahan ka na lang dito?" biro ko sa kaniya, dali-dali naman siyang lumabas at siya na mismo ang nagsara ng pinto.

"Gusto mo bang halayin ako dito?" ngumiwi siya. Patay na patay kasi sa kaniya ang landlady rito. Nagtataka nga ako kung bakit siya napunta ngayon dito gayong ayaw niyang makita man lang ni aleng Ising.

"Ano bang sadya mo? Importante ano? Kung pera ang kailangan mo wala ako no'n ngayon. Meron lang ako dito isang daan na pupuwe -

"Nagpasama sa akin si Kristine. Bawal ang babae dito kaya wala akong choice. Iyak nang iyak, bro! kaya kahit takot ako kay Ising, ginawa ko pa rin para kumbinsihin kang kausapin sana siya kahit saglit lang."

Natigil ako sa paghakbang dahil sa impormasyong sinabi niya. Nandito ang babaeng 'yon?

Gala nang gala alam niyang masama sa kaniya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Ngayon ko lang naalala, nagulat kasi akong aalis ka na. Sorry."

Halos takbuhin ko na ang daan para makarating agad sa labasan at hanapin ang Kristine na sinasabi niya. . .at hindi naman ako nabigo. Nandito nga siya.

Hayun at nakikipagkuwentuhan sa ale na nagtitinda ng mga kakanin. Gumuhit ang mapait na ngiti sa aking labi nang bumaba ang paningin ko sa medyo maumbok niyang tiyan.

Pakiramdam ko tuluyan nang naabo ang puso ko nang makita ko siyang gano'n.

"Ilan ang gusto mong anak?"

Tanong niya sa akin habang nagluluto ako ng agahan para sa kaniya.

"Tatlo, ikaw? ilan ba gusto mo?"

Natutuwa talaga ako at open siya sa ganitong usapan, tila ba'y kasama ako sa mga plano niya sa hinaharap.

"Tatlo rin," sagot niya bago bahagyang tumawa.

"Pero hindi pa puwede ngagon Kris, wala pa akong naipundar na bahay." Pinatay ko ang stove at humarap nang tuluyan sa kaniya.

Sumimangot siya, ngumiti naman ako bago siya gawaran ng mabilis na halik sa kaniyang noo.

Kumuha ako ng dalawang plato at inilapag iyon sa kamesang nasa harapan niya. Nang muli ko siyang tignan, nakanguso na naman siya.

Natawa tuloy ako.

"Bakit?" tanong ko.

"Naisip ko lang na ang ginoo mo masyado, parang hindi ka totoo."

Natawa ako. "Totoo ako Kristine, may mga lalaki talagang maginoo pa. Nobyo mo na nga ang isa, kaya maniwala ka na."

A month ago I offer her a wedding, sabi ko kahit sa huwes lang muna pero tumanggi siya. Sabi ko pupuwede akong maging ama ng dinadala niya kung talagang mahal niya pa ako. I gave her a choice but she didn't choose me.

Kung alam ko lang na magiging ganito ay hindi na sana ako nagpaka-maginoo sa kaniya noon. Baka sakaling ako sana ang ama ng batang dinadala niya ngayon.

"Kristine!" pagkuha ko sa atensiyon niya.

Nang lumingon siya sa akin ay namungay ang kaniyang mga mata. Nagpaalam muna siya sa aleng kakuwentuhan niya, bago maingat na lumakad papunta sa akin.

"Alam mo ba kung anong pangarap ko?"

"Ano?"

"Ang maglakad sa altar habang hinihintay mo."

Nanubig ang aking mata sa naalala. Nakakatawa na naglalakad nga siya papalapit sa akin ngayon-walang magarbong gown at nasa kalsada. . .ngunit hindi upang itali ang sarili sa akin. Kundi para ipaalam na meron na siyang iba kasi hindi niya ako pinili.

"Aalis ka?" tanong niya nang makalapit na sa akin. Sa paraan ng pagtatanong niya para lang kaming normal na magkaibigan, akala mo hindi kami nagkasagutan no'ng nakaraang buwan, no'ng nakita ko siya.

"Oo" simpleng sagot ko, tila may nakaharang na malaking bara sa aking lalamunan.

Gusto ko mang yayain siyang muli na pakasalan ako pero hindi ko na iyon gagawin. Magpapakasal na kasi siya sa iba.

Ngumiti siya ng tipid sa akin bago sana hawakan ang pisngi ko ngunit agad akong umiwas dahilan upang maiwan ang kamay niya sa ere. Ibinaba niya ito at parang naiiyak na tumingin muli sa mata ko. . .sa mga mata kong siya lang ang nakikita---sa mga mata kong saksi sa lahat ng pinagdaanan namin bilang magkasintahan.

"Patawad," mahina niyang saad bago magpunas ng luha.

"Rix, may nakuha ka na bang impormasyon tungkol kay Kristine?" tanong ko sa kaibigan kong nasa maynila. Sa ngayon umaasa muna ako sa kaniya, wala pa kasi akong pamasahe patungo doon, pinag-iipunan ko pa lang. Pero sisiguraduhin ko sa oras na meron na, agad akong luluwas para hanapin si Kristine---si Kristine na ilang buwan ng hindi nagpapakita sa akin matapos ang ika-anim naming anibersaryo.

"Joseph pare wala talaga. Pinuntahan ko na rin iyong sinabi mong address ng parents niya, pero wala pa rin siya roon." Sagot ni Rix sa kabilang linya.

"Sinubukan mo na ba sa kaibigan niyang si Madison?" tanong ko pa. Bumuntong hininga naman ang nasa kabilang linya.

"Oo, wala talaga"

"Sige, salamat. Pasensiya na sa abala."

"Walang problema pre, sige ibababa ko na at tinatawag na ako ng boss ko."

Iyon lang at namatay na ang tawag. Tila nagmamadali siya.

"Hinanap kita Kristine. Hinanap kita ng ilang buwan kasi mahal na mahal kita," pahina nang pahina na saad ko.

Nagsimula siyang umiyak ngunit wala akong ginawa para patahanin siya.

Ang pag-iwan sa taong handang punasan ang luha mo ay isang kabaliwan; dahil kapag tinalikuran mo siya, dapat handa ka nang magpunas ng sariling luha na lalandas sa iyong mga mata.

"Hindi ko alam na hindi pala naging sapat iyon para manatili ka." Dagdag ko bago humakbang para lampasan siya.

"Maging masaya sana kayo."

Isinawalang bahala ko ang hikbi at paghingi niya ng tawad. Imbes na matuwa kasi ay mas lalo lang ako nadurog.

Ang pinipigilan kong pagluha ay tuluyan nang bumagsak ng kumurap ako. Kung gaano ito kabilis gumulong paibaba ng aking pisngi ay ganoon ko rin ito kabilis na punasan. Hindi ko alintana ang init na nararamdaman ko sa aking balat. Walang lingunan akong nagtuloy sa mabagal na paglakad patungo sa sakayan ng dyip.

"O isa na lang! isa na lang!" rinig kong sigaw ng mamang nagtatawag ng pasahero sa isang dyip na nakahinto. Doon ako sumakay at nakipagsiksikan sa mga nasa loob.

Pinagtitinginan ako ng ilang pasahero, pero gayon pa man nagbulagbulagan ako sa mapangusisa nilang tingin. Inilabas ko ang cellphone ko mula sa aking maleta at nagtipa ng mensahe para kay Benji.

"Ihatid mo siya pauwi kay Rix. Paki sabi best wishes."

The end

Did you enjoy my story? Please let me know what you think by leaving a review! Thanks, Pen Guevarra

Let Pen Guevarra know what you thought about this chapter!

Further Recommendations

The Alpha's Exiled Mate (ON HOLD)

Catherineb83: Story good just would have liked her not to wear a mask

Read Now
Bear Shifter Secrets

tatianne Ingrid: Adorei cada capitulo! parabens

Read Now
The zatorian

lunaartsoul___: I loved the way your story unfolds. The emotional depth and structure made it feel very engaging, almost cinematic at times.I’m someone who enjoys both reading and visual storytelling, and your work really stood out to me. If you’re open to chatting about creative ideas someday, I’d love that.

Read Now
My Blacksmith Savior

apolloavr04: I love it. It's a great story.

Read Now
Going For The Goalie

S.TYTECA: I really enjoyed reading this book! The story was engaging and kept me interested throughout. There were a few minor spelling errors here and there, and some parts felt a little drawn out for my personal taste, but that’s purely subjective. Overall, it was a lovely read, and I genuinely enjoyed the ...

Read Now
Ruthless Lord

susiebear2012: Realy enjoyed this so looking forward to more.great story line hope they can achieve getting away from the kings burden. Truly amazing well written well done.

Read Now
Hit and Run

ZaraPearl: I truly love the story, very intersting and lovely.Sebastian is a great character and yoda ..., all of it , though I expected more at the endingi5 would've been great

Read Now
Rebuilding After Betrayal

Lynne: Very enjoyable short story good characters and they all found love n honesty.

Read Now
The Easter Bunny

Talia Kendrick : Honestly I love the book. Here is how I feel about each character: Detective Kayla is an Idiot, I can't stand this lady and I feel so bad for braelyn and Phoenix because after everything they have been through it makes me angry that they have to go through this again. Sure Phoenix doesn't know about...

Read Now