Passion
Share with your friends
Customize readability

Passion

All Rights Reserved ©

Summary

Percy Guevarra

Status
Complete
Chapters
1
Rating
n/a
Age Rating
18+

Pintor

Sabi nila, hindi ako magaling.

Pero sabi niya, mahusay ako.

Sabi nila, tumigil na ako — pero sabi niya, ituloy ko. "Naniniwala ako sa 'yo."

Iisa na lang ang ngipin niya pero natutuwa ako kapag ngumingiti siya. Kumikinang ang mga mata niya — tuwang-tuwa sa iginuguhit ko.

Nakatayo kaming dalawa at mataman niyang pinapanood ang bawat pagkumpas ng kamay ko.

"Bakit hindi ka magpintor? Bakit pagtuturo ang kinuha mo?" tanong niya habang nakatuon pa rin sa iginuguhit ko. Sandali akong napangiti at tinignan siya. Bakit nga ba?

Kasi sinabi nila.

"Wala raw hong pera rito."

Hindi siya sinagot, kaya nanahimik na lang din ako.

Itinigil ang huling tinta para sa buhok.

Nagsialisan ang ibang manunuod - pero hindi siya. Nanatili siyang nakatingin sa ginagawa ko. Tila ito na ang pinakamagandang obra maestra, hindi kumukurap na para bang batang manunuod ng magandang palabas. Tahimik na animo'y ninanamnam ang bawat pagguhit ko.

#

Noong bata pa ako, palagi siyang nakangiti tuwing nakikita ko. Hawak ang Gin na madalas niyang tangan, at tsinelas na nakasukbit sa magkabila niyang braso.

Susuray-suray siyang naglalakad habang tumatawa ng walang humpay kahit wala naman siyang kausap.

"Magandang umaga Bong!" pagbati niya kay manong Bong na may hawak na tandang.

"Teka! Teka! Wag kang lalapit! Baka malasin ang panabong ko!" Taboy ni mang Bong. Inilayo niya ang manok kay uncle.

"Tatang!" sigaw ko, para pigilan ang pagsagot ni uncle sa kausap.

Mabilis namang lumingon si Uncle sa direksyon ko. Pinasingkit niya ang mata niya para kilalanin ako.

Nang sa wakas ay makilala niya na 'ko ay napangiti siya at kumaway.

"Ser! Ang pamangkin kong matalino!" sabi niya bilang pagmamalaki sa mga nagdaraan.

Nginitian ako ni mang Bong.

"Magandang umaga, Perci!" pagbati nito na sinuklian ko naman ng pagbati at ngiti.

"Huwag kang ngingiti-ngiti kay Ser! Baka malasin 'yan!" sabat naman ni uncle, bago ikumpas ang kamay malapit sa mukha ng mang Bong- katulad ng ginawa nito kanina sa kaniya.

Natawa ang mga nakakita.

#

"Kapag nag-aral ulit ako, gusto ko ikaw magtuturo sa 'kin," sabi ni uncle sabay tungga ng Gin sa hawak na baso.

Napangiti ako at tumango.

Sabi ni Tatay, Grade two lang ang natapos ni Uncle Jimmy. Maagang nagbanat ng buto at napariwara. Sabi pa ni tatay, mas pinili raw nitong magtanim kaysa maupo maghapon sa eskwelahan.

Sa edad na sampo, lumayas ito sa bahay nila at namasukan bilang trabahador sa kabilang bayan. Nagkasakit daw kasi si lolo. Kailangan ng gamot para umimpis ang bukol sa ngalangala nito.

Sa edad na labing-isa, natuto si uncle manigarilyo at mag-inom ng alak. Sa mga katrabaho niya raw ito natutunan - sabi niya. Pampawala ng stress at pagod sa maghapong paggawa.

"Magtapos ka ah? Magbibihis ako ng maganda sa graduation mo!" ikinampay niya ang kaniyang kamay sa ere bago tapikin ang balikat ko at muling magsalin ng alak sa basong hawak.

Beterano ang tawag sa kaniya ng mga tao sa bario namin. Masamang damo raw si uncle. Matagal na raw itong nag-iinom pero hindi pa rin namamatay.

"Isang alamat!" sabi nila.

Pinipigilan ko siyang uminom. Hindi niya raw kaya. Bahagi na raw ito ng buhay niya. Kaibigan niya raw si alak. Pinapasaya raw siya ng bawat lagok niya rito.

"Hindi ka na makakaabot sa graduation ko niyan uncle!" biro ko.

Tumawa lang siya at sumubsob sa lamesang kaharap. He just passed out. Napailing ako.

#

"Iyong tsinelas ko?" tanong niya kinabukasan. Mugto ang mata at nakayapak lang. Wala ngang suot na tsinelas na madalas kong nakikitang nakasukbit sa mga braso niya.

"Wala rito!" sigaw ng kapatid kong nagising dahil sa pambubulabog ni Uncle.

Nakaligtaan niya siguro kung saan niya nailagay matapos magpakalango ng todo kagabi.

"Iyong tsinelas ko Perci? Nakita mo?" tanong niya.

"Sa kubo ho ba tinignan niyo na?"

Nagmamadali itong umalis sa harapan ko. Pumunta sa kubo para hanapin ang panyapak. Nagbabaka sakali na doon niya nga naiwan.

Sinundan ko siya para tulungan sa paghahanap. Iginala ko ang paningin ko sa buong kubo.

Halos isang taon niya na ang tsinelas na iyon. Palagi niyang dinadala kahit saan siya magpunta. Ipinagmamalaki niya ito sa mga kainuman niya kapag sobrang lasing na.

"Regalo 'to ng anak ko!"

Mahalaga sa kaniya iyon. Hindi niya nga maiwan. Sabi niya kaisa-isang regalo raw iyon ng anak niya no'ng unang sahod nito.

"Nawala na," sambit ni uncle gamit ang garalgal na tinig.

Hinaplos niya ang mukha niya paibaba bago magmura.

"Bibilhan ko na lang ho kayo ng bago," saad ko nang makalapit at maupo sa tabi niya.

#

"Oh bakit umiiyak? Iniwan ka ng nobya mo?" tanong niya ng minsang nakita niya akong umiiyak.

Nagpunas ako ng luha at umayos ng upo bago ngumiti. "Hindi ho. Napagod lang sa school."

"Ganiyan talaga kapag hindi ka masaya sa kursong kinuha mo." Inilahad niya sa akin ang isang baso ng Gin. Kinuha ko naman ito at mabilis na nilagok ang laman.

"Hindi naman ako pupuwedeng mag-iba ng kukunin, Uncle. Papalayasin nila 'ko," sagot ko habang napapangiwi dahil sa tapang ng lasa ng alak.

Tinanggihan ko ang pangalawang baso na inaalok niya.

"Edi sa bahay ka tumira! Pag-aaralin kita. Igagapang ko ang pangmatrikula mo!"

"Hindi na uncle. Kaya ko pa naman." sagot ko bago tumingin sa buwan.

#

"Ano 'yan? Gawain mo sa school?" tanong ni tatay habang inuusisa ang dino-drawing ko.

"Hindi ho, Tay, sinusubukan ko lang kung kaya ko pa," alanganin kong sagot.

"Hindi naman pala para sa school. Sinasayang mo lang ang oras mo diyan. Kung tinulungan mo ko sa bukid e 'di nagkatulong ka pa."

Binasa ko ang ibabang labi ko bago sana sagutin siya pero nagpigil ako. Nakakainis.

Dating pintor si Tatay. Magaganda ang mga gawa niya sabi ni lola. Kaya naman tinanong ko siya kung nasaan na ang mga ipininta niya.

Ang inaasahan kong maayos na sagot ay hindi ko natanggap. Sa halip minura niya ako.

"Tanga lang ang pinipili ang pagpipinta kahit wala ka ng makain! Hindi ka mabubusog ng pangkulay at papel mo!"

No'ng araw na iyon, una kong nakitang naglasing siya. Kinabukasan isinisi niya sa akin ang sakit ng ulo dahil sa pag-inom.

Huwag na raw ulit akong magtatanong kay tatay - sabi ni nanay. Nagwawala kasi ito kapag tinatanong ang tungkol sa dating pangarap niya.

Kaya naman, simula ng araw na 'yon, patago na akong gumuguhit.

Hindi na 'ko umasang makaririnig ng papuri galing sa kaniya.

"Galit lang iyon kasi pangit ang gawa niya!" sabi ni uncle na tinawanan ko lang.

"Tanga 'yon e. Kung ako ang may pangarap hindi ko susukuan!" iling niya bago tunggain ang huling patak ng Gin.

"Kaya ikaw -" yumuko siya at umiling ng ilang ulit " - Huwag kang tutulad sa kaniya." ngumiti siya sa kawalan na siyang tinanguan ko.

Hindi ko alam na iyon na pala ang huling araw na papayuhan niya ako.

He died, the day before my graduation in college.

Sabi nila, naglakbay raw ang kaluluwa ni uncle at nabigo raw makabalik.

Ang sabi naman ng iba—malamang ay dahil daw sa alak.

Pero iba ang paniniwala ko.

Namatay siya dahil sa mga anak niya. Hindi siya maglalasing kung hindi dahil sa kanila.

Umalis sila matapos paaralin ni uncle. Umalis sila at hindi na lumingon pa. Ikinakahiya nila si uncle dahil isa lang itong magsasaka.

Kaya kong sumbatan ang lahat at sabihing Diyos ang kumuha sa kaniya. Gusto kong ipagsigawan na mabuti siyang tao.

He's better than anyone else. He's better than our home. He gave me comfort and satisfaction. He gave me reason not to give up.

To chase my dream.

To get drunk, with the comfort of its bitterness.

To appreciate the moon and stars--even the drarkest days of my life.

"Percibal Guevarra." Tumayo ako at lumakad papuntang stage para kunin ang diploma ko.

Hindi niya natupad ang pangako niya.

Itinaas ko ang diploma ko at ngumiti sa langit.

"Nakikita mo 'to uncle? Para sa 'yo 'to!"

Wala na ang numero uno kong tagahanga.

Maduga si Uncle. Hindi niya tinupad ang pangako niya.

Suminghot ako ng matindi pagkaharap na pagkaharap sa kabaong niya.

Nasa gitna ako ng pagluha ng bigla akong may maalala.

"Gusto kong tugtog kapag patay na 'ko ay tatcha!"

"Bakit uncle?"

"Para iyong mga nagbubuhat ng kabaong - imbes na aabante lang ay aatras pa!"

"Salamat, uncle."

Pangako. Turuparin ko ang pangarap natin.


Wakas

Did you enjoy my story? Please let me know what you think by leaving a review! Thanks, Pen Guevarra

Let Pen Guevarra know what you thought about this chapter!

Further Recommendations

The Missing Heir | Billionaire Romance

Inkiminki: Read this twice back to back.... (and read a couple of the chapters several times - phew - hot stuff). Clearly defined characters. Great stuff

Read Now
THE ALPHA WHO REFUSED TO APOLOGIZE

PansyPotter: I liked that the main female character is written to be a strong and intelligent woman

Read Now
My Blacksmith Savior

apolloavr04: I love it. It's a great story.

Read Now
Nothing Between Us

Elizabeth: It is engaging and entertaining.

Read Now
PARIS IN THE DARK

starlit_soul: The story was beautifull. I hope that every paris find her julien who heals her.

Read Now
The Grumpy Next Door

mmurphy1008: This book had my attention from the very first chapter! It has romance and humor and just enough tension to keep it moving along. Can’t wait to read more from this author.

Read Now
Bloodlines

Read4Free16: Fantastic development of characters and story line

Read Now
We Only Fake It on the Weekends

MFreeman5: Beautifully written, loved the plot- the characters. The ending ❤️ So great and can’t wait to read more from you!

Read Now
THE RIDGE

Kay Green: I read it in one sitting. So engaging. Loved it.

Read Now